You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MALAYBALAY CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EPP - IV
Pangalan: ____________________________________ Iskor: _____________
Baytang: _____________________________________ Petsa: _____________

I. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


_____ 1. Ito ay mgatanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan at paaralan.
a. ornamental b. gulay c. narseri d. herbal
_____ 2.Ang pagtatanim ng mga puno at halaman sapaligid ay naiiwasan ang
___________.
a. pagsunog b. paglilinis c. polusyon d. pagkukumpuni
_____ 3. Ito ang pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at halamang
gulay na nagbibigay ganda sa bakuran at makakakuha ka pa ng sariwang gulay
na makakain.
a. marcotting b. intercropping c. inarching d. ornamental
_____ 4. Ito ay ang pagdidisenyo ng mga halaman at punong ornamental sa hardin
ng bahay o paaralan.
a. landscape gardening b. ornamental gardening c. narseri d. intercropping
_____ 5.Ang paghahanda ng kahong punlaan at pagbababad ng magdamag ng mga
butong pantanim o sangang pantanim sa tubig ay isang halimbaw ang
______________ pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
_____ 6.Ang paghuhulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pantanim ay
halimbawa ng ___________pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
_____ 7.Ang gumawa ng butas sa ilalim ng buhol ay halimbawa ng ___________
pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
_____ 8.Ang ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas ang
unang sibol ay isang____________ pagpapatubo.
a. tuwiran b. intercropping c. di-tuwiran d. inarching
_____ 9. Ito ay itinatanim sa gilid, sa kanto, o sagitna ng ibang mababang halaman.
a. halamang ornamental c. halamang gulayb. punong ornamental d. punong
gulay
_____ 10. Ito ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng tahanan, maaari rin sabakod
o sa gilid ng daanan.
a. halamang ornamental b. halamang gulay c. punong ornamental d. punong
gulay
_____ 11. Ito ay mgahalamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay
ng isa o dalawang taon.
a. herbs b. aquatic c. aerial d. shrubs
_____ 12. Ito ay mga halamang tubig na nabubuhay katulad ng water lily at lotus.
a. punongkahoy b. aquatic c. aerial d. shrubs
_____ 13. Ito ay mga halaman na may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwan ng
hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro.
a. punongkahoy b. aquatic c. aerial d. shrubs
_____ 14. Ito ay mga halamang hindi nakakatayo sa sarili kaya’t gumagapang sa
lupa o kumakapit sa mga bagay.
a. punongkahoy b. aquatic c. vine d. shrubs
_____ 15. Ito ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng halaman mula sa ugat o
punong tanim.
a. pasanga b. natural c. artipisyal d. ornamental
_____ 16. Ito ay uri ng pagtatanim na gamit ang sanga, dahon, o usbong ng tanim.
a. pasanga b. natural c. artipisyal d. ornamental
_____ 17.Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang
punong nakalagay sa paso.
a. grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
_____ 18.Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang galling sa dalawang
puno.
a. grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
_____ 19.Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa
nahihiwalay sa puno.
a. grafting b. marcotting c. inarching d. artipisyal
_____ 20. Ito ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring
gamiting pambakod.
a. namumulaklak b. baging c. ornamental d. palumpon
_____ 21. Ito ay ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon
at iba pang uri ng basura.
a. asarol b. kalaykay c. pala d. regadera
_____ 22. Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman at
mahusay rin itong gamit sa paglilipat ng mga punla.
a. dulos b. asarol c. regadera d. pala
_____ 23.Ang pagsasama-samang mga sariwa o nabubulok na mga basura na
puwedeng gawing abono.
a. organiko b. inarching c. planting d. di-organiko
_____ 24. Ito ay isang uri ng paraan upang maging mataba ang lupa sa pamamagitan
ng paggamit ng mga basurang nabubulok bilang pataba sa lupang taniman.
a. compost heap b. compost pit c. organiko d. di-organiko
_____ 25. Ito ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa sisidlan at hindi sa
hukay.
a. compost heap b. compost pit c. organiko d. di-organiko
_____ 26. Ito ay pataba na inilalagay sa lupa upang hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
a. broadcasting b. foliar application c. side-dressing d. basal application
_____ 27. Ito ay magandang alaagaan sa bahay dahil sila ay eco-friendly animals at
nagbibigay ng masustansyang karne at hindi medaling dapuan ng sakit.
a. kuneho b. aso c. pusa d. ibon
_____ 28. Ito ay hindi gaanong mahirap alagaan dahil hindi ito nangangagat sa halip
ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay itong itlog at
karne.
a. kuneho b. aso c. pusa d. manok
_____ 29.Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan ng ____________.
a. tirahan, tubig, sikatngaraw, at hangin c. halaman, puno, bahay, hangin
b. pera, damit, paaralan, ospital d. walasanabanggit
_____ 30.Ang mga ___________ ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay,
at butong mirasol.
a. kuneho b. aso c. manok d. kalapati
_____ 31. Ito ay isang lalagyang may tubig kung saan inaalagaan at pinalalaki ang
mga isda.
a. kahon b. aquarium c. baso d. kulungan
_____ 32. Ito ay isang uring daga na matuturuan sa ipapagawa sa kanya katulad sa
mga carnival.
a. dagang costa b. kuneho c. kalapati d. aso
_____ 33. Ito ay talaan ng mga gawaing dapat isakatuparan sa takdang oras at
panahon.
a. iskedyul b. plano c. paggawa d. panahon
_____ 34. Ito ay mas kilala bilang Animal Welfare Act na komprehensibing pagtakda
sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa
bansa.
a. Republic Act No. 8585 c. Republic Act No. 8686
b. Republic Act No. 8485 d. Republic Act No. 8586
_____ 35.Sa anong section ng batas na ipinagbabawal ang pagmamaltrato at
pagtotorture sa mga hayop?
a. Section 3 b. Section 6 c. Section 4 d. Section 5
_____ 36.Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga
crush video.
a. House Bill 914 b. House Bill 900 c. House Bill 814 d. House Bill 800
_____ 37.Mga amyenda o pagbabago ng itinakdang RA 10631 ay ang:
a. Mas mababa na piyansa o parusa c. Walangparusa
b. Mas mataas na piyansa o parusa d. Pagkakulonglangangparusa
_____ 38.Upang mabigyan agad ng karampatang lunas ang alagang hayop,
kumunsulta sa ______.
a. doctor sa ospital b. beterinaryo c. matandang kapitbahay d. may-aring
hayop
_____ 39.Ano dapat gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sakalye?
a. Ipamigay sa nais kumuha nito. c. Dalhin sa beterinaryo.
b. Itali o igawang kulungan. d. Huwag pakainin
_____ 40.Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
a. Ibabaon salupa. c. Itatapon sa dagat.
b. Ibinibigay sa kapitbahay. d. Hayaan nalang sa loob ng kulungan.

You might also like