You are on page 1of 7

KABANATA II REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kinakatawan ng kabanatang ito ang ibat ibang teorya hinggil sa kasanayan sa pagbasa at ang implikasyon nito sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Layunin ng rebyung ito na makapagtala ng ibat ibang pananaliksik na susuporta sa suliranin sa pagtataglay ng kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral na makatutulong sa pagtatamo niya ng karunungan. KAUGNAY NA LITERATURA Ayon kina Francis Vanek at Louis Albright (2008), mula pa lang nang maitala ang kasaysayan ay naging ugali na ng tao ang paghanap ng mga makabago at mga alternatibong pamamaraan sa paghahanap ng solusyon sa kanilang mga problema. Kapag ang isang inhinyero ay nagiisip ng paraan na nagtutungo sa enerhiya o sa mga energy systems, maging propesyunal man o taga-konsumo lamang, malawak na aplikasyon ang nabubuo sa utak. Iba na lamang dito ang elektrisidad, elektroniks, natural gas na ginagamit sa pag-iinit, mga produkto ng petrolyo na ginagamit sa transportasyon, at marami pang iba. Tumatak sa isip ng mga industriyalisadong mga bansa tulad ng Asya, Europa, at Hilagang Amerika na ang pagkonsumo ng enerhiya ay regular lamang sa maunlad na buhay ngayon. Mula 1960 hanggang 1990, ang paggamit sa fossil fuel ay may 85 na bahagdan sa pandaigdigang pagkonsumo ng enerhiya, habang ang mga renewable na pagkukunan tulad ng hydroelectric, solar, and wind power ay may walong bahagdan. At ang nuclear naman ay may anim na bahagdan, ayon kay Allen Shonnard (2002).

Sinabi ni Allen Shonnard na ang pagkakaroon ng sapat na pagkukunan ng enerhiya ay nagbibigay ng posibleng mataas na antas ng pamumuhay sa mga tao na maaaring magsaya. Tulad na lamang sa sinabi ni Keith Kozloff (1995) na ang kadalubhasaan ng paggamit ng mga renewable na teknolohiya ay nagbibigay daan sa mga paunlad na bansa na gumawa ng paraan ng pagiipon ng enerhiya nila habang iniiwasan ang pagkasira at disgrasya sa sangkatauhan at kalikasan. Ayon kay Stan Gibilisco (2007) at Dave Reay (2011), ang natural gas na methane ay naging pinakalaganap at pinakasikat na fuel dahil alkane hydrocarbon, sa prosesong central heating sa US noong ika-20 na siglo. Maging pa man sa ika-21 na siglo, na nagkakaroon na ng pagkukulang, ay nanatiling praktikal ang paggamit ng methane, lalong lalo na sa mga urban centers kung saan mayroong mga gas pipeline systems. Ayon din sa kanya, maaari din makuha ang methane mula sa mga dumi ng hayop at mula na rin sa mga patay na halaman, at tinatawag itong biogas. Ang maramihang paglikha ng methane ay maaaring makatulong at maari ring makapagbigay ng problema sa tao. Tunay na laganap at napapanahon ang paggamit ng nasabing kemikal. Ngunit, maaari din itong magbigay ng masamang epekto sa tao kapag mali ang paggamit nito. Sinabing maaaring magdulot ng flashfire at matinding pagsabog kapag tumagas ang nasabing kemikal. Ang paggamit sa methane bilang pagkukunan ng enerhiya ay nakahiwalay sa dalawang malawak na kahulugan. Una, ang pagkolekta para sa pagsingaw ng methane

at pangalawa, ang paggawa ng methane sa saradong proseso. Ito ay ayon kina Cave Drapcho at Terry Walker (2008). Sinabi rin ni Stan Gibilisco na ang methane ay maaaring magsilbing medium-term transitional fuel sa mga electric-generating plants habang silay umuunlad. Kasabay nito ay ang pagkuha nito ng benepisyo sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya tulad ng enerhiya na mula sa hangin, hydroelectric, tidal, geothermal, at solar. Sinabi ni Anne Maczulak, Ph.D. (2010) na ang mga environmental scientists ay may tinukoy na dalawang solusyon sa methane na nagmumula sa mga cattle at ito ay ang: paghuli sa methane para gawing enerhiya at ang pagpapalit sa normal na ruminant digestion upang makalikha ng maliit na halaga ng methane. Ikinuwento ni Zhang Zhihui, residente ng Liuminying Village, na malaki ang kanyang naging kaginhawaan sa pagluluto at pagpapakulo ng tubig sa paggamit methane stoves. Dumadaan ang crop stalks na mayroon sila sa prosesong fermentation. Matapos nito ay lumalabas ang methane gas na maaaring gamitin bilang pang-gaas pangluto at pang-init, at ang natirang likido at resido ay ginagawang pataba sa lupa. Ito naman ay ayon kay Li Yahong (2008). Sinabi sa internet article na Landfill Will Use Methane To Make Energy na ang Houston County Landfill sa bansang Georgia ay kukuha ng enerhiyang pangkuryente sa methane na nagmumula sa mga basura. Sinabi pa nila na green power ang ito dahil napapaunlad nito ang basura at binabawasan ang air polusyon sa pagpalit nito sa fossil fuel.

Ang biogas ay pagsasama ng mga gas na likha ng fermentation ng dumi o basura sa walang hangin na kalagayan. Renewable na pagkukunan ng enerhiya ang biogas. Nasa 60 hanggang 70 bahagdan ng methane ang nilalaman ng biogas. at ang kilalang amoy na matatagpuan sa mga swamps ay dahilan ng methane at iba pang mga gas na kinain ng mga bacteria. Ito ay ayon kina Neil Schlager at Jayne Weisblatt (2006). Isiniwalat din nina Neil Schlager at Jayne Weisblatt (2006) na sa sobrang dami ng methane na nakapaloob sa mga biogas ay kaya nitong magpaandar ng mga kagamitang de-kuryente na gumagamit ng natural gas. Nasabi rin na ang isang dairy farm na mayroong apat hanggang anim na milyong mililitrong biogas kada taon ay may kakayahang lumikha ng 124,000 hanggang 198,000 kilowatt-hours ng kuryente. Ayon kina Roland Wengenmayr at Thomas Buhrke (2010), ang bawat agricultural enterprise ay naglilikha ng organic waste, halimbawa na dito ay ang likidong dumi mula sa livestock na maaaring gawing biogas. Nakapaloob sa produksyon ng biogas sa maliliit na agricultural enterprise ang malaking potensyal sa pagbibigay ng heat, electrical power at automotive fuel sa isang nangingibabaw na climate-neutral na basehan. Sa bansang Netherlands at Denmark, ang biogas ay kadalasang ginagamit bilang pagkukunan ng lakas ng enerhiya. Sa Amerika, may ilang dairy farm na ang nagsimulang gumamit ng sistemang biogas bilang daan sa pagtaas ng suplay ng dumi. At sa Canada naman, ang gas na nanggagaling sa mga landfills ay pinagkukuhanan ng enerhiya ng kuryente.

Nang makilala ang pormasyon ng mga landfill gas at mga kaakibat na panganib nito, at pati na rin ang potensyal nito, naisipang gamitin ito bilang pagkukunan ng enerhiya mula sa kerosene. Ang pinakamodernong landfill site ay ginawa upang ikulong ang mga gaas para sa flaring o paggamit sa energy recovery systems ayon sa paglalahad nina Edgar Dubois at Arthur Mercier (2009). Hanggang sa kasalukuyan ay pinapaunlad pa rin ang teknolohiya na ginagamit sa biogas bagamat napakahirap maghikayat ng mga taong maglalaan ng malaking pera para sa nasabing teknolohiya. Kaunting tao pa lamang ang nakakaalam ng biogas, kaya mahina pa ang demand ukol dito sabi nina Neil Schlager at Jayne Weisblatt (2006). Isinaad ni Anne Maczulak, Ph.D. (2010) na ang dami ng methane sa isang mixture ng biogas ay nakakaapekto sa produksyon ng enerhiya dahil ang methane ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya. Sinabi ni Wentz, T. (1997) na ang septic system ay napakapayak at simpleng sistema na binubuo ng tatlong salik: ang tangke, distribution box, at distribution laterals. Ang silbi nito ay protektahan ang distribution system na maging barado. Ipinaliwanag naman nila Nelson L., Nemerow, Franklin J., Agardy, Patrick, Salvato, Joseph. (2009) na hindi nililinis ng septic tank ang mga dumi, hindi rin nito tinatanggal ang amoy o sinisira ang lahat ng mga solid na bagay, bagkus kinokondisyon nito ang dumi upang ito ay maitapon sa pamamagitan ng subsurface absorption system. Ang septic tank ay isang watertight na tangke na dinisenyo upang mapabagal ang paggalaw ng mga dumi na dumadaan dito upang ang mga solid ay mapanatili at

madurog sa pamamagitan ng liquefaction at anaerobic bacterial aksyon. Nelson L., Nemerow, Franklin J., Agardy, Patrick, Salvato, Joseph. (2009) Ipinaliwanag din ni Wentz, T. (1997) na ang silbi ng distribution system ay maalis ang mga maruruming tubig sa paraan ng pag-higop ng mga lupang nakapaligid dito, sa paraan ng pagsisingaw, at pagsipsip ng mga punot halaman, o kayay sa paraan ng paggamit ng lahat ng nabanggit. Upang makuha ang biogas sa mga dumi ng hayop, kinakailangan ang prosesong digester mungkahi nina Neil Schlager at Jayne Weisblatt (2006) Binigyang diin ni Anne Maczulak, Ph.D. (2010) na ang anaerobic digester ay isang kagamitan o lugar kung saan iniimbak ang mga waste materials sa isang oxygenfree environment upang mapababa ng anaerobic bacteria ang bilang ng mga dumi. Ang digester ay isang malaking tangke na mayroong libu-libong galon ng liquid at semiliquid na materyal. Tinalakay ni Richard T. Wright at Dorothy F. Boorse na ang anaerobic digestion ay isang proseso na pinahihintulutan ang mga bacteria na dumami sa isang sludge sa pagkawala ng oxygen. Ang sludge digester ay isang tangke kung saan nilalagay ang mga sludge. Sa pagkawala ng oxygen, ang mga anaerobic bacteria ay unti-unting nawawala at nagiging isang organic matter. Nabubuo ang carbon dioxide, methane, at tubig mula sa pagkabulok ng mga duming ito. Ang bunga ng proseso ng anaerobic digestion ay ang biogas. Ito ay isang gaseous mixture na binubuo ng 2/3 na methane at 1/3 ng carbon dioxide. Dahil sa methane, ang biogas ay mabilis masunog at pwedeng gamitin bilang fuel.

Ang sobrang aktibong anaerobic digesters ay maaaring makapagprodus ng sapat na methane upang makapagpatakbo ng treatment plants heating, refrigeration at elektrisidad, sabi ni Anne Maczulak, Ph.D. (2010). Ang methane at ang iba pang biogases na nanggagaling sa anaerobic digestion ay nagsisilbing pinagkukunan ng enerhiya.

You might also like