You are on page 1of 1

KAIBIGAN

Sa aking pinakamagandang guro, isang magandang araw po Propesor Pescadera. Nawa’y sa


araw na ito sana’y bigyan niyo po ako ng pagkakataaon na ibahagi ang aking ginawang talumpati na
pinamagatan na “Kaibigan”

Sa ilang taong pamamalagi dito sa mundong ito , sa bawat araw na lumilipas, hindi pa rin
mawaglit sa aking isipan ang isang katanungan , sa inyong palagay? Bakit nga ba meron tayong
tinatawag na kaibigan? Bakit ba natin sila kailangan? O, bakit kaibigan ang tawag natin sa kanila?
Dahil sila ba ang nakakasama natin pag wala tayo sa bahay? O d kaya'y karamay natin sa bawat
nating problema.

Sa aking pagkakaalam ang tinatawag na Kaibigan ay ang mga taong ating


pinagkakatiwalaan,sinasabihan ng ating mga problema at higit sa lahat mga pinakatago-tagong
sekreto. Maaari rin naman nating sabihin , na dahil sa kanila mas nakikilala natin ang ating sarili ,
ang ating tunay na pagkatao. Sa kanila din tayo nakakapaglabas ng sama ng loob mga hinaing at
mga saloobin na hindi natin masabi-sabi sa ating mga magulang ngunit dapat pa rin nating
pakatandaan na hindi lahat ng kaibigan ay mabubuti, mayroong gusto lamang tayong
gamitin,mayroon ding gusto lang tayo pag may kailangan , ang iba nama'y gusto lang tayong
makasama sa walang kwentang bisyo. Dapat tayong lahat ay maging matalino sa kung anong
klaseng kaibigan tayo mapapabilang, makakatulong ba sila o makaka sama, karapatdapat ba sila o
hindi. Kung sa palagay mong hindi tama huwag ng subukang gumawa ng mali, huwag matakot sa
kanilang pagbabanta gumawa ng aksyon at ang lahat ng kamalian ay itama.

Hindi naman masama kung pa minsan- minsan susubukan nating maging tama, hindi lamang
para sa pansarili nating kapakanan kundi pati narin ng ibang tao. Oo, tama kailangan natin ng isang
kaibigan, kaibigan na maaasahan natin, makakatulong at makakapagpabago sa atin. Hindi ba't ang
kaibigan ang bukod tanging meron tayo sa paaralan, kasama natin silang bumubuo ng masasayang
alaala sa bawat araw natin. Sila ang nagsisilbing paalala sa atin na hindi tayo nag-iisa sa bawat
gawaing ating ginagawa dahil nandyan sila para tayo ay damayan.

Mga simpleng katanungan lamang lahat ng iyon sa simula pero hindi ba't tayo ay napapaisip ,
kung bakit nga ba ? Bakit nga ba tayo may tinatawag na kaibigan. Sa simula'y parang kay hirap
sagutin ngunit kung ating paglalaanan ng oras at pag-iisipang mabuti bukod tanging tayo lang din
ang makakasgot ng bawat nating katanungan. Ikaw? Napagtantu mo na ba kung bakit meron kang
kaibigan? Kung bakit nandyan sila para sayo? Ngayon palng alamin mo na ,bigyan sila ng halaga
at pasalamatan dahil sila ay isang biyayang binigay ng poong may kapal . Maging isang mabuting
tao, maging isang mabuting kaibigan . Upang kahit na ikaw'y mapasaan magkakaroon ka din ng
isang kaibigan .

You might also like