You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
KAYPIAN ELEMENTARY SCHOOL
BARANGAY KAYPIAN, SAN JOSE DEL MONTE CITY
__________________________________________________________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5


AGRIKULTURA
Pangalan: ____________________________________________ Marka:______________
Baitang/ Pangkat: _____________________________________ Petsa: ______________

I. Panuto: Gamit ang pormula, buuin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang datos mula
sa kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000.00 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang
ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000.00. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos
siya ng ₱15,000.00 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng tao na tagapag-alaga ng kanyang mga
baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang
kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500.00 bawat isa.

1. Ilan ang baboy na inaalagaan ni Mang Kanor?


a. 10 b. 15 c. 20 d. 25
2. Magkano ang kabuuang gastos ni Mang Kanor sa pag-aalaga niya ng baboy?
a. ₱44,000.00 b. ₱82,000.00 c. ₱ 56,500.00 d. ₱83,000.00
3. Magkano niya naibenta ang kaniyang mga alagang baboy?
a. ₱2,000.00 b. ₱12,000.00 c. ₱12,500.00 d. ₱15,000.00
4. Ilang buwan bago naibenta ni Mang Kanor ang kaniyang mga alagang baboy?
a. Isang buwan b. tatlong buwan c. anim na buwan d. siyam na buwan
5. Magkano ang tinubo ni Mang Kanor sa pag-aalaga ng baboy?
a. ₱115,000.00 b. ₱125,000.00 c. ₱168,000.00 d. ₱200,000.00

Si Karina ay nagsimula sa pag-aalaga ng tilapya, bumili siya ng 2 bag ng semilya sa halagang


₱1,000.00 kada bag. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang fish pond na nagkakahalaga ng ₱5,000.00.
Sa loob lamang ng apat na buwan, gumastos siya ng ₱3,000.00 para sa pagkain nito. Kumuha si Karina ng
isang tao na tagapag-alaga ng kaniyang palaisdaan na binayaran naman niya ng ₱1,500 kada buwan.
Pagkaraan ng apat na buwan, naibenta ni Karina ang 100 kilo na tilapya sa halagang ₱200.00 bawat kilo.
6. Ilang semilya ng tilapya ang binili ni Karina upang makapagsimula ng palaisdaan?
a. 1 bag b. 2 bag c. 3 bag d. 4 bag
7. Magkano ang kabuuang ginastos ni Karina sa pagsisimula niya ng palaisdaan?
a. ₱10,000.00 b. ₱10,500.00 c. ₱11,000.00 d. ₱11,500.00
8. Magkano niya naibenta kada kilo ang kaniyang alagang tilapya?
a. ₱150.00 b. ₱200.00 c. ₱250.00 d. ₱300.00
9. Ilang buwan ang hinintay ni Karina upang anihin ang kaniyang alagang tilapya?
a. Isang buwan b. dalawang buwan c. tatlong buwan d. apat na buwan
10. Magkano ang kinita o tinubo ni Karina sa pag-aalaga ng tilapya?
a. ₱20,000.00 b. ₱15,000.00 c. ₱10,000.00 d. ₱8,500.00

II. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Ang agrikultura ay mayroong dalawang larang ito ay ____________ at ____________.
a. paghahalaman at paghahayupan c. paggawa ng abono at pagdadamo
b. paghahalaman at pagdidilig d. pagtatanim at pangingisda
12. Alin sa mga sumusunod ang layunin sa pagtatanim ng halaman sa ating bakuran?
a. agriculture b. composting c. cropping d. subsistence farming
13. Ito ay mula sa nabubulok na mga bagay tulad ng mga tira-tirang pagkain, balat ng gulay at prutas,
mga tuyong dahon o damo at dumi ng hayop.
a. abonong organiko b. compost pit c. FFJ at FPJ d. komersyal na abono
14. Bakit mahalaga ang abonong organiko sa pagtatanim?
a. Napapalitan nito ang mga nawawalang sustansiya sa lupa.
b. Ginagamit ito upang patuloy na tumubong malusog ang mga pananim.
c. Makapagbigay ito ng masaganang ani.
d. Lahat ng nabanggit
15. Isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost pit ay tinatawag
na ________________.
a. basket composting b. abonong organiko c. composting d. compost pit
16. Ano ang pakinabang natin sa FFJ o Fermented Fruit Juice?
a. Nakakatulong ito upang lapitan ng mga insekto ang mga halamang pananim.
b. Nagbibigay ito ng elementong potassium (k) para sa pagpapalaki ng bunga.
c. Lumalaki ang mga halaman na mapayat at mabilis masira.
d. Natutulungan nito na makapasok ang mga uod sa loob ng halaman.
17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
a. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
b. Napalalaki nang malusog ang mga pananim.
c. Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
d. Lahat ng nabanggit.
18. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang Fermented Fruit Juice o FFJ?
a. dalawang araw b. dalawang linggo c. dalawang buwan d. dalawang oras
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko MALIBAN sa isa.
a. Maganda ang texture at bungkal (tilt) c. Hindi mabilis matuyo
b. Malambot d. Matigas
20. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang dapat unang
gawin?
a. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na
bagay.
b. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anumang pantakip.
c. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
d. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro
ang taas.
21. Ang mga damong ligaw na binunot sa halamanan ay maaaring gawing:
a. compost b. luwad c. inorganiko d. pestidiyo
22. Isang uri ng abono sa halaman na nabibili sa pamilihan
a. balat ng prutas c. ammonium sulfate
b. pinagbalatan ng gulay d. dumi ng hayop
23. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon, balat ng
gulay, prutas at mga tirang pagkain?
a. Pagpapausok ng basura. c. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.
b. Pagkakalat ng basura. d. Paglilinis ng basura.
24. Alin sa mga sumusunod ang hindi puwedeng gamiting sangkap sa paggawa ng compost?
a. dumi ng hayop c. mga di-nabubulok na bagay
b. apog d. tuyong dahon.
25. Upang mapanatili ang iyong kaligtasan dapat na gumamit ng ___________ habang gumagawa ng
abonong organiko.
a. sabon c. Personal Protective Equipment o PPE
b. payong d. manipis na kasuotan
26. Ito ay isang uri ng lupa na pinakaangkop sa paghahalaman.
a. Luwad b. mabuhangin c. banlik d. compost
27. Bumababa agad ang tubig sa uri ng lupang ito.
a. Luwad b. mabuhangin c. banlik d. mabato
28. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga madadahong gulay MALIBAN sa isa;
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
KAYPIAN ELEMENTARY SCHOOL
BARANGAY KAYPIAN, SAN JOSE DEL MONTE CITY
__________________________________________________________

a. mustasa b. petsay c. repolyo d. ube


29. Ito ay paraan ng paglalagay ng abono na ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na
hahaluin.
a. Broadcasting Method c. Foliar Application Method
b. Basal Application Method d. Side Dressing Method

30. Alin sa sumusunod ang mainam na gamiting organikong pamuksa ng mga peste?
a. Alcohol b. Methyl Parathion c. Tabako d. Wasps
31. Alin ang masistemang pamamaraan sa pagdidilig ng halaman?
a. Diligan ang mga tanim sa tanghali kung saan mataas ang araw.
b. Gumamit ng tabo at magpadalos-dalos na ibuhos ang tubig sa tanim.
c. Maghintay ng 15 to 20 minuto bago diligan muli ang mga halaman.
d. Ang hand watering ay mainam sa malalaking taniman.
32. Ginagamit ang kagamitang ito upang pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa halamanan.
a. asarol b. bolo c. dulos d. kalaykay
33. Ito ay ang paglalagay ng abonong organiko sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman.
a. Basal Application Method c. Foliar Application Method
b. Broadcasting Method d. Side Dressing Method
34. Ang pesteng ito ay madalas na naninirahan sa mga tuyong dahon at iba pang mga sirang bagay.
a. Ring Borer b. Armored Scales c. Leaf Roller d. Webworm
35. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagtatanim sa tao?
a. Nagsisilbing hanapbuhay at dagdag kita ng mag-anak.
b. Nagsisilbi itong abala sa mag-anak dahil sa pagdidilig.
c. Nagdudulot ng maruruming kapaligiran at peste.
d. Nagbibigay ito ng polusyon sa ating hangin.
36. Ito ay uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.
a. layers (manok) b. itik at pato c. broiler (manok) d. pugo
37. Maraming mga produkto na makukuha sa mga hayop na ito tulad ng balut, penoy, pulang itlog, itlog
at karne. Ano ito?
a. broiler b. itik at pato c. layers d. pugo
38. Si Caleb ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot nito sa kanyang
pamilya?
a. Dagdag kita sa pamilya c. Dagdag gastos wala namang pera.
b. Nakapagdulot ng kalat sa bakuran d. Nagiging abala para sa pamilya.
39. Ito ay isang uri ng manok na mainam sa pangingitlog at sa kaniyang karne.
a. arbor acre b. cobb c. mikawa d. rhode island red
40. Ibinibigay ito bilang pagkain para sa anim na linggo hanggang sa handa na ipagbili o hanggang
mangitlog ang inahin.
a. growing mash b. laying mash c. starting mash d. fry feeds
41. Madaling magulat ang mga ito kaya kailangang tahimik ang paligid sa oras ng pangingitlog. Ano
ito?
a. itik at pato b. manok c. pugo d. tilapya
42. Ito ay pamamaraan ng pagpaparami ng kalapati na pinababayaan lamang ang kalapati na pumili ng
asawa sa sarili nitong panahon at kondisyon.
a. natural b. artipisyal c. stud d. sapilitan
43. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga manok na maaaring alagaan para sa kanilang karne
MALIBAN sa isa;
a. cobb b. minorca c. hubbard d. white leghorn
44. Ano ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop o isda sa inyong bakuran?
a. Nakakadagdag sa gastos ng pamilya. c. Nagdudulot ito ng gulo at selos sa anak.
b. Nakapagbibigay aliw sa pamilya. d. Nagkakaroon ng mga sakit ang mang-anak.
45. Ito ay isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng sustansiya na kailangan ng
ating katawan gaya ng protina. Ano ito?
a. manok b. Pugo c. Itik at pato d. Tilapia

46. Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos at
matagumpay ang kaniyang pagtitinda?
a. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili c. Makipagtalo sa mamimili
b. Magsuot ng lumang damit d. Bawalan na hawakan ang paninda
47. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na
aalagaan?
a. magasin b. aklat c. internet d. diyaryo
48. Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangang ito ay:
a. malusog b. payat c. sakitin d. wala sa nabanggit
49. Sa paanong paraan ipinagsasapamilihan/ ibinibenta ang mga produkto?
a. pagpapautang b. tingian/pakyawan c. barter d. wala sa nabanggit
50. Ito ay tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda.
a. presyo b. tubo c. kita d. puhunan

Relax ka lang. Exam lang to.


Mas malaki ang chance mo na pumasa ka dito
kaysa pumasa sa puso ng crush mo.

-Maam Rose Anne :P

You might also like