You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng mga Paaralang Lungsod
Kanlurang Distrito
SITIO TARGET INTEGRATED SCHOOL
Lungsod ng Angeles
S.Y. 2022-2023

Teacher’s Made Activity Sheets in EPP/TLE 5


Unang Markahan
Pangalan Petsa
Pangkat/Baitang Iskor

Agrikultura

I. Basahin ang pahayag at bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?

A. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.

B. Napalalaki nang malusog ang mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.

B. Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.

D. Lahat ng nabanggit.

2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bakuran ng bahay, alin sa mga sumusunod ang puwede mong
gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas, gulay at mga tirang pagkain?

A. Lumang kariton.

B. Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan.

C. Kahong gawa sa karton.

D. Maliit na balde.
3. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang dapat unang gawin?

A. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na bagay.

C. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anumang pantakip.

D. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.

D. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng


12 ulgada o 30 sentemetro ang taas.
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito?

A. Maganda ang texture at bungkal (tilt) C. Hindi mabilis matuyo

B. Malambot D. Matigas

5. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?
A. Dalawang araw C. Dalawang oras

B. Dalawang linggo D. Dalawang buwan

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?


A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.

B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.

C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang pagkain, balat ng
prutas, gulay at dumi ng hayop.

D.Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.

7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong organiko ang lupang
taniman, maliban sa isa. Alin dito?

A. Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman.

B. Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay.

C. Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa.

D. Upang dumami ang mga insekto sa lupa.


8. Ang basket composting ay:

A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.

B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost pit.

C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.

D. Wala sa nabanggit.
9. Isa sa mga paraan ng paggawa ng abonong organiko ay tinatawag na Fermented Fruit Juice o FFJ. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?

A. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim.

B. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.

C. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.

D. Lahat ng nabanggit.

10. Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsamasama ang mga nabubulok na mga
dahon, prutas, gulay at mga tira-tirang pagkain?

A. compost

B. soil holder

C.nitrogen

E. rainwater collector

11. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?

A. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.

B. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.


C. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.


12. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang
maaaring gawin upang makagawa ng compost?

A. Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatong-patong para


magsilbing hukay ang mga ito.

B. Bumili ng lupa sa kapitbahay.

C. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba.

D. Maghanap ng malaking kahon para gawing compost.

13. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng Fermented Fruit Juice o FFJ maliban
sa isa. Alin dito?

A. Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.

B. Ang Fermented Fruit Juice o FFJ ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa
insekto.

C. Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng Fermented Fruit Juice o FFJ.

D. Pinapaiksi ng Fermented Fruit Juice o FFJ ang buhay ng mga pananim.

14. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang dapat gawin?

A. Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain at iba pang
nabubulok na mga bagay.

B. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anong pantakip.

C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.

D. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12 pulgada o
30 sentemetro ang taas.

15. Bago gamitin ang mga nabulok na bagay tulad ng dahon, gulay, prutas,
tirang pagkain at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang

A. Dalawang araw C. Dalawang oras

B. Dalawang lingo D. Dalawang buwan

16. Upang maging pataba ang mga basura, ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan tulad ng compost pit.
Ano ang tawag sa paraang ito?

A. Basket composting C. Intercropping

B. Basket making D. Double digging


17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng kahalagahan sa paggamit ng abonong organiko?

A. Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa


pagpapalago ng mga pananim.

B. Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang lupa.

C. Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko.


D. Nakadadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko.

18. Ano ang basket composting?

A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.

B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit.

C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.

D. Wala sa nabanggit.

19. Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na Fermented


Fruit Juice o FFJ. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?

A. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim.

B. Ito ay mula sa mga nabubulok na dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop

C. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.

D. Lahat ng nabanggit.

20. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon, balat ng gulay,
prutas at mga tirang pagkain?

A. Pagpapausok ng basura.

B. Pagkakalat ng basura.

C. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.

D. Paglilinis ng basura.

Agrikultura

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong
pamamaraan sa paghahalaman at MALI naman kung hindi.

_________ 21. Ugaliing kausapin ang mga halaman.

_________ 22. Ang pagdidilig sa mga pananim ay ginagawa anumang oras.

_________ 23. Palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman upang tagos ang hangin
hanggang sa mga ugat nito.

_________ 24. Nagbibigay ng magandang ani ang halaman kahit hindi inaalagaan.
_________ 25. Matapos bungkalin ang lupa, ini-sterilize ito upang ligtas sa anumang
insekto o mikrobyo na naninirahan dito.

_________ 26. Ang paglalagay ng abonong organiko ay inihahalo lamang sa tubig at


ginagamit bilang pandilig.
_________ 27. Ang pagbubungkal ng lupa ay ginagawa lamang bago magtanim.

_________ 28. Laging bisitahin ang mga taniman upang tingnan ang kalagayan ng mga
pananim na gulay.

_________ 29. Ang luwad na lupa lamang ang pinakamainam para sa mga pananim.

_________ 30. Isa sa mga estratehiya sa pangangalaga ng tanim ay ang paglalagay ng


gripo malapit sa taniman.

III.
Panuto: Lagyan ng (✓) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at (X) kung
hindi.

________ 31. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakatatanggal ng pagod at nakapagbibigay


kasiyahan sa isang tao.

________ 32. May mga hayop na nakapagbibigay ng mga masusustansiyang produkto tulad ng itlog at karne.

________ 33. Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop dahil ito ay nakapagbibigay ng
karagdagang kita sa isang pamilya.

________ 34. Nasasayang lamang ang oras ng isang tao sa pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng hayop.

________ 35. Walang ibang maidudulot sa tao ang mga hayop kundi perwisyo at sakit ng ulo.

________ 36. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang mabisang paraan ng pag-eehersisyo na nakatutulong sa
kalusugan.

________ 37. Ang mga dumi ng hayop ay maituturing na basura at walang pakinabang.

________ 38. Ang mga balahibo ng manok at pabo ay maaaring gawing mga palamuti sa bahay.

________ 39. Ang pagpaparami ng hayop ay isang magandang paraan upang kumita ng malaki.

_______ 40. Masama sa katawan ang labis na pag-aalaga ng mga hayop

Home Economics

IV. Gawain 2
Panuto: Piliin sa Hanay B ang paraang tinutukoy sa Hanay A upang mapanatiling malinis
at maayos ang damit na binabanggit.
Hanay A Sagot Hanay B

41. Ito ay isinasagawa kung may sira o punit A. Pagtutupi


ang da

42. Ito ang paraan ng pagtanggal ng dumi, B. Paglalaba


pawis at alikabok sa damit.

43. Isinasagawa ito sa mga damit na gusot- C. Pamamalantsa


gusot matapos labhan.

44. Ginagawa ito sa mga damit na may D. Pagsusulsi


nakakapit na mantsa.

45. Ito ang paraan ng pag-aayos ng mga E. Pag-aalis ng mantsa


damit sa loob ng cabinet o aparador.

Industrial Arts

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig
nito. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Zigzag rule, Rip saw, Eskuwala

Martilyo, Coping saw, Katam

__________ 46. Mainam na kagamitan para malaman kung eskwalado ang bahagi ng isang kahoy.

__________ 47. Ang kagamitang ito ay ginagamit bilang pampakinis sa ibabaw ng tabla o kahoy.

__________ 48. Isang uri ng lagari na ginagamit na pamputol ng kahoy ayon sa hilatsa nito.

__________ 49. Gagamitin ang lagaring ito kung gugustuhin mong pakurba ang hugis ng kahoy na iyong
puputulin.

__________ 50. Kung gusto mong sukatin ang taas, lapad, at kapal ng materyales, gamitin ang panukat na ito.

You might also like