You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

TEST QUESTIONS IN GRADE 4 EPP-AGRIKULTURA

Pa ngalan:____________ ___ __________________ ___ Iskor:______ _______________


Baitang at Seksiyon:___________________________ Petsa:______________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mga halamang itinatanim para maging palamuti sa mga tahanan


paaralan, hotel, restaurant , parke at mga lansangan.
a. halamang ornamental b. halamang gulay c. fruit -bearing trees
2.Bahagi ng punong ornamental na nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
a. dahon b. bunga c. ugat

3.Ang mga sumusunod ay mga pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban
sa isa.
a. nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
b. naiiwasan ang polusyon
c.nararagdagan ang kalat sa paligid

4. Halaman ang maaaring itanim sa pamamagitan ng suwi o sanga.


a. forerunner plant b. cosmos c. zinnia
5. Tinatawag din itong halamang palumpong o shrub?
a. rosas b. cosmos c. zinnia

6. Ito ay mga halaman na kung saan ang mga tangkay ay gumagapang sa


lupa o sa mga katabing puno. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang
tamang sagot. h__ __ am___ ____ g ___a ___ i ____ g
a. halamang palumpon b. halamang shrub c. halamang baging
7.Isang paraan ng pagtatanim na kung saan ipupunla muna ang mga buto
bago ilipat sa kamang taniman.
a. tuwirang pagtatanim
b. di-tuwirang pagtatanim
c. sabayang pagtatanim
8. Isang halimbawa ng halamang nabubuhay sa tubig. l____t_____s
a. latos b. litis c. lotus
9. Isang halimbawa ng punong ornamental na matataas na maaaring itanim sa
gilid , kanto o gitna ng ibat ibang halaman?
a. pine tree b. San Francisco c. Gumamela
10. Inayos ni Sally ang kanyang hardin. Nilagyan niya ito ng ibat ibang
halamang ornamental at mga palamuti gaya ng bato at mga maliliit na paso.
Ang ginawa ni Sally ay______________________.
a. vegetable landscaping
b. strawberry orchard
c. basic landscaping
11. Ano ang dapat gawin kapag ang lupa ay tuyo at matigas?
a. diligin araw-araw
b. bungkalin at alisan ng damo
c. haluan ng organikong bagay
12. Sa pagsasaayos ng mga halamang itatanim, saan dapat ilagay ang mga
namumulaklak na halaman?
a. nakalilim na mga puno b. sa maraming tubig c. sa naaarawan
13. Ito ay isang uri ng halaman ang gumagapang sa lupa.
a. herbs b. vines c. trees
14.Ito ay artipisyal na pagpaparami ng halaman na kung saan tinatanggal
ang balat ng sanga, nilalagyan ng lupa at binabalutan ng plastik.
a. marcotting b. cutting c. grafting
15. Ang grafting ay isang paraan ng pagpaparami ng halaman o puno na
pinagsasama ang dalawang sangang galing sa _______________ puno.
a. 1 b, 2 c. 3
16. Halamang ornamental na maaaring itanim sa pamamagitan ng buto o
butil.
a. gumamela b. cosmos c. santan
17. Kagamitan sa pagtatanim na ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran.
a. asarol b. kalaykay c. dulos
18. Ginagamit itong pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
a. dulos b. kartilya c. pala
19.Sa paggawa ng compost pit, hukayin ang lupa ng ______metro ang haba at lalim.
a. 1 b. 2 c.3
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring ilagay sa compost pit.
a. dumi ng hayop b. dahon ng halaman c. papel at plastik
21. Ito ay isang paraan ng paglalagay ng abono o pataba sa lupa at halaman na kung saan
ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
a. ring method b. side-dressing c. broadcasting
22. Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang malalaking tipak at bato.
a. kalaykay b. pala c. piko
23. Isang halamang ornamental ang mabibili sa Araw ng mga Puso.
a. sunflower b. gumamela c. rosas
24. Uri ng abonong gawa mula sa mga nabubulok na bagay.
a. organic fertilizer b. inorganic fertilizer c.commercial fertilizer
25.Alin sa mga sumusunod ang magandang katangian ng isang tindera
ng halaman?
a. medyo mataray b. mapagpasensiya c. matahimik
26.Ano ang gagawin mo kung may sukli pa ang bumili sa mga paninda mo?
a. i-donate sa iba b. ibalik sa mamimili c. ibulsa
27. Bakit mahalaga ang pagtatala ng puhunan at mga ginamit sa pagbebenta?
a. para malaman kung ikaw ay nalulugi o kumikita
b. para malaman ang mga sobra at kulang sa mga nabili
c. para ipakita sa kapitan na may listahan ka
28. Uri ng lupa ang kailangan sa pagtatanim ng narseri.
a. matigas b. matubig c. loam soil
29.Alin sa mga sumusunod ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop?
a. nakatatanggal ng stress
b. nakapagpapababa ng dugo
c. lahat ng nabanggit
30. Ito ay hayop na mahusay alagaan dahil nagbabantay ito ng tahanan.
a. aso b. kuneho c. manok
31.Alin sa mga sumusunod ang mga kailangan sa pag-aalaga ng hayop?
a. malinis na tubig at sapat at masustansiyang pagkain
b. magandang tirahan
c. mamahalin ang pagkain
32. Sa pagpili ng angkop na lugar sa tirahan ng aalagaang hayop, alin sa mga
sumusunod ang dapat bigyang pansin.
a. malinis at malawak na lugar
b. malapit sa tahanan
c. madaling linisin
33.Ang tirahan o kulungan ng alagang hayop ay dapat ______________ sa lupa.
a. nakaapak b. nakaangat c. nakailalim
34.Bumili si Mika ng kanyang ititindang Sampaguita sa halagang Php 3.00
kada isang punla. Magkano niya itong dapat ibebenta?
a. Php. 3.45 b. Php 4.00 c. Php 4.45
35. Matapos makapagkuwenta si Mira sa kanyang puhunan at ginastos
sa pagbebenta ng halaman, meron pang natirang pera na hawak niya. Ano
tawag sa perang hawak niya?
a. puhunan b. presyong paninda c. netong tubo
36.Isang uri ng hayop na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa pamilya
dahil mabilis lumaki at madaling dumami.
a. kalabaw b. kalapati c. baka
37.Maysakit ang alagang aso ni Lira, kanino niya ito maaring dalhin para
ipagamot?
a. kapitan b. guro c. beterinaryo
38.Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaring alagaan sa tahanan?
_____ _____ _____ _____ _____ ______
a. kalabaw b. kabayo c. kuneho
39. Isang hayop na madaling alagaan at mabilis dumami dahil mabilis itong
mangitlog.
_____ ______ ______ ______ ______ ______ ______ _____
a. manok at pato b. kalapati c. lovebirds
40. Halimbawa ng pagkaing maaaring ipakain sa alagang kalapati.
a. palay, mais, munggo at tinapay
b. palay, mais, isda at gulay
c. palay, mais, karne at bigas

ANSWER KEY IN EPP AGRIKULTURA


1. A 31. A
2. C 32. A
3. C 33. B
4. A 34. A
5. A 35. C
6. C 36. B
7. B 37. C
8. C 38. C
9. A 39. A
10. C 40. A
11. C
12. C
13. B
14. A
15. A
16. B
17. B
18. A
19. B
20. C
21. C
22. C
23. C
24. A
25. B
26. B
27. A
28. C
29. C
30. A

You might also like