You are on page 1of 1

Medeya faye cruzand angelo g.

palma
Sila ay tunay kong mga kaibigan
.

Mapagkakatiwalaan mo sa iyong sekreto.


Nandiyan palagi sa iyong tabi, kahit ano mang mangyari.
Masipag sa pag-aaral
Tinutulongan nila ako sa mga awtput, takdang-aralin at lalong-lalo na sa
proyekto ko.
Maaasahan sa lahat ng bagay.
Dadamayan ako sa aking mga problema.
Masayahin at matalino
Ang unforgettable moments ko sa kanila ay iyong naging kagropo ko sila sa isang proyekto sa
Filipino. Nagkita kami sa aming bahay. At masayang bumili ng mga gamit para sa aming
disenyo, syempre kasabay nun ay ang aming makulit na paguusap-usap. Pinakain ko sila ng “sky
flakes” at pinainom ng “juice”. Kahit ganoon lang, hindi naalis sa amin ang tawanan at
kwentohan. Sa ganon kaliit na bagay, ay naging isa sa mga pinakamasaya kong araw na kasama
ang dalawang kong “BESTFRIEND”.

Mga bagay na natutunan ko sa kanila ay iyong, pinapakita nila sa akin kung gaano ako sa
importanteng tao sa mundo, na meron akong kaibigang tunay at tapat sa akin. Natutunan kong
imulat ang aking mga mata at tumayo sa sarili kong paa. Tinuruan nila akong tumawa sa oras ng
aking problema. Dahil sa kanila natutunan ko kong paano magpahalaga sa isang bagay na
nagbigay sa akin ng kulay. Kaya lahat ng mga nangyari sa amin ay aking pagyayamanin, at
ibahagi sa mundo, hanggang sa mamatay ako , hanggang sa ala-ala nalang ang maiwan sa
magkakaibigang naniniwala sa kasabihang “walang iwanan”.

Naituturo ko sa kanila ay iisang bagay lamang ngunit makapangyarihan sa lahat, iyon ay ang
“TUNAY NA PAGMAMAHAL”. Mahirap mabuo ngunit matagal mawala. Kakalabanin mo
man ang oras at panahon, pagmamahal pa rin sa isa’t-isa ang uusbong at uusbong. Tapat nila
akong kinaibigan at tapat ko rin silang kakaibiganin. Hindi ko man sila napatawa ngunit
napasaya ko naman sila gamit ng aking tunay na pagmamahal.

Marami tayong mga kaibigan ngunit dapat tayong pumili ng tunay na kaibigan,
kaibigan na kung anong mangyari nandiyan sila para sayo. Hindi iyong kaibigan
ka nila dahil sa kailangan ka nila. Dahil hindi sa lahat ng oras may kakayahan
tayong tumulong sa kanila. Tao rin tayo, hindi perpekto. Kaya hindi natin
masabing “Kaibigan kita, dahil kailangan kita”. Pinili ko silang maging
bestfriend, dahil pinakita nila sa akin na ang lahat ng ginagawa nila ay tunay at
tapat. Sa tuwing may problema ako, sila ang nagpapasigla sa akin. Isang ngiti
lang nila, masaya na ako. Siguro hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,
kung sakaling mawala man sila sa akin. Dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit
patuloy parin akong lumalakad sa daang walang katapusan.

You might also like