You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of General Santos City
Romana C. Acharon District
ROMANA C. ACHARON CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Calumpang, General Santos City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV


S.Y. 2023-2024
Pangalan: _____________________________________________________Iskor:__________
Baitang at Pangkat: __________________________Lagda ng Magulang:__________________

I. Basahin mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.

____1. Alin sa mga sumusunod ang pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
A. Nagpapaganda ng kapaligiran. C. Nagbibigay ng ilaw at liwanag
B. Nagpapamura ng mga bilihin D. wala sa nabanggit
____2. Nais mong magsaliksik ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang
ornamental para sa pamilya at pamayanan, Paano mo ito gagawin?
A. Makikinig sa radyo C. Manunuod ng telebisyon
B. Magsaliksik gamit ang internet D. Lahat ng nabanggit.
____3. Paano mo maisasagawa ang survey upang matukoy ang pagbabago ng kalakaran sa
pagpapatubo ng halamang ornamental?
A. Pumunta sa ibang lugar na may tanim na halamang ornamental at magtanong.
B. Obserbahan ang iba’t ibang paraan ng pagtanim ng ibat- ibang halamang ornamental.
C. Itanong ang mga nakahandang mga survey questions sa mga taong may alam sa
paghahalaman.
D. Lahat ng nasa taas
____4. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagtatanim ng mga halamang ornamental na may
kasama ng ibang halaman o punong gulay at halaman?
A. Upang mapag- aralan ang pisikal na kaanyuan ng lugar ng isasagawang landscaping.
B. Upang makagawa ng ibat ibang desenyo
C. dahil nakakapag bigay aliw sa pamilya
D. Walang tamang sagot
____5. Bakit kinakailangang malaman natin ang uri ng halamang ornamental na ating itatanim?
A. Upang alam natin kung magkano an gating magagastos.
B. Upang matukoy natin kung saan natin ito maaaring bilhin at kung nababagay ba ito sa
lugar na ating pagtataniman
C. Upang mabilis tayong matapos sa pagtatanim
D. Dahil utos ng guro
_____6. Paano natin isinasagawa ang tuwirang pagpapatubo ng halaman?
A. Kailangang ihanda ang kahong punlaan at ibabad magdamag sa tubig ang buto o
sangang patutubuin bago ito itanim sa kahong punlaan.
..Page 1 of 5 pages in EPP IV Test Questionnaire..
B. Kailangang ihanda ang paso na may lupa at itusok kaagad ang sangang patutubuin.
C. Ihanda ang kamang taniman, diligan ang lupa, gagawa ng butas na tataniman at
ilalagay ang mga buto o sangang itatanim at takpan ng lupa ang bawat butas na may
tanim.
D. Wala sa mga nabanggit

_____7. Bakit mahalaga ang paggawa ng outline ng desenyo sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
A. Upang malinang ang talent sa pag guhit
B. Upang maipabatid sa iba ang tinatago mong talent
C. Dito makikita ang magiging itsura ng iyong taniman na pinaghahandaan.
D. Lahat ng nabanggit.
_____8. Ano ang maaaring mangyari sa taniman kung hindi napag-isipan ang mga halamang
itinanim?
A. Mamamatay lahat ng halamang itinanim dahil hindi angkop ang lupang pinagtaniman
B. Magiging maganda at makulay ang taniman
C. Magiging mayabong ang mga halamang itinanim
D. Wala sa mga nabanggit
_____9. Paano mo maipapaliwanag ang tamang paraan ng paghahanda ng taniman?
A. Tingnan muna ang lugar na pagtataniman at pag-aralan kung anong uri ng lupang
taniman
B. Lagyan ng organikong pataba o abono kung ang lupa ay matigas, tuyo at bitak-bitak
C. Ihanda ang mga kagamitang pangbungkal ng lupa tulad ng asarol at piko
D. Lahat ng nabanggit
_____10. Anong kasangkapan ang mainam gamitin upang maging maayos ang lugar na
pagtataniman?
A. Pala B. Kahoy C. Kutsara D. wala sa nabanggit
_____11. Ito ay mga halimbawa ng mga halamang maaaring itanim sa paso o lata. Alin ang hindi?
A. San Francisco B. Five Finger C. Rosas D. Puno ng saging
_____12. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagmamarcotting?

I II III IV V
A. I, II, III, IV, V B. II, IV, V, III, I C. II, III, V, IV, I D. IV, V, III, II, I
_____13.Paano mo maisasagawa ang wastong paraan ng pagpaparami ng halaman sa paraang
pasanga?
A. Pumili ng sangang pararamihin, putulin, paugatin at itanim
B. Pumitas ng dahon ng halamang nais paramihin at itanim sa mamasa masang lupa
C. Kumuha ng ugat ng halamang nais paramihin, balatan at itanim
D. Mag-ipon ng buto ng halamang nais paramihin, ibabad sa tubig at itanim
_____14. Ano ang tawag sa pinakamadaling paraan ng artipisyal na pagpaparami ng halaman?
A. Marcotting B. Pagpuputol(cutting) C. Grafting D. Inarching
..Page 2 of 5 pages in EPP IV Test Questionnaire..
_____15. Sa kagamitang paghahalaman, Paano ginagamit ang dulos?
A. Ginagamit sa pagdilig ng halaman
B. Ginagamit sa paglipat ng lupa
C. Ginagamit sa pag bungkal ng lupa sa paligid ng tanim
D. Ginagamit sa paglilinis ng kalat sa bakuran

_____16. Paano Nakakatulong sa paghahalaman ang pag-gawa ng organikong abono?


A. Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang kailangan ng mga
tanim.
B. Nakakatulong ito sa mga malalaking negosyante.
C. Pinagyayaman nito ang mga hayop na kumakain ng mga damo
D. Lahat ng nabanggit
_____17.Ano ang kaibahan ng foliar application method sa ring method?
A. Ang foliar application method ay paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pagdidilig
nito sa halaman, samantalang ang ring method ay ginagawa sa pamamagitan ng
paghuhukay ng pabilog at paglalagay ng abono sa paligid ng halaman.
B. Ang foliar application method ay paglalagay ng abono sa lupa na hindi gaaanong
malapit sa ugat, samantalang Ang ring method ay pagkakalat ng abono sa ibabaw ng
lupa.
C. Ang foliar application method ay paghuhukay ng pabilog sa paligid ng halaman ngunit
Ang ring method naman ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdilig sa halaman
D. Lahat ng nabanggit
_____18. Tukuyin ang tamang kagamitan sa paghahalaman.
A. Asarol, pala, lagare
B. Kalaykay, piko at dulos
C. Itak, pisi at lubid
D. Itak, kahoy, regadera
_____19. Ano ang halamang ornamental na pinakamabili sa araw ng mga puso?
A. Rosas B. Sampaguita C. Santan D. Water Lily
_____20. Bakit mahalaga ang pag aani ng mga halamang ornamental na nakataon sa mga
okasyon?
A. Upang mas mabilis ang pagbenta sa pamilihan ng mga halamang ornamental dahil
naaayon ang uri ng halaman sa okasyon na ginugunita.
B. Upang makabawi sa lahat ng iyong mga nagastos o puhunan
C. Mas marami ang tatangkilik sa iyong produkto.
D. Wala sa nabanggit
_____21. Ano ang mararamdaman mo kung maayos at pantay-pantay ang trato ng isang tindera
sa lahat ng mamimili?
A. Masisiyahan B. Mababagot C. Magagalit D. Maiinis
_____22. Ano ang kagandahang dulot kapag gumagawa ng talaan ng puhunan at ginastos ang
isang tindera?
A. Nagkaroon pa ng pandagdag capital
B. Nakikita kung nalulugi o kumita ang iyong Negosyo
..Page 3 of 5 pages in EPP IV Test Questionnaire..
C. Naipapabatid sa iba na malaki ang iyong tinutubo
D. Nalalaman mo kung malapit ka nang yumaman
_____23. Alin sa sumusunod ang mabubuting bagay na dulot ng pag aalaga ng hayop sa
tahanan?
A. Ang pag-aalaga ng hayop lalo ng aso sa tahanan ay nakapagbuti ng kalusugan,
pinapababa nito ang iyong dugo at nakakabawas ng iyong stress.
B. Nakakadagdag ito sa gastusin at lilinisin sa tahanan.
C. Mabuting kasama sa bahay,ngunit nakakapagdulot ng sakit.
D. Walang tamang sagot
_____24. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa loob ng tahanan?
A. Aso B. Tigre C. Bayawak D. Buwaya
_____25. Paano mailalarawan ang katangian ng isang kuneho?
A. Ito ay uri ng hayop na maaaring turuan ng mga tricks.
B. Ito ay uri ng hayop na nakapagbibigay ng itlog at karne.
C. Ito ay uri ng hayop na maaaring gawing bantay ng tahanan.
D. Ito ay uri ng hayop na maaaring maging bantay ng tahanan. Ito ay uri ng hayop na
madaling alagaan sapagkat dahong gulay lamang ang kinakain nito.
_____26. Ang sumusunod ay ilan lang sa mga wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
Alin ang hindi?
A. Nabibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan
B. Maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pag-papaligo,
C. Eehersisyo, at pagpapabakuna o pagpapainom ng gamot.
D. Regular na pinatitingnan ang kanyang mga ngipin sa doctor.
____27. Paano mo ipaliwanag ang pamamaraang wasto at makaagham na hakbang sa
pagpapalaki ng mga alagang hayop?
A. Ang mga hayop ay mabubuhay kahit hindi na inaalagaan.
B. Pagbibigay ng wastong lugar o tirahan.
C. Kailangan bigyan ng subra-subra pagkain at bitamina upang mapabilis ang kanilang
paglaki.
D. Linisan ang kanilang tirahan isang beses sa isang linggo
_____28. Paano ang tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop?
A. Panatilihing malinis ang kulungan
B. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa
C. Bigyan ng sapat at masustansiyang pagkain ang mga alagang hayop
D. Lahat ng nabanggit
_____29. Sa.Paanong paraan mo mapapangalagaaan ng wasto ang tirahan ng mga hayop? Piliin
ang akmang sagot.
A. Panatilihing malinis at masikip ang tirahan ng mga hayop.
B. Panatilihing malinis at may sapat na lawak ang tirahan ng hayop.
C. Ilagay ang tirahan ng hayop malapit sa daluyan ng maruming tubig.
D. Nararapat na ilagay ang tirahan ng hayop kung saan maraming dumadaan.

..Page 4 of 5 pages in EPP IV Test Questionnaire..


_____30.Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkain ng mga alagang ibon tulad ng kalapati,
love birds at mga alagang manok
A. palay, tinapay at buto ng mangga. C. mais, palay, dinurog na bibi
B. palay, mungo, buto ng mirasol dinurog na kabibi D. palay, tinapay, dinurog na bibi
_____31. Sa pagpapakain ng kuneho, alin sa sumusunod ang maaaring pamalit sa kinakain
nitong karots?
A. Patatas B. Lugaw C. kangkong D. kalabasa
_____32. Ano ang maaaring mangyari sa alaga mong hayop kapag ito ay napabayaang
magkasakit at hindi kaagad napatingnan sa beterinaryo?
A. Sisigla B. Liliksi C. Mamamatay D. Sasaya
_____33.Paano gagawin ang isang plano sa pagpaparami ng mga alagang hayop upang kumita?
Piliin ang tamang pagkasunod-sunod nito:
I. Uri ng hayop na aalagaan II. Bilang ng hayop na sisimulan III. Lugar na mapaglalagyan
A. I, III, II B. II, III, I C. I, II, III D. III, II, I
_____34. Alin sa mga sumusunod ang wastong batayan sa pagpili ng pararamihing alagang
hayop?
A. Nangangagat at di malapitan
B. Mabilis kumain ngunit mabagal lumaki.
C. Naipagbibili at nagbibigay suliranin sa pamilya.
D. Nakapagbibigay ng karagdagang pagkain sa hapag-kainan
_____35. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga bagay
na gagawin sa takdang oras at panahon?
A. Iskedyul B. Talaarawan C. Plano D. Panahon
_____36. Ang dapat gawin upang magkaroon ng panahon sa pag-aalaga ng hayop, tayo ay
dapat na sumunod sa ________.

A. Gusto nating oras C. Utos ng ating mga kapatid


B. Linguhang Iskedyul D. Sasabihin ng nakatatanda
_____37.Ano ang batas ang mas kilala sa “Animal Welfare Act”?
A. Republic Act. No. 4885 C. Republic Act. No.5848
B. Republic Act. No. 8485 D. Republic Act. No.5848
_____38. Ano ang maaring maging parusa sa taong lumabag sa batas ng pangangalaga ng
hayop at paggawa ng crush video?
A. Pagka kulong ng 3 hanggang 7 taon C. Pagkakulong ng habang buhay
B. Pakakulong ng isang araw lamang D. Hindi tiyak
_____39. Ano ang nararapat gawin sa namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
A. Ibabaon sa lupa C. Dalhin sa beterinaryo
B. Ibinibigay sa kapit bahay D. Hayaan na lang sa loob ng kulungan
_____40. Ano ang dapat gawin sa hayop upang hindi pagala- pagala sa kalye?
A. Ipamigay sa kapit bahay C. Dalhin sa beterinaryo
B. Igawa ng kulungan D. Gugutumin
..Page 5 of 5 pages in EPP IV Test Questionnaire..

You might also like