You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Davao

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EPP 5 - Agrikultura

Pangalan: _______________________________Iskor:_____________________
Baitang/Pangkat:__________________________Petsa: ____________________

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko?


A. Para maging tigang ang lupa.
B. Para dumami ang mga insekto.
C. Nakapagbibigay ito ng sapat na bunga sa mga pananim.
D. Para mamatay ang mga pananim.

2. Ano ang tawag sa paraan na kung saan pinagsama-sama ang mga


nabubulok na dahon, dumi ng hayop, mga balat ng gulay at prutas?
A. Compost pit
B. Compost
C. Composting
D. Pagreresaykel

3. Ito ay isang hukay na kung saan pinagsama-sama ang mga nabubulok na


mga balat ng gulay at prutas, mga dahon, at dumi ng hayop?
A. Compost pit
B. Compost
C. Composting
D. Pagreresaykel

4. Alin sa mga sumusunod ang angkop na lugar sa paggawa ng compost pit?


A. Sa mabatong lupa
B. Malapit sa bahay
C. Malayo sa tubig ng kanal, ilog at sapa
D. Sa mababasang lupa

5. Gaano katagal bago magamit ang nabubulok na basura bilang abono?


A. Isang buwan o higit pa.
B. Dalawang buwan o higit pa.
C. Tatlong buwan o higit pa.
D. Apat na buwan o higit pa.
6. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit kailangang gumamit ng
abonong organiko ang mga magsasaka maliban sa isa:
A. Mura at ligtas na gamitin.
B. Hindi mapaminsala sa kalusugan at kapaligiran.
C. Nakakatulong upang mapaganda ang kalidad ng lupang pagtataniman.
D. Nakakatulong upang maging tigang ang lupa.

7. Ano ang abonong organiko?


A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong mga lata ng gatas.
B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at manok.
C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong sabon at shampoo.
D. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na bagay.

8. Bakit kailangang lagyan ng kawayan ang nagawang compost pit?


A. Upang makapasok ang mga insekto.
B. Upang makapasok ang hangin at mabilis ang pagkabulok ng basura.
C. Upang mabilis na makapasok ang tubig ulan.
D. Upang may palatandaan at mabilis itong matunton.

9. Ano ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng abonong organiko gamit ang


compost pit?
A. Tipunin ang mga nabubulok na bagay gaya ng dahon, prutas, at gulay.
B. Bunutin ang itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong lingo at haluin
nang mabuti.
C. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdidilig nito
araw-araw.
D. Ipaibabaw ang mga dumi ng hayop at lagyan muli ng lupa, abo o apog.

10. Ano ang tamang sukat ng bawat patong ng mga pinagsama-samang


sangkap sa paggawa ng compost?
A. Sa kapal na 15 sentimetro.
B. Sa kapal na 14 sentimetro.
C. Sa kapal na 12 sentimetro.
D. Wala sa nabanggit.

11. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng mga pananim
upang makahinga ang mga ugat nito?
A. Pagdidilig ng mga pananim.
B. Pagbubungkal ng lupa sa paligid ng tanim.
C. Paglalagay ng pataba sa lupa.
D. Paglalagay ng bakod sa lugar

12. Bakit kailangan ng masusing pangangalaga sa mga halaman?


A. Upang tumubo ito nang malusog at magbibigay ng maraming bunga.
B. Upang maging malusog ang mga peste’t kulisap.
C. Upang manatiling tuyo ang lupang pagtataniman.
D. Upang matagal lumaki ang mga halaman.
13. Si Jose ay may malulusog at malalago na mga punlang pananim ngunit ibig
pa nitong lumago ang mga ito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Kakausapin madalas ang mga pananim.
B. Hayaan ang mga damong ligaw.
C. Diligan ito buong araw.
D. Sugpuin ang mga peste’t kulisap.

14. Paano nakatutulong ang pagtatanim ng gulay sa pamayanan?


A. Nagiging tambayan C. Dagdag sa mga gawain.
B. Nagbibigay ng lilim D. Nakapagbibigay ng pagkakakitaan.

15. Kailangan ng mga pananim ang wastong pagdidilig upang sila ay maging
malusog at malago. Kailan at anong oras dapat magdilig ng pananim?
A. Minsan sa isang linggo
B. Araw-araw sa may bandang 6 ng umaga at 5 ng hapon
C. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon.
D. Araw-araw tuwing tanghaling tapat.

16. Sa pagtatanim ng gulay mahalaga ang pagpili sa lupang pagtataniman


upang lumaking malusog ang mga pananim. Ang pinakaangkop na uri ng
lupa na pagtataniman ay ang _________________.
A. buhangin B. graba
C. loam D. luwad

17. Nakita ni Mang Danny na maraming uod at langgam ang kanyang mga
pananim. Anong organikong pangsugpo ng peste ang kanyang gagamitin?
A. Siling pula B. Buto ng atis
C. Bawang D. Puno ng kamatis

18. Kinakain ng maraming Cucumber Beetles ang inyong mga pananim. Paano
mo ito susugpuin?
A. Magpakulo ng bawang at sibuyas at ibomba sa pananim.
B. Maghalo ng abo sa tubig at ibomba sa pananim.
C. Pulbusin ang buto ng atis at ibomba sa pananim.
D. Pakuluan ang tinadtad na puno at dahon ng kamatis at ibomba sa
pananim.

19. Anong organikong pangsugpo ng peste ang mainam gamitin sa mga kuto at
langgam?
A. Siling pula B. Tabako
C. Buto ng atis D. Puno ng kamatis

20. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop?


A. Nakakadagdag palamuti sa tahanan.
B. Nakakadagdag gastos sa pamilya.
C. Nagbibigay perwisyo sa buong pamilya.
D. Nagbibigay ng karagdagang kita sa pamilya.

21. Kung ikaw ay may alagang hayop, paano mo ito aalagaan ng maayos?
A. pinapalo B. pinapakain C. pinapatulog D. sinisipa

22. Alin sa mga sumusunod ang mainam alagaan sa lugar na may malawak na
damuhan?
A. Itik B. Tilapya C. Manok D. Baka

23. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng iba’t-ibang hayop?


A. lugar B. puhunan
C. uri ng hayop D. lahat ng nabanggit

24. Anong angkop na lugar ang paglalagyan ng itik at bibi?


A. malawak na damuhan C. sa ilog, sapa at lawa
B. likod bahay D. sa loob ng tahanan

25. Anong abono ang galing sa hayop na ginagamit bilang abono sa mga
halaman?
A. pakpak C. dumi
B. balahibo D. buto

26. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kapag nag-aalaga ng mga hayop?
A. Maging pabaya
B. Hayaang makawala ang mga alagang hayop.
C. Itapon ang mga dumi sa paligid.
D. Maging malinis sa kapaligiran .

27. Anong paghahanda ang maaring gawin sa pag-aalaga ng hayop o isda?


A. Paggawa ng Talaan ng mga kagamitan at kasangkapan nito.
B. Paggawa ng Talaan ng mga uri nito.
C. Paggawa ng Talaan ng puhunan.
D. Paggawa ng Talaan ng gastusin.

28. Anong pagkain ang ibinibigay sa itik na may edad na isa hanggang anim na
linggo?
A. Fattening mash C. Mash feed
B. Laying mash D. Starter mash

29. Ang mga sisiw ay nangangailangan ng artipisyal na init. Alin sa mga


sumunod ang maaring gamitin?
A. blower C. ilaw o bombilya
B. baterya D. sinag ng araw
30. Bakit mahalaga ang kulungan para sa ating mga alagang hayop?
A. Ito ay nagsisilbing pakainan ng mga hayop.
B. Ito ay nagsisilbing panangga sa mga magnanakaw.
C. Ito ay nagsisilbing tirahan upang ligtas sila sa init at lamig.
D. Ito ay nagsisilbing bakod sa mga hayop.

31. Anong angkop na kagamitan ang maaring gamitin sa paggawa ng kulungan


para sa mga manok?
A. ruler at gunting C. tinidor at kutsara
B. martilyo at lagare D. pala at bolo

32. Ang mga sumusunod ay mga isdang inaalagaan para kainin maliban sa isa.
A. tilapya C. goldfish
B. hito D. pompano

33. Alin sa mga sumusunod ang inaalagaan para sa gawing pangdekorasyon sa


bahay?
A. cream dory B. koi C. bangus D. hito

34. Anong tawag sa paraan ng pagsasapamilihan ng mga produkto?


A. pagbebenta
B. pagbabarter
C. pagpapautang
D. wala sa nabanggit

35. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto.


A. kita C. presyo
B. puhunan D. talaan

36. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit para malaman ang bigat at halaga ng
isang paninda?
A. timbangan C. tray
B. balde D. banyera

37. Sa anong paraan ng pagbebenta nagaganap bago pa anihin ang isang


produkto?
A. pakyawan C. bilang
B. lansakan D. piraso

38. Anong paraan ng pagbebenta na kung saan ang mga mamimili ay bumibili
ng maramihan para ipagbili ng tingian?
A. pakyawan C. piraso
B. tingian D. lansakan

39. Alin sa mga sumusunod ang ibinibenta sa paraang bilang?


A. isda B. itlog C. karne D. wala sa nabanggit
40. Sa panahon ngayon lalo na noong kasagsagan ng pandemya isa ito sa
pinakapatok na pagbebenta gamit ang makabagong teknolohiya. Ano ito?
A. online selling C. direct selling
B. flyers D. talaan

41. Naglalaman ito ng detalye tungkol sa produktong ipinagbibili gamit ang isang
pirasong papel.
A. talaan C. online selling
B. direct selling D. flyers

42. Ano ang tawag sa ginasta mong pera bilang panimula sa isang negosyo?
A. presyo B. kita C. puhunan D. talaan

43. Paano mo malalaman kung ikaw ay kumikita o nalulugi sa pagbebenta ng


hayop o isda?
A. Paggawa ng talaan ng budget.
B. Paggawa ng talaan ng bibilhin.
C. Paggawa ng talaan ng materyales
D. Paggawa ng talaan ng ginastos at kinita.

44. Ilang porsyento ang itinakda ng batas na puwedeng ipatong sa puhunan ng


iyong mga produkto?
A. 25% C. 15%
B. 20% D. 10%

Para sa mga bilang 45-50, basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Si Mang Jose ay kilala sa kanilang lugar bilang masayahing tindero ng mga


isda. Madaling araw pa lang pumupunta na ito sa Bankerohan Public Market
upang bumili ng mga isda. Dahil mabenta ang isdang Tilapya bumili ito ng
sampung kilo sa halagang ₱970.00 pesos, at ibenenta niya naman ito ng
tingihan sa halagang ₱111.55 pesos kada kilo. Laking tuwa at pasasalamat ni
Mang Jose, dahil makalipas ang ilang oras ay naubos ang sampung kilong
tilapya at kumita ito ng kabuuang halaga na ₱1,115.50 pesos. Ngunit nais
nitong malaman Kung paano ang tamang pagtutuos ng halaga ng pinagbilhan
ng isda para makuha nito ang kabuang tinubo.
May-akda: Janeath D. Diaz

45. Magkano ang kabuuang puhunan ni Mang Jose?


A. ₱1,115.00 C. ₱111.55
B. ₱ 970.00 D. ₱100.55

46. Kung ang sampung kilong tilapya ay ₱970.00, Magkano ang isang kilo nito?
A. ₱95.00 C. ₱97.00
B. ₱96.00 D. ₱98.00

47. Ang isda ay ibenenta ni Mang Jose ng tingihan sa halagang ₱111.55 kada
kilo, Magkano ang ipinatong sa puhunan nito?
A. ₱11.55 B. ₱12.55 C. ₱13.55 D. ₱14.55

48-50 Magkano ang kabuuang kita o tubo nito? Ipakita ang pagkuha. (3pts).

₱______________ Kabuuang pinagbentahan (48)


₱______________ Kapital (49)
______________________
Tinubo (50)

Inihanda ni (Prepared by): Sinuri ni (Evaluated by):

JANEATH D. DIAZ MYLA MAE N. MASCARINAS


Teacher I Master Teacher III
Bunawan District Tibungco District

Noted:

MARCELO O. ROCO, PhD


Education Program Supervisor
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Sining Pang – Agrikultura
SY 2022 – 2023

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Kabuuan Kabuuang Kinalalagyan ng Remembering Understanding
g bilang Bilang ng Aytem Applying Analyzing Evaluating

Competencies / ng porsyento (30%) (30%)


(15%) (15%) (10%)
Puntos
Objectives CG Code

• nakagagawa ng abonong 4,5,6 7,8 9,10


organiko
10 20% 1-10 1,2,3,
1.4.1 natatalakay ang
kahalagahan at
pamamaraan sa paggawa
ng abonong organiko 1.4.2 EPP5AG
nasusunod ang mga -0b-4
pamamaraan at pag-iingat
sa paggawa ng abonong
organiko
• 1.2 naisasagawa ang
masistemang
pangangalaga ng tanim
na mga gulay 1.5.1
pagdidilig
12,13,14,
1.5.2 pagbubungkal
9 11,16, 19 15 17,18
1.5.3 paglalagay ng EPP5AG 18% 11-19
abonong organiko -0c-6
• 1.3 naisasagawa ang
masistemang pagsugpo
ng peste at kulisap ng
mga halaman
• 1.1 naipaliliwanag ang 2 4% 20-21 21 20
kabutihang dulot ng pag-
EPP5AG
aalaga ng hayop na may
-0e-11
dalawang paa
at pakpak o isda
• 1.2 natutukoy ang mga 5 10% 22-26 22 23-24 25-26
hayop na maaring alagaan EPP5AG
gaya ng manok, pato, itik, -0g-15
pugo/ tilapia
• 1.3 nakagagawa ng talaan 7 14% 27-33 30
ng mga kagamitan at 28,31,
kasangkapan na dapat EPP5AG
32,33 27,29
ihanda upang -0h-16
makapagsimula sa pag-
aalaga ng hayop o isda
• 1.1 naisasapamilihan ang 17 34% 34-50 35,36,37 34,38,39 43,44 45,46
inalagaang hayop/isda 40,41,42
EPP5AG 47,48,
• 1.2 natutuos ang puhunan, -0j-18 49,50
gastos, at kita

KABUUAN 50 100% 17 15 6 7 5

Susi sa Pagwawasto

1. C 11. B 21. B 31. B 41. D


2. C 12. A 22. D 32. C 42. C
3. A 13. D 23. D 33. B 43. D
4. C 14. D 24. C 34. A 44. C
5. B 15. B 25. C 35. C 45. B
6. D 16. C 26. D 36. A 46. C
7. D 17. D 27. A 37. A 47. D
8. B 18. B 28. D 38. D 48. ₱1,115.50
9. B 19. C 29. C 39. B 49. ₱970.00
10. A 20. D 30. C 40. A 50. ₱145.50

You might also like