You are on page 1of 20

Gamit ng

Kuryente
Week 7
Ang kuryente ay isang uri ng enehiya tulad ng
liwanag, tunog, at init. Ito ay ginagamit natin
araw-araw. Ang kuryente ang nagpapagana sa
mga kasangkapan sa bahay tulad ng
electric fan, rice cooker, electric stove, at
marami pang iba. Sa modernong pamumuhay
ngayon, ang kuryente ay may malaking
bahaging ginagampanan
Balikan Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Piliin at isulat ang mga bagay
na gumagamit ng kuryente.
Basahin at unawain ang kwento. Sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Pamilyang Wais
Ang Pamilya Dela Cruz ay nabibilang sa pamilyang may
pangkaraniwang pamumuhay. Ang ama ng tahanan ay isang matapat na
empleyado sa munisipyo habang ang ina ay isang masipag na guro sa
isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar. Dahil parehong
naghahanapbuhay, sila ay marami ring naipundar na mga kagamitan sa
kanilang tahanan. Kabilang na rito ang mga sumusunod: telebisyon,
refrigerator, electric fan, washing machine, rice cooker, electric stove,
plantsa, at rechargeable lamp
Maagang gumigising si Gng. Dela Curz upang magluto ng
kanin gamit ang rice cooker at tinutulungan din siya ni G. Dela Cruz sa
pagluluto ng ulam gamit ang electric stove.
Tuwing araw ng Sabado, masiglang naglalaba si Nanay
gamit ang washing machine at namamalantsa naman si Ate
kung araw ng Linggo. Sina Tatay, Kuya at bunso naman ay
masayang naglilinis ng mga maruruming electric fan.
Masaya at sama-sama silang nanonood ng paborito nilang
programa sa telebisyon gabi-gabi. Ginagamit lamang nila ang
rechargeable lamp tuwing walang kuryente.
Lahat ng kasangkapang de-kuryente ay hinuhugot nila sa
saksakan kapag hindi ginagamit upang makaiwas sa
pagkakaroon ng sunog at para na rin makatipid sa konsumo ng
kuryente.
Tanong

1. Batay sa kwentong iyong binasa, ano ang nagpapagana sa mga


kagamitan ng Pamilya Dela Cruz?

2. Para sa iyo, ano ang nagagawa ng kuryente?


Kuryente

Ang kuryente ay isang uri ng enerhiya na


nakalilikha ng liwanag, tunog at init. Mayroong
mga kagamitan na gumagana sa pamamagitan ng
kuryente mula sa baterya tulad ng flashlight,
cellphone at orasan. Ang mga kasangkapan tulad
ng refrigerator, telebisyon, aircon, electric fan, rice
cooker at marami pang iba ay pinagagana ng
direktang suplay ng kuryente na dumadaloy mula
sa planta patungo sa mga bahay.
Gamit ng Kuryente

Dulot ng makabagong teknolohiya may mga establisimyento na


gumagamit ng enerhiyang mula sa araw (solar
energy) upang makapag-suplay ng kuryente sa pamamagitan ng
solar panels.
Ang kuryente ay mahalagang bahagi ng ating modernong pamumuhay.
Napalalamig ang paligid ng mga kagamitan tulad ng aircon at electric fan.
Ginagamit naman ang refrigerator at freezer para sa pag-iimbak at
pagpapanatiling sariwa ng mga pagkain. Samantalang ang microwave oven,
blender, water dispenser, electric kettle (takuri), at electric stove ay mga
kagamitang ginagamit sa paghahanda ng mga pagkain.
Gamit ng Kuryente

Nagbibigay-aliw ang mga programa mula sa


radyo at telebisyon. Napabibilis ang
komunikasyon at pagsasagawa ng
mga research study sa pamamagitan ng paggamit
ng mga gadget tulad ng cellphone, computer at
tablet.
Piliin ang angkop na salita mula sa kahon upang mabuo ang
sumusunod na mga pahayag tungkol sa gamit ng kuryente.

komunikasyon paglalaba malamig


paghuhurno liwanag

1. Ang kuryete ay ginagamit sa bombilya upang magbigay ng


___________ sa ating tahanan.
2. Ang kuryente ay ginagamit para mapanatiling ___________ ang
ating tahanan kapag sobrang init ng panahon.
3. Ang kuryente ay ginagamit sa oven para sa ___________ ng tinapay.
Piliin ang angkop na salita mula sa kahon upang mabuo ang
sumusunod na mga pahayag tungkol sa gamit ng kuryente.

komunikasyon paglalaba malamig


paghuhurno liwanag

4. Ang kuryente ay ginagamit sa washing machine para sa


___________ ng maruruming damit.

5. Ang kuryente ay ginagamit sa mobile phones upang magamit sa


___________.
Isaisip
Ang kuryente ay mahalaga
WITH THE HELP OF YOUR TEACHER OR CARER,
sa ating
test whether pang-araw-araw
your suggestions and drawings willna make the
bulb light using actual batteries, a small lightbulb, and
buhay. Ito ay ginagamit
wires.
upang makapagbigay ng
liwanag, init, at tunog.
electric stove radyo
telebisyon
Ang mga pangungusap sa ay
water dispenser
nagpapahayag de-kuryenteng takure
kung paano ginagamit ng mga
bagay ang kuryente. Piliin 1. Anong kagamitang de-
kuryente ang nagbibigay ng
mula sa loob ng kahon ang malamig at mainit na tubig?
2. Anong kagamitang de-
mga kagamitan upang kuryente ang ginagamit upang
makapagluto ng pagkain?
masagot ang mga 3. Anong kagamitang de-
sumusuod na katanungan. kuryente ang ginagamit upang
makapagpakulo ng tubig?
electric stove radyo
telebisyon
Ang mga pangungusap sa ay
water dispenser
nagpapahayag de-kuryenteng takure
kung paano ginagamit ng mga
bagay ang kuryente. Piliin 4. Anong kagamitang de-
kuryente ang ginagamit upang
mula sa loob ng kahon ang tayo ay maaliw?
mga kagamitan upang
5. Anong kagamitang de-
masagot ang mga kuryente ang ginagamit upang
makarinig tayo ng iba’t ibang
sumusuod na katanungan. awitin?
Tayahin Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nais ni Maria na panoorin ang kanyang paboritong palabas sa


telebisyon. Ano ang gagawin niya?
A. Ilalagay niya ang isang baterya sa loob ng telebisyon.
B. Isasaksak niya ang kurdon ng TV sa electrical socket.
C. Hahawakan niya ang screen ng TV.
Tayahin Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

2. Nakatanggap si Benjie ng laruang kotse na may remote control


bilang regalo sa kaarawan niya mula sa kanyang Tito Tom. Paano
niya gagamitin ang laruang kotse?
A. Ilalagay niya ang baterya sa loob ng lagayan ng baterya.
B. Itutulak niya ang sasakyan upang makagalaw.
C. Hihilahin niya ang kotse gamit ang tali upang ito ay
gumalaw.
Tayahin Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

3. Habang tumatawag ako sa aking kapatid nawalan ng battery charge


ang aking mobile phone. Ano ang dapat kong gawin upang
maipagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya?
A. Ibibilad ko ang telepono sa ilalim ng init ng araw.
B. Itatago ko ang telepono sa loob ng kahon.
C. I-charge ko ang telepono gamit ang charger sa outlet ng
kuryente.
Tayahin Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

4. Ang lahat ng mga gamit sa bahay ay gumagamit ng baterya


upang gumana.
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
Tayahin Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

5. Ang mga kagamitang de-kuryente sa bahay ang


nagpapagaan ng mga gawain sa loob ng tahanan.
A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon
C. Kapwa A at B ay tama

You might also like