You are on page 1of 1

Ang enerhiyang nuklear ay ang uri ng enerhiya na inilabas kapag ang atomic nuclei ay

nahati o pinagsama. Ang reaksyong nuklear ay ang pagbabago sa komposisyon ng atomic


nucleus ng isang elemento upang maiiba ang sarili nito patungo sa ibang uri ng elemento.
Ang ilang isotopes ng ilang mga elemento ay maaaring maglabas ng enerhiya sa
pamamagitan ng mga reaksyong nuklear.
Mayroong dalawang proseso na ginagamit ang enerhiyang nuclear upang ito ay maging
kapaki-pakinabang at gumawa ng kuryente. Ito ay ang nuclear fission at nuclear fusion.
Ang nuclear na enerhiya ang may pinakamataas na produksiyon ng enerhiya. Ito ay
maaaring sukatin gamit ang capacity factor, ang sukat ng kung gaano kadalas tumatakbo
ang isang power plant para sa isang tiyak na panahon. Ayon sa US Department of Energy
noong 2020, 93.5% ang capacity factor ng nuclear energy samantalang ang sumunod dito
ay nasa 56.8% lamang na natural gas.
Ayon sa Nuclear Energy Institute, 30 bansa sa buong mundo ang nagpapatakbo ng 449
commercial nuclear reactors upang makabuo ng enerhiya hanggang noong Abril 2017, at
15 bansa ang kasalukuyang nagtatayo ng 60 karagdagang nukleyar na pasilidad. Ngayon,
ang mga nukleyar power plant ay bumubuo ng humigit-kumulang isang-kapat ng
kabuuang enerhiya ng kuryente sa mundo.
Sa kabila ng dumaraming bilang ng mga nuclear reactor, 182 sa mga ito ang pinatigil at
hindi aktibo at isa na dito ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ito ang kauna unahang nukleyar power plant sa Pilipinas at ito nakabuo ng 623 Mega
Watts ng kuryente noong 1980. Gayunpaman, isinara ito noong taong 1986 dahil sa
pananagutan sa pulitika at mga kadahilanang pangkaligtasan
Lumipas ang panahon, hindi pa rin nakakalimutan ng karamihan ang BNPP at marami
ang nagnanais na muli ito ay buksan upang mapakinabagan ng bansang Pilipinas. Iniulat
ng CNN Philippine Staff na dahil sa pagkalugi sa ekonomiya, pinaplano pa rin ng
gobyerno ng Pilipinas na isaalang-alang ang muling pagbubukas ng BNPP.
Sa kabila ng potensyal bilang pinagmumulan ng kuryente, ang mga mamamayan sa
paligid ng BNPP ay higit na nababahala tungkol sa mga panganib at ang kanilang
pananaw dito ay isang lumang pinagmumulan ng enerhiya.
Upang mapalawak ang kaalaman sa pagpapalawig na ito, ang kasalukuyang gawain ay
naglalayong magsaliksik sa mga benepisyo at disbentaha ng paggamit ng enerhiyang
nukleyar sa Pilipinas.

You might also like