You are on page 1of 3

Kahanga-hangang Taglay ng “Liquid Smoke”

Ang Pilipinas ay isa sa bansang agricultural na mayaman sa likas na yaman.


Malaking kabuuan ng basura ay nanggagaling sa sector ng agrukultura at plantasyon. At sa
pag-unlad ng ating lipunan, dumarami ang mga produktong agrikultura na kung saan nama’y
dumadami din ang paglikha ng basura.

Mapapansin natin na sa ating pag-unlad, ay lumalaki din ang hamon sa atin upang
maisaayos ang suliranin sa basura. Upang makatulong sa pag-iwas ng pagdami ng mga
nabubulok na basura, isa sa naimbento at isinusulong ng Ecosystems Research and
Development Bureau (ERDB) ay ang produksyon at paggamit ng DENR charcoal briquettes
na kung saan sa proseso ng karbonasisasyon ay maaring makakolekta ng tinatawang nilang
“liquid smoke”.

Saan nagsimula ang paggamit ng liquid smoke?

Sa artikulo ni Tiilikkala, et al (2010), napag-aalaman na matagal ng ginagamit ang


liquid smoke mula pa sa kapanahunang Neanderthal ayon sa mga pag-aaral ng arkeolohikal.
Ayon sa mga datos na nakalap, isang Missouri pharmacist na nagngangalang Ernest H.
Wright ang unang naglabas ng kanyang komersiyal na pampalasa na liquid smoke noong
1895. Subalit kahit na matagal na panahon na itong ginagamit, limitado pa din ang mga
nasusulat na pag-aaral sa mga artikulo patungkol sa liquid smoke bilang pestisidyo.

Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa liquid smoke?

Base sa pag-aaral ng mga siyentipiko, maraming kapaki-pakinabang na makukuha sa


paggamit ng liquid smoke. Ito ay maring gawing abono o pataba, pestisidyo, pampalasa sa
pagkain at pwedeng gawin sangkap sa paggawa ng pabango, pang-alis ng amoy at pantagal
ng sakit ng kalamnan. Ito ay dahil sa sangkap na kalakip gaya ng phenolic, carbonyl,
ketones, furans and lactones.

 Abono

Sa pag-aaral nila Baconguis at ng ilang mga mananaliksik sa ERDB (2009), ang


kombinasyong ng liquid smoke at pininong uling mula sa balat at buko ng niyog at basura
mula sa kawayan ay napag-alamang maganda sa pagpapatubo at pagpapalaki ng halaman
gaya ng lipote (Syzygium polycephaloides C. B. Rob. Merr.). Base sa kanilang proximate
analysis, ang liquid smoke ay nagtataglay ng Nitrogen, Potassium, Calcium, Sodium, Zinc,
Copper, Manganese at Iron na mainam sa pagpapatubo ng halaman.

 Pestisidyo

May mga pag-aaral sa ibang bansa, kagaya ng sa Thailand, na kung saan ang liquid
smoke ay ginagamit upang labanan ang mga insekto mula sa mga halamanan at mga tahanan
(Sirma, undated). Ayon kay Strong noong 1973, nakatulong ang pag lagay ng liquid smoke
sa buto ng trigo upang makaiwas sa atake ng ibon, daga, at insekto. Sa Finland naman, ang
birch tar ay makakatulong sa pag-iwas sa slugs (Arion lusitanicus Bank, et al.) at kuhol
(Arianta arbustorum Linnaeus). Ayon kay Yatagai, et al (2002), ang liquid smoke ay
nagtataglay ng mataas na pangontra sa anay na Reticulitermes speratus Kolbe. Sa isang
experiment sa Greece, ang isang spray ng langis ng birch tar ay nakapatay ng 95% ng
dapurak (Myzus persicae Sulzer) sa talong. Ang mga psyllids (Trioza apicalis Förster)
naman sa Finland ay natataboy din birch tar oil. Base sa eksperimento ni Wagiman, et al
(2014), Ang liquid smoke mula sa bao ng niyog ay napatunayan na nakakamatay sa brown
planthopper (Nilaparvata lugens Stal) na isa sa seryosong peste sa palay. Sa pag-
eeksperimento sa ERDB, napansin na ang pag-spray ng liquid smoke sa lagayan ng basura sa
kanilang Materials Recovery Facility ay nakakataboy ng mga ipis; at napansin din na maaring
gamitin ang liquid smoke sa pagpatay ng mga kiti-kiti.

Ang pabago-bagong klima at ang pagtaas ng temperature ay nakaapekto sa pagdami at


pagkalat ng peste. Ang pagkontrol ng mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng labis na
pestisidyong kemikal ay mapanganib sa kalusugan at pagkain at maaring makasira ng
kapaligiran. Kung kaya’t napakaimportante na isulong ang paggamit ng environment
friendly at organikong pesitisidyo upang mapanatiling balanse ang kapaligiran.

 Panlaban sa mikrobyo

Base sa konklusyon ng thesis ni Milly (2003), ang liquid smoke ay nagtataglay ng


antimicrobial properties mula sa Gram positive at Gram negative na bakterya. Ayon sa
kanya, hindi dumadami ang naku-culture na bacteria kung ang konsentrasyon ay mas mataas
kaysa sa minimum inhibitory concentration (MIC). Ang pinaka epektibo na bahagi na may
mataas na antimicrobial activity ay yaong may mababang pH at mataas na carbonyl.

 Panlaban sa sakit ng halaman

Ayon sa flyer ng ERDB Charcoal Briquetting Technology 2009, mas magaling ang
liquid smoke kaysa sa Copper Hydroxide sa pagpuksa sa Xanthomonas oryzae at
Difenoconazole-propiconazole sa pagpuksa naman ng Rhizoctonia solani na pumepeste sa
mga palayan.

Sinasabi pa sa artikulo ni Tiilikkala, et al (2010), na ayon kay Choi et al (2009),


nakakatulong ang liquid smoke sa pagpapalaki ng baboy sa pamamagitan ng pagpaimprove
ng nutrient digestibility at nakakabawas ng coliforms sa bituka. Ang mga anak ng baka
naman na pinainom ng gatas na may liquid smoke na tinatawag nilang “Nekka-Rich” ay
lumalaban sa protozoa na Cryptospiridosis parvum. Nakakatulong din ito sa pagrekober
mula sa pagtatae isang araw matapos ang pag-inom ng Nekka-Rich. Ang hinalong uling at
liquid smoke ay mainam na ilahok sa inuming tubig (Yoo JH, et al., 2007) at sangkap sa
pakain sa manok (Samanya, M., 2001).
References

Baconguis SR, CB. Quiambao, GE. Santos, AC. Malabanan, AR Pasagdan. 2013. Production
and Utilization of By-Products from Charcoal Making. Book of Abstracts. Second
National Conference and Workshop on Environmental Science: Harnessing
Environmental Science for Smarter Interdisciplinary Analysis and Adaptive
Management of the Environment, University of the Philippines at Los Baños, College,
Laguna.

Choi JH, Shinde PL, Kwon IK, Song YH, Chae BJ. Effect of wood vinegar on the
performance, nutrient digestibility and intestinal microflora in weanling pigs. Asian
Aust J Anim Sci 2009; 22(2): 267-74.

ERDB. 2009. Information guide on the production of DENR Charcoal briquettes from
abandoned biomass.

Milly, P.J. 2000. Antimicrobial Properties of Liquid Smoke Fractions. Graduate Thesis
Dissertation. B.S.A., The University of Georgia.

Samanya M, Yamauchi K. Morphological changes of the intestinal villi chickens fed the
dietary charcoal powder including wood vinegar compounds. J Poult Sci 2001; 38:
289-301.

Tiilikkala, K., L. Fagernas, and J. Tiilikkala. 2010. History and Use of Wood Pyrolysis
Liquids as Biocide and Plantation Product. The Open Agriculture Journal, 111-118.

Wagiman, F.X., Arik Ardiansyah and Witjaksono. 2014. Activity of Coconut-Shell Liquid-
Smoke as an Isecticide on the Rice Brown Planthopper (Nilaparvata lugens). ARPN
Journal of Agricultural and Biological Science. Vol. 9, No. 9, September 2014. ISSN
1990-6145.

Watarai S, Koiwa M. Feeding activated charcoal from bark containing wood vinegar liquid
(Nekka-Rich) is effective as treatment for Cryptosporidiosis in calves. J Dairy Sci
2008; 91: 1458-63.

Yoo JH, Ji SC, Jeong GS. Effect of dietary charcoal and wood vinegar mixture (CV82) on
body composition of Olive Flounder Paralichthys alivaceus. J World Aquac Soc
2007; 36(2): 203-8.

You might also like