You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN AGRI 5


QUARTER 4

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Basahing mabuti at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang at gawin ito
sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?


A. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
B. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
C. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang
makagawa ng compost?
A. Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatong-
patong para magsilbing hukay ang mga ito.
B. Bumili ng lupa sa kapitbahay.
C. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba.
D. Magahanap ng malaking karton para gawing compost.

3. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng


fermented fruit juice maliban sa isa. Alin ito?
A. Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.
B. Ang fermented fruit juice ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa
insekto.
C. Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng fermented fruit juice.
D. Pinapaiksi ng fermented fruit juice ang buhay ng mga pananim.

4. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang
ginagawa?
A. Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain,
at iba pang nabubulok na mga bagay.
B. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anong pantakip.
C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
D. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12
pulgada o 30 sentemetro ang taas.

5. Bago gamitin ang mga nabulok na mga bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang pagkain
at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang .
A. Dalawang araw C. Dalawang oras
B. Dalawang linggo D. Dalawang buwan

6. Upang maging pataba ang mga basura ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan tulad ng
compost pit. Ano ang tawag sa paraang ito?
A. Basket composting C. Intercropping
B. Basket making D. Double digging

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusapang nagsasaad ng kahalagahan ng paggamit ng


abonong organiko?
A. Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong
sa pagpapalago ng mga pananim.
B. Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang
lupa.
C. Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko.
D. Nakadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko.

8. Ano ang basket composting?


A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit.
C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
D. Wala sa nabanggit.

9. Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented fruit juice. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?
A. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na
hindi maasim.
B. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.
C. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
D. Lahat nang nabanggit.

10. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon balat
ng gulay at prutas at mga tirang pagkain?
A. Pagpapausok ng basura.
B. Pagkakalat ng basura.
C. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.
D. Paglilinis ng basura.

11. Ilang buwan ang pinakamainam bago gamitin ang compost o abonong organiko?
A. isang buwan C. tatlong buwan
B. dalawang buwan D. apat na buwan
12. Ang mga sumusunod ay pwedeng gamiting materyales sa paggawa ng
compost, maliban sa isa. Ano ito?
A. dumi ng hayop C. mga di-nabubulok na bagay
B. apog D. tuyong dahoon

13. Ang mga sumusunod na mga bagay ay hindi lubusang nabubulok, maliban sa isa. Ano ito?
A. balat ng prutas C. tira-tirang pagkain
B. maliliit na bato D. dayami

14. Ang ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba.


A. basket composting C. di-organikong pataba
B. organikong pataba D. recycling

15. Ang pang-apat na hakbang sa paggawa ng organikong abono ay ang:


A. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay.
B. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
C. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
D. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.

16. Nagdadala ng regadera si Ana papunta sa kanilang halamanan. Ano sa palagy mo ang
kanyang gagawin?
A. a. magdidilig C. maglalagay ng abono
B. b. magbubungkal D.wala sa nabanggit

17. Nakita ni Bert ang kanyang ama na nag-ipon ng mga pinagbalatan ng prutas at gulay. Ano
sa palagay mo ang gagawin ni Bert?
A. Si Bert ay gagawa ng salad
B. Si Bert ay magtatapon ng basura.
C. Si Bert ay gagawa ng organikong abono
D. Wala sa pagpipilian

18. Nakita mong tuyong-tuyo na ang iyong mga halaman. Ano sa palagay mo ang maaari
mong gawin?
A. Bubungkalin C. didiligan
B. lalagyan ng abono D. wala sa pagpipilian

19. Dapat masang-masa ang lupa kapag nagbubungkal.


A. Tama C. di sigurado
B. Mali D. wala sa pagpipilian

20. Napansin mong pumayat ang iyong mga halaman.Ano ang maaari mong gawin?
A. Hahayaan na lang na mamatay ang halaman.
B. Di ko na papansinin dahil payat na.
C. Lalagyan ko ng abono para tumaba at yayabong.
D. wala sa nabanggit
21. May pagpupulong sa inyong barangay tungkol sa paghahalaman.Ano ang gagawin mo?
A. Magpunta at makinig upang magkaroon ng karagdagang kaalaman.
B. Manonood ng TV at kakain lamang sa bahay.
C. Hahayaan ko sila sa pagpup[ulong nila.
D. Papuntahin ko ang mga kabigan ko.

22. Isang umaga nagpunta ang kapatid ni Vilma sa kanilang halamanan upang bungkalin ang
lupa ng kanilang mga halaman. Bakit kailangang bungkalin ng kapatid ni Vilma ang lupa
ng kanilang halaman?
A. Upang madaling dumami ang ugat ng halaman gaya ng mga gulay.
B. Dahil gagawin nila ito compost pit
C. Magkakaroon sila ng mga paso
D. Wala sa nabanggit

23. Gumawa ng organikong abono na mga pinagbalatan ng prutas at gulay c Manuel. Sa iyong
palagay saan kaya niya ito ilalagay?
A. Ipapakain sa mga aso.
B. Iaabono sa mga halaman para tumaba.
C. Itatapon sa dagat
D. Gagamitin para sa mga alagang isda

24. Sa palagay mo bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa halaman?


A. Dahil maiiwasan ang pagtubo nito
B. Upang maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman
C. Magkakaroon ng maraming buto ang halaman
D. Wala sa pagpipilian

25. Alin sa mga sumusunod ang masistemang pangangalaga ng halaman?


A. pagdidlig C. paglalagay ng abono
B. pagbubungkal D. lahat ng nabanggit

26. Ang itlog nito ay ginagawang balut, penoy at itlog na pula.


A. Itik C. manok
B. Pugo D. Broiler

27. Uri ng hayop na ubod ng sustansiya ang kanyang gatas.


A. Baka C. baboy
B. Tilapia D. itik

28. Uri ng mga manok na niluluto sa mga fastfood o restaurant.


A. Broiler C. pugo
B. Itik D. minorca

29. Uri ng hayop na ginagawang ham ang karne nito.


A. Baboy C. baka
B. Kambing D. kalabaw

30. Anong hayop ang may apat na paa na mainam ang karne sa putahe tulad ng kilawin at
kaldereta?
A. Kambing B. Baka C. Tilapia D. Kalabaw
31. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot nito sa
kanyang pamilya?
A. dagdag kita sa pamilya
B. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
C. dagdag gastos wala namang pera
D. dagdag pasanin sa kanya.

32. Paano mapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?


A. gawing pagkain
B. gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
C. itago sa loob ng bahay
D. gawing laruan

33. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
A. ulam ng pamilya
B. dagdag gastos
C. palamuti sa bahay
D. laruan

34. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?
A. hindi lilinisan
B. itatapon sa dagat
C. gawing pataba sa halaman
D. gawing pagkain ng ibang hayop

35. Piliin ang angkop na kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao.


A. nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip
B. nakadagdag stress sa pamilya
C. pabayaan na lamang
D. nakakadagdag ng trabaho

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
Isang tindera ng isda sa palengke si Aling Minda. Maaga pa
lang ay gumayak na siya upang magtungo sa bagsakan ng
isda para mamakyaw ng isdang ibebenta. Bumili siya ng 50
kilos na tuna sa halagang Ᵽ100.00 kada kilo. Balak niya
itong ibenta ng may 25% na patong o tubo kada kilo.

36. Ilang bahagdan ang idinagdag ni Aling Minda sa bawat kilo ng


tuna na kanyang ibebenta?
A. 10% C. 20%
B. 15% D. 25%

37. Magkano ang kabuuang puhunan ni Aling Minda sa 50 kilong tuna?


A. Ᵽ5,000.00 C. Ᵽ3,000.00
B. Ᵽ4,000.00 D. Ᵽ2,000.00
38. Magkano ang kita ni Aling Minda sa bawat isang kilong tuna na kanyang mabebenta?
A. Ᵽ35.00 C. Ᵽ20.00
B. Ᵽ25.00 D. Ᵽ15.00

39. Kapag nabenta lahat ni Aling Minda ang 50 kilong tuna, magkano ang kanyang kabuuang
kita?
A. Ᵽ1,000.00 C. Ᵽ1,500.00
B. Ᵽ1,250.00 D. Ᵽ2,000.00

40. Magkano ang kabuuang kita ni Aling Maria kung ibabawas ang Ᵽ150.00 na halaga ng
plastic na kanyang ginamit?
A. Ᵽ900.00 C. Ᵽ1,100.00
B. Ᵽ1,000.00 D. Ᵽ1,150.00

41. Ano ang perang nakukuha mula sa pagtitinda ng iyong produkto?


A. puhunan C. presyo
B. kita D. gastos

42. Ito ay ang pera na inilaan mo para sa pag uumpisa ng isang negosyo at maaari ring
tawaging capital.
A. puhunan C. kita
B. presyo D. Gastos

43. Ano ang tawag sa halaga na itinatakda sa produktong ibebenta sa pamilihan?


A. puhunan C. presyo
B. kita D. gastos

44. Ano ang salapi o perang ginagamit upang gugulin sa pagpapatakbo ng negosyo?
A. gastos C. produkto
B. puhunan D. kita

45. Ito ay ang mga bagay na puwedeng itinda upang pagkakitaan.


A. Gastos C. produkto
B. Puhunan D. kita

46. Ito ay porsiyentong idinadagdag sa kabuung halaga ng puhunan upang kumite sa iyong
panindang isda?
A. Dagdag puhunan C. presyo
B. Patong na bahagdan D. produkto

47. Ilang porsiyento ang pinakamabuting idagdag sa kabuuang halaga ng puhunan upang
kumite sa iyong panindang isda?
A. 15% C. 2%
B. 10% D. 25%

48. Si Mang Kardo ay gumastos ng 15 pesos para sa tauhan niya sa pag-aani ng isda sa
kanyang palaisdaan 40 pesos para sa pamasahe at 17 pesos para sa supot na paglalagyan
ng isda. Magkano lahat ang gastos ni Mang Kardo?
A. 195 pesos C. 207 pesos
B. 185 pesos D. 210 pesos
49. Kung ikaw ay umani ng 5 kilong isda, magkano ang iyong magiging kita kung ang
kabuuang halaga ay 160 bawat kilo?
A. 165 pesos C. 700 pesos
B. 500 pesos D. 800 pesos

50. Nakapagbenta si Aling Juana ng halagang 750 pesos sa kaniyang panindang isda, mayroon
siyang gastos na 280 pesos, magkano ang kabuang tinubo ni Aling Juana?
A. Php 470 C. Php 57
B. Php 740 D. Php 704

You might also like