You are on page 1of 14

3

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 7
Kaya Nating Sumunod

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Kaya Nating Sumunod
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


OIC, Office of the Regional Director: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Nadine O. Osia


Editor: Riza B. Venturillo, Armor T. Magbanua PhD
Tagasuri: Shirley F. Lilang, Loida A. Sernadilla PhD, Armor T. Magbanua PhD
Ma. Mia B. Muros
Tagaguhit: Remelyn B. Concepcion
Tagalapat: Elena Grace Q. Torrefiel, Louie J. Cortez, Jefferson Repizo
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Ma Katrina Sandra M. Cortez
Servillano A. Arzaga CESO V
Cyril C. Serador PhD.
Ronald S. Brillantes
Shirley F. Lilang
Loida A. Sernadilla PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Aralin 7

Kaya Nating Sumunod

MELC: Nakasusunod sa mga tuntuning may kinalaman sa


kaligtasan tulad ng mga babala at batas trapiko,
pagsakay/pagbaba sa takdang lugar. (EsP3PPP-lllh-17)

Layunin:
1. Natutukoy ang wastong gawaing pangkaligtasan sa
paligid at kalsada.
2. Naisasagawa ang mga gawaing pangkaligtasan sa
kalsada.
3. Napahahalagahan ang pagsunod sa mga tuntuning may
kinalaman sa kaligtasan sa babala at batas trapiko.

Subukin Natin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakita ni Ana na naglalaro sina Carlo at ang


kaniyang mga kaibigan sa kalsada.
Ano ang gagawin ni Ana?

A. Hayaan lang sila.


B. Magkunwaring hindi sila nakikita.
C. Pagsasabihan sila na huwag maglaro sa kalsada dahil
maraming sasakyang dumadaan.
D. Sasali sa kanila sa paglalaro.

1
2. Bakit dapat nating pahalagahan ang
pagsunod sa mga babala at batas trapiko?
A. upang matuto
B. upang lumawak ang kaalaman
C. upang maiwasan ang kapahamakan o
disgrasya
D. upang maipakitang kaya na ang sarili

3. Nakita ni Maribel na kulay pula ang ilaw trapiko. Ano ang


nararapat niyang gawin?
A. Pakinggan C. Tumigil/hihinto
B. Tingnan D. Tumawid

4. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin upang makaiwas sa


aksidente?
A. Itapon ang iyong basura sa bintana ng sinasakyang sasakyan.
B. Huwag ilalabas ang anomang bahagi ng katawan sa bintana
ng sasakyan.
C. Maglaro sa loob ng sasakyan habang umaandar ito.
D. Sumakay na agad kahit hindi pa humihinto ang sasakyan.

5. Nais ni Dingdong na tumawid ng kalsada. Alin sa sumusunod ang


nararapat niyang piliin?
A. Maglakad sa tawiran habang naglalaro ng cellphone.
B. Tatawid kahit naka berde ang ilaw.
C. Tatawid kahit nakita ang babalang ”Bawal tumawid”
D. Tatawid sa tamang tawiran.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Ano ang ginagawa mo upang mapanatiling malinis ang iyong


paligid o pamayanan?

Layunin ng bawat isa na maging ligtas at maayos ang kapaligirang


ginagalawan. Dahil dito, may mga babala at batas na dapat
sundin para sa kaligtasan ng lahat.
Narito ang ilang halimbawa ng mga babala sa pamayanan at
batas trapiko.

Mga babala o alituntunin sa pamayanan:

Mag-ingat sa aso. Tumingin sa nilalakaran Bawal pumasok nang


may manhole sa unahan. walang pahintulot.

Mga babalang pangkaligtasan sa kalsada:

Sundin ang batas trapiko. Tumawid sa tamang tawiran.

Bumaba sa tamang babaan at Huwag maglaro sa kalsada


sumakay sa tamang sakayan.

(Pinagkunan: Maria Carla Mabulay-Caraan et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 3, Pasig City:


Department of Education, 2014, 178-185.)
3
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang tsek (3) kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng pagsunod sa tuntuning
pangkaligtasan at ekis (8) naman kung hindi.

1. 2.

Si Carla ay tumatawid sa Si Jose ay pumasok sa


tamang tawiran kapag bakuran ng kapitbahay
berde ang ilaw. nang walang pahintulot.

3. 4.

Sina Ana at ang Ang mga bata ay


kaniyang mga kaibigan naglalaro sa kalsada.
ay naghihintay sa
tamang lugar ng
sakayan.

5.

Ang mag-ina ay
tumawid sa tamang
tawiran.
4
Gawain 2
Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ang larawan ay
nagpapakita ng gawaing pangkaligtasan sa kalsada at
bilog ( ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Hindi pinansin ni Ana ang nakasulat


1. na babala at patuloy siya sa
paglalakad.

Si Rose ay naglalaro ng celphone


2.
habang tumatawid sa tawiran.

Si Janna ay naglalakad sa
3. sidewalk.

4. Ang mga bata ay nagtutulakan


habang tumatawid sa kalsada.

5. Si Marie ay nakahawak sa kamay ng


nanay habang tumatawid.

5
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama
kung nagpapakita ng pagsunod sa mga babala at
batas trapiko at Mali naman kung hindi.

1. Tumatawid sa tamang tawiran.

Tumitingin at nakikinig ako sa mga


2.
paparating na sasakyan bago
tumawid ng kalsada.

Naglalaro ako habang tumatawid.


3.

Sumasakay at bumababa ako sa


4. tamang lugar.

5.
Tumatawid ako sa kalsada kapag
berde na ang ilaw.

6
Gawain 2
Panuto: Ilagay sa wastong hanay ang sumusunod na
babala. Piliin ang sagot sa loob ng parihaba at isulat
ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Tumawid sa tamang tawiran


B. Sakayan/Babaan
C. Mag-ingat sa aso
D. Bawal tumawid dito.
E. Bawal pumasok ang walang pahintulot ng may-ari

Babala na Babala na
makikita sa makikita sa
Pamayanan Kalsada

1. 3.

2. 4.

5.

7
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon at


isulat ito sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

manhole pahintulot kanan


tawiran babala magnanakaw

1. Dapat nating sundin ang mga b___ ___ ___l a para sa ating
kaligtasan.

2. Tumawid sa tamang t a ___ ___ ___ ___ ___.

3. Tumitingin ako sa kaliwa at k___ ___ ___n g bahagi ng kalsada


bago tumawid.

4. Huwag papasok sa bahay ng iba nang walang


p a___ ___ ___ ___ ___ ___ ___t ng may-ari.

5. Tumingin sa dinadaanan dahil baka merong


m a___ ___ ___ ___e.

8
Ating Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang babalang batas trapiko na madalas


nakikita sa kalsada?
A. Bawal pumasok dito.
B. Bawal tumawid dito.
C. Mag-ingat sa aso.
D. Tumingin sa nilalakaran kung may manhole sa unahan.

2. Saan kadalasang nakikita ang babalang ”Bawal pumasok dito,


may aso”?
A. kalsada C. bahay
B. paaralan D. simbahan

3. Nais tumawid ni Mona sa kabilang kalsada. Nabasa niya ang


babalang ”Bawal tumawid dito”. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi susundin ang babalang nabasa.
B. Susundin ang nabasang babala.
C. Tatawid pa rin kahit bawal.
D. Wala siyang nabasa at tatawid pa rin siya.

4. Ano ang iyong gagawin kapag nabasa mo ang ”Dito ang


tamang sakayan”?
A. Hindi susundin ang babalang nabasa.
B. Hahanap ng ibang lugar at doon sasakay.
C. Pupunta sa unahan ng babala upang doon sumakay.
D. Susundin ang babalang nabasa.

5. Dapat nating pahalagahan ang mga babala at batas trapiko


upang makaiwas sa ___________.
A. aksidente C. kasiyahan
B. kalungkutan D. galit

9
Gabay sa Pagwawasto

5. 5./
5. A 4. 4.X
4. D 3. 3./
3. B 2. 2.X
2. C 1. 1.X
1. B Gawain 1 Gawain 2
Tayahin Tayo’y Magsanay

5. Mali 5. D
5. manhole 4.Tama 4. B 5. D
4. pahintulot 3. Mali 3. A 4. B
3. kanan 2.Tama 2. E 3. C
2. tawiran 1. Tama 1. C 2. C
1. babala Gawain 1 Gawain 2 1. C
Aking Natutuhan Pagyamanin Natin Subukin

Sanggunian

Aklat

Caraan, Maria Carla M., Rolan Baldonado Catapang, Rodel A. Castillo, Portia
R. Soriano, Rubie D. Sajise, Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna
A. Canlas, Leah D. Bongat, Erico M. Habijan, Marilou D. Pandiño at Irene
de Robles. Edukasyon sa Pagpapakatao 3. Pasig City: Department of
Education. 2014.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

11

You might also like