You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

Sabangan Elementary School


Bonuan Gueset, Dagupan City

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa EPP 4


S.Y. 2023-2024

Name: ________________________________ Section: __________________


Skor
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kailangan ng isang tao para makapag-alaga ng halaman?


A. Kasanayan at kaalaman sa paghahalaman
B. Kaalaman at kagalingan sa paghahalaman
C. Kaalaman at katalinuhan sa paghahalaman
D. Kasanayan at kahusayan sa paghahalaman

2. Ang may kasanayan at kaalaman sa pag-aalaga ng halaman ay nakapagpapalaki at nakapag-


paparami ng malulusog at magagandang halaman.
A. Mali B. Tama C. Depende D. Wala sa nabanggit

3. Ang mga sumusunod ay pangangailangan ng halaman upang mabuhay MALIBAN sa isa.


A. Araw B. Abono C. Buhangin D. Tubig

4. Kung ang tao ay nangangailangan ng bitamina upang lumaking malusog, ano naman ang sa
halaman?
A. Abono B. Araw C. Lupa D. Tubig

5. Paano mapagkakakitaan na gawain ang pagtatanim ng halamang ornamental?


A. Kapag bumili ng mga ito C. Kapag nag-aalaga ng mga ito
B. Kapag nagtanim ng mga ito D. Kapag nakapagparami ang mga ito

6. Alin sa mga nasa ibaba ang hindi kapakinabangan sa pagtatanim ng halamang ornamental?
A. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagpapababa ito ng presyo ng bilihin sa palengke.
D. Nakapagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.

7. Paano nakatutulong sa pagsugpo ng polusyon at climate change ang pagtatanim ng mga


halamang ornamental?
A. Nagpapababa nito ng bilihin sa palengke.
B. Nakapagpapababa ang polusyon kung walang usok.
C. Nililinis nito ang maruming hangin at napapalamig ang kapaligiran.
D. Naiiwasang malanghap ng tao sa pamayanan ang maruming hangin.

8. Paano nakatutulong sa mag-anak at pamayanan ang pagtatanim ng halamang ornamental?


A. Napagkakakitaan C. Nakalilibang
B. Nakapagpapasaya D. Nakapagpapaganda

9. Sa papaanong paraan napaparami ang karamihan ng mga halamang ornamental?


A. Buto B. Sanga C. Ugat D. Usbong
10. Kung ikaw ay magpapatubo ng panibagong halaman, saang parte ng halaman ang
gagamitin mo?
A. Murang sanga C. Balang ugat na sanga
B. Magulang na sanga D. Bagong usbong na sanga

11. Ito ay paraan ng pananaliksik upang malaman kung anong halamang ornamental ang itanim.
A. Analysis B. Experiment C. Research D. Survey

12. Ang survey ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa isa.


A. Advertisement B. Interview C. Internet surfing D. Tabulation

13. Ito ay isang paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental na may kasamang halamang
gulay.
A. Intercropping B. Interview C. Internet surfing D. Survey

14. Sa papaanong paraan mo pagsasama-samahin ang halamang ornamental at gulay?


A. Ang mabababa at matatataas C. Ang matatataas at gumagapang
B. Ang gumagapang at mabababa D. Ang namumulaklak at gumagapang

15. Kung ikaw ay magtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at gulay, sa papaanong


paraan mo ito isasagawa upang maiwasang masayang ang pera at oras na gugugulin?
A. Disenyo B. Intercropping C. Interview D. Survey

16. Ang aquatic na halaman ay nabubuhay sa anong lugar?


A. Lupa B. Tubig C. Puno D. Dagat

17. Alin ang hindi kabilang sa mga uri ng halamang ornamental.


A. Virus B. Shrub C. Puno D. Shell

18. Aling uri ng halaman ornamental ang magandang itanim sa harap ng tahanan.
A. Kulay B. Puno C. Herbal D. Namumulaklak

19. Anong uri ng halaman ang dapat ilagay nang hindi nakakasagabal sa darating na panahon.
A. Puno B. Kulay C. Herbal D. Shrub

20. Nais mong mapadali ang pagpaparami ng tanim. Sa papaanong paraan mo mapapaugat ang
sanga ng halaman?
A. Pumili ng malusog na sanga C. Ibabad sa tubig o rooting hormones
B. Itanim ang sangang nagkaugat na D. Lahat ng nabanggit

21. Isang paraan ng pagpaparami ng halaman ay direktang pagtatanim, ang unang gagawin ay
A. Putulin at itanim
B. Balutin ang buto at itanim
C. Ibabad sa tubig at itanim sa lugar na nais
D. Wala sa binanggit

22. Ano ang gagawin kung natutuyo na ang lupa ng halaman.


A. Diligan B. Bunutin C. Putulin D. Alisin

23. Paano magiging mayabong ang mga tanim na halaman,at makahinga ang ugat nito.
A. Diligan B. Bungkalin C. Putulin D. Alisin

24. Nakatutulong sa pagyabong ng halaman ang paglalagay ng abono. Paano mo ito


isasagawa?
A. Idikit sa lupa C. Ilibot sa mga dahon
B. Ihalo sa mga basura D. Ikalat sa ibabaw ng lupa

25. Sa paggawa ng organikong pataba, alin ang hindi kabilang


A. Mga dahon C. Mga plastic at Styrofoam
B. Mga tangkay ng halaman D. Pinagbalatan ng gulay at prutas
26. Paano isinasagawa ang Ring Method bilang paraan ng paglalagay ng abono?
A. Pahaba B. Pabilog C. Parihaba D. Patayo

27. Paano ang paggawa ng organikong pataba o compost gamit ang mga nabubulok na bagay?
A. Ibabad B. Ihalo C. Ikalat D. Pagbabaon sa hukay

29. Paano malalaman kung kailan maaaring anihin ang mga bunga ng halamang?
A. Kapag bansot pa C. Kapag tuyo na
B. Kapag maliit pa lang D. Kapag husto na ang laki

30. Paano naibebenta ang halamang ornamental?


A. Naka-kilo C. Nakafrezer
B. Nababalot sa bag D. Nakaplastic o nakapaso

31. Sa anong oras isinasagawa ang pag-aani ng mga bunga ng tanim?


A. Hapon B. Gabi C. Tanghali D. Umaga

32. Mahalaga ang wastong pagsasapamilihan ng mga halaman kaya kailangan ang tamang
pagbati sa mga mamimili. Alin sa mga sumusunod ang tama.
A. Magandang araw po C. Magandang mamimili
B. Mahal po ang tinda ko D. Umalis na ang di bibili

33. Natapos mong maihanda ang mga ibebenta sa pamilihan, ano ang gagawin mo?
A. Magluto C. Magsuklay
B. Maghugas ng kamay D. mag-spray ng pabango

34. Nakita mong kalat ang mga ibebenta dahil sa pagpipili ng mga mamimili, ano ang gagawin
upang madaling makapili ang mga mamimili.
A. Hapon na lang C. Itago
B. Ayusin ayon sa uri D. Ilagay sa cabinet

35. Tinaguriang bantay ng bahay at man’s best friends.


A. Aso B. Kambing C. Pusa D. Tigre

36. Uri ng hayop na nagdudulot ng sariwang karne at itlog


A. Aso B. Kuneho C. Manok D. Pusa

37. Maliban sa kawili-wiling libangan ang pag-aalaga ng hayop, alin sa mga sumusunod ang
isa pang pakinabang sa gawaing ito.
A. Aksaya sa oras B. Magastos C. Mahirap D. Mapagkakakitaan

38. Saan maaaring ilagay ang tirahan ng kalapati upang di pasukin ng daga.
A. Baba ng bubong B. Taas ng puno C. Toktok ng bahay D. Silong ng bahay

39. Paano naipapakita ang wastong pangangalaga ng hayop sang maliban sa pagpapakain ng
masustansiya pagkain.
A. Makalat ang kulungan C. Malinis ang kulungan
B. Marumi ang mga kulungan D. Mabaho ang kulungan

40. Paano maiiwasan ang pagkakasakit ng hayop?


A. Sira ang kulungan at malamig
B. Pakainin ng bigas, at mainit na lugaw
C. Walang bintana at maruming kulungan
D. Tamang pagpapakain at malinis na tirahan

You might also like