You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BITIN ELEMENTARY SCHOOL
BAY SUB-OFFICE

EPP-AGRICULTURE 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan at paaralan.


A. ornamental B. gulay C. narseri D. herbal

2. Ang mga sumusunod ang mga halamang ornamental MALIBAN sa isa, ano ito?

A. B. C. D.
Rosas San Francisco Kalachuchi Puno ng Saging

3. Saan maaring itanim ang halamang ornamental na lumalago?


A. likod ng bahay
B. gitna ng halamanan
C. kahit saan basta tutubo
D. tamang makakasama nito

4. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental?


A. pagkukunan ng pagkain
B. pagkukunan ng pagkakakitaan
C. kaayusan ng paligid at tahanan
D. bagay na nakakasama sa proyekto

5. Saan maaring itanim sa ating bakuran ang mga punong ornamental na matataas?
A. kahit saan
B. harap ng bahay
C. gilid, kanto o gitna
D. fishpond sa halamanan

6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?


A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Nagpapaganda sa paligid ng pamayanan.
D. Lahat ng mga sagot sa itaas

7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental MALIBAN sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.

8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga halamang ornamental?


A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Nakapagbibigay ito ng preskong hangin sa paligid.
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
D. Lahat ay tamang sagot

9. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting naidudulot ng halamang
ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
C. nakasisira ito ng lupa
D. nakatutulong ito sa paglala ng baha.

10. Nagtanim ng halamang ornamental ang mga batang nasa ikaapat na baitang. Anong kabutihan ang maidudulot nito sa kanila?
A. Magandang ehersisyo para sa kanilang katawan.
B. Mabuting gawain
C. Nalibang sila
D. Lahat ng nabanggit.

11. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga halamang_________?


A. di namumulaklak
B. halamang nasa tubig
C. mababang halaman
D. matataas na halaman
12. Saan maaring itanim ang halamang Bermuda grass o carpet grass?
A. mabatong lugar
B. paso sa labas ng tahanan
C. malawak o bakanteng lugar
D. paso at ilagay sa loob ng bahay

13. Dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin sa____________?
A. kahit sa saan
B. likod ng bahay
C. lugar na maalagaan
D. panabi o gilid ng tahanan.

14. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng halaman/punong ornamental maliban sa isa.
A. anyo ng lugar
B. halamang lumalago sa lupa
C. kaangkupan ng lupa at panahon
D. gamit ng bawat halaman/punong ornamental

15. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?


A. paso na may bulaklak
B. fishpond sa halamanan
C. sa lata na puno ng tubig
D. gilid ng daanan o pathway

16. Anong uri ng abono ang ihalo sa lupang malagkit at sobrang basa upang lumuwang ito?
A. humus C. potash
B. urea D. decomposed

17. Alin sa mga halimbawa ang hindi kabilang sa paggawa ng organikong bagay gaya ng mga binulok o decomposed na mga halaman?
A. dayami C. tinabas na damo
B. tuyong dahon D. laman loob ng manok

18. Ano ang ginagamit para bungkalin ang lupang pagtamnan?


A. asarol C. pala
B. itak D. tulos at pisi

19. Habang nagbubungkal ng lupang pagtaniman. Anong mga bagay sa lupa ang dapat tanggalin?
A. ang pataba C. bato at mga matitigas na ugat
B. putik at basang lupa D. buhangin na nagkalat sa lupa

20. Kung ang lugar ng lupang pagtaniman ng halamang ornamental ay malawak. Ano ang dapat mong gawin?
A. hindi papansinin C. pabayaan nalang
B. lagyan ng pergola/kubo D. wala sa nabanggit

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung tama ang isinasaad nito at M kung mali.

____21. Maaaring huwag nang ilista ang gastos sa pamasahe sa pagbili ng iyong mga kailangan sa negosyo.

____22. Ang pagiging positibo sa iyong ginagawa ay isa sa mga aspetong dapat nating saloobin upang ang ating negosyo ay umunlad.

____23. Itala sa iyong pinagtalaan ng puhunan at ginastos sa negosyo ang inyong gastos sa pang-araw-araw na pagkain.

____24. Makikita sa talaan ang kabuuan ng ginastos.

____25. Maaaring maging maunlad ang tindahan na walang ginagawang talaan.

26. Katulong natin sa pagsasaka ang alagang ito na nagbibigay sa atin ng sariwang gatas at karne.
A. aso C. manok
B. baka D. kambing

27. Ito ay nagbibigay sa mag-anak ng sariwang itlog at karne.


A. pusa C. kambing
B. aso D. manok

28. Ito ay kaibigan ng tao at tagabantay sa ating bahay.


A. aso C. palaka
B. pusa D. isda

29. Ang alagang ito ay nakakatanggal ng stress at tumutulong sa paghuli ng mga daga.
A. aso C. butiki
B. pusa D. manok

30. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng stress at maaari ring pagkakakitaan ang alagang ito na humuhuni, umaawit, at ang iba ay nagsasalita.
A. kambing C. ibon
B. isda D. baboy

31. Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano ukol sa pag-aalaga ng mga hayop?
A. Uri ng produkto na ipapakain sa alagang hayop
B. Kulay ng alagang hayop
C. Kalagayan ng pamumuhay
D. Uri ng hayop na aalagaan
32. Ano ang maaaring idulot ng paggawa ng plano bago simulan ang pagpaparami ng alagang hayop?
A. Upang matiyak na kikita ang proyekto sa pag-aalaga ng hayop
B. Upang makapagbigay ng maraming uri ng hayop
C. Malaman ang kasanayan ng nag-aalaga ng hayop
D. Maibibigay ang kagustuhan ng nag-aalaga

33. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring paramihin sa ating tahanan?
A. Kalapati, love birds, pusa
B. Kalabaw, baka, kambing
C. Ahas, palaka, gagamba
D. Isda, alimango, alimasag

34. Bakit kailangang piliin ang paparamihing alagang hayop?


A. Upang gawing kasiyahan sa loob ng tahanan
B. Upang maibenta at pagkakitaan
C. Upang maging kapaki-pakinabang
D. Upang may katulong sa tahanan

35. Ito ay batas na nagtadhana sa makataong pangangalaga ng mga hayop


A. RA8485
B. RA10631
C. House bill 914
D. Wala sa nabanggit

36. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng mga hayop?


A. Mainit na lugar.
B. Maruming paligid.
C. Hayaang magkasakit.
D. Malinis na tirahan, pagkain at tubig.

37. Bakit kailangang bigyan ng mga gamot at bitamina ang mga hayop?
A. Upang hindi ito lumaki.
B. Upang matiyak ang maayos pagkakakitaan.
C. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito.
D. Upang mahirapan ang nag-aalaga ng mga hayop.

38. Upang mabigyan agad ng karapatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta sa ______.
A. doctor sa ospital B. beterinaryo C. matandang kapitbahay D. may-aring hayop

39. Ano dapat gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sa kalye?


A. Ipamigay sa nais kumuha nito. C. Dalhin sa beterinaryo.
B. Itali o igawa ng kulungan. D. Huwag pakainin

40. Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?


A. Ibabaon sa lupa. C. Itatapon sa dagat.
B. Ibinibigay sa kapitbahay. D. Hayaan na lang sa loob ng kulungan

You might also like