You are on page 1of 35

Ang Pilipinas, bilang isang umuunlad na bansa, ay patuloy na

dumedepende sa paggamit ng plastik sa iba't ibang paraan, nangunguna


ay ang paggamit at pagbili na mga produktong nakaplastik o naka-sachet.
Sa katunayan, umaabot sa 164 milyon na mga plastik sachet ang tinatapon
ng mga Pilipino araw-araw (GAIA, 2019) at walang kasiguruhan kung ito
nga ba’y nakararating sa tamang basurahan at hindi humahantong sa mga
daluyan ng tubig na kalaunan ay maaaring bumara, kumalat o maging
microplastic.

Base sa organisasyon ng Plastic Pollution Coalition, lima hanggang


sampung porsyento lamang ng mga plastik na nagawa ang ating nababawi
sa kasalukuyan. Isang malinaw na katotohanan na ang mga plastik na ito
na hindi nabubulok ay kadalasang napapadpad sa mga anyong tubig at
nagdudulot ng polusyon na hindi lamang nakaaapekto sa kalagayan ng
dagat ngunit pati na rin sa mga isdang naninirahan dito gaya ng Hasa-Hasa.
Kadalasan ay napagkakamalan ng mga ito ang plastik na palutang-lutang
bilang kanilang natural na pagkain. Ito ay nagdudulot ng pagkakagulo sa
mga dapat sana’y natural na proseso ng kalikasan.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Manila Bay sa kapitolyo ng Maynila sa


Pilipinas. Dito umiikot ang lahat ng barkong nagdadala at nagbabagsak ng
mga produkto. Ang mga Hasa-Hasang isdang ginamit sa pag-aaral na ito ay
hinuli mismo ng mga mangingisda sa Manila Bay sa kahabaan ng Roxas
Boulevard kasama ng mga mananaliksik.
Ayon kay Jones (2012), ang Manila Bay ay kinikilala na isa sa mga
pinakamainam na daungan sa buong Asya na nangangasiwa sa madaming
ekonomikong kaganapan na siyang nag-aambag sa halos kalahati ng GDP
(Gross Domestic Product) ng Pilipinas. Ngunit dahil sa kabilisan ng
urbanisasyon ng Maynila, nababawasan ang pagiging produktibo ng wawa
ng Manila Bay na nakaaapekto rito nang masama. Ang mga katabi na
anyong tubig katulad ng Pasig River ay may regular na dalang halo-halo na
tambak ng basura katulad ng produktong galing sa kahoy, mga patay na
hayop, at dumi ng tao na nanggaling sa mga naninirahan sa Metro Manila.
Tinalakay sa pag aaral nina Kim et al. (2011) na ang Manila Bay ay isa sa
mga anyong tubig sa dagat ng Silangang Asya kung saan laganap ang
polusyon at isang-katlo ng populasyon ng Pilipinas (26 milyon) ay
naninirahan sa paligid nito. Dahil may mga tao sa Metro Manila na umaasa
sa isda o pagkain galing sa dagat, ang kontaminasyon ng isda sa dagat ay
maaring magbanta sa kalusugan ng mga mamamayan sa lugar na ito.

Ayon kina Chatterjee et al (2019), ang mga plastik daw ay gawa ng tao
na mayroong polimer na nababaluktot at nababago ang hugis. Ang plastik
ay binubuo ng mahahabang linya ng polimer na binubuo rin ng carbon,
oxygen, hydrogen, silicon, at chloride na nakukuha sa natural na gaas,
langis, at uling. Ang malalaking basurang plastik ay lumiliit at napupunit sa
maliliit na piraso.
Sinabi ni Zeng (2018) na ang terminong microplastic ay hindi lamang
nangangahulugan na ito ay solid matter kung hindi ito rin ay kahit anong
synthethic organic polymers na gawang tao. Ngunit kahit daw maraming
depenisyon ang microplastics, ang tinatanggap lamang ay ang depenisyong
ito ay may sukat na 5mm - 0.1µm. Ang may sukat naman na mas maliit pa
sa 0.1µm ay tinatawag na nanoplastics, ang mga plastic naman na may
sukat na hihigit sa 5 mm ay tinatawag na mesoplastics (5-25 mm), at ang
hihigit pa sa 25 mm ay tinatawag na macroplastics.

Ayon kina Lusher. et al.(2016) ang pagkain ng microplastic ay ilang beses


na naitala sa iba’t ibang klase ng mga pandagat na organismo. Ayon sa
nakalap na datos, ipinapakita na 83% ng Norway Lobsters o
Nephropsnorvegicus na galing sa Clyde Sea ay nakakain na ng plastik
kasama ang monofilament line at pira-piraso ng mga plastik bag.
Sinasaad rin na ang microplastic ay pwedeng magdulot ng pisikal at
kemikal na epekto kapag ito ay nakain ng iilang mga organismo. Kapag
nalunok, ito ay pwedeng dumaan sa laman loob o manatili lamang sa
digestive tract. Ang mga ito ay pwedeng magkumpol-kumpol at maaaring
maging mapanganib kapag humarang ito sa daluyan ng pagkain. Dagdag
pa ng pananaliksik, maraming exposure pathways kung saan maaaring
makahalubilo ng mga organismo ang mga tira-tirang microplastic. Ang
tuwirang pagkonsumo ng mga microplastic ay laganap sa mga suspension
feeders gaya ng zooplankton, talaba, at tahong, at mga deposit feeders
naman tulad ng sea cucumber, alimango, at nephrops. Ang mga ito ay
walang kakayahang makilala ang kaibahan ng microplastic at kanilang
pagkain. Ang mga mandaragit at mga organismong kumakain sa mga patay
na hayop ay maaaring hindi direktang makakonsumo ng plastik habang
kumakain o naghahanap ng tira-tira na makakain na maaaring may
presensya ng microplastic. Ang microplastic at nanoplastic ay maaaring
dumikit sa panlabas na parte ng katawan tulad ng hasang ng alimango at
tahong.

Inilahad ni Laws (2018) na kadalasan, ang mga pandagat na organismo


ay nakakakain ng mga labi ng plastik. Ito naman ay maaring hindi sinasadya
o kaya’y sadya sa proseso ng pagkain sapagkat napagkakamalan nilang
pagkain ang mga plastik. Ito ay masama sapagkat ang paglunok ng mga labi
ng plastik, lalo na ang mga microplastic, ay naidokumento na sa malawak
na saklaw ng mga pandagat na organismo mula sa zooplankton hanggang
isda, pati na rin ang pagsalin ng mga nakain na plastik mula sa mga biktima
at mandaragit. Ang pangyayari kung saan ang pandagat na organismo ay
namatay o nagkaroon ng negatibong epekto bilang resulta ng pagkonsumo
ng microplastic ay hindi pa ekstensibong napag-aaralan sa kasalukuyang
panahon.

Inilahad nina Luna et al. (2019) na ang Rastrelliger brachysoma ay isang


uri ng isda na nabibilang sa pamilya ng mga mackerel at isa sa mga
pinakamahalagang komersyal na lahi ng mackerel. Karaniwang
matatagpuan sa mga bansang napaliligiran ng Karagatang Pasipiko tulad
ng Thailand, Indonesia, Papua New Guinea, Pilipinas, Solomon Islands at
Fiji. Ang batch spawning ng mga ito ay nagmumula Marso hanggang
Setyembre. Ang pangunahing pagkain ng mga ito ay ang mga
microzooplankton (na maraming phytoplankton na nilalaman) at iba pang
maliliit na organismo. Ang Hasa-Hasa ay madalas na ibinebenta sa
merkado nang sariwa, nagyeyelo, de-lata at tuyo na inasinan at
pinausukan.
Ang pag-aaral ni Wagner et al. (2017) ay nakatuon sa paghahanap ng
epektibong paraan ng pagtukoy ng microplastic sa sikmura at bituka ng
isda. Sa loob ng kanilang eksperimento, ang mga isda ay sumailalim sa
proseso ng pagkuha ng sample. Ang naisagawang pag-aaral ay naglikom ng
iba't-ibang sampol ng tubig mula sa samu’t saring sublittoral at eulittoral
na lugar, kung saan ito ay pinatuyo at sinala gamit ang bakal na salaan. Ang
nasalang microplastic na materyal ay inilagay sa ilalim ng SEM upang suriin.
Gayon man, isinasaad ng pag-aaral na ito na "ang mga pagsiyasat sa pag
konsumo ng plastic ng mga vertebrates sa larangan ay matrabaho kaya
bihira lamang ang mga ganitong pag-aaral" (Löder at Gerdts, 2015 na
binanggit nina Wright et al., 2013). Bagaman inihayag ng pananaliksik na
kaunti lamang ang dami ng nalikom na microplastics na materyal mula sa
samples, pinatunayan din nito na ang paggamit ng SEM ay isang mabisang
paraan ng pagsusuri ng mga katangian at komposisyon ng mga microplastic
paraan ng pagsusuri ng mga katangian at komposisyon ng mga microplastic
na natipon.

Sina Löder at Gerdts (2015) ay nagsagawa ng pag-aaral na


maihahalintulad sa naunang pag-aaral nina Wagner et al. ngunit dahil ito
ay gumamit ng ibang restriksyon sa pagkain, mas madaling nakakain ng
microplastic ang mga populasyon na nabibilang dito kaysa sa ibang isda sa
dagat. Ang mackerel rin ay mas madaling kapitan ng microplastic dahil sa
kanilang kanlungan na natatagpuan sa pelagic zone sa ibabaw ng dagat,
kung saan naninirahan ang mga microplastic particles. Ang mga isdang ito
ay kumakain rin base sa kulay o hugis na pwedeng mahalo sa microplastic.
Ayon kay Swapp (w.p.) ang scanning electron microscope ay sumusukat
sa magnipikasyon mula 20X hanggang 30,000X, spatial resolution of 50 to
100 nm. Sinasaad niya na ang mga sampol ay kinakailangang solid at ito
dapat ay magkasya sa lalagyan ng ispesimen. Ang pinakamalaking sukat ng
pahabang dimension ay madalas na nasa 10 cm ang pahaba at ang patayo
naman ay hanggang 40 mm na sukat.

Ayon kay Lavars (2017), ang mga mananaliksik mula sa Warwrick’s


School of Life Sciences (2017) ay natuklasan na ang Nile red na isang uri ng
fluorescent dye. Ang dye na ito ay dumidikit sa mga partikulo ng plastik na
lumulutang sa tubig na nakatutulong upang mabukod ng mga ekspertong
siyentista ang mga natural na materyal sa plastik at mas madaling mabilang
ang mga partikulo. Maraming sampol ang masusuri nang matulin, mainam
sa kaunting oras at makakuha ng maraming datos sa dami ng maliit na mga
microplastic sa tubig dagat o sa alin mang sampol.

Ayon sa US Water Systems (w.p.) ang DI H2O o ang deionized na tubig


ay isang uri ng high purity water. Ito ay tubig na nilinis upang tannggalin
ang lahat ng ions-- nanganngahulugan ay ang pagtannggal ng mineral na
asin. Ang deionized water ay magandang opsyon sa maraminng bagay,
kasama na ang cooling applications, laboratoryo na gamit, industriya nnng
parmasyutiko, at iba pa. Maliban kung mataas na kalinisan ng tubig ang
kailanngan, ang deionized na tubig ang kadalasan na mas mainam na
alternatibo sapagka’t ang proseso nito ay mabilis at hindi gaano
kamahalan.

Ang polusyon ng tubig sa Manila Bay, kasama ang karugtong na anyong


tubig nito, ang ilog Pasig, ay patuloy na nagiging problema sa Pilipinas. Ang
mga katangian ng microplastics ay nagbabanta sa buong aquatic food
chain, kasama na ang mga tao. Ayon kay Laws (2018), kabilang sa
karaniwang pagkain ng mga Hasa-Hasa ang microzooplankton na isa ring
hayop na pandagat na naaapektuhan ng microplastics. Dahil ang Hasa-
Hasa ay isang uri ng isda na ginagamit pangkomersyal, mayroong
posibilidad na ang mga tao ay nakakokonsumo ng plastik nang hindi
namamalayan. Karamihan ng mga pananaliksik na tumatalakay sa
microplastics ay gumagamit ng ultrasonic extraction ng microplastics mula
sa gastrointestinal tracts ng mga isda. Gayon pa man, ang pangongolekta
ng mga sampol ng tubig mula sa mga apektado na anyong tubig ay
makatutulong upang maging mas eksakto ang resulta ng pananaliksik.
Napatutunayan na ang naunang pamamaraan ay epektibo kung
isasaalang-alang ang kalagayan ng Manila Bay.

You might also like