You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
DARASDAS ELEMENTARY SCHOOL
SOLSONA, ILOCOS NORTE

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 4


Pangalan: ________________________________________________________________Iskor: _________
Baitang: ____________________
PANUTO: Piliin at salungguhitan ang titik ng tamang sagot
1. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban sa:
A. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
B . Nagsisilbi itong libangan at pampalipas ng oras.
C. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.
D. Nagpapataas ito sa presyo ng mga bilihin sa palengke
2. Saan maaaring itanim ang mga halamang matataas?
A. kahit saan C. gilid, kanto o sa gitna
B. harap ng bahay D. fishpond sa halamanan
3. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga halamang_________?
A . di namumulaklak C. halamang nasa tubig
B. mababang halaman D. matataas na halaman
4. Ang halamang lumalago sa lupa ay maaaaring itanim sa_____________.
A. gitna ng fishpond C. kahit saan basta tutubo
B. gitna ng halamanan D. tamang makakasama nito
5. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
A. pagkukunan ng pagkain C. pagkukunan ng pagkakakitaan
B. ang kaangkupan ng panahon D. kaayusan ng paligid at tahanan
6. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng halaman/punong ornamental maliban sa isa?
A. anyo ng lugar C. kaangkupan ng lupa at panahon
B. halamang lumalago sa lupa D. gamit ng bawat halaman/punong ornamental
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kagamitan sa paghahalaman?
A. Asarol B. Dulos C.Palayok D. Regadera
8. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa paglilipat ng lupa, ano ito?
A. Asarol B. Dulos C. Kalaykay D. Pala
9. Ang __________________ ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa?
A. Asarol B. Dulos C. Kalaykay D. Pala
10. Maganda ang epekto ng pagtatanim kahit hindi angkop ang mga kagamitang ginagamit at ang lupang
pagtaniman.
Ang pangungusap na ito ay ______________________.
A. maari B. mali C. pwede D. tama
11. Pangangalagaan ng maayos ang mga kagamitan upang magamit pa ito ng matagal.
A. maari B. mali C. siguro D. tama
12.Ito ay bahagi ng plano na ngapapakita ng mga hakbang upang maipatupad ang mga gawain sa plano?
A. kagamitan B. layunin C. pamamaraan D. Titulo o pamagat
13. Ang mga sumusunod ay kapakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental maliban sa isa?
A. nakakapagod gawin C. nagpapaganda ng kapaligiran
B. nagbibigay ng hanapbuhay D.nagbibigay ito ng preskong hangin
14. Alin sa mga sumusunod na halaman ang shrub?
A. gumamela B. mahogany C. saging D. sunflower
15. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng halamang ornamental?
A. malalaki ang puno C. napakaraming dahon at sanga
B. mayayabong ang dahon D. namumulak o di-namumulaklak
16. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?
A. paso na may tubig C. fishpond sa halamanan
B. sa plastik na sisidlan D. gilid ng daanan o pathway

Isulat ang A-kung ito ay Tama, B- kung ito ay Mali, C-kung wala itong sagot D-Kung hindi ito ang
siguradong sagot
17. Hayaang matigas at bitak-bitak ang lupang pagtataniman.
18. Pala ang angkop na kagamitan sa paglipat ng lupa.
19. Ang kalaykay ang ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
20. Gumawa ng panghalili kung may kakulangan sa kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa.

21. Ito ay nagbibigay sa mag-anak ng sariwang itlog at karne.


A. aso B. kambing C. manok D. pusa
22.Paano makatutulong sa pagsugpo ng mga polusyon sa hangin at kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental?
A. Nagpapaunlad ng pamayanan.
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
C. Nagsisilbing palamuti sa tahanan at pamayanan
D. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
23.Bakit mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental?
A. Nakapagpapaunlad ito ng kabuhayan.
B. Nakapagpapaganda ito ng ating kapaligiran.
C. Nakapagbibigay ito ng sariwang hangin at sumusugpo sa polusyon.
D. Lahat ng nabanggit.
24. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagpaparami ng halaman?
A. pagtatanim ng buto C. pagpuputol ng sanga
B.pagtatanim ng dahon D. wala sa nabanggit
25. Kung ikaw ang magtatanim ano ang pinakaunang hakbang na iyong gagawin?
A. Lagyan agad ng abuno C Ihanda ang lupang taniman.
B. Maglagay agad ng bakod D.Diligan ang lupang pagtataniman
26. Pagkatapos gamitin ang mga kasangkapan sa pagtatanim, alin ang nararapat gawin?
A. Hayaang nakakalat na lang.
B. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga ito.
C. Ilagay sa maaring maabot ng iyong nakababatang kapatid.
D. Wala sa nabanggit
27. Nais mong makarami ka ng benta sa iyong mga halamang ornamental, paano mo ito gagawin gamit ng
social media?
A. Maglalaro ako ng ML
B. Makikipag chat lang ako sa mga kaklase
C. Magseselfie ako kasama ng aking mga halaman
D. Gagawa ako ng page ng mga halamang aking ibebenta sa fb
28. Kung ikaw ang mag-aalaga ng hayop na maari mong pagkakitaan, alin sa mga sumusunod?
A. agila B. ahas C. kambing D. tigre
29. Alin ang sa mga ito ang dapat ipinapakain sa alagang kambing?
A. damo B. darak C. mais D. tirang pagkain
30. Aling sa mga sumusunod ang maaari mong gamitin sa pagtatanim ng halamang ornamental?
A. Lapis
B. Kaldero
C. Sandok
D. Shovel o paleta
31. Paano makikinabang ang mga bisita sa isang komunidad na may maraming halamang ornamental?
A. Magkakaroon sila ng libreng pagkain
B. Maaari silang maglaro ng mga online games.
C. Magkakaroon sila ng mas mabilis na internet.
D. Makikita nila ang ganda at kalinisan ng komunidad.
32. Dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin sa____________?
A. kahit sa saan B. likod ng bahay C.lugar na maalagaan D.panabi o gilid ng tahanan
33. Ang pagsalubong sa mga mamimili ay nakatutulong sa mabilis na pagbebenta ng ating mga halaman?
A. maari B. mali C. siguro D. tama
34. Alin sa mga sumusunod ang natural na pagpaparami ng halaman?
A. Inarching B. Grafting C. Layering D. Pagtatanim ng buto
35.Bakit mainam ang grafting sa mga punong namumunga?
A. mas magiging matibay ito
B. madali nitong napapabunga ang puno
C. mas kaunti lang ang tubig na kailangan sa grafting
D. wala sa nabanggit
36. Sa anong tanim mainam ang Broadcasting Method na paglalagay ng abuno?
A. kamatis B. mani C. pakwan D. palay
37. Bakit kailangang bigyan ng mga gamot at bitamina ang mga hayop?
A. Upang hindi ito lumaki. C. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito
B. Upang matiyak ang maayos pagkakakitaan. D. Upang mahirapan ang nag-aalaga ng mga hayop.
38. Aling sumusunod na pakinabang ang maaari mong makuha mula sa halamang ornamental maliban sa
estetika?
A. Pagkakaroon ng discount sa mga tindahan.
B. Pagkakaroon ng mas maraming oras sa telebisyon.
C. Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan sa social media.
D. Pagbawas sa stress at pagbibigay ng relaxing na ambiance.
39. Anu-ano ang mga dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng halamang ornamental?
A. Magkaka-uring halaman C. Magkasingkulay na halaman
B. Magkasinglaking halaman D. Lahat ng nabanggit
40. Bilang isang mag-aaral ng Ikaapat na Baitang, ano ang dapat mong gawin sa pangangalaga ng iyong mga
tanim na halamang ornamental?
A. Bugkalin ang lupa sa mga gilid nito.
B. Lagyan ng abono/pataba ang mga pananim
C. Diligan ang mga halaman araw-araw s aumaga at hapon.
D. Lahat ng nabanggit.

Prepared by:

MARIDEL V. VILORIA
Teacher I- Substitute

Noted by:

LORNA R. DELA CRUZ


Head Teacher I
ANSWER KEY

EPP4

1. A
2. C
3. C
4. A
5. B
6.C
7. C
8. D
9. A
10. B
11. D
12. A
13. A
14. A
15. D
16. C
17. B
18. B
19. B
20.A
21. C
22.D
23.D
24.A
25.C
26.B
27. D
28.D
29.A
30. D
31.D
32. C
33. A
34. B
35.B
36.A
37.C
38. B
39.D
40.DS

You might also like