You are on page 1of 6

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando (P)

Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa EPP VI - Sining Pang-Agrikultura

Pangalan: ________________________________ Gr.&Sec. __________________ Petsa _______________

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

______1. Sa paanong paraan makatitipid ang mag-anak kung mayroon silang halamanan sa bakuran?
a. Hindi na nila kailangang bumili ng gulay c. Mapapaganda ang kapaligiran
b. May ipamimigay sa kapitbahay d. Lahat ng nabanggit
______2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kabutihang dulot ng paghahalaman?
a. Mapagkakakitaan ito
b. Nakalilibang na gawain
c. Nakatutulong at sagot sa programa ng pamahalaan
d. Pag-aaksaya ng panahon at pagod
______3. Sa pagpili ng lugar na pagtatamnan, ang mga nasa ibaba ay dapat na isaalang-alang. Alin ang hindi
kabilang?
a. Ang lugar na pipiliin ay malapit sa daluyan ng tubig.
b. Ang lugar na pagtatamnan ay dapat maging malusog at angkop sa tanim na napili.
c. Ang malaking sukat ng lupa ay nakatitiyak ng saganang ani.
d. Ang lugar na pagtatamnan ay hindi nasisikatan ng araw.
______4. Paano magiging matagumpay ang paghahalaman ng isang mag-anak?
a. Iaasa lamang sa magulang ang paggawa nito
b. Iaasa sa katulong ang pamamahala nito
c. Buong kasapi ng mag-anak ay nakikiisa sa pagbabalak at pamamahala ng halamanan
d. Walang sapat na kaalaman ang mag-anak sa paghahalaman
______5. Ano ang pangunahing pangangailangan ng mag-anak ang unang matutugunan kung sila ay may
halamanan sa bakuran?
a. Damit c. Tirahan
b. Pagkain d. Pag-aaruga
______6. Ano ang binibigyang-diin sa bio-intensive gardening ?
a. Paggawa ng compost c. Pag-aalaga ng hayop
b. Paggamit ng mga tamang kagamitan d. Pag-aani ng mga pananim
______7. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing activator ang inihahalo sa compost?
a. Dumi ng hayop c. mga plastic at bote
b. Fish meal d. a at b
______8. Anu-ano ang mga pinagpatung-patong upang mabuo ang isang bunton ng compost?
a. Balat ng dahon at gulay c.activator
b. Lupa d. lahat ng nabanggit
______9. Bakit maaring isagawa ang intensive gardening kahit sa likod-bahay lamang?
a. Dahil ito ay hindi nangangailangan ng malaking lugar
b. Magastos kung gagawin sa ibang lugar
c. Nakakapagod na Gawain
d. Hindi makabuluhang Gawain
______10. Ano ang kabutihang dulot ng paggamit ng compost bukod sa pagbibigay nito ng pataba?
a. Nakasisira sa kalikasan c. nakakatulong sa problema sa basura
b. Suliranin sa pamayanan d. nakakadagdag sa gastos ng mag-anak
______11. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang ginagamit sa paghuhukay at pag-aayos ng kamang-
taniman?
a. Regadera c. palang tinidor
b. Pala d. dulos
______12. Ano ang kasangkapang gagamitin kung ikaw ay magdidilig ng halaman?
a. Pisi at tulos c. piko
b. Kalaykay d. regadera
______13. Alin ang dapat gamitin kung ililipat ang punla sa permanenteng lupang taniman?
a. Dulos c. kartilya
b. Regadera d. asarol
______14. Ano ang kagamitan ang dapat gamitin sa paghahakot at paglilipat ng lupa sa ibang lugar?
a. Piko c. asarol
b. Pala d. kartilya
______15.Alin sa mga sumusunod ang mga dapat gamitin upang maging gabay sa paggawa ng mga hanay sa
kamang taniman?
a. Piko c. palang tinidor
b. Tulos at pisi d. dulos
______16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan upang mapangalagaan at magamit sa
mas mahabang panahon ang mga kasangkapan?
a. Maglaan ng matibay at maayos na lagayan
b. Hasain ang mga kasangkapang may talim
c. Iwanan sa lugar na pinaggawaan
d. Gamitin sa angkop na gamit ang kasangkapan
______17. Sa paghahanda ng lupang taniman, ano ang unang hakbang na dapat isagawa?
a. Hukayin ang lupa at bungkalin hanggang maging pino.
b. Haluan ng pataba ang lupa
c. Diligan ang lupang naihanda
d. Linisin muna ang lugar
______18. Ano ang mainam gawin upang matiyak na may sapat na sustansya ang mga halamang itatanim sa
naihandang lupa?
a. Haluan ng pataba ang lupa. c. gumamit ng angkop na kagamitan
b. Diligan ng maraming tubig ang lupa d. haluan ng buhangin ang lupa
______19. Bakit kailangang alisin ang mga ligaw na damo sa paligid ng lupang pagtatamnan?
a. Upang maging madali ang pag-aani
b. Upang walang makaagaw sa sustansyang taglay ng lupa
c. Upang makagawa ng sariling pagkain ang mga halaman
d. Wala sa nabanggit
______20. Anong paraan ng pagtatanim ang tuloy-tuloy na pagbaon ng mga buto sa lupang pagtataniman?
a. Di-tuwirang pagtatanim o paglilipat ng punla
b. Tuluyan o tuwirang pagtatanim
c. Pagpupunla
d. Lahat ng nabanggit
______21. Paano isinasagawa ang di-tuwirang pagtatanim?
a. Tuwirang ibaon ang mga binhi sa lupa.
b. Maglagay ng pataba sa lupa.
c. Ipunla ang mga buto at ilipat kung nasa tamang gulang na ang mga punla
d. Maglagay ng maraming tulos sa gilid ng kamang taniman
______22. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halaman na dapat munang ipunla bago ilipat sa
permanenteng taniman?
a. Mustasa c. upo
b. Okra d. ampalaya
______23. Bakit kailangang bungkalin ang lupa sa kamang taniman?
a. Upang di malanta ang mga halaman.
b. Upang madaling mamunga
c. Upang maiwasan ang mga peste at kulisap
d. Upang makahinga ang mga ugat ng halaman.
______24. Ano ang dapat gawin upang mapuksa ang mga peste at kulisap sa mga halaman?
a. Gumamit ng herbicides. c. lagyan ng pataba ang lupa
b. Mag spray ng insecticides. d. bungkalin ng madalas ang lupa
______25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa wastong pangangalaga sa mga halaman?
a. Hayaan lamang na tumubo ang mga ligaw na damo
b. Diligin ang mga pananim sa takdang oras
c. Bungkalin ng regular ang lupa
d. Lagyan ng sapat na pataba ang lupa.
______26. Ang tubig ay isa sa pangunahing kailangan ng halaman upang mabuhay. Kailan mainam na diligan
ang mga halaman?
a. Isang beses sa isang linggo c. tanghaling tapat
b. Umaga at hapon d. hapon lamang
______27. Kailan dapat isagawa ang pag-aani ng produktong itinanim upang mapanatili ang mataas na uri
ng mga ito hanggang makarating sa pamilihan?
a. Isagawa isang linggo bago isapamilihan
b. Gawin ito kung tanghaling tapat
c. Isagawa sa gabi bago isapamilihan
d. Isagawa sa umaga bago dalhin sa pamilihan
______28. Anong uri ng gawain ang tumutukoy sa wasto at maingat na pag-aayos at pag-aalaga ng mga
halaman mula sa murang gulang hanggang mailipat ito sa permanenteng taniman?
a. Paghahayupan c. pangisdaan
b. Pagnanarseri d. pag-aai
______29. Ano ang tawag sa lugar na kung saan maaaring alagaan ang mga punla ng mga halaman upang
maparami at mapakinabangan?
a. Palaisdaan c. babuyan
b. Imbakan d. narseri
______30. Ano ang uri ng lupang mainam para sa taniman ng punla at mga halaman?
a. Buhangin c. clay
b. Loam d. mabato
______31. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong upang mapangalagaan ang mga pananim sa mga ligaw
na hayop?
a. Maglagay ng screen sa paligid ng kamang taniman
b. Bantayan oras-oras ang mga halaman.
c. Maglagay ng bakod sa paligid ng taniman
d. Dalasan ang pagdilig sa mga halaman
______32. Paano maiiwasan ang mga peste at kulisap na maaaring dumapo sa mga halaman?
a. Maglagay ng screen sa paligid ng kamang taniman
b. Ipasok sa loob ng bahay ang mga tanim
c. Mag sray ng herbicides.
d. Wala sa nabanggit
______33. Anong uri ng sakit ang karaniwang dumadapo sa mga punongkahoy na may maasim na bunga ?
a. Gumosis c. kanser
b. Skab d. die-back
______34. Anong sakit ang kadalasang dumadapo sa mga puno ng citrus, langka, dalandan at manga?
a. Gumosis c. kanser
b. Skab d. die-back
______35. Anong uri ng pagpaparami ng halaman ang tumutubo sa pamamagitan ng direktang pagtatanim
ng buto sa lupa?
a. Asekswal c. sekswal
b. pagpuputol (cutting) d. pagpapa-ugat (marcotting)
______36. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng pagpaparami ng halaman ang pinakamadaling gawin lalo
na kung panahon ng tag-ulan?
a. pagpuputol (cutting) c. pagpapasarayang
b. pagpapa-ugat (marcotting) d. paghuhugpong
______37. Ang isang bagong halaman ay tumutubo sa pamamagitan ng pagdurugtong ng supang o scion at
stock? Anong pangkat ng pagpaparami ng halaman ito?
a. pagpuputol (cutting) c. paghuhugpong
b. pagpapa-ugat (marcotting) d. pagpapasarayang
______38. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, itik, kambing at iba pa sa isang
mag- anak?
a. Karagdagang kita at pagkain
b. Mabuting libangan
c. Nagsisisilbing huwarang mag-anak sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
______39. Paano mapapanatili ang mataas na uri ng mga hayop na ibebenta ng buhay?
a. Ilagay sa kulob na lalagyan
b. Panatilihing maginhawa at ligtas hanggang makarating sa pamilihan
c. Ilagay sa mga karton na tray
d. Ilagay sa sako uupang hindi makawala
______40. Saan dapat ilagay ang isasapamilihang gatas ng baka, kalabaw at kambing upang mapanatili
itong ligtas sa ating katawan?
a. Sa karton na tray c. sa naisterilisang bote
b. Sa isang malinis na kaserola d. sa mga malinis na plastic
______41. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa pagsasapamilihang
mga produktong galing sa hayop?
a. Humingi ng pahintulot sa pamahalaan
b. Itaas ang pesyo ng higit sa itinakda ng pamahalaan
c. Magbayad ng nararapat na buwis
d. Sundin ang mga itinakdang presyo
______42. Anong lahi ng baboy na kulay itim at may mahabang paa at katawan ngunit may matibay na
pangangatawan?
a. Berkshire c. hypor
b. Hampshire d. landrace
______43. Alin sa mga sumusunod na sakit ang karaniwang dumadapo sa baboy?
a. Pigeon fox c. foot and mouth disease
b. Avian leucosis d. limber nick
______44. Alin sa mga lahi ng manok ang dapat alagaan kung nakatuon ang proyekto sa pagpaparami ng
itlog?
a. Broiler c. white leghorn
b. Itik d. bibe
______45. Alin sa mga pangunahing patuka ang ibinibigay kung bagong pisa ang mga sisiw?
a. Starter mash o panimulang masa c. Laying mash o pampaitlog na masa
b. Growing mash o pampalahing masa d. Darak at balat ng prutas at gulay
______46. Anong uri ng sakit ang karaniwang dumadapo sa mga batang manok na maaari nilang ikamatay?
a. Avian pest c. pigeon fox
b. Coccidiosis d. kolera
______47. Sa pag-aalaga ng pugo, ano ang pinakapangunahing salik na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay ito?
a. Kulungan c. pag-aalaga ng sisiw
b. Pagkain d. gamot para sa kanilang sakit
______48. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng tilapia?
a. Nangangailangan lamang ng maliit na espasyo
b. Gawaing pangkabuhayan
c. Madaling mapuksa ang kanilang mga sakit
d. Mahirap anihin.
______49. Paano magiging matagumpay ang isang proyekto ng isang mag-anak sa pag-aalaga ng mga
hayop?
a. Ang bawat kasapi ng mag-anak ay magtutulungan sa paggawa
b. Iaasa sa mga magulang ang paggawa
c. Walang sapat na kaalaman ang mag-anak
d. Wala sa nabanggit
______50. Kung ang isang mag-anak ay nakatira malapit sa katubigan, ano ang maaari nilang ikabuhay?
a. Pag-aalaga ng baboy
b. Pag-aalaga ng isda
c. Pagtatanim ng gulay
d. Pag-aalaga ng mga manok
Department of Education
Region III
Division of City of San Fernando (P)

Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa EPP VI - Sining Pang-Agrikultura

Mga Sagot

1. A 26. D
2. D 27. B
3. B 28. A
4. D 29. B
5. C 30. A
6. B 31. C
7. A 32. D
8. C 33. B
9. D 34. D
10. B 35. A
11. A 36. B
12. C 37. C
13. B 38. A
14. D 39. C
15. A 40. C
16. D 41. A
17. B 42. C
18. C 43. D
19. C 44. B
20. D 45. C
21. A 46. D
22. B 47. B
23. B 48. C
24. C 49. B
25. A 50. B
Department of Education
Region III
Division of City of San Fernando (P)

Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa EPP VI - Sining Pang-Agrikultura

Talaan ng Ispesipikasyon

Blg. ng
Blg. ng Bahagdan Kinalalagyan
Layunin mga
Araw (%) ng Item
Aytem
1. Naisaalang-alang ang salik na dapat bigyang –
3 5 7 1-5
pansin sa pagpaplano ng isang halamanan.
2. Nakakapagplano ng isang makaagham na gawaing
3 5 7 6-10
pang-agrikultura tulad ng bio-intensive gardening.
3. Natutukoy ang angkop na gamit ng bawat
4 6 9 11-16
kasangkapan at kagamitan sa paghahalaman.
4. Nalilinang ang kaalaman sa paghahanda ng lupang
3 3 7 17-19
pagtatamnan.
5. Nakikilala at natutukoy ang mga wastong
3 3 7 20-22
pamamaraan ng pagtatanim.
6. Naiisa-isa ang mga paraan ng pangangalaga sa
3 4 7 23-26
mga pananim.
7. Nasusunod ang wastong pamamahala sa mga inani
sa pamamgitan ng maayos at wastong paraan ng 1 1 2 27
pag-iimbak sa mga inaning produkto.
8. Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
pagsunod sa makaagham na pamamaraan ng 2 2 4 28,29
pagnanarseri.
9. Naisaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak at
3 3 7 30-32
pagtatayo ng isang narseri.
10. Nakasusunod sa wasto at maingat na paraan ng
2 2 4 33,34
pagsugpo ng mga sakit at peste sa mga halaman.
11. Naipapamalas at nalilinang ang mga kakayahan sa
pagpaparami ng halaman sa paraang artipisyal o 3 3 7 35-37
asekswal.
12. Natutukoy ang kapakinabangang dulot ng pag-
aalaga ng hayop sa pagpapaunlad ng kabuhayan 1 1 2 38
ng mag-anak.
13. Natatalakay ang mga paraan ng pagbibili at
pagsasapamilihan ng mga produkto mula sa 3 3 7 39,41
alagang hayop.
14. Nakakapili ng uri ng hayop na mainam alagaan. 5 6 11 42-47
15. Naiisa-isa ang mga paraan ng pangangalaga sa
3 3 7 48-50
mga pananim.
KABUUAN 42 50 100%

You might also like