You are on page 1of 5

SUMMATIVE NO.

1
TEST 1

1. Ang Republic Act 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of 2000” ay batas na
nagsasaad ng mga layunin na may kinalaman sa kapaligiran. Ano ang isa sa mga layunin nito?
a. Mapangalagaan ang karapatan ng bawat kabataan.
b. Ang mabigyan ng pagkain sa hapag kainan ang bawat pamilya.
c. Matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya.
d. Maipapaliwanag sa tamang paraan ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagproseso ng
mga ito.

2. Marami ang magandang epekto sa paglalagay ng organikong abono sa lupa. Alin sa mga
sumusunod ang isa sa magandang epekto nito ?
a. Dagdag kita para sa pamilya.
b. Nagdudulot ng sapat na pagkain sa pamilya.
c. Pinabubuti ang kapasidad na humawak ng tubig o “water holding capacity”.
d. Napatataas nito ang antas ng paghihiwa-hiwalay ng basura o “ Solid Waste Segregation”.

3.Alin sa mga sumusunod ang may malaking epekto sa paggawa ng abonong organiko sa
kapaligiran?
a. Napapataas ang antas ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Maaaring maiwasan ang paglaganap/pagkalat ng sakit.
c. Nababawasan ang polusyon sa hanagin.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Ang mga susmusunod ay magandang epekto sa paggawang abonong organiko sa pamilya
maliban sa isa.
a. Karagdagang kita sa mag-anak.
b. Naiiwasan ang pagkalat ng sakit.
c. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya.
d. Karagadagang pagkain ng buong pamilya.
5. Anong Batas na ito na may kinalaman sa maka-kalikasan at praktikal na pamamahala ng mga
basura?
a. Republic act 9072
b. Republic act 9147
c. Republic act 7586
d. Republic act 9003
6. Ano ang tawag sa pataba na nagmumula sa mga nabubulok na basura, tuyong dahon at dumi

ng hayop?
a. Di-organikong pataba
b. Komersyal na pabata
c. Organikong pataba
d. Intercropping

7. Ito ay isang paraan ng pagbubulok ng mga basura o pagggawa ng abonong organiko sa isang
lalagyan tulad ng basket, timba at iba pang kahalintulad nito.
a. Composting
b. Basket composting
c. Pit composting
d. Grass clipping tea
8. Sa paraan ng paggawa ng abonong organiko tulad ng Grass clipping tea, ano ang pangunahing
sangkap sa paggawa nito ?
a. Mga pinagtabasang damo at dahon ng mga punong kahoy.
b. Mga balat ng prutas at gulay
c. Mga dumi ng hayop
d. Balat ng saging
9. Sa paggawa ng pit composting, ano ang isa sa mga sangkap nito ang siyang nagpapabilis ng
pagbulok ng mga basura dahil nagtataglay ito ng sobrang init o humus.
a. Mga lumang papel at karton
b. Mga nabubulok na basura
c. Mga tuyong dahon
d. Activator

10. Anong paraan sa paggawa ng abonong organiko na may mataas ang potassium content ,
na isa sa pangunahing kailangan ng lupa. Maliban dito ang calcium, manganese, sodium,
magnesium, sulfur at phosphorus ay matatagpuan din sa pangunahing sangkap nito na
nagiging dahilan ng pagkakaroon ng malusog na halaman?
a. Pit composting
b. Grass clipping tea
c. Basket composting
d. Banana peel fertilizer
11. . Ano ang iba pang gamit ng balat ng saging maliban sa paggamit nito bilang abonong
organiko ?
a. Maaari din itong gamiting panlunas sa acne at kati dulot ng kagat ng insekto.
b. Maaari itong gamitin panglunas sa kahit anong uri ng sakit .
c. Maaaring iluto at kainin.
d. Wala sa nabanggit.
12. Ilang araw ibabad ang balat ng saging para gawing abonong organiko?
a. 1 araw b. 2 araw c. 3 araw d. 4 na araw
13. Pagkalipas ng ilang araw sa pagbababad ng balat ng saging ay maaari na itong gamiting
pangilig sa halaman. Ang tatlong tasang pinagbabaran ng balat ng saging ay maaaring ihalo
sa ilang litrong tubig?
a. 2 litro b. 3 litro c. 4 na litro d. 5 litro
14. Ang mga sariwang tinabas na damo ay mayaman sa anong uri ng sustansiya na higit na
kinakailangan ng halaman?
a. Calcuim b. Posporus c. Sulfur D. Nitrogen at Potassuim
15. Maliban sa tubig na naggagaling sa gripo ay mainam din gamitin ang ______ sa pagbabad ng
mga damo dahil ito ay walang halong chlorine.
a. tubig kanal b. Tubig ulan c. Tubig mineral d. Pinakulong tubig
16. Upang magamit nang husto ang sustansyang taglay ng lupa kailangan itong ____.
a. Diligan at bungkalin b. Buhusan ng tubig c.Patagin d. Siksikin ang lupa
17. Siguraduhing __________ ang lupa upang madali itong bungkalin .
a.Mamasa-masa b.Tuyo c.Basang-basa d. Wala sa lahat

18. Ito ay isa ang pangunahing pangangailangan ng mga pananim upang sila ay mabuhay ,
lumaking malusog at sagana sa bunga .Mapadali din sa halaman na kumuha ng bitamina
kapag humalo na ito sa tubig .
a.Pagdidilig b.Pagbubungkal c.Paglalagay ng abono d. Lahat ay tama
19. Sa pagbubungkal ng paligid sa halaman, Ilang beses sa loob ng isang linggo ito
isinasagawa?
a. Isa o dalawa b.Tatlo o Apat c. Lima o anim d. Pito o walo
20. Anong paraan ng pagdidilig na ginagamitan ng hose ,tabo o regadera.
a. Irigasyon b. Self-watering c. Tradisyunal d. DIY
21. Anong paraan ng pangangalaga sa halaman ang maaaring gawin upang makahinga ang mga
ugat nito?
a. Pagdidilig b. Pagtatanim c. Pagbubungkal d. Paglalagay ng Abono
22. Ang self-watering ay isang makabagong paraan na higit na nakatutulong sa atin upang
maisagawa ang pagdidilig sa ating halaman . Saan tayo mas higit na nakatitipid sa paraang
ito?
a. Oras b. Panahon c. Tubig d. Lahat ng nabanggit
23. Anong paraan ng pagdidilig na ginagamit sa mga malawakang taniman upang mas mapadali
at mapabilis ang pagdidilig sa mga tanim ?
a. Tradisyunal b. Self-watering c. Pagpapatubig d. Wala sa nabanggit
24. Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagbubungkal sa paligid ng halaman ay ang paggamit ng
angkop na kagamitan .Alin sa mga sumusunod ang angkop gamitin sa pagbubungkal ng
paligid ng halaman at ginagamit din ito sa paglilipat ng punla?
a. Tinidor b. Dulos c. Traktura d. Asarol
25. Ano ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa o cultivation sa mga malawakang taniman ng
gulay ?
a. Tinidor b. Dulos c. Traktura d. Asarol
Test 2 Ibigay ang tamang sagot ayon sa isinasaad:
_______26. Ito ay paraan ng paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo sa lupa bago
itanim ang halaman.
_______27. Ang abono ay hinahalo sa tubig at idinidilig o ini-spray sa halaman , halimbawa nito
ay ang Grass clipping tea at Banana peel tea.
_______28. Anong uri ng elemento ng abonong organiko ang nagpapalaki at nagpapalago ng

ugat at pinadadali ang paglabas ng ubod ng bulaklak.


_______29. Ito ay nagpaparami at nagpapahinog sa mga bunga dulot ng paggamit ng abonong
organiko.
_______30. Ito ang umaayos sa maliliit na organismo at elektrolisis sa lupa. Pinalalaki nito ang
tangkay ng dahon .

Test 3
Ipaliwanag : ( 5pts.)
Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa pag-aalaga ng mga tanim na gulay ?

You might also like