You are on page 1of 2

# Barkada

Marahil ay isa ka sa mga taong may itinuturing na kaibigan. Iyan man ay marami
at halos di mabilang, o kahit pa nag-iisa lamang, ang importante ay mayroon tayong
tunay na barkada na nakakasama natin sa lungkot, sa saya o sa problema man. Ang
barkada ay isa sa mga kaibigan nating gusto nating makasama sa hirap at ginhawa, sa
pagkabigo man o sa kasiyahan. Ang barkada ay may kahulugan sa ating buhay na
kung saan sila ay nagiging sandalan natin kung may problema at higit sa lahat
maituturing natin pamilya o kapatid, ika nga nila hindi man kami magkaparehas nang
dugo na dumadaloy sa aming katawan ngunit magkatulad kami ng uri ng puso.

Bilang isang mag aaral, sa anim na taon kong pag aaral sa Libertad National
High School may nakilala akong mga kaibigan na maiituring kung barkada, simula’t sa
pol nandyan sila sa aking tabi upang damayan ako sa aking problema, pinapasaya nila
ako sa pamamagitan ng isang biro at mga bagay na nakakaliw. Kaming barkada ay
magkakasama sa hirap man o ginhawa kagaya na lang sa isang pagsusulit kung ano
ang sagot ng isa, sagot na rin ng lahat, kung ano ang kabaliwan ng isa ganun din ang
lahat, kami ay nagtutugma sa lahat ng mga bagay na aming gustong gawin, lakad doon,
lakad dito, na minsan kami ay na patawag na sa isang guidance counsellor. Ngunit sa
kabila nito meron mga problema, hindi magkasundo at pag aaway na nangyayari ngunit
hindi ito naging daan upang masira ang aming barkada, kundi mas nagiging matibay
kami sa lahat nang pagsubok na amin mararansan. Hindi lang batsa barakda ang aking
maiituturing sa kanila ngunit isa nang pamilya, nagdadamayan kami sa lahat nang mga
problema, kung ano ang problema ng isa problema na rin nang lahat ayon nga sa kanta
nang awit ng barkada “Nandirito kami, ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo, Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, Kami'y kasama mo”

Kaya naman sa aking mga barkada sa paaralan man o sa sa luagar na aking


natitirahan, maraming salamat sa lahat ng inying natulong. Nagpapasalamat ako nang
walang humpay at kayo’y aking nakilala. Maraming salamat sa inyo at ako’y inyong
naunawaan kahit na ako’y karaniwang nagbabago ng ugali. Kayo’y mga biyaya ng
Diyos. Nawa’y hindi kayo magbago, ako’y mabibigo kung kayo ay mawawala sa aking
buhay. Ni minsan ay hindi sana kayo mawalay sa aking buhay. Kayo ay mananatili sa
aking puso at isipan. Ang inyong mga ginintuang pangalan ay aking iimprenta sa aking
puso. Sa aking kabarkada, nawa’y ang ating samahan ay hindi magbago.

You might also like