You are on page 1of 13

Pag-aaral sa mga Benepisyo at Disbentaha

ukol sa Paggamit ng Enerhiyang Nukleyar sa Bansang Pilipinas


ABSTRAK:Ang nukleyar na enerhiya ay ang enerhiya na karaniwang matatamo natin sa
pamamagitan ng radiation ng mga atomo na sumasailalim sa mga prosesong tinatawag na
nukleyar reaksyon. Ang isang reaksyon ay matatagurian nating nukleyar kung ito ay nasa
proseso ng fusion at fission. Nangyayari naman ang ganitong mga proseso kapag ang isang
elemento na binombahan ng masisiglang particles ay naglabas ng malakas na enerhiya sa
anyo ng radioactive energy. Matapos makamit ang radioactive energy na ito, kinukuha na ito at
ginagawang sangkap upang makabuo ng iba pang enerhiya gaya na lamang ng elektrisidad. Ito
ay ginagamit sa iba’t ibang teknolohiya at industriya. Maliban sa pangunahing gamit nito -
elektrisidad, ito ay ginagamit din sa larangan ng agrikultura bilang panlaban sa mga insekto na
syang pumapatay sa mga pananim. Sa medikal, nabuo ang mga teknolohiya na binubuo ng
nukleyar na enerhiya na karaniwang gamit sa paggamot ng sakit kagaya ng kanser o tumor.
Marami pa itong naiaalok sa atin, katulad ng “water desalination” o pag-aalis ng alat sa tubig
upang ito’y magamit pang-inom, at “space exploration” o paggalugad sa kawalakan. Sa kabila
ng madaming benepisyo nito sa tao at bansa, ito ay malaking banta sa kalusugan at buhay ng
tao. Pangunahing banta na dulot nito ay ang “radioactive waste” o mga tirang radioactive na
kemika nal mapanganib sa kalusugan ng tao, partikular ang sakit na kanser. At ang labis na
pagkakalantad sa “ionizing radiation” mula sa teknolohiyang nukleyar kagaya ng X-rays ay
sumisira sa cells ng katawan at ng ating genetikong materyales o DNA.Sa pananaliksik na
naisagawa, napag-alaman na ang wastong paggamit at sapat na kaalaman tungkol dito ay
dapat matamo ng bawa’t isa. Sa gayon, masusunod ang mga polisiya, mga hakbang
pangkaligtasan ay maisakatupan, at makakamtam ang ligtas at maunlad na lipunan.

Metodolohiya
Ang pag-aaral na ito ay isang malayang pamamaraan ng pagsasagawa ng pananaliksik. Ito ay
ginamitan ng deskriptibong pamamaraan sa paglalarawan. Isinaad ni Valdez (2019) na ang
deskriptibong pag-aaral ay tumatalakay sa pangkasasluuyang ginagawa, pamantayan, at
kalagayan. Tinutugunan nito ang mga tanong na mayroong kinalaman sa paksa ng pananaliksik
tulad ng sino, ano, kailan, at paano. Kung kaya at ang ganitong uri ng pamamaraan ng
paglalarawan ng pananaliksik ay angkop lamang upang mailarawan at maanalisa ang mga
datos na kinalap ng mga mananaliksik. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang
mga benipisyo at disbentaha ukol sa paggamit ng enerhiyang nuclear sa bansang Pilipinas.
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagpupulong online sa tulong ng Google
Meet at ng iba pang mga makabagong teknolohiya. Ang iba’t-ibang bahagi ng pag-aaral na ito
ay hinati-hati at ibinahagi sa mga mananaliksik nang sa gayon ay mapadali ang pananaliksik.
Upang makakuha ng sapat at kinakailangang datos, nilikom at inapuhap ang mga impormasyon
sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa internet sapagkat malawak ang sakop ng pag-aaral tungkol
sa nuklear. Binisita ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang pook-sapot upang matiyak ang
kawastuhan at kalidad ng pananaliksik na ito.
Pasimula
Ang enerhiyang nuklear ay ang uri ng enerhiya na inilabas kapag ang atomic nuclei ay
nahati o pinagsama. Ang reaksyong nuklear ay ang pagbabago sa komposisyon ng atomic
nucleus ng isang elemento upang maiiba ang sarili nito patungo sa ibang uri ng elemento. Ang
ilang isotopes ng ilang mga elemento ay maaaring maglabas ng enerhiya sa pamamagitan ng
mga reaksyong nuklear. Ito ay batay sa prinsipyo na ang pagbabago ng masa sa enerhiya ay
nangyayari sa mga reaksyong nuklear. Mayroong dalawang proseso na ginagamit ang
enerhiyang nuclear upang ito ay maging kapaki-pakinabang at gumawa ng kuryente. Ito ay ang
nuclear fission at nuclear fusion. Sa nuclear fission, ang hindi bababa sa dalawang nuclei ay
nagsasama upang bumuo ng isang bagong nucleus, ang nucleus ng isang atom ay nahahati sa
dalawa o higit pang nuclear fusion. Ang proseso ng nuklear fission ay nagaganap sa loob ng
isang nuclear reactor. Sa loob ng reactor na ito ay ang radioactive element katulad ng Uranium
na sumasailalim sa nuclear fission na pinagmumulan ng init na gumagawa ng singaw upang
ikutin ang mga turbine para gumawa ng kuryente. 

Mayroong mga benepisyo ang maaaring pagtuunan ng pansin at gamitin habang


binabantayan ang mga hakbang sa pag-iingat. Kabilang sa mga ito ang mababang paglikha ng
planta ng carbon dioxide at iba pang gas na nagpapalala sa greenhouse effect. Kasalungat ng
tradisyunal na planta kung saan nagsusunog ng fossil fuel na naglalabas ng malaking porsyento
ng greenhouse gases sa himpapawid. Ang nuclear na enerhiya ang may pinakamataas na
produksiyon ng enerhiya. Ito ay maaaring sukatin gamit ang capacity factor, ang sukat ng kung
gaano kadalas tumatakbo ang isang power plant para sa isang tiyak na panahon. Ayon sa US
Department of Energy noong 2020, 93.5% ang capacity factor ng nuclear energy samantalang
ang sumunod dito ay nasa 56.8% lamang na natural gas. Mapapansin na halos walang latak sa
paggamit ng nuclear na enerhiya at ito ay higit na epektibo kumpara sa iba pang planta. Ang
ginagamit sa mga umiiral na nuclear power plant ay ang Uranium-235 na sagana sa buong
mundo at ayon sa maraming pag-aaral ay sasapat para tugunan ang konsumo para sa susunod
na dalawang siglo. Kumpara sa fossil fuels na unti-unting nauubos na tatagal na lamang sa
humigit kumulang dalawampu’t limang taon.  

Ayon sa Nuclear Energy Institute, 30 bansa sa buong mundo ang nagpapatakbo ng 449
commercial nuclear reactors upang makabuo ng enerhiya hanggang noong Abril 2017, at 15
bansa ang kasalukuyang nagtatayo ng 60 karagdagang nukleyar na pasilidad. Ngayon, ang
mga nukleyar power plant ay bumubuo ng humigit-kumulang isang-kapat ng kabuuang enerhiya
ng kuryente sa mundo. Maraming bansa sa Europe, lalo na ang France, Belgium, Slovakia,
Ukraine, at Hungary, ang umaasa sa nuclear energy para makapagbigay ng higit sa kalahati ng
kanilang kuryente. Ang pagbabago ng klima at mga alalahanin sa seguridad ng enerhiya ay
nagpabilis sa pagtatayo ng mga nuclear power plant nitong mga nakaraang taon, partikular sa
silangang Asya. 
Sa kabila ng dumaraming bilang ng mga nuclear reactor, 182 sa mga ito ang pinatigil at
hindi aktibo at isa na dito ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang kauna unahang
nukleyar power plant sa Pilipinas at ito nakabuo ng 623 MW ng kuryente noong 1980.
Gayunpaman, isinara ito noong taong 1986 dahil sa pananagutan sa pulitika at mga
kadahilanang pangkaligtasan (Ong et al.,2021). Lumipas ang panahon, hindi pa rin
nakakalimutan ng karamihan ang BNPP at marami ang nagnanais na muli ito ay buksan upang
mapakinabagan ng bansang Pilipinas. Iniulat ng CNN Philippine Staff na dahil sa pagkalugi sa
ekonomiya, pinaplano pa rin ng gobyerno ng Pilipinas na isaalang-alang ang muling
pagbubukas ng BNPP. Nakikita ng kasalukuyang administrasyon ang BNPP bilang isang
potensyal na solusyon sa patuloy na lumalagong pangangailangan sa enerhiya sa Pilipinas.
Makakatulong rin ito sa pagkakaroon ng mura at masaganang kuryente sa Pilipinas. Sa kabila
ng potensyal bilang pinagmumulan ng kuryente, ang mga mamamayan sa paligid ng BNPP ay
higit na nababahala tungkol sa mga panganib at ang kanilang pananaw dito ay isang lumang
pinagmumulan ng enerhiya. Upang mapalawak ang kaalaman sa pagpapalawig na ito, ang
kasalukuyang gawain ay naglalayong magsaliksik sa mga benepisyo at disbentaha ng paggamit
ng enerhiyang nukleyar sa Pilipinas.

Resulta at Diskusyon
Unang Parte:
Ayon sa isinagawang pag-aaral mula sa naging kabuuang proseso ng pagkalap ng mga
impormasyon at patungkol sa benepisyo ng nukleyar na enerhiya.

 Elektrisidad
Ayon kay Jordan (1970) ang totoong dahilan sa paglalagay ng mga power reactor sa
napakaraming lugar sa US ay para makatipid sa pera. Bagama't mas magastos ang pagtatayo
ng isang nuclear plant kaysa sa para sa isang fossil-fueled na planta, ang mga gastos sa
pagpapatakbo ay mas mababa. Bilang resulta, ang halaga ng kuryente ay magiging mas
mababa kaysa sa dati na ginagamitan ng fossil-fuel.Ang demand para sa kuryente ay halos
dumoble sa loob ng nakalipas na sampung taon, at isa pang pagdoble ang inaasaha sa
susunod na dekada. Habang ang ilan sa pagtaas na ito ay dahil sa paglaki ng populasyon, ang
karamihan nito ay dahil sa mas mataas na pamantayan ng pamumuhay.
Habang ang enerhiyang nuklear ay nagsisimula nang matugunan ang isang bahagi ng
lumalaking pangangailangan para sa kuryente, ang mga fossil fuel (karbon, langis, at gas) ay
sinusunog sa isang nakababahalang bilis. Ang ating maliit na reserba ay mabilis na nauubos.
Mula sa isang malaking planta ng kuryente na pinapagana ng karbon daan-daang toneladang
nakakalason na sulfur oxide ang ibinubuga araw-araw. Bilang karagdagan sa sulfur, ito rin ay
nagbubuga ng libu-libong toneladang carbon dioxide. Napakahalaga na gumawa tayo ng mga
pagsisikap na mabawasan ang pagbuhos ng mga nakakalason na gas, alinman sa
pamamagitan ng pag-alis sa mga ito mula sa mga smokestack, na magpapataas ng halaga ng
kuryente, o sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga nuclear power plant.
Hindi lamang mga coal-fired power plant ang nag-aambag sa polusyon sa hangin sa
bansa; malaki rin ang kontribusyon ng mga sasakyan at trak. Upang mabawasan ang polusyon
na dulot ng pagsusunog, kakailanganin ang malawakang paglipat sa kuryente. Dapat gamitin
ang elektrisidad upang magpainit ng mga tahanan at magpaandar ng mga sasakyan at tren, na
triplehin ang pangangailangan para sa kuryente, isang gawain na malulutas lamang sa
ekonomiya sa pamamagitan ng mga pasilidad ng nuclear power.Ang enerhiyang nuklear ay
nagbibigay ng halos walang limitasyong pinagmumulan ng murang kuryente. Bukod pa rito,
nagbibigay ito ng pagkakataong tumulong sa paglilinis ng kapaligiran.
Ayon sa listahan ng mga umiiral na power plant noong Disyembre 31, 2020 na
nakasaad sa Department of Energy, ang Pilipinas ay mayroong 59 na nakabatay sa karbon, 65
na nakabatay sa langis, 6 sa natural gas, 11 sa geothermal, 75 sa hydroelectric, 32 sa biomass,
7 sa hangin, 45 sa solar, at 1 sa nuclear. Ang kauna-unahan at nag-iisang nuclear power plant
sa Pilipinas, ang BNPP ay hindi kailanman napatakbo dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan at
mga isyu ng korapsyon sa ilalim ng rehimen ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

 Medikal
Nakasaad sa World Nuclear Association na ang mga katangian ng natural radioisotopes, ay
nagbibigay-daan sa iba't ibang mga aplikasyon sa iba't ibang larangan ng modernong buhay.
Ang radiation at radioisotopes ay malawakang ginagamit sa medisina, partikular na para sa
diagnosis (pagtukoy) at therapy (paggamot) ng iba't ibang mga medikal na karamdaman.
Gumagamit ang medisinang nukleyar ng radiation upang magbigay ng impormasyon tungkol sa
paggana ng mga partikular na organ ng isang tao, o upang gamutin ang sakit. Sa karamihan ng
mga kaso, ang impormasyon ay ginagamit ng mga manggagamot upang makagawa ng mabilis
na pagsusuri sa sakit ng pasyente. Ang thyroid, buto, puso, atay, at maraming iba pang mga
organo ay madaling mailarawan, at ang mga karamdaman sa kanilang paggana ay naihayag.
Sa ilang mga kaso, ang radiation ay maaaring gamitin upang gamutin ang mga may sakit na
organ, o mga tumor.
Mahigit 10,000 ospital sa buong mundo ang gumagamit ng radioisotopes sa medisina, at
humigit-kumulang 90% ng mga pamamaraan ay para sa diagnosis. Ang pinakakaraniwang
radioisotope na ginagamit sa pagsusuri ay ang technetium-99 (Tc-99), na may humigit-
kumulang 40 milyong mga pamamaraan bawat taon, na nagkakahalaga ng halos 80% ng lahat
ng mga pamamaraan ng nukleyar na medisina at 85% ng mga diagnostic scan sa medesinang
nukleyar sa buong mundo. Ang medesinang nukleyar ay pinasimunuan noong 1950s ng mga
endocrine-focused physicians na unang gumamit ng iodine-131 upang masuri at kalaunan ay
gamutin ang mga thyroid disorder. Ang mga espesyalista mula sa radiology ay naging kasapi rin
sa mga nakaraang taon, dahil ang pinagsamang PET/CT (positron emission tomography plus
computerized tomography) na mga pamamaraan ay nagpapataas ng papel ng mga accelerator
sa pagbuo ng radioisotope.
 Water Desalination
“Water desalination” o ang pag-aalis ng asin sa tubig dagat ay isa rin sa mga benepisyo na
naibibigay ng enerhiyang nukleyar. Sa pamamagitan ng elektrisidad at init o enerhiya  na nabuo
mula sa Nuclear Power Plant, ang pag-alis ng asin at iba pang mineral mula sa tubig dagat ,at
pag-alis ng mga komposisyon na nagbibigay alat ng tubig mula sa ilalim ng lupa ay
naisasagawa upang makabuo ng maiinom na tubig. 
Ayon sa pag-aaral, 1/5 sa populasyon ng mundo ay walang ligtas na tubig maiinom.
Pangunahing halimbawa ay ang mga tuyot o kalahating tuyot na lugar kagaya ng Asya at North
Africa. Ayon sa tala ng UNESCO noong 2002, ang kakulangan sa tubig maiinom ay nasa 230
bilyon m3/ taon at tinatayang aabot sa  500 trillion galon/taon sa taong 2025. Sa tala naman ng
UN’s International Atomic Energy (IAEA) nasa 2.3 bilyon katao na nasa lugar na may malaking
demand sa tubig maiinom, 1.7 bilyon katao lamang dito ang nakakakamit ng higit kumulang
1000m3/ taon. 
Kaugnay sa pagtaas ng populasyon ay ang pagtaas ng demand sa tubig maiinom.Samakatwid,
sa ulat ng World Energy Outlook noong 2016, nasa 19,000 Desalination Plants ang naipatayo
sa buong mundo. Halos kalahati sa bilang nito ay nasa Middle East, kasunod ang European
Union na mayroong 13%, 9% sa USA at North Africa na may 8%. Ang tubig dagat ang
karaniwang pinoproseso,ito ay nagsusuplay ng 60% ng kapasidad ng planta, kasunod ang
“brackish water” o maalat-alat na tubig na may 20% suplay.
Mayroong mga Desalination Plant na gumagamit ng Power Plant na hindi pinapatakbo ng
enerhiyang nukleyar,katulad ng Ilijan Plant- ang pinakamalaking Power Plant sa Pilipinas.
Tinayo ng KEILCO-KEPCO Ilijan Corporation na matatagpuan sa Ilijan, Batangas. Ito ay
gumagamit ng natural na gas kagaya ng methane, helium at iba pa, at distillate fuel kagaya ng
diesel at petroleum bilang pang-abuno. Ang “desalinated water” na nalilikha ay ginagamit bilang
service water ng mismong planta, fire protection ng munisipalidad, suplay ng maiinom na tubig
sa munisipalidad ng Ilijan at purified water.

 Benepisyo sa Agrikultura
Ang nukleyar na enerhiya ay ginagamit din sa larangan ng agrikultura. Ito ay ginagamit para
kontrolin ang mga peste at sugpuin ang sakit, pataasin ang bilang at produksyon ng mga
aanihing pananim at hayop at matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
1. Kalusogan at produksyon ng hayop
Ang teknolohiyang nukleyar ay ginagamit sa reproduksyon, pag-aanak, artipisyal na
pagpapabinhi at pagkontrol sa sakit ng hayop. Isa sa mga bansa na gumagamit ng
teknolohiyang ito ay ang Cameeron ng Central Africa. Sa paraan ng crossbreeding ang
kanilang magsasaka ay nakakalikom mula sa mga baka ng 1,500 litro na gatas na noon
ay 500 litro lamang, kung saan nakakalikha ng dagdag na USD 110 milyon/taon na kita.
Ang Brucellosis, sakit na nakukuha mula sa hayop ng tao sa pamamagitan ng pag-inom
ng unpasteurized milk at pagkain ng hilaw na karne ay nagawa ring kontrolin sa pagamit
ng nukleyar na teknolohiya.
2. Mapabuti ang balanse ng lupa at tubig
Sa paggamit ng nukleyar na pamamaraan ay natutulungan ang mga bansa para
mapanatili ang kalusogan ng sistema ng lupa at tubig. Sa Benin, nasa bilang na 5,000
na magsasaka ang napataas ang ani sa 50% at napababa sa 70% ang nagagamit na
fertilizer na mayroong nitrogen. Kagaya rin ng Kenya na napaliit ang antas ng irigayson,
napadoble ang bilang ng naaani na gulay na gumagamit lamang ng 50% na tubig.

3. Pagkontrol sa mga Peste


Ang nuclear-derived sterile insect technique (SIT) ay paglilimita sa mga insekto at pag-
isterilisa ng mga lalaking insekto  bago sila pakawalan sa mga lugar na kanilang
pamumugaran.Ito ay ginagawa sa Mexico at USA sa loob ng isang dekada para
maiwasan ang pagkalat ng Mediterranean Fruit fly sa lugar. Bukod rito, ang Guatemala
ay nagpapadala ng daang milyong baog na lalaking medflies taga-linggo sa US States
of California at Florida para protektahan ang mga mahahalagang pananim kagaya ng
Citrus fruits.

4. Pagpreserba ng pagkain
Sa paggamit ng nukleyar na teknolohiya ,ang mga  pagkain na mabilis makontamina at
masira ay napabuti sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga nakakasirang sangkap ng
produkto. Ang mga bansang Pakistan, Angola, at Mozambiqe ay gumagamit ng paraang
ito.

5. Pagbagay sa pagbabago ng klima at taggutom


Ang paggamit ng nukleyar na teknik kagaya ng crossbreeding ng hayop at pananim ay
kinakailangan sa panahon ng krisis. Sa Brukina Faso, ang crossbreeding na kanilang
isinagawa ay yumari ng malalaki, mapapakinabangan at climate-resistant na mga
hayop. Ang crop-breeding naman ay nakakaaani sa mas mabilis na panahon yaon ay
nakakapagbigay ng opportunidad sa mga magsasaka na makapagtanim ulit sa
parehong panahon.Sa Bangladesh, gumagamit na fast-maturing mutant rice na
tinatawag na Binadhan-7.Ang mga magsasaka  ay nagagapas ng 30 araw nang mas
mabilis kaysa sa normal na palay, na nakapagbibigay sa kanila ng oras na mag-ani ng
iba pang pananim at gulay .Ang produksyon ng palay sa Bangladesh ay lumubo mula
26.8 milyon tonelada noong 2003-2004 hanggang 33.8 milyon tonelada noong 2012-
1013.

Noong 2019, ang National Crop Protection Centre ng Pilipinas ay gumamit ng nukleyar na
aplikasyon o tianatawag na mutation-induced breeding na nagtulak ng pagtaas ng ani ng palay
hanggang 30 % sa loob ng 40000 ektaryang sukat.

 Paggalugad sa Kalawakan
Ayon kay Everett Redmond, senyor teknikal na tagapayo ng Nuclear Energy Institute ng U.S,
ang teknolohiyang nukleyar ang nagbigay kapamahalaan sa paggalugad ng kalawakan sa loob
ng maraming dekada. Ang Nukleyar na enerhiya ay napatunayang ligtas and maaasahan para
gamitin sa maraming misyon pangkalawakan. Tinatawag na  Space batteries o plutonium
batteries ang mga nukleyar na baterya na nagbubuo ng elektrisidad mula sa init na naibibigay
ng prosesong nukleyar (nuclear decay) ng plutonium-238,sa paraang ito gumagana ang mga
teknolohiyang pangkalawakan at nagbibigay sa mga astronaut ng mas ligtas at mas mahabang
oras na pananaliksik. Gayon, mas maraming kaalamang pangkalawan ang nadidiskobre at
maaring magamit.
 Noong 1961, ang kauna-unahang sasakyang pangkalawakan na nabuo na gumagamit ng
enerhiyang nukleyar ay tinawag na U.S. Navy’s Transit 4A navigation satellite. Taong 1977
naman, ang Voyager 1 at Voyager 2 na inilunsad ng U.S na parehong pinapagana ng
enerhiyang nuleyar, ang nakadiskobre ng mga importanteng kaalaman sa kasaysayan ng
kalawakan ng U.S. Ang mga matagumpay na misyong pangkalawakan ay napagtantong
gumagamit ng nukleyar na enerhiya,kagaya ng Cassini at Curiosity. Ang Cassini ay nagsagawa
ng eksplorasyon sa planetang Saturn at buwan nito. Ito ay nakarating sa Titian noong 2005 at
ang nakalap na impormasyon ay nagamit upang tukuyin ang klima ng planeta at mas
maintidihan ang planetang Earth. At ang Curiosity ay nalunsad noong 2011 at hanggang
ngayon ay naggagalugad pa rin sa planeta ng Mars.
Sa Pilipinas, mayroon tayong satellite na tinatawag na Diwata 1 at 2, at Maya 1 at 2, ngunit ito
ay hindi gumagamit ang nukleyar na enerhiya, sa halip ito ay pinapagana ng rechargeable
battery, Power Control Unit (PCU) and Solar Cells.

Pangawalang Parte:
Ang sumusunod ang mga disbentaha ng paggamit ng Enerhiyang Nukleyar.

 Kapital sa Pagpapatayo ng Planta ng Nukleyar na Enerhiya

Ang gastos ng nukleyar na planta ay madalas na naiuugnay sa dalawang bahagi, ang kapital at
operasyonal. Ang kapital para sa nukleyar na enerhiya ay ‘di hamak na mas malaki kumpara sa
ibang pinagkukunan ng enerhiya—at ang taunang gastos ng pagbabayad ng paunang
pamumuhunan ay mas mataas kaysa sa taunang gastos sa pagpapatakbo. Ito ay dahil teknikal
at komplikado ang pasilidad at dapat masunod ang disenyong pamantayan. Ang pagbabago ng
disenyo para sa usaping pangkaligtasan ay maaaring maging sanhi ng pagkaantala na
nagreresulta karagdagang gastos. Mula rito maituturing na isang kahinaan ng Nukleyar na
planta ang kapital na gastos nito. 

Ang World Nuclear Association ay naglathala ng Nuclear Power Economics at Project


Structuring sa unang bahagi ng 2017. Binibigyang-diin sa papel na ang ekonomiya ng bagong
pasilidad ng nukleyar ay kinokontrol ng kanilang mga gastos sa kapital, na bumubuo ng hindi
bababa sa 60% ng kanilang LCOE (Levelized Cost of Electricity). Ang mga gastos sa
pagbabayad ng interes at ang oras ng pagpapatatayo ay mga mahalagang salik para sa
pagsusuri ng buong halaga ng kapital. Ang pagtaas ng mga paggasta ng nukleyar na kapital sa
ilang mga bansa at ang pagpapakilala ng mga bagong disenyo, ay isang mahalagang
impormasyon sa paghatol ng International Energy Agency (IEA). Sa mga bansa kung saan
pinananatili ang tuluy-tuloy na mga hakbangin sa pag-unlad, ang mga paggasta ng kapital ay
pinababa. Sa nakalipas na 15 taon, ang pandaigdigang pagtatayo ng planta ay bumaba. Kapag
naitayo na ang isang nuclear reactor, ang gastos sa produksyon ng enerhiya ay mura at
pangmatagalan.

Sa sitwasyon naman ng Pilipinas, ang BNPP ay may badyet sa pagtatayo na $2 bilyon, ang
shell ng nuclear plant ay ginawa mula sa imported na semento at Bethlehem steel, ang
parehong tatak na ginamit sa pagpapatayo ng Golden Gate Bridge at ng Empire State Building.
Inabot ng 20 taon para ganap na mabayaran ng gobyerno ang bilyon-bilyong utang, at habang
hindi ginagamit, binabayaran pa rin ng mga nagbabayad ng buwis ang halaga ng maintenance
ng planta na P27 milyon taun-taon.

 Posibleng Aksidente sa Operasyon ng Plantang Nukleyar

Sa isang nuclear power plant, ang gasolina, isang isotope ng alinman sa uranium o plutonium,
ay sumasailalim sa fission upang magbigay ng enerhiya na ginagamit upang magpainit ng tubig
at magpatakbo ng turbine. Kasabay ng pagkabuo ng enerhiya ay mga radioactive na produkto
mula sa proseso. Sa kaso ng isang aksidente, ang pinakamalaking pag-aalala ay ang istraktura
ng suporta (core) na nagdadala ng gasolina at ang mga produkto ng proseso ay maaaring
masira at mapakawalan ang mga radioactive elements sa kapaligiran. 

Ang isang dahilan kung saan maaaring mangyari ito ay ang pagkasira ng core cooling system.
Sa ganoong kondisyon, ang reactor core at maging ang gasolina mismo ay maaaring
bahagyang o ganap na matunaw. Ang mataas na temperatura at presyon ay maaaring
magresulta sa mga pagsabog sa loob ng reaktor, na magkakalat ng radioactive na materyal. Sa
karamihan ng mga planta, ang mga potensyal na epekto ng pagpalya ng sistema ng
pagpapalamig ay pinaliit sa pamamagitan ng pagpapaligid sa core ng reactor ng isang sisidlan
na may dingding na bakal, na napapalibutan naman ng isang airtight, steel-reinforced concrete
containment structure na idinisenyo upang maglaman ng radioactive material. 

Samakatuwid, maituturing bilang isang mahalagang salik ang pagpapanatiling ligtas ng planta
at maayos ang kahit sa pinakamaliliit na parte ng sistema upang makaiwas sa sakuna. Ang mga
insidente sa Fukushima, Japan Dai-ichi nuclear power plant at Chernobyl, Ukraine nuclear
power planta ay parehong may sanhi ng pagsabog mula sa pagpalya ng sistema ng
pagpapalamig ng reactor. Ang kinaibahan lamang ay ang insidente sa Japan ay tumigil ang
pagpapagana ng pagpapalamig dahil sa nangyaring paglindol at sa Ukraine naman ay hindi
sinundad ng mga tagapagbantay ng pasilidad ang mga hakbang sa pag-iingat kung kaya’t
humantong sa napakalaking aksidente. Ang insidente ring ito sa Ukraine ang dahilan upang
maantala ang operasyon ng BNPP at tignang muli ang pasilidad upang matiyak ang kaligtasan.

 Pagiimbak ng ‘Radioactive Waste’

Ang pagtatapon ng nuclear waste, o radioactive waste management, ay isang mahalagang


bahagi ng nuclear power generating. Mayroong ilang mga napakahalagang pamantayan na
kailangang sundin ng mga nuclear power plant at iba pang mga negosyo upang matiyak na ang
lahat ng radioactive na basura ay itinatapon nang ligtas, masinop, at may kaunting pinsala
hangga't maaari sa buhay.  Ang proseso ng pagiimbak ng mga basurang ay magastos at dapat
itong gawin nang maayos.

Ang mga elementong ginagamit sa plantang nuclear ay mayroong napakahahabang ‘half-lives’


kung tawagin na nangangahulugang ito ay aabutin ng matagal na panahon upang hindi na
maging radioactive. Halimbawa na lamang ang uranium na kadalasang ginagamit para sa mga
plantang ito ay mayroong estimated half-life na 4.5 billion years para sa Uranium-238, 700
milyong taon para sa Uranium-235 at 25 libong taon para sa Uranium-234.
Isang malaking dagok ang lugar na pagiimbakan ng mga basurang ito sapagkat sakaling may
mangyaring ‘di inaasahan ay buong kapaligiran nito ang maaapektuhan katulad ng halaman at
mga hayop. Mangyaring ang pagdadala ng basura mula sa planta papunta sa imbakan ay
magkaroon ng problema ang mga taong naexpose dito ay may malaking tsansa na magkaroon
ng cancer at iba pang mga problema sa kalusugan dulot ng radiation. Nagkaroon ng pag-uusap
ang iilang mga senador at Rosatom State Nuclear Energy Corporation, isang nuclear power
company mula sa Russia, ukol sa pag-iimbakan ng mga basura at mayroong plano na itago ito
sa ilalim ng kalupaan at manahan roon para sa libong taon. 

Konklusyon

Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod:

1. Napagtanto na may mga kahinaan ang pagkakaroon ng Nukleyar na planta,  sa


perspektibong pananalapi, hindi maitatanggi na mas mataas ang magagastos sa
pagpapatayo ng isang nukleyar na planta at kasama dito ang posibilidad na maaaring
pumalpak ang proseso ng planta at mailagay sa panganib ang buhay ng mga
manggagawa,hayop at kalikasan. Sa kadahilanang ang pagtatayo ng Nukleyar na planta
ay nangangailangan ng disenyong teknikal at komplekadong pamantayan para sa
usaping pangkaligtasan ng nakararami. Bukod pa dito, Ang proseso ng pagiimbak ng
mga basurang ay magastos sa kadahilanang dapat itong gawin nang maayos. Dagdag
pang kahinaan ay ang posibleng sakuna na maidudulot ng Nukleyar na planta. Ito ay
ang pagsabog ng reaktor kapag nasira ang cooling system na siyang magdudulot sa
pagkalat ng radioactive na materyal.Sa madaling salita, ang konsepto ng isang Nukleyar
power plant ay sumasailalim sa usaping "mataas na panganib, mataas na gantimpala".

2. Sa kabilang banda, masasabing may mga benepisyo ang pagkakaroon ng Nukleyal na


planta sa bansang Pilipinas. Isang katotohanan na dito ay ang kakayahan nito na
magbigay ng walang limitasyong supply ng kuryente at enerhiya. Bukod pa rito ay
nababawasan nito ang polusyon na naidudulot ng mga karaniwang fossil-fueld na
planta. Sa pamamagitan nito, mas kayang tuparin ng enerhiyang nukleyar and trabaho
ng normal na tagapagtustos ng kuryente at nababawasan nang malubha ang pinsala sa
kapaligiran. Dagdag pang mga benepisyo ay ang “Water desalination” o ang pag-aalis
ng asin sa tubig dagat na siyang nakakatulong na makabuo ng maiinom na tubig;
nagagamit ito sa medisinang nukleyar na siyang nagbibigay-daan sa iba't ibang mga
aplikasyon sa iba't ibang larangan ng modernong buhay;  benepisyong agrikultural kung
saan ito ay nagagamit ginagamit para kontrolin ang mga peste at sugpuin ang sakit,
pataasin ang bilang at produksyon ng mga aanihing pananim at hayop at matiyak ang
kaligtasan ng mga ito; at maaasahan para gamitin sa maraming misyon pangkalawakan.
Higit pa sa mga nabanggit na mga benepisyo, napag-alaman rin na mas malawak ang
saklaw ng masusuplayan ng tubig maiinom kung gagamit ng enerhiyang nukleyar at
nuclear power plant kaysa  power plant na gumagamit ng organic na fuel.

3. Kaya naman dapat isaalang-alang na napakahalaga ang pagpapanatiling ligtas ng


nukleyar na planta at maayos ang kahit sa pinakamaliliit na parte ng sistema upang
makaiwas sa mga sakunang maidudulot nito at para na rin mas lalo pang
mapakinabangan ang mga benepisyo kung sa kaling magkakaroon ng nukleyar na
planta sa bansang Pilipinas. 
Pasasalamat
Nais naming magpabatid ng pasasalamat sa mga sumusunod na naging bahagi sa
pananaliksik na ito. Nang dahil sa mga sumusunod naging posible ang pag-aaral na ito.
Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa Diyos sa Kaniyang pagmamahal, sa
kaniyang awa, at kapatawaran para sa ating lahat. At sa patuloy na pagbibigay Niya sa atin ng
panibagong araw upang kaharapin ang pandemya na ito. Nais din namin na Siya ay
pasalamatan para sa biyaya ng pagkatuto, karunungan, pag-unawa, at para sa lahat na iba pa
Niyang ibinigay. Tunay lamang na marapat natin Siyang pasalamatan. Sa Iyo, Panginoon, ang
lahat ng kapurihan, kaluwalhatian, at kadakilaan magpakailanman.
Pangawala, inaalay namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming mga guro na
laging handa umunawa sa aming sitwasyon na kinakaharap ngayon. Lingid sa aming kaalaman
kung ano ang hirap na kanilang dinaranas. Kaya’t amin silang pinasasalamatan sa pagbibigay
nila ng konsiderasyon para sa aming mga mag-aaral. Nais din namin na mapasalamatan ang
aming guro sa asignaturang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran na si ginang Hermeline B.
Aguilar. Sa kaniyang pagturo, paggabay, at pagbibigay ng payo. Ito ang siyang nagbigay daan
upang lubos namin maunawan ang mga paksa ng asignaturang ito.
Para sa aming mga mapagmahal na mga magulang, sa patuloy na pagbigay sa amin ng
aming mga kailangan at sa patuloy na pagsuporta sa aming lakbay. Kami ay lubos na
nagpapasalamat sa inyo. Sa aming mga kapwa kamag-aral at mga kaibigan. Maraming salamat
at ito ay aming tatanawin bilang isang utang na loob.
Panghuli, sa aming kapwa mananaliksik na nagbahagi ng kani-kanilang karunungan
para sa pananaliksik na ito. Salamat sa lahat ng inyong ibinihagi upang maging tagumpay ang
pananaliksik na ito.

Talasangguniaan

ABS-CBN News, Cellona, J., & Domingo, K. (2016, September 26). Bataan nuclear power plant: The

dormant multi-billion peso asset. ABS-CBN News.

https://news.abs-cbn.com/focus/09/26/16/bataan-nuclear-power-plant-the-dormant-multi-billion-

peso-asset

CNN. (2020, October 1). Duterte orders consultations with Bataan residents amid calls to reopen

nuclear plant. CNN Philippines. https://cnnphilippines.com/news/2020/10/1/Duterte-consultation-

Bataan-nuclear-power-plant.html
Connor, L. J., Chapman, N. A., & Connor, L. J. (2009a). Volcanic and tectonic hazard assessment for

nuclear facilities. Cambridge University Press.

Connor, L. J., Chapman, N. A., & Connor, L. J. (2009b). Volcanic and tectonic hazard assessment for

nuclear facilities. Cambridge University Press. https://books.google.com.ph/books?

hl=en&lr=&id=0axxZ2YSpD8C&oi=fnd&pg=PA229&ots=_lmcDNmJXh&sig=3Eq7ZS7Wn6bLvjLl

Lk3MJROq730&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

Department of Energy. (2020, December 31). List of existing power plants. Department of Energy

Philippines. Retrieved January 26, 2022, from

https://www.doe.gov.ph/sites/default/files/pdf/electric_power/electric_power_plants_luzon_dece

mber_2020.pdf

Derr, E. (2021, September 9). Nuclear taking us faster & farther into space. Nuclear Energy Institute.

https://www.nei.org/news/2021/nuclear-taking-us-faster-and-farther-into-space

FAQ 5-Is uranium radioactive? (n.d.). Depleted UF6.

https://web.evs.anl.gov/uranium/faq/uproperties/faq5.cfm#:%7E:text=The%20half%2Dlife%20of

%20uranium,234%20about%2025%20thousand%20years.

Food and Agriculture Organization. (2017, September 27). Seven examples of nuclear technology

improving food and agriculture. Food and Agriculture Organization of the United Nations.

https://www.fao.org/zhc/detail-events/en/c/1039633/

Goff, J. R., & Terry, J. P. (2012). Natural hazards in the Asia–Pacific region: Recent advances and

emerging concepts. Geological Society, London, Special Publications, 361(1).

https://doi.org/10.1144/sp361

Gospodarczyk, M. M., & Fisher, M. N. (2020, June 25). IAEA releases 2019 data on nuclear power

plants operating experience. International Atomic Energy Agency.

https://www.iaea.org/newscenter/news/iaea-releases-2019-data-on-nuclear-power-plants-

operating-experience
Gude, V. G., Khan, S. D., & Haider, S. (2018). Nuclear energy powered seawater desalination.

Renewable Energy Powered Desalination Handbook, 581–597. https://doi.org/10.1016/b978-0-

12-815244-7.09988-8

Jordan, W. H. (1970). Nuclear energy: Benefits versus risks. Physics Today, 23(5), 32–38.

https://doi.org/10.1063/1.3022108

Kukreja, R. (n.d.). Dangers and effects of nuclear waste disposal. Conserve Energy Future.

https://www.conserve-energy-future.com/dangers-and-effects-of-nuclear-waste-disposal.php

Moss, S. (2017, October 26). Philippines could turn the Bataan nuclear power plant into a data center.

DCD. https://www.datacenterdynamics.com/en/news/philippines-could-turn-the-bataan-nuclear-

power-plant-into-a-data-center/

National Cancer Institute. (2011, April 19). Accidents at nuclear power plants and cancer risk.

https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/radiation/nuclear-accidents-fact-

sheet#:%7E:text=At%20high%20doses%2C%20ionizing%20radiation,primarily%20because

%20it%20damages%20DNA.

Valdez, J. M. O. (2019, January 17). Disenyo at pamamaraan ng pananliksik. Pag-Basa at Pagsusuri

Sa Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik.

https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-pananliksik.html

Volentik, A. C. M., Connor, C. B., Connor, L. J., & Bonadonna, C. (2009). Aspects of volcanic hazard

assessment for the Bataan nuclear power plant, Luzon peninsula, Philippines. Volcanic and

Tectonic Hazard Assessment for Nuclear Facilities, 229–256.

https://books.google.com.ph/books?

hl=en&lr=&id=0axxZ2YSpD8C&oi=fnd&pg=PA229&ots=_lmcDNmJXh&sig=3Eq7ZS7Wn6bLvjLl

Lk3MJROq730&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

World Nuclear Association. (2021a, September). Economics of nuclear power. Retrieved January 26,

2022, from https://world-nuclear.org/information-library/economic-aspects/economics-of-

nuclear-power.aspx
World Nuclear Association. (2021b, October). Radioisotopes in medicine. Retrieved January 26, 2022,

from http://www.world-nuclear.org/information-library/non-power-nuclear-applications/

radioisotopes-research/radioisotopes-in-medicine.aspx

World Nuclear Association. (2022, January). Nuclear power in the world today. Retrieved January 31,

2022, from https://www.world-nuclear.org/information-library/current-and-future-generation/

nuclear-power-in-the-world-today.aspx

You might also like