You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office
San Carlos City, Pangasinan

ACHIEVEMENT/DIAGNOSTIC TEST
S.Y. 2023-2024

EPP 5
Name: _________________________________________________ Score: __________
Grade& Section: ____________________ Teacher: _____________________________

Panuto: Piliin ang wastong sagot at itiman ang titik sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban sa:
A. Nagsisilbi itong libangan at pampalipas ng oras.
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagpapataas ito sa presyo ng mga bilihin sa palengke.
D. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.
2. Paano makatutulong sa pagsugpo ng mga polusyon sa hangin at kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental?
A. Nagsisilbing palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
C. Nagpapaunlad ng pamayanan.
D. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
3. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental?
A. Nakapagpapaganda ito ng ating kapaligiran.
B. Nakapagbibigay ito ng sariwang hangin at sumusugpo sa polusyon.
C. Nakapagpapaunlad ito ng kabuhayan.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Nagtanim ng halamang ornamental ang mga batang nasa ikaapat na baitang. Anong kabutihan ang maidudulot n
kanila?
A. Magandang ehersisyo para sa kanilang katawan. C. Nalibang sila
B. Mabuting gawain D. Lahat ng nabanggit.
5. Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahang nakukuha sa pagtatanim ng halamang ornamental maliban sa i
A. Karagdagang kita sa pamilya C. Mabuting paraan ng pag-aliw
B. Dagdag na gawain D. Nakapagpapaganda ng paligid.
6. Ang halaman ay bahagi ng ating kalikasan na kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagah
pagyamanin.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
7. Nakatutulong sa pamilya ang pagtatanim ng halaman sa likuran ng bahay.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
8. Nagdudulot ng masamang hangin at maruming paligid ang mga halamang ornamental.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
9. Nakagiginhawa sa buhay ang mga halaman sa ating kapaligiran.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
10. Ang halamang ornamental ay nagsisilbing palamuti sa tahanan at pamayanan.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
11. Ano ang tawag sa paghahanda ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental?
A. Vegetable gardening B. Landscape gardening C. Floral arrangement D. Urban gardening
12. Nais mong magtanim ng halamang ornamental sa ayos na welcome, saan mo ito dapat isagawa?
A. Harapan ng bahay B. Likod ng bahay C. Kanang gilid ng bahay D. Kaliwang gilid ng bahay
13. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
A. Upang mapabilis ang paglaki ng mga halaman C. Upang maibenta kaagad ang mga produkto
B. Upang maisakatuparan ang proyekto nang wasto D. Upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit.
14. Anu-ano ang mga dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng halamang ornamental?
A. Magkasingkulay na halaman B. Magkaka-uring halaman C. Magkasinglaking halaman D. Lah
nabanggit
15. Alin ang mga halamang lumalaki at yumayabong?
A. Kalachuchi B. Ilang-ilang C. Balete D. Lahat ng nabanggit
16. Kailangan ang paghahanda ng lupang pagtataniman ng halamang ornamental upang mapadali ang pagtubo nit
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
17. Sa pagtatanim ng halamang ornamental ay maaaring magsimula sa dahon at bunga.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
18. Kailangan ang masusing pag-iingat sa mga kagamitan na gagamitin sa pagbubungkal ng lupang taniman.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
19. Kinakailangan haluan ng organikong bagay tulad ng mga nabubulok na dumi ng hayop o dayami ang lu
tataniman. A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
20. Ang kompost o humus ay hindi nakatutulong sa pagpapataba ng lupang taniman.
A. Tama B. Mali C. Hindi ako mapalagay D. May pag aalinlangan
21.Ang pataba ay kinakalat sa ibabaw ng lupa, kadalasang ginagawa ito sa palayan at maisan.
A. Broadcasting method C. Follar Application Methods
B. Side-dressing methods D. Ring Method (Paraang pabilog)
22. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kagam
nakalaan para dito.
A. Broadcasting method C. Follar Application Methods
B. Side-dressing methods D. Ring Method (Paraang pabilog)
23. Ito ay ginagawa sa pagdidilig o pag–iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
A. Broadcasting method C. Follar Application Methods
B. Side-dressing methods D. Ring Method (Paraang pabilog)
24. Paghukay ng pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tang
A. Broadcasting method C. Follar Application Methods
B. Side-dressing methods D. Ring Method (Paraang pabilog)
25. Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pataba sa lupa bago itanim.
A. Broadcasting method C. Follar Application Methods
B. Side-dressing methods D. Basal Application Method
26. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Ito rin ay mahusay na panglipat ng punla.
A. Dulos B. Pala C. Asarol D. Regadera
27. Ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura.
A. Dulos B. Kalaykay C. Asarol D. Regadera
28. Ginagamit sa pagdidilig ng halaman.

A. Dulos B. Kalaykay C. Asarol D. Regadera


29. Ginagamit pamputol ng malalaking kahoy, sanga, at malalaking halaman
A. Dulos B. Kalaykay C. itak D. Regadera
30. Mag-ingat sa paggamit ng mga ____ dahil ito ay pwedeng makalason.
A. Pampataba B. Kemikal C. pantubig D. pambuhos
31. Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano ukol sa pag-aalaga ng mga hayop?
A. Uri ng produkto na ipapakain sa alagang hayop C. Kalagayan ng pamumuhay
B. Kulay ng alagang hayop D. Uri ng hayop na aalagaan
32. Ano ang maaaring idulot ng paggawa ng plano bago simulan ang pagpaparami ng alagang hayop?
A. Upang matiyak na kikita ang proyekto sa pag-aalaga ng hayop
B. Upang makapagbigay ng maraming uri ng hayop
C. Malaman ang kasanayan ng nag-aalaga ng hayop
D. Maibibigay ang kagustuhan ng nag-aalaga
33. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring paramihin sa ating tahanan?
A. Kalapati, love birds, pusa C. Ahas, palaka, gagamba
B. Kalabaw, baka, kambing D. Isda, alimango, alimasag
34. Bakit kailangang piliin ang paparamihing alagang hayop?
A. Upang gawing kasiyahan sa loob ng tahanan C. Upang maging kapaki-pakinabang
B. Upang maibenta at pagkakitaan D. Upang may katulong sa tahanan
35. Ito ay batas na nagtadhana sa makataong pangangalaga ng mga hayop
A. RA8485 B. RA10631 C. House bill 914 D. Wala sa nabanggit
36. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng mga hayop?
A. Mainit na lugar. B. Maruming paligid. C. Hayaang magkasakit. D. Malinis na tirahan, pagk
tubig.
37. Bakit kailangang bigyan ng mga gamot at bitamina ang mga hayop?
A. Upang hindi ito lumaki. C. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito
B. Upang matiyak ang maayos pagkakakitaan. D. Upang mahirapan ang nag-aalaga ng mga hayop.
38. Ano ang dapat tandaan sa pagpili ng lugar/ tirahan ng mga hayop?
A. May sapat na sinag ng araw C. May panangga sa sobrang lamig at init ng panahon
B. May sapat na tubig at daluyan nito D. Lahat ng nabangit.
39. Anong uri ng pagkain ang dapat ibigay sa mga alagang hayop?
A. mamahalin B. malinis at hindi panis C. madaling mabulok D. mahirap hanapin
40. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga hayop, alin sa sumusunod ang kailangan din na ibigay sa
alagang hayop?
A. Damit at mga alahas. C. Pagpapaligo, ehersisyo at pagmamahal.
B. Pamamasyal at paglalaro. D. Wala sa mga nabangit.

You might also like