You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

Distrito ng ________
PAARALANG ELEMENTARYANG SENTRAL NG ________________
Lungsod ng _______________

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP V


AGRIKULTURA
Pangalan:___________________________
Baitang at pangkat:______________
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?
a. ito ay nakalilibang at dagdag na kita c. ito ay dagdag na hirap sa mag-
anak
b. ito ay dagdag na gawain d. dagdag na gastos
_____2. Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubungkal ng lupang
taniman.
Alin sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin?
a. asarol b. pala c. kalaykay d. trowel o dulos
_____3. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagpapatag ng kamang taniman matapos itong
bungkalin?
a. piko b. trowel o dulos c. kalaykay d. asarol
_____4. Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo ng mahusay.
Alin sa
mga sumusunod ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?
a. lupang loam b. tubig c. pataba d. lahat ng
nabanggit
_____5. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay
sumangguni sa ?
a. kalendaryo ng pagtatanim c. talaan ng paghahalaman
b. imbentaryo ng kagamitan d. listahan ng mga gulay
_____6. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuwiran o direct
planting?
a. petsay b. repolyo c. okra d. kamatis
_____7. Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola?
a. Ipinupunla b. itinatanim ng direkta c. isinasabog d.
pagmamarkot
_____8. Mahalaga ang mga ito sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito. Alin sa
mga ito ang
Hindi kailangan ng halaman?
a. pataba b. mga damo c. tubig d.
compost pit
_____9. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan.
a. recycling b. compost pit c. hukay d. basket
composting
_____10. Kailan dapat ilipat ang punla sa kamang taniman?
a. hapon b. tanghali c. gabi d. umaga
_____11. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito?
a. lagyan ng langis b. lagyan ng buhangin c. lagyan ng damo d. lagyan ng
pataba
_____12. Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay ito ng maayos sa ______.
a. kamang taniman b. kamang punlaan c. bukid d. tumana
_____13. Paano inaani ang petsay?
a. paghuhukay b. pagbubunot c. paggugupit d.
pagpipitas
_____14. Nais ni Lito na magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at
karborato. Alin sa mga ito ang dapat piliin?
a. gabi at kamote b. sitaw at bataw c. upo at patola d. rambutan at
lansones
_____15. Isang pamamaraang bayolohikal kung saan ang isang maliit na sukat ay
natataniman ng
maraming halaman?
a. Bio-intensive Gardening c. Biochemecal Gardening
b. Bio-intense Gardening d. Bio-intrance Gardening
_____16. Ang pataba ay ikinakalat sa lupa?
a. Side Dressing Method c. Broadcasting Method
b. Ring Method d. Foliar Application Method
_____17. Sa paraang ito idinidilig o iniispray ang solusyong abono sa mga dahon ng halaman
a. Side Dressing Method c. Broadcasting Method
b. Ring Method d. Foliar Application Method
_____18. Paraan ng pagtitinda ng gulay sa kaunting bilang lamang?
a. Pakyawan b. Kooperatiba c. Tingian d. Kontrata
_____19. Paraan ng pagtitinda ng gulay kung saan ang magbubukid at negosyante ay may
kasunduan?
a. Pakyawan b. Kooperatiba c. Tingian d. Kontrata
_____20. Alin dito ang hindi angkop sa pag-aalaga ng Tilapia?
a. Pagagamit ng drum c. Paggamit ng timba
b. Paggamit ng kulungan d.Paggamit ng artipisyal na sapa
_____21. Naisipan ni Ben na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano
ang
kagamitan ang dapat niyang gamitin?
a. kartilya b. itak c. bareta d. pala

_____22. Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran?


a. tilapia b. bangus c. karpa d. galunggong
_____23. Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman?
a. iwanan b.pabayaan c. linisin d. wala sa
nabanggit
_____24. Ano ang mga inilalagay sa isang compost?
a. dumi ng hayop, balat ng prutas, balat ng gulay c. dayami, damo, sanga
b. diyaryo, papel, bote d. papel, sanga, plastic
_____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang istratehiya sa pamilihan ng isda?
a. Mag-alaga ng hayop na kakaunti sa pamilihan c. Mura ang presyo sa pamilihan
b. Ipagbili ang hayop satamang laki at gulang d. Mataas ang presyosa pamilihan

II. Iguhit ang kung tama at naman kung mali.


_____ 1. Di tiyak kung sariwa ang gulay pag sariling tanim.
_____ 2. Gumamit ng urban gardening pag kulang sa lupa.
_____ 3. Mainam gamitin ang urganikong pataba.
_____ 4. Kailangan ang sikat ng araw sa paghahalaman.
_____5. Hindi kailangan ang matabang lupa sa pagtatanim.
_____ 6. Ang compost pit ay dapat malayo sa kabahayan at ilog.
_____ 7. Sa basal application method ang pataba ay inihahalo sa lupa.
_____ 8. Mainam ang intercropping sa pagsugpo ng peste at kulisap sa halaman.
_____ 9. Tabako at tubig ay pamatay peste at kulisap.
_____ 10. Mayaman sa protina ang halamang ugat
III. A. Piliin ang tamang sagot ng hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang

Hanay A Hanay B

_____ 1. Loam a. hayop na nagbibigay ng balut


_____ 2. BIG b. madahong gulay
_____ 3. FAA c. gawaing pag-aalaga ng hayop
_____4. Petsay, malungay d. inaalagaang manok para pagkukunan ng itlog
_____5. Intercropping e. Fish Amino Acid
_____6. Pakyawan f. Bio-intensive Gardening
_____ 7. Paghahayupan g. inaalagaang manok para pagkukunan ng karne
_____ 8. Itik h. maramihang pagbibili
_____ 9. Layer i. pagtatanim ng higit sa dalawang uri ng
halaman
_____ 10. Broiler j. matabang lupa

B. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng organikong pataba


na Fish Amino Acid o (FAA)
_____1. Ibuhos ang mga sangkap sa garapon o balde.
_____2. Itabi sa lugar na malamig at madilim.
_____3. Ilagay ang tinadtad sa plangana kasunod ang asukal o nog-nog
_____4. Tadtarin ang mga sangkap para madali makuha ang katas.
_____5. Haluing mabuti ang mga sangkap.

You might also like