You are on page 1of 21

Dahon ng Papapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at


Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang
Alternatibong Pagkukunan ng Enerhiya para sa Sulosyon ng Bambansang
Kakulangan sa Kuryente ay inihanda at iniharap ng mananaliksik na si:

Michael Jay P. Pepito

_________________________________

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Unibersidad ng Mindanao, bilang isa sa


mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.

Jenyn Pacarro Libre

Propesor
Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Introduksyon

Ang elektrisidad ay isa sa pinakaimportanteng ginagamit ng mga tao ngayon. Sa lahat


ng bagay ay gumagamit tayo ng kuryente para magawa natin ang mga Gawain natin sa
ating pang araw araw na Gawain. Sa pag gising hanggang sa pag tulog ay gumagamit
tayo ng kuryente. Ayon sa libro ni Tom Henry na “Electrical History” si Benjamin
Franklin (1706 – 1790) ang naka diskobre ng kuryente sa buong mundo. Sinasabi na
ang saranggola ni Benjamin ay tinamaan ng kidlat at sa pangyayaring yun ay
natuklasan niya na ang kidlat ay isang kuryente at natuklasan rin niya na may positive
and negative charge ang kuryente.

Sa panahon ngayon ay naka depende na ang mga tao sa kuryente lalong- lalo na sa
mga taong nasa syudad. Sa pag gamit ng mga tao ng kuryente ay unting-unti na itong
nauubos. Sa ngayon ay hindi dahan dahan na itong lumiliit dahil sa tumataas na bilang
ng populasyon ng tao sa ating daigdig lalong lalo na sa bansang pilipinas. Hindi lang
ang kuryente ang lumiliit pati rin ang ating kalikasan ay lumiliit na rin ang buhay. Dahil
sa kapabayaan ng tao baka sa susunod ay mawawala nlng lahat ng ating kalikasan.

Sa ngayon ay may mga makabagong alternatibong pagkukunan ng elektrisidad na


malinis at hindi nakakasira ng kalikasan. Ang “Renewable Energy” ay isang
pinagkukunan ng enerhiya na hindi nauubos halimbawa “solar energy” enerhiya galing
sa araw, “wind energy” enerhiyang galing sa hangin, “hydro power” enerhiya galing sa
tubig at iba pa. sa pag gamit natin ng renewable energy ay magiging malinis masagana
at mapapanngalagaan natin an gating kalikasan.
Layunin ng pag-aaral

Ang pamanahon papel na ito ay nag bibigay ng impormasyon hinggil sa Alternatibong


pagkukunan ng enerhiya para sa solusyon ng pambansang kakulangan sa kuryente
at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang elektrisidad?

2. Importansya ng kuryente?

3. Ano ang mga aparatus na ginagamit para sa renewable energy?

4. Ano ang benipisyo na makukuha sa pag gamit ng renewable energy sa isang bansa?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang nananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito.

Maari itong isa sa mahalagang sangay ng buhay ng tap at ito rin ay may binipisyo ito sa
mga indibidual na nais na magka trabaho magkaroon ng malinis na kapaligiran at
murang kuryente sa lahat ng tao.

Ito rin ay nakakatulong sa mga komunindad na malayo sa siyudad. Dahil sa mga


makabagong kagamitan sa Renewable energy ngayon ay abot kamay na nila at
mararanasan na nila ang magka kuryente.

Kung sakaling may sakuna na darating itong mga makabagong kagamitan ng


renewable energy ay mas magagamit ng gobyerno dahil hindi na ito kailangan ng isang
planta para gumawa ng kuryente. Gagamitin nalang ang kalikasan para
magkakakuryente ang mga mamamayan nang walang mapapahamak at hindi masisira
ang ating mga kapaligiran.
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Alternatibong pagkukunan ng enerhiya para


sa sulosyon ng pambansang kakulangan sa kuryente. Ito rin ay saklaw ng mga
benispisyo sa mga tao na gumagamit nito. At ano pang maibibigay nito sa isang bansa.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa ekonomiya ng isang bansa, pagbabago ng
panahon ng isang bansa, pang internasyonal na solusyon at pagkalugi o pagka angat
ng isang tao.

Depinisyon ng termino

Alternatibo – ibig sabihin ay ibang paraan (answers.com) ginagamit ito pang ikalawang
pagpipilian.

Enerhiya – pinagkukunan ng lakas (answers.com) ginagamit ito para gumalaw o


gumana ang isang bagay.

Solar energy – enerhiya galing sa araw (Wikipedia.com) ginagamit ito sa mga maaaraw
na lugar.

Wind energy – enerhiya galing sa hangin (Wikipedia.com) ginagamit ito sa mga


mahangin na lugar.

Hydro Power – enerhiya galing sa tubig (Wikipedia.com) ginagamit ito sa mga ilog o
may malakas na agos ng tubig.

Renewable energy - pinagkukunan ng enerhiya na hindi nauubos (

Green House Effect - ang pagtaas ng temperatura na nararanasan ng daigdig dahil


nahaharang ng ilang gas (tulad ng water vapor, carbon dioxide, nitrous oxide, at
methane) ang enerhiya mula sa araw. Kung wala ang mga gas na ito, muling
makakatakas ang init ng araw pabalik sa kalawakan at, dahil dito, magiging mas lalamig
nang 60F ang temperatura ng daigdig. Dahil pinaiinit nila ang daigdig, greenhouse
gases ang tawag sa mga gas na ito. (answers.com) Ito ay ginagamit na termino para sa
pagkainit ng isang partikular na lugar o bansa.

Solar Panel – ay isang kagamitan ng pag kuha ng enerhiya galing sa araw.


(answers.com) ito ang nagsisilbing lambat para makalap ang init o liwanag mula sa
araw at ginagawang kuryente/ elektrisidad.
Windmill – ay isang kagamitan na parang malaking elektrikfan na kumukuha ng
enerhiya sa hangin. Sa tulong ng turbine o motor ay bumubuo ito ng enerhiya at
gunagawang kuryente / elektrisidad.

Hydro Turbine – isa isa mga kagamitan na kumukuha ng enerhiya galing sa malakas na
daloy ng tubig. Ito ay katulad ng windmill na gumagamit ng turbine o motor. Dahil sa
malakas na daloy ng tubig ay iikot ang turbine o motor at maglalabas ng enerhiya at
gagawin itong kuryente / elektrisidad.

Nuclear Power Plant - ay galing sa paghihiwalay o paghahati ng


mga atomo ng uranyo sa isang proseso ng tinatawag na nukleyar fission. Sa isang
planta ng kuryente ang proseso ng fission ay ginagamit upang makagawa ng init, ang
init na ito ay gagamitin para makagawa ng mainit na singaw para gamitin sa turbina
para makagawa ng kuryente.(Wikipedia.com) Ito ay ginagamit bilang pagkukunan ng
kuryente.

Coal Fired Power Plants – ay isang planta ng pagkukunan ng kuryente na ang gamit ay
uling o “coal” (www.gmanetwork.com) ito ay katulad ng nuclear power plant na
gumagawa ng init para magkaroon ng sapat na enerhiya at gagawin itong kuryente.
Kabanata II

Kaugnay na Pag-aaral at Literature

Ayon kay Jeremi Shere sa kanyang libro na pinamagatang “ Renewable: The World-
Changing Power of Alternative Energy” sinasabing ang alternatibong enerhiya ay
lumilikha ng maraming posibilidad at ito rin ang daan para sa ating kinabukasan.

Ayon sa pagaaral nila Ron Pernic at Clint Wilder na pinamagatang “The Clean Tech
Revolution” sinasabi na ang “nuclear power” at “clean coal” ay nakakasama sa mga tao
at kalikasan kaysa sa mga alternatibong enerhiya.

Ayon naman sa Republic Act No. 9513 na nag susuporta sa alternatibong enerhiya.
Isinusulong na ang alternatibong enerhiya ay solusyon sa kakulangan ng suplay ng
kuryente at isinusulong rin dito na ang pag gamit ng alternatibong enerhiya ay
nakababawas ng mga makakasama sa atin at sa ating kalikasan
Kabanata 3

Metodolohiya

A. Disenyo

Ito ay isang descriptive Partikular na pag-aanalisa ng dokumento dahil ipinapakita


lamang nito kung ano ang mga benipisyo ng mga alternatibong pagkukunan
Alternatibong pagkukunan ng enerhiya para sa sulosyon ng pambansang kakulangan
sa kuryente.

B. Instrumento

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon


sa iba’t ibang hanguan sa aklat katulad ng “journals”, aklat, internet, dyaryo, balita sa
mga telebisyon, at mga pananaliksik ng ibang tao.
Kabanata 4

Pesentasyon, Analisis at Interpretasyon ng mga Datos

a. Ayon sa Wikipedia.com Ang salitang electricity ay mula sa Bagong Latin


na ēlectricus, "tulad ng amber"[a] na inimbento noong 1600 mula sa
Griyegongήλεκτρον (elektron) na nangangahulugang amber dahil ang mga epektong
elektrikal ay klasikong nililikha sa pamamagitan ng pagkukuskos ng amber.
ang elektrisidad ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa
presensya at daloy ng karga ng kuryente. Ang elektrisidad ay nagbibigay ng iba't-ibang
uri ng mga kilalang epekto tulad ng kidlat, statikong elektrisdad, induksiyong
elektromagnetiko atkuryente. Sa karagdagan, ang elektrisidad ay pinapayagang
gumawa at tumatanggap ng radiasyong elektromagnetiko gaya ng mga liboy ng radyo.
Ayon sa libro ni Jones, D.A. (1991), sa librong "Electrical engineering: the backbone of
society", ayon kay Jones, elektrisidad, ang mga karga ng kuryente ay lumilikha ng
mga elektromagnetikong field na umeepekto sa mga iba pang karga. Dagdag pa niya
na ang elektrisidad ay nangyayari dahil sa mga iba't ibang uri ng pisika:

 Kargang elektriko: isang katangian ng ilang subatomikong partikulo na tumutukoy


sa mga interaksiyong elektromagnetiko nito. Ang may kargang elektrikong materya
ay naiimpluwensiyahan ng at nalilikha ng mga elektromagnetikong field.

Google Image

 Kuryenteng elektriko: ang isang paggalaw o daloy ng may kargang elektrikong


mga partikulo na tipikal na sinusukat sa mga ampere.
Google Image

 Elektrikong field: isang espesyal na simpleng uri ng elektromagnetikong field na


nalilikha ng isang elektrikong karga kahit ito ay hindi gumagalaw(i.e.,
walang kuryenteng elektriko). Ang elektrikong field ay lumilikha ng isang pwersa sa
ibang mga karga sa paligid nito. Ang mga gumagalaw na karga ay karagdagang
lumilikha ng isang magnetikong field.

Google Image

 Elektrikong potensiyal: ang kapasidad ng isang elektrikong field na gumawa ng


isang gawa sa isang kargang elektriko na tipikal na sinusukat sa mga volt.

 Elektromagnet: ang mga kuryenteng elektriko ay lumilikha ng mga magnetikong


field at ang pagbabago ng mga elektrikong field ay lumilikha ng mga elektrikong
kuryente.

Google Image

Sa inhinyeryang elektrikal, ang elektrisidad ay ginagamit para sa:

 Elektrikong kapangyarihan kung saan ang kuryenteng elektriko ay ginagamit


upang bigyang enerhiya ang kasangkapan
Google Image

 Elektronika na nauukol sa mga sirkitong elektrikal na sumasangkot sa mga


aktibong bahagi gaya ng mga tubong bakyum, mga transistor, mga diodo, at
mga integradong sirkito at ang kaugnay na mga pasibong interkoneksiyong
teknolohiya.

Google Image

Ang mga pangyayaring na tungkol sa elektrisidad ay matagal ng napagaralan;


bagaman ang pagsulong sa panteoryang pang-unawa nito ay nanatiling mabagal
hanggang sa ikalabimpito at ikalabing-walong siglo. Ngunit kahit ang mga
aplikasyong praktikal para sa elektrisidad ay kakaunti lamang, nagamit parin ito ng
mga inhinyero sa mga industriyal at pantahanang gamit sa mga huling taon ng
ikalabinsiyam na siglo. Ang mabilisang paglawak ng mga teknolohiyang
nangangailangan ng elektrisidad ay nakapagpabago sa industriya at lipunan. Ang
kapansin-pansin na malawak na kaalaman ng elektrisidad ay nangangahulugan na
pwede ito ilagay sa halos walang hanggang pangkat ng mga aplikasyon na ang mga
halimbawa ay paglilipat, pagpapainit, pagpapailaw, komunikasyon, at komputasyon.
Ang lakas ng dagitab ay isa na ngayong gulugod ng makabagong industriya ng
lipunan.[1]
b. Ang Kuryente o enerhiyang elektrikal ay isa sa mga importanteng gamit ng mga tao
dahil sa lahat ng ginagawa natin ay dito na tayo naka depende. Umaga man o gabi ay
gumagamit tayo ng kuryente. Halos lahat ng bagay ng ginagamit ng tao ay
kinakailangan ng kuryente. Sa pag kain man o sa pag aaral at pati na rin sa pag tulog
ay gumagamit tayo ng kuryente. Ang kuryente sa mga panahon ngayon ay sobrang
importante na dahil halos lahat ng tao ay naka depende na dito at araw-araw na itong
ginagamit.

Grap 1

Ang pag taas ng singil sa kuryente ng Meralco

Source: http://www.slideshare.net/AGHAM/gabay-sa-pagtatalakay-ng-epira

Dahil sa dami ng gumagamit ng kuryente, sa pag lobo ng populasyon at sa pag taas ng


deman ng kuryente ay dahan-dahan na itong tumataas ang singil sa kuryente.
Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na maitatawa ang
kahalagahan ng kuryente sa lipunang Pilipino sapagkat mahalaga ang papel nito sa
pagbabawas ng kahirapan at pagpapaunlad ng bansa.

Nakita na umano ang matatag at patuloy na pag-angat ng ekonomiya sa mga nakalipas


na taon. Mula noong 2010 hanggang 2013, umabot ang average growth sa 6.3%, ang
pinakamataas mula noong dekada sitenta.

Maliwanag din sa pagunlad ng bansa, tiyak na tataas din ang pangangailangan ng


enerhiya at mapapanatili lamang ang kaunlarang ito kung makatitiyak na may
maaasahan at murang kuryente sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati sa program launch ng energy policy and development, sinabi ni


Kalihim Balisacan na nahihirapan pa rin ang pamahalaang matugunan ang kahirapan at
kakulangan ng hanapbuhay sapagkat napakamahal ng magagastos sa pagkakalakal sa
Pilipinas.

May koneksyon din ang kakulangan ng kuryente sa pangangailangan ng food and water
security at maayos na pangangalakal ng likas na yaman ng bansa.
Grap 2

Mga Kumokunsumo ng Kuryente sa Pilipinas

Source: http://environment.elnidoresorts.com/2012/04/12/why-the-philippines-needs-to-get-off-the-fossil-fuel-wagon-and-fast/

Ayon sa artikulo ng www.environment.elnidoresorts.com. Nakasaad sa artikulo na ang


mga resedente ang may mas mataas na kunsumo at ito rin ang pinakamataas na
deman ng kuryente. Pumapalawa naman dito ang mga “Commercial” at ang Pangatlo
naman ang mga “Industrial”. Sa Grap na ito ay nalalaman kung ano ang may mas
mataas na kumokunsumo sa kuryente ng bansang pilipinas.
c.Ang mga apparatus na ginagamit para makakuha ng renewable energy at gawin itong
kuryente:

 Solar Panel

Source: http://www.dreamstime.com/stock-illustration-solar-panel-icon-vector-black-white-background-image47034578

Ayon sa answes.com, ang solar panel ay ginagamit sa pagkuha ng solar energy. Ito
ang nagsisilbing lambat para makalap ang init o liwanag mula sa araw at ginagawang
kuryente/ elektrisidad. Sa bansang Germany ay mas ginagamit na ang solar energy sa
pangunahing pagkukunan ng kuryente. Sa taong 2010 ay nakagawa sila ng 3.8
GigaWatts(GW) per year. Ang germany rin ang nangungunang gumagamit ng Solar
Panel sa buong mundo.
 Hydroelectricity Power

Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Hydroelectricity

Ang Hydroelectricity Power o Hydroelektrisidad ay isa sa mga alternatibong paraan sa


pagkukunan ng kuryente sa isang bansa. Dito ay ginagamit ang tubig sa mga ilog at
dadalhin ito sa isang turbine para makagawa ng enerhiya at ikokonbert ito para maging
kuryente. Ayon sa Wikipedia.com, Ang hidroelektrika (mula sa Espanyol hidroeléctrica;
Ingles: hydroelectricity) ay ang tawag sa kuryenteng nalilikha mula sa enerhiya ng lakas
ng tubig (Ingles: hydropower) o gumagalaw na tubig, katulad ng tubig na bumubuhos
mula sa prinsa o dam at nagpapaikot sa turbinang nakaduop naman sa isang dinamo.

Ayon rin sa Wikipedia.org na ang China ay nangunguna sa nag implementa ng


Hidroelektrika sa buong mundo. Dahil nakakalikha ang china ng 196.79 Gigawatts(GW)
per year. Dahil dito ay ang china na ang may mas malaki ang nagagawang kuryente
tuwing taon.
 Mulino o Windmill

Source: http://www.canstockphoto.com/vector-clipart/windmill-logo.html

Ayon sa Wikipedia.org, Ang mulino o ingles ay windmill ay isang makina o motor na


pinapakilos ng hangin para lumikha ng enerhiya. Karaniwan silang nasa loob ng isang
malaking gusali katulad ng mga tore. Maraming mapaggagamitan ang enerhiyang
nagmumula sa mga mulino katulad ng paggiling ng mga butil, pagbobomba ng tubig,
paglalagari ng mga kahoy, at pagpipisa o pagmamartilyo ng mga buto ng halaman.
Ginagamit ang mga makabagong mga mulinong pinapaandar ng mga makinang de-
hangin para sa paglalang ng elektrisidad at mas kilala bilang mga turbinang de-hangin.
Dinisenyo ang mga mulinong gumagamit ng lakas ng hangin para mabago ang anyo ng
enerhiya ng hangin at maging mas gamitin pang kaanyuhan. Naisasagawa ito ng
mulino dahil sa kanilang mga propeler at layag. Kasama sa tinatawag na mulino ang
kayariang kinalalagakan nito. Sa kalahatan ng Europa, dati at orihinal na nagsisilbing
panggiling ng mga angkak, bagaman kinabilangan ng pagbobomba ng tubig, at sa mas
kamakailan lamang, para sa henerasyon ng kuryente.
Sa pag implementa ng renewable energy ay mas tataas ang pag proprodus ng kuryente
ng isang bansa at mabibigyan na ng solusyon na ang kakulangan ng kuryente sa isang
bansa. Sa bansang pilipinas ang Coal Fired Power Plant ang nangungunang
pagkukunan ng kuryente.

Source: http://environment.elnidoresorts.com/2012/04/12/why-the-philippines-needs-to-get-off-the-fossil-fuel-wagon-and-fast/

Ayon sa Philippine Electric Power Generation by Source na ang pangunahing


pagkukunan ng kuryente ng pilipinas ay ang Coal Fired Power Plants at ang
pumapalawa naman ay ang Natural Gas at maliit lamang ang porsento ng mga
ginagamit na renewable energy. Dahil dito ay mas tataas ang posibilidad na maraming
tao ang magkakasakit dahil sa mga ginagamit na sangkap katulad ng Natural gas ay
pag ang isang tao ay nakalanghap o na “expose” dito ay maaring ikamatay ito ng tao.
Dahil rin dito ay maapektohan rin ang kalikasan dahil sa pagtaas ng Carbon Dioxide at
iba pang kemikals sa ating kapaligiran ito rin ang dahilan sa pagkainit ng mundo na
tinatawag na Greenhouse Effect. Sa Pag gamit ng Renewable energy ay mababawasan
ang pagkasira ng ating kapaligiran at tataas na rin ang magagawang kuryente na
walang mapapahamak.

Sa artikulo ng www3.epa.gov ay ang dalang benepisyo ng pag implementa ng


renewable energy ay ang pag gegenerate ng enerhiya na walang ma proprodus na
Greenhouse effect o ang pagka init ng isang lugar. Maiiwasan na ang pag gamit ng
Fossil Fuel at mababawasan na ang polusyon sa kapaligiran.
Kabanata 5

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang palagat, pananaw at


kaalaman ng mga tao na nais maresulba ang kakulangan ng kuryente sa isang bansa.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mananaliksik ay nag saliksik sa mga iba’t
ibang artikulo tungkol sa Renewable Energy.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na mga impormasyon, ang mananaliksik ay humantong sa mga


sumusunod na kongklusyon:

a.Ang pag gamit ng mga renewable energy ay nakakaresulba sa pambansang


kakulangan sa kuryente.

b. Ang pag gamit ng mga renewable energy ay hindi lamang nakakaresulba sa


pangbansang kakulangan sa kuryente kundi nakakatulong rin ito sa pag linis at pag
reserba ng ating kalikasan.

c. Ang pag implementa ng renewable energy ay nakakatulong sa pag bigay ng mga


trabaho sa mga mangagawa.

d. Ang pag gamit ng mga renewable energy ay nakakaresulba sa malawakang


pagbabago ng klima at pag init ng ating mundo dahil hindi na magagamit ang pag
sunog ng mga “Fossil fuel”, pag gamit ng “nuclear at coal power plant.

e. Maari ring maka apekto ang renewable energy sa pag lago ng isang ekonomiya ng
isang bansa.

f. Madalas sa mga agrikutural ay sangayon sila sa pag implementa ng mga


alternatibong pagkukunan ng enehiya para sa pag resulba sa kakulangan ng kuryente
sa isang bansa.
g. Kung ipagpapatuloy ang fossil power plant, nuclear power plant, at coal power plant
ay maaring maapektuhan ang kalusugan ng mga tao lalo na sa malalapit na lugar ng
planta.

h. sa pag gamit ng mga alternatibong paraan ay mababawasan ang greenhouse effect.

Rekomendansyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda


ng mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga sumusunod na magsasaliksik sa paksang ito ay alamin ang mga


masamang epekto ng pag implementa ng mga alternatibong paraan para sa pag
resulba ng kakulangan sa kuryente.

b. Alamin kung ilang persento ang madadagdagan ng pag gamit ng mga renewable
energy.

c.Alamin kung makakaya ban g isang bansa ang pag implementa ng mga alternatibong
paraan sa pag suplay ng mga kakulangan sa kuryente.

d. Sa mga mangagawa, alamin kung ano ang kailangan na kaalaman para magawa nila
ang kanilang trabaho.

e. Alamin kung ano ang pwedeng gamitin na mga alternatibo sa isang bansa.

f. Mag hanap ng mga bansang gumagamit na ng alternatibong pagkukunan sa kuryente


at mga bansang hindi gumagamit nito at ikumpara ang dalawa.
Listahan ng mga Sanggunian

https://www3.epa.gov/statelocalclimate/state/topics/renewable.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mulino

https://tl.wikipedia.org/wiki/Hidroelektrisidad

http://pureenergies.com/us/blog/top-10-countries-using-solar-power/

http://tl.answers.com/Q/Saan_ginagamit_ang_solar_panel

http://ecowatch.com/2015/01/09/countries-leading-way-renewable-energy/

http://environment.elnidoresorts.com/2012/04/12/why-the-philippines-needs-to-get-off-the-
fossil-fuel-wagon-and-fast/

http://filipino.cri.cn/301/2014/11/27/101s132972.htm

https://tl.wikipedia.org/wiki/Elektrisidad

Answers.com

Wikipedia.org

Jeremi Shere “ Renewable: The World-Changing Power of Alternative Energy”

Ron Pernic at Clint Wilder “The Clean Tech Revolution”

You might also like