You are on page 1of 1

Brochure content

Title: Ang Kapaligiran ay Parte ng Iyong Buhay


Kalat mo! Sakit mo! Sakit ng Pamilya mo!

Ayon kay Doc Willie Ong, maraming masamang epekto sa kalusugan ang maidudulot ng
pagkakalat ng basura. Ang mga sumusunod ay mga sakit na makukuha mula sa:

Dumi ng tao at hayop:


a. Ang cholera ay galing sa isang matinding bacteria na nakamamatay. Kumakalat din
ito sa komunidad na parang epidemya.
b. Ang typhoid fever at gastroenteritis ay nakukuha sa maduduming pagkain at tubig.
c. Ang tambak ng basura ay pinamumugaran ng langaw, daga at insekto na siyang
nagkakalat ng mikrobiyo tulad ng leptospirosis at pagtatae.

Sakit mula sa nabubulok na dumi:


a. Posibleng magka-hika (asthma) ang mga bata at residente. Ang mga taong may sakit
sa baga ay mahihirapan din sa laging paghinga ng masangsang na hangin.
b. Ang bulate ay puwedeng makapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng sugat sa paa
o pagkain ng kontaminadong pagkain. Ang mga bulate ay nagiging “parasites” sa
katawan at sinisipsip nito ang dugo at sustansya ng tao.
c. Maraming sakit sa balat, tulad ng galis, alipunga, pigsa at mga sugat, ang makukuha
sa paghawak ng basura. Kapag ang simpleng pigsa ay hindi nagamot, puwede itong
kumalat sa katawan at magka-komplikasyon.

Sakit mula sa lason at kemikal:


a. Dahil sari-saring mga bagay ang tinatapon sa ating basura, posibleng malason ang tao
sa mga kemikal tulad ng lead (sa pintura at battery), mercury (bombilya) at asbestos
(building materials). Ang exposure sa kemikal na ito ay puwedeng magdulot ng cancer
at pagkamatay.

Mga Paraan upang Maiwasan ang mgs Sakit mula sa Basura at dumi ng tao

1. Paghiwahiwalayin ang pagtatapon ng basura at lagyan ng label ang basurahan


(Nabubulok, hindi nabubulok, recycle, kemikal/infectious)
2. Siguraduhing laging may takip ang basurahan upan hindi puntahan ng maraming
insekto at malanghap ang masamang amoy
3. Ang mga nabubulok na basura ay dapat mailibing sa lupa o makuha ng nangongolekta
sa loob ng 24 oras
4. Huwag katamaran ang pagtatapon sa tamang basurahan.
5. Laging maghugas ng kamay kapag magpapalit ng garbage bag sa basurahan.
6. Magwalis ng loob at labas ng bahay araw araw
7. Kung walang kubeta, huwag umihi o dumumi malapit sa bahay, pinagkukunan ng
tubig (ilog, balon, dagat)
8. Kung may mga alagang hayop huwag hayaang dumumi ito malapit sa mga taong
pwedeng makalanghap ng amoy.
9. Isabuhay lahat ng mga nakalagay sa taas

PAALALA:

Ang kapaligiran ay malaki ang epekto sa pagkakaroon at pagpapagaling sa isang sakit.


Kapag ang kapaligiran niyo at tuluyan nang naging madumi, kayo din ang unang
maaapektuhan. Ang mga tao ay pwedeng magkasakit at ang mga taong may sakit na nag
nagpapagaling ay pwedeng mapalala ng maduming hangin at paligid.

You might also like