You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA

Unang Markahang Pagsusulit sa EPP-AFA 6


Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan: ____________________________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Petsa: _______________________________________________ Nakuha: ___________________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pangkat ng puno na nagbibigay ng masarap at masustansyang prutas?
a. puno c. punong prutas
b. punong kahoy d. bungangkahoy

2. Sino ang kinikilalang “Juice King of the Philippines” dahil sa pagmamay-ari niya ng malawak na
taniman sa Negros Occidental at Zest-O Corporation?
a. Alfredo M. Yao c. Patricio Base
b. Cirilo Gapuz d. Aguinaldo Dacuycuy

3. Alin sa mga sumusunod na orchard farm ang nangunguna sa pagpapasok ng kitang dolyar sa bansa na
matatagpuan sa parte ng Davao, Hilagang Mindanao at SOCCSKARGEN?
a. Banana Plantation c. Mango Plantation
b. Citrus Plantation d. Durian Plantation

4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagpaparami ng halaman?


a. kutsilyo (knife) c. pruning shears
b. sprinklers d. Lahat ng nabanggit.

5. Ano ang tawag sa materyal na idinadagdag sa lupa upang makuha ng ugat ang sustansya nito?
a. abono c. vetsin
b. lupa d. balat ng itlog

6. Alin sa mga sumusunod ang bahagi sa plano ng pagbebenta?


a. panimula c. layunin
b. lugar d. kuru-kuro

7. Ang mga sumusunod ay mga uri ng baboy maliban sa isa. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a. Brahman c. Hampshire
b. Duroc d. Landrace

8. Ano ang dapat ipakain sa biik na may edad dalawa hanggang anim na buwan?
a. Darak c. Growing Mash
b. Starter Mash d. Fattening Mash

9. Ano ang tawag sa panghuli ng isda na nasa larawan?


a. Silo c. Taklob
b. Salapang d. Suklo
10. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng kahalagahan ng bungangkahoy maliban sa isa. Alin ang
HINDI kabilang sa pangkat?
a. Nasusugpo ng mga bunganglahoy ang polusyon.
b. Maraming tao ang nagpapasyalan sa ilalim ng puno.
c. Lahat ng bungangkahoy ay maaring gawing lumber.
d. Nagbibigay ng lilim at pagkain ang mga bungangkahoy.

11. Ang saging ay isa sa bungangkahoy na maaaring itanim sa ating bakuran sa Nueva Ecija. Aling
elemento ang batayan sa gawaing ito?
a. abono c. lupa
b. klima d. tubig

12. Nagtayo si Nilo ng orchard farm na nagbebenta ng labanos at petchay. Anong uri ng orchard farm
ang kanyang itinayo?
a. Fruit orchard farm c. Nut orchard farm
b. Seed orchard farm d. Lahat ng nabanggit.

13. Ang mga sumusunod ay paraan ng pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan habang nagtatanim
maliban sa isa. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a. Maligo bago magtanim.
b. Maaring gumamit ng bread knife kung walang pruning shear.
c. Magsuot ng proteksyong kagamitan tulad ng hair net, hand gloves, apron at iba pa.
d. Basahin muna ang pagtuturo sa paggamit ng garden tools bago gamitin.

14. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga punla o seedlings?
a. Tanggalin ang mga damo sa paligid.
b. Maglagay ng organikong pestesidyo.
c. Itanim nang may wastong distansya ang mga binhi.
d. Lahat ng nabanggit.

15. Ang mga sumusunod ay katangian ng marketable seedlings maliban sa isa. Alin ang HINDI
kabilang sa pangkat?
a. Mayroon itong malusog na ugat.
b. Ang mga dahon nito ay malalapad.
c. Mayroon itong lima o higit pang dahon.
d. Ang mga sanga nito ay matibay, mataba at malusog.

16. Ano ang dapat gawin upang makasunod sa rules of zoning?


a. Magtayo ng matibay at malinis na kulungan.
b. Kumuha ng permit bago simulan ang operasyon.
c. Maglagay ng imbakan ng pagkain para sa mga alagang hayop.
d. Humukay ng malalim na balon para sa mga dumi upang hindi makapinsala sa mga kapitbahay.

17. Sa pagpili ng biik, kailangan kilatisin ang balat, binti, mga paa at kuko. Ang pahayag ay _________.
a. Tama. c. Pwede.
b. Mali. d. Walang ideya.

18. Ano ang tawag sa gamit pangingisda na nasa larawan?


a. Dip net c. Lift net
b. Fish net d. Catch net
19. Si Anna at ang kanyang mga kaibigan ay sumali sa kampanya ng pagtatanim ng bungangkahoy.
Anong pagpapahalaga ang ipinakita sa kanilang ginawa?
a. Pagpapahalaga sa bayan c. Pagpapahalaga sa sarili
b. Pagpapahalaga sa kapwa d. Pagpapahalaga sa kalikasan

20. Nagtanim ng maraming punong manga si Mang Tano sa burol. Siniguro niya na malapit ito sa
daluyan ng tubig. Anong elemento ang tinignan ni Mang Tano sa kanyang pagtatanim?
a. abono c. lupa
b. klima d. tubig

21. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa pagpapa-ugat (Marcotting)?


1. Tanggalin ang balat sa palibot ng sanga na may habang apat hanggang anim na
sentimetro.
2. Lagyan ng basang lupa o putik ang bahaging inalisan ng balat.
3. Balutin ng plastic at lagyan ng tali.
4. Pumili ng magulang na sanga.
a. 12 3 4 c. 3 2 1 4
b. 2 1 4 3 d. 4 1 2 3

22. Nais ni Anna na protektahan ang kanyang mga kamay sa pagbubungkal ng lupa. Alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang gamitin?
a. Gloves c. Sprinkler
b. Hoe d. Trowel

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangangalaga ng mga punla o seedlings?
a. Lagyan ng bakod ang plot. c. Gumamit ng organikong abono.
b. Gupitan ng mga bagong dahon. d. Diligan ang mga punla.

24. Mga dekalidad na punla ang nagagawa mula sa Amaya Farm. Maganda rin ang feedback mula sa
mga naging kliyente. Ngunit malayo ang lokasyon ng farm kaya hindi gaanong nararating ng
mamimili. Ano ang pinakaakma at napapanahong istratehiya ang maari nilang gawin?
a. Magsagawa ng survey.
b. Maghanda at mamigay ng flyers.
c. Gumamit ng online marketing tools.
d. Dalhin sa gilid ng kalsada ang mga punla.

25. Ang mga sumusunod ay “products” na galing sa hayop at isda maliban sa isa. Alin ang HINDI
kabilang sa pangkat?
a. karne c. gatas
b. itlong d. omega fish oil

26. Maalaga si Roy sa kanyang mga alagang biik kaya pinapakain niya ng Growing Mash ang mga biik
na may edad na 10 buwan. Ang gawaing ito ay ___________.
a. Tama. c. Pwede.
b. Mali. d. Walang ideya.

27. Magkanong halaga dapat ibenta ni Aling Nena ang kanyang kambing kung ang nais niyang kita ay
50% sa puhunan na 3,000.00 piso at gastos na 1,000.00 piso?
a. 5,000.00 c. 7,000.00
b. 6,000.00 d. 8,000.00

28. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatanim ng bungangkahoy maliban sa


isa. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a. nagpapaganda ng paligid c. nagbibigay ng masayang gawain
b. nagbibigay ng masustansyang prutas d. nagbibigay ng dagdag ng kita sa pamilya
29. Ang mga batang mag-aaral ng ika-anim ng baiting ay inatasang magdala ng mga sobra sa hinog na
prutas tulad ng saging, pakwan, pinya at iba pa. Ano kaya ang binabalak na gawain para sa kanila?
a. Gumawa ng isang compost. d. Ipagbili ang mga prutas sa mga mag-
b. Kumain ng sobra sa hinog na prutas. aaral.
c. Kolektahin ang mga buto at itanim.

30. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang ng pagpapasupang (Grafting)?
a. Putulin ang gawing bahagi ng halaman na dudugtungan.
b. Ang mga ugat ay hahatiin sa ilang piraso.
c. Lagyan ng biyak ng hugis “V” ang “stock”.
d. Lagyan ng supot na plastic ang “supang” o “scion”.

31. Ang mga sumusunod ay ginagawa upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan habang gumagawa
ng organikong abono maliban sa isa. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a. Gumamit ng gloves.
b. Magsuot ng dust mask.
c. Magsuot ng mahabang manggas at trousers.
d. Gumamit ng dishwashing paste sa paghugas ng kamay.

32. Bakit kailangan itanim ang punla o seedlings nang may wastong distansya?
a. Upang magkaroon ng espasyo sa paglaki.
b. Upang makasagap ng araw at hangin.
c. Upang hindi magkabuhol ang sanga.
d. Umang magandang tignan ang mga pananim.

33. Nais ni Nora na palakihin ang kanyang negosyo na pagpapabunga ng manga kaya nakipagpulong siya
sa iba pang may-ari ng manggahan para sa posibilidad ng pakikipagsama. Tama ba ang ginawang
aksyon ni Nora?
a. Opo. c. Maaari po.
b. Hindi po. d. Hindi po maaari.

34. Ibinukod ni Roy ang bagong biik ng 30 araw bago isama sa iba pang biik. Ang paraang ito ay
tinatawag na ________________.
a. Culling c. Safe keeping
b. Quarantin d. Wala sa nabanggit.

35. Ang mga sumusunod ay mga Pilipinong entrepreneur na nagtagumpay sa larangan ng animal/fish
industry maliban sa isa, Sino ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Marfinio Y. Tan c. Dominico Congson
b. Editha Dacuycuy d. Rodrigo E. Rivera Sr.

36. Alin sa mga sumusunod ang makapagbibigay ng mas malaking kita sa nagnenegosto dahil sa kawalan
ng dagdag na gastusin?
a. Direct Farm Sales c. Farm to Market
b. Farmers Market d. Selling through the Internet

37. Ang pagtatanim ng bungangkahoy ay tumutulong sa pagpapaganda ng kapaligiran. Alin sa mga


pahayag sa ibaba ang tumutugon sa kaisipang ito?
a. Kumita si Anna sa pagbebenta ng manga.
b. Nasiyahan ang guro ni Anna sa mabuting pag-aalaga niya sa kanyang pananim.
c. Ang nakapalibot na puno sa bahay nina Anna ay nakasisiyang pagmasdan.
d. Nakadaragdag sa pagkakaroon ng sariwang hangin ang mga tanim na punongkahoy ni Anna.
38. Malapit lamang ang pamilihan sa bahay nina Mang Roy kung saan maaring ipagbili ng bultuhan ang
kanyang aning santol. Ngunit minabuti niyang ilako ng tingi sa mga kapitbahay. Anong bagay ang
isinaalang-alng ni Mang Roy?
a. Presyo ng prutas sa pamilihan
b. Distansya o layo ng bukid sa pamilihan
c. Haba ng panahon ng pag-aani ng pritas bago dalhin sa pamilihan
d. Wala sa nabanggit.

39. Bakit itinuturing na pinakamagandang paraan ng pagpaparami ng halaman ang grafting at budding?
a. Mabilis gawin ang grafting at budding.
b. Maaaring gawin ang grafting at budding nang walang kagamitan.
c. Pinakamadaling paraan ng pagpaparami ng hamaman ang grafting at budding.
d. Ang grafting at budding ay maaring gamitin sa mga halaman na hindi maaring paramihin sa
pamamagitan ng air layering.

40. Sa pagsusuot ng gloves, bakit hindi sinusuksok sa loob ng gloves ang mahabang manggas ng damit?
a. Upang magandang tignan. c. Upang maayos na maisuot ang gloves.
b. Upang mapanatiling malinis ang d. Upang hindi makapasok ang dumi sa
gloves. gloves.

41. Bakit kailangang gumamit ng pestesidyo sa mga bungangkahoy?


a. Upang kumintab ang mga dahon. d. Upang lumakas ang pangunahing
b. Upang tumibay ang sanga. sanga.
c. Upang masiguro ang magandang ani.

42. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mas nais ng mga mamimili na direktang magpunta sa farm
at bumili ng produkto?
a. Maganda ang kalidad ng produkto.
b. Mababait ang mga nagbebenta sa farm.
c. Nakapamimili ng produkto ang mamimili.
d. Mas mababa ang presyo ng mga produkto.

43. Noong nagkaroon ng African Swine Fever (ASF), nagkaroon ng malawakang culling sa mga baboy
na nasa loob ng distansyang 500 metro. Kung magkakaroon muli ng ganitong pangyayari, ang culling
ay dapat na ______________.
a. Ituloy. c. Gawin lamang sa may sakit na baboy.
b. Huwag ituloy. d. Wala sa nabanggit.

44. Apat na beses pinapakain ni Roy ang kanyang mga alagang biik upang mabilis na bumulas. Ang
gawaing ito ay _______________.
a. Tama c. Pwede
b. Mali d. Pwedeng pwede

45. Ilan ang kabuoang halaga ng kita ni Aling Naty kung ito ay nasa 30% ng kanyang puhunan na
10,000.00 piso?
a. 1,000.00 c. 3,000.00
b. 2,000.00 d. 4,000.00

46. Anong paraan ng pagtatanim ang ginamit kung ang buto ay direktang itinanim sa lupang
pagtataniman hanggang sa lumaki at anihin ang bunga?
a. Sabog-tanim c. Paglilipat-tanim
b. Tanim at Dilig d. Di-tuwirang Pagtatanim
47. Kung ikaw ay maglilista ng panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman, alin sa
mga sumusunod ang dapat mong isama sa listahan?
1. Magsuot ng angkop na damit.
2. Iwasan ang labis na pagbaluktot ng likod.
3. Ihanda ang lahat ng kasangkapan at kagamitang kinakailangan.
4. Subukin ang paggamit ng kasangkapan bago gamitin sa pagtatanim.
a. 1,2,3 c. 3,4,1
b. 2,3,4 d. 4,2,1

48. Kung ikaw ay gagawa ng slogan tungkol sa culling dahil sa lumalaganap na sakit sa hayop, alin sa
mga sumusunod ang pinakaangkop gawin?
a. Gawin lamang ang culling sa mga alagang may sakit.
b. Culling itigil, sa produksyon ng karne ay hindi makagagaling.
c. Suportahan ang culling sa produksyon ng karne ay makagagaling.
d. Imulat ang isipan sa halaga ng culling, dapat na ibukod ang alagang sakitin.

49. Gumawa ka ng talaan sa paglaki ng iyong apat na alagang baka na pinatataba para sa karne, matapos
ang 180 araw ang unang baka ay tumimbang ng 280 kilogram, ang ikalawang baka ay tumimbang ng
250 kilogram, ang ikatlong baka ay tumimbang ng 130 kilogram, at ang ika-apat na baka ay
tumimbang ng 120 kilogram. Aling baka sa talaan ang dapat markahan na maari nang katayin?
a. Unang baka c. Ikatlong baka
b. Ikalawang baka d. Ika-apat na baka

50. Gumamit si Mang Tano ng maraming bingwit na nakasabit sa isang pising nylon. Nilagyan din ito ng
pain upang habulin ng mga isda. Anong paraan ang ginamit ni Mang Tano sa pag-ani ng isda?
a. Pamimingwit c. Pagbabaklad
b. Pangingitang d. Pamamalakaya

You might also like