You are on page 1of 4

" Anumang panahon, Kuryente ay naroon"

Ipinisa nina:
BSEE-1A
Marc Francis Arlan
Reymart Abapo
RJ Manlimos
Rudelo Lopez
Joshua Licayan

Ipinasa kay:
Mr. Alexander M. Dubduban
Filipino-2 Instructor

Abril 8, 2019
Rasyonal:
Ang proyektong ito ay "Hydrosolis power house" para sa mamamayang pilipino. Ito ay naglalayong mabigyan ng ilaw ang mga
pilipino na nakatira sa lugar na kung saan ay hindi inaabotan ng soplay ng kuryente partikular na sa mga nakatira sa bundok. Maari itong
mabigyan ng sapat na soplay ng kuryente ang mga mamamayan ng walang binabayaran. Ito ay nagsusuplay ng koryente sa pamamagitan
lamang ng lakas na agos ng tubig mula sa ilog at sapat na sikat ng araw.

Diskrepsyon ng Proyekto:
Ang “Hydrosolis Power House” ay isang teknolohiyang pinanggagalingan ng renewable energy. Ang “Hydro” ay nagmula sa
salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “tubig” at ang “Solis” ay galing sa salitang “Latin” na ang ibig sabihin ay “Araw”. Kung ang
Solar panel ay gumagana at nagbibigay ng sapat na eneryhiya sa pamamagitan ng sikat ng araw. Ang Hydrosolis ay hindi lamang sikat
ng araw ang pinangagalingan ng kuryente kundi pati narin ang tubig sa pamagitan ng pag-agos nito.
Ang Hydrosolis Power House ay gumagamit ng Solar panel at Turbine. Ang turbine ay pinapaikot sa pamamagitan ng daloy ng
tubig. Ang tubig ay dumadaan dirikta sa turbine para paikotin ito at diriktang makagawa ng kuryente para ma bigyan ng sapat na supply
ang mga mamamayan.
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng kureyente sa mga mamayang hindi nasusuplayan ng sapat na kuryente. Ang
isang boung Hydrosolis ay may kakayahang magpailaw ng hanggang dalawampong tahanang residinsiyal. Ang teknolohiyang ito ay
makakalikasan sapagkat hindi ito ginagamitan ng kahit anomang likido o kimikal na maaring dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan.

Kabuoang pundong kinakailangan:


Ang kabuoang pundong kinakailangan ay Dalawang milyon tatlong daan limamput apat na libong piso (P 2,354,000)
Badyet:

China small water turbine and mini


hydro turbine generator and Hydro P1,600,0000.00 x 1 P1,600,0000.00
power plant 200kW, 500kW, 1000kW

IE3 Generator and Gearbox by


P250,000.00 x 1 P250,000.00
Flender-Siemens

Rotor P125,000.00.00 x 1 P125,000.00

High Efficiency Solar Panel A Grade 60


Cells Polycrystalline Photovoltaic
Module Electric TUV CE 265W-270W- P25.00/Watts x 6000 P150,000.00
275W-280W

5KWh 7KWh 6000 Life Lithium


Battery Solar Energy Storage System
for Hybrid Grid Solar Power System P64,000.00 x 1 P64,000.00
Home

Installation fee P100,000.00


Others P65,000.00
Total = P2,354,000.00

Benepisyong Dulot:
Ang panukalang proyektong ito ay maaring pakinabangan ng kahit na sinumang mamamayang pilipino na nais makatipid at
makaambag sa ating kalikasan. Ito ay maaring ilagay sa kahit saang lugar na may sapat na daloy ng tubig na maaring paikotin ang
turbine at sikat ng araw para magamit ito ng maayos. Mas makakatipid ang mga gagamit ng teknolihiyang ito at makakaambag sa
ikakaayos ng ating inang kalikasan.
Maari din itong makipagkumpetinsiya sa ibang bansa sapagkat ito ay mura at madaling gamitin na talagang kapakipakinabang
para sa mga tatangkilik dito. Ito ay madaling bouhin o e asimbol sapagkat hindi naman ganoon kadami ang mga kabli na nakakabit sa
bawat sulok ng Hydrosolis. Kaya dito na kung saan magaan na sa bulsa at garantisado pa. Sa “Hydrosolis Power House” anumang
panahon, kuryente mo ay naroon.

You might also like