You are on page 1of 12

Agricultural Training Institute

INTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY


Marawoy, Lipa City

GABAY
SA PANGANGALAGA
NG DUMI NG BABOY
BAKIT KAILANGANG PANGASIWAAN NANG
MABUTI ANG DUMI NG BABUYAN?

Ang maling pamamaraan ng pangangasiwa ng dumi


ng baboy ay maaaring magdulot ng problema sa lipunan at
kapaligiran.

Kalimitang inirereklamo ng mga kapitbahay ang


mabahong amoy, pagdami ng langaw sa lugar at ingay ng mga
baboy.

Ang di-wastong pangangasiwa ng dumi ay maaaring maging


sanhi ng polusyon sa hangin, tubig at lupa.

Salaan at patuyuan ng dumi

2 GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY


PAANO NAKAAAPEKTO ANG DUMI NG
BABUYAN SA KALIKASAN?

Ang dumi ng baboy ay nagbibigay ng hindi kanais-
nais na amoy. Ito ay nagmumula sa ammonia na galing sa
ihi at dumi ng baboy.

Bukod sa ammonia, may iba pang “gasses” na


nagmumula sa dumi ng baboy tulad ng “carbon dioxide,”
“methane,” “hydrogen sulfide” at iba pang nakasisira sa
“ozone layer” ng mundo. Ang “ozone layer” ay bahagi ng
kalawakan na humahadlang sa masasamang bahagi ng
sinag ng araw.

Ang tubig ay maaaring makontamina ng mga “heavy


metals” at mikrobyo na galing sa dumi ng baboy. Ito ay
maaaring mangyari kung ang dumi ng baboy ay maaanod
ng baha o kaya ay tahasang itatapon sa mga ilog. And
dumi ng baboy ay magandang pakain sa mga organismo
(“plankton” at “algae”) sa ilog na kinakain ng isda, ngunit
kung sobra ay maaaring maging sanhi ng “eutrophication.”
Ang “eutrophication” ay ang pagdami ng organismo at
pagbaba ng “oxygen” sa tubig na maaaring ikamatay ng
mga isda o “fish kill.” Ang mga “liquid wastes” ay maaari
ring suminip sa lupa at umabot sa “underground water” na
pinagkukunan ng inuming tubig.

Ang dumi na itinambak sa lupa ay maaaring magdulot


ng hindi balanseng sustansya sa lupa na makaaapekto sa
pagsibol at paglaki ng mga halaman.

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 3


MAY PAKINABANG BA SA
DUMI NG BABUYAN?

Maraming pakinabang sa dumi ng baboy kung wasto ang


pangangasiwa at paggamit nito.

Ang organikong pataba mula sa “solid” at “liquid wastes” ay


nakapagpapaganda ng kalidad ng lupa. Maaari rin itong gamiting
patubig sa halamanan.

Ang dumi ng baboy ay napagkukunan din ng “biogas” na


maaaring gamiting panggatong sa kusina o sa ibang makinarya
tulad ng “generator.”

“Biogas Holder”

4 GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY


ANO ANG IBA'T IBANG PARAAN NG
MABISANG PANGANGASIWA NG DUMI
SA BABUYAN?

1
Una, isagawa ang mga paraan upang mabawasan ang
dami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling
sa babuyan tulad ng:

a. “Dry Cleaning.” Ito ay isang paraan na kung saan ang dumi


ng baboy ay winawalis at dinadakot upang maiwasan ang
paggamit ng maraming tubig.

b. Paggamit ng “power sprayer.” Mas kokonti ang tubig na


magagamit kung “power sprayer” ang gagamitin kaysa tabo
at blade o “water hose.”

c. “Phase Feeding.” Ito ay ang paggamit ng angkop na pakain


batay sa edad at laki ng baboy. Ang anumang sobrang pakain
at sustansya sa pakain ay mapupunta lamang sa dumi ng
baboy.

d. Pagtataas ng “digestibility” ng pakain. Ilan ang pamamaraan


na maaaring gawin upang maitaas ang “digestibility” ng
pakain. Una, piliin ang sangkap para sa pakain na madaling
tunawin ng baboy. Ikalawa, maglagay ng mga “enzymes”
na tumutulong sa pagtunaw ng pakain. Ang mga proseso
ng paggawa ng pakain tulad ng “pelleting,” “extrusion”
at “precooking” ng mga sangkap ay nagpapataas din ng
“digestibility.” Kung madaling tunawin ang pakain, marami
ang sangkap na makukunsumo ng baboy at mababawasan
ang dami ng dumi na ilalabas ng mga hayop.

e. Paggamit ng “slatted flooring.” Ang “slatted flooring” ay


isang uri ng sahig na may siwang, na kung saan ang dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 5


ay nalalaglag sa butas at ang mga baboy ay hindi gaanong
nadudumihan. Sa ganitong uri ng sahig, konting tubig lamang
ang magagamit sa paglilinis ng kulungan at mga baboy.

f. Maayos na kulungan. Mababawasan ang pagpapaligo sa


baboy kung ang kulungan ng baboy ay maginhawa at hindi
mainit.

2 Pangalawa, bawasan ang amoy mula sa babuyan sa


pamamagitan ng:

a. Paggamit ng “feed additives” na nakababawas ng amoy, tulad


ng “zeolite” at “plant extracts.”

b. Paggamit ng “effective microorganism” o kemikal na


pumapatay at lumalaban sa organismong nagbibigay ng
masamang amoy o kaya ay nagtatakip sa masangsang na
amoy.

c. Dagliang pagwawalay ng dumi sa ihi at tubig. Ang


naghalong dumi, ihi, at tubig. Ang naghalong dumi, ihi at
tubig ay magandang kombinasyon para magsimula ang
“fermentation” ng mga dumi na sanhi ng pagkakaroon ng
mabahong amoy. Maaaring gamitin ang “dry cleaning” o
kaya ay “screen” o “manure separators.”

d. Panatilihing laging malinis ang kulungan ng mga baboy.



e. Pagtatanim ng halaman at iba’t-ibang punong kahoy sa paligid
ng kulungan. Ang mga ito ay tumutulong upang mapanatili
ang presko at malamig na simoy ng hangin sa kulungan.

6 GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY


3
Pangatlo, i-process ang “solid” at “liquid wastes”
ng babuyan upang magamit muli o mabawasan ang
epekto sa kalikasan.

a. “Biogas production.” Ito ay isang uri ng “anaerobic


processing” upang makakuha ng “methane gas” sa dumi ng
mga baboy. Sa pamamagitan ng prosesong ito nababawasan
ang amoy ng dumi.

“Biogas Digester”

b. ”Septic tank” o poso negro. Ito ay isa ring uri ng “anaerobic


processing” ng dumi ngunit hindi kinokolekta ang gas. Ang
tangke ng dumi ay selyado upang hindi lumabas ang amoy.

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 7


c. “Lagoon” o balon. Ito ay ang pag-iimbak ng dumi sa
magkakasunod na bukas na balon. Maaari itong tawaging
“aerobic processing” lalung-lalo na kung lalagyan ng mga
“aerators.” Dito rin maaaring pa-tiningin ang mga “solid
wastes” upang maihiwalay ang mga ito.

d. “Organic Fertilizer production.” Ito ay isang pamamaraan na


kung saan ang “solid wastes” ay hinahaluan ng mga “plant
residues.” Ang paglalagay ng “effective microorganisms”
tulad ng Trichoderma at Azotobacter ay makatutulong
upang magkaroon ng organikong pataba sa loob ng isang
buwan.

TUBULAR POLYETHYLENE DIGESTER (TPED)

8 GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY


GABAY SA
PANGANGALAGA NG
DUMI NG BABOY

Produced by ATI ITCPH. Content by Technical Staff.


Packaging by Information Services.
Layout by Anne Kristell Dela Peña.
Ang ATI-ITCPH ay handang tumulong sa mga
magbababoy at mga nais magtayo ng babuyan sa
pamamagitan ng:

• Pag sasanay sa pag-aalaga ng baboy at sa iba’t-ibang
aspeto nito tulad ng Artificial Insemination, Waste
Management, Feed Milling at Meat Processing

• Pagpapayo at pakikipag-ugnayan

• Paglilimbag ng mga polyeto at mga babasahin

• Pagpapalawig ng mga ideya, kaisipan at isyu na may


kinalaman sa indutriya ng baboy

Ang International Training Center on Pig Husbandry


(ITCPH) ay isa sa mga sentro ng sanayan sa agrikultura na nasa
ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture-Agricultural
Training Institute (DA-ATI). Itinatag ito taong 1985. Ito ang kaisa-
isahang sanayan sa Pilipinas na tumutuon sa pag-aalaga ng baboy.

Ang gusali ng ATI-ITCPH ay matatagpuan sa Balintawak
Road, Marawoy, Lipa City, Batangas.
Learning by doing.

ATI-ITCPH
Para sa karagdagang impormasyon sumulat o tumawag kay:

DR. RUTH S. MICLAT-SONACO


Center Director

Agricultural Training Institute


INTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY
P.O. Box 1, Lipa City, 4217 Batangas

+63 918 903 0121

(043) 756 1996/1987

(043) 756 1995

atiitcphrecords@gmail.com

atiitcph.com

@InternationalTrainingCenterOnPigHusbandry @atiitcph

You might also like