You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO (P)
MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL - ELEMENTARY
PUROK 8, MAIMPIS, CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa EPP 5


AGRIKULTURA
S.Y. 2022-2023

I. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting. Isulat ng bilang 1-5 ang sa
sagutang papel.

1.Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

2.Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na may sapat na laki at haba.

3.Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw
at iba pang peste.

4.Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at
nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

5.Ikalat nang pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay
at prutas, dumi ng mga hayop at lupa hanggang mapuno ang sisidlan.

II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

6. Ito ay pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan upang maging pataba sa mga halaman.
A. Basket Composting B. Crop Rotation C. Fumigation D. Intercropping

7. Bakit maganda ang paggamit ng compost?


A. Pinatitigas ang lupa
B. Mabilis matuyo ang lupa
C. Pinarurumi at pinababaho ang lupa
D. Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya dumarami ang ani

8. Gaano katagal ang dapat palipasin para magamit ang ginawang compost?
A. isang linggo C. isang buwan
B. dalawang linggo D. dalawang buwan

9. Ano-ano ang dapat paghaluin upang makagawa ng abonong organiko?


A. pataba, plastik at lupa
B. nabubulok na basura, pataba at lupa
C. nabubulok na basura, mga bato at lupa
D. buhangin, nabubulok na basura at plastik

10. Ang mga sumusunod ay mga benepisyo sa paggamit ng abonong organiko, maliban sa isa. Alin
ito?
A. Walang overdose
B. Matagal ang epekto
C. May kemikal na nagdudulot ng kontaminasyon
D. Maaaring gumawa ng sariling organikong pataba

11. Ang mga sumusunod ay pweding gamiting materyales sa paggawa ng compost, maliban sa isa.
Ano ito?
A. apog B. dumi ng hayop C. mga plastik D. tuyong dahon

12. Ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang gulay sa ating pamilya?


A. may maipagmamayabang
B. karagdagang kita at pagkain
C. ipakakain sa mga alagang hayop
D. maipamimigay sa mga kapitbahay

Page 1 of 4
13. Sa paglilipat ng punla, anong kasangkapan ang dapat gamitin upang hindi masira
ang mga ugat nito?
A. piko B. karet C. trowel D. kalaykay

14. Ano ang dapat mong gawin upang maging maayos ang pagtubo ng mga halaman
at makuha lahat ang sustansyang taglay ng lupa?
A. bungkalin ang lupa C. bunutin ang mga ligaw na damo
B. paligiran ito ng bakod D. diligan ng isang beses sa isang linggo

15. Ano ang unang hakbang na dapat isagawa sa paghahanda ng lupang taniman?
A. diligan ang lupa C. linisin ang lupa
B. bakuran ang lupa D. patagin ang lupa

16. Ano ang dapat gawin sa paligid ng mga halamang gulay isa o dalawang beses
sa isang linggo upang makahinga ang mga ugat nito?
A. diligan ang lupa C. bungkalin ang lupa
B. paligiran ng bakod D. alisin ang mga damo

17. Maraming ligaw na hayop sa paligid, paano mo mapangangalagaan ang


pananim mula sa mga ito?
A. bakuran ito C. palagi itong diligan
B. lagyan ito ng bato D. lagyan ito ng pataba

18. Alin sa mga sumusunod ang nagiging pakinabang ng paghahalaman sa ating sarili?
A. nagdudulot ng maruming hangin
B. nagdadala ng iba’t ibang uri ng sakit
C. nakadaragdag sa ating pagkapagod
D. nagbibigay ng bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan

19. Ang mga sumusunod ay pakinabang ng paghahalaman sa pamayanan, maliban sa isa. Alin ito?
A. nagdudulot ng lilim sa paligid
B. nag-iiwan ng dumi sa bakuran
C. nagbibigay ng sariwang hangin
D. nagpapaganda sa pamayanan at kapaligiran

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa paghahalaman?


A. matabang lupa C. nasisikatan ng araw
B. pinagkukunan ng tubig D. malapit sa mga pabrika at daan

21. Alin ang maaaring maging bunga ng mga pananim kung angkop ang lugar, klima at naibibigay
ang wastong pangangailangan ng mga halaman?
A. Magiging payat ang mga pananim.
B. Babagal ang paglaki ng mga pananim.
C. Malalanta at maaaaring mamatay ang mga pananim.
D. Magiging maayos at malusog ang pagtubo ng mga pananim.

22. Ito ay uri ng kulisap na naninirahan sa ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkulot ng mga ito.
A. Ladybug B. Leaf Rollers C. Melon Aphid D. Webworm

23. Gumagapang ang mga ito sa mga damuhan at nangingitlog sa malagong tanim.
A. Armored Scale B. Ladybug C. Plant Hoppers D. Ring Borer

24. Ang mga dahon na may ganitong insekto ay nagkukulay-balat at nalalagas. Mapupuksa ang mga
ganitong uri ng insekto sa pamamagitan ng pagsisiga o pagpapausok.
A. Ladybug B. Melon Aphid C. Ring Borer D. Webworm
25. Bakit kailangang lagyan ng ilaw ang mga sisiw sa unang linggo ng mga ito?
A. upang dumami C. upang ginawin
B. upang masilaw D. upang mainitan

26. Alin sa mga sumusunod ang tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng mga
hayop?
A. Pagpapanatiling marumi ng mga kulungan.
B. Pagpapabaya sa mga namatay na hayop sa kulungan.
C. Pagbibigay ng sapat na pagkain sa mga alagang hayop.
D. Pagpapatayo ng kulungan sa maalinsangan at madilim na lugar.
Page 2 of 4
27. Ang karne at gatas ay tumutulong sa atin upang maging malusog. Alin ang nagbibigay sa atin
ng mga ito?
A. bibe B. manok C. baboy D. kambing

28. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga kahalagahan ng pag-aalaga ng mga hayop?
A. Nakadaragdag sa utang ng pamilya.
B. Nadaragdagan ang dumi sa pamayanan.
C. Nagbibigay ng pagkain tulad ng karne at itlog.
D. Nagiging sagabal sa pag-unlad ng kabuhayan.

29. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng hayop tulad ng manok at bibe?
A. pagkain B. sikat ng araw C. laki ng bakuran D. inuming tubig

30. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng isda?


A. matabang lupa C. bilang ng kasapi ng mag-anak
B. panahon ng pagtatanim D. lugar na pagtatayuan ng palaisdaan

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahang dulot ng pag-aalaga mga
hayop?
A. Nakapagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak
B. Napagkukunan ng pagkain tulad ng karne at itlog.
C. Nagdudulot ito ng problema at gulo sa pamayanan.
D. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at kawalan ng hanapbuhay ng tao.

32. Ano ang uri ng manok ang mainam na alagaan para sa mga itlog nito?
A. broiler B. layer C. lancaster D. plymouth

33. Anong uri ng manok ang inaalagaan para sa karne nito?


A. layer B. texas C. broiler D. mascovy

34. Anong paagkain ang mainam para sa bagong pisang sisiw hanggang anim na lingo?
A. Growing mash B. Laying Mash C. Sorghum D. Starting Mash

35. Ano ang uri ng patuka ang ibinibigay sa mga manok na nagsisimulang mangitlog?
A. Growing mash B. Laying Mash C. Sorghum D. Starting Mash

36. Alin sa mga sumusunod ang nakatayo kapag nangitngitlog?


A. bibe B. kalapati C. manok D. pugo

37. Ang mga sumusunod ay salik sa pagpili ng aalagaang isda maliban sa isa. Alin ito?
A. Mababa at bahaing lugar
B. Pagkukunan ng pagkain ng aalagaang isda
C. Uri ng isda na madaling makaangkop sa lugar na pag-aalagaan
D. Mga pinagkukunan ng mabibiling semilya o fingerlings upang ilagay sa palaisdaan

38. Ang mga sumusunod ay wastong paraan ng pagsasaayos ng itlog ng manok, maliban sa isa. Alin ito?
A. Ibilad sa araw ang mga itlog.
B. Palagiang kunin ang itlog sa kulungan.
C. Huwag pabayaang mainitan ng araw ang mga itlog.
D. Ilagay ang mga itlog sa basket o trey na nasa malamig at nahahanginang lugar.

39. Ano ang tawag sa pagbebenta na ginagawa nang maramihan.


A. tingian B. patakal C. lansakan D. patumpok

40. Paano mapananatiling sariwa ang produktong karne kung hindi ito agad maipagbibili?
A. ibilad sa araw C. hayaang nakatiwangwang
B. ibabad sa tubig D. ilagay sa palamigan o freezer

41. Alin sa mga sumusunod na produkto ang maisasapamilihan nang naaayon sa presyo?
A. payat C. mataas na uri at sariwa
B. maputla ang karne D. nangangamoy ang karne

42. Kung ang halaga ng kabuuang napagbilhan mo ng tilapia ay P6,370.00 at ang kabuuang nagastos mo sa
pag-aalaga ay P4,585.00, magkano ang iyong tubo?
A. P2,085.00 B. P1,785.00 C. P1,885.00 D. P1,795.00

Page 3 of 4
43. Sa pagsasapamilihan ng produkto, mahalagang malaman kung ano ang mga umiiral na alituntunin. Alin sa
mga sumusunod na alituntunin ang dapat gawin?
A. Ipagbili kahit walang pahintulot.
B. Ipagbili ang produkto na mas mataas sa itinakdang presyo.
C. Maglagay ng kemikal sa mga produkto upang magmukhang laging sariwa.
D. Humingi ng pahintulot sa pamahalaan at magbayad ng nararapat na buwis.

III.A 44 – 46. Magtala ng tatlong (3) kagamitan/kasangkapang kailangan sa pag-aalaga ng hayop. Isulat ang
gamit ng bawat isa.

Kagamitan/Kasangkapan Gamit

43.

44.

45.

III.B 47-50. Magbigay ng apat (4) na pamamaraan ng pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
47.
48.
49.
50.

Prepared: Reviewed and Corrected:

ROY B. MANGUYOT MERYLIN P. PENARUBIA


(NAME OF TEACHER) (NAME OF CHECKER)
Designation Designation

Noted:

JANICE S. MANALESE
Principal I

Page 4 of 4

You might also like