You are on page 1of 2

SECOND GRADING PERIOD

SUMMATIVE TEST #1
MATHEMATICS IV
I. Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap at piliin ang tamang sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng matigas na lupa.
a. piko b. pala c. asarol d. regadera
2. Ito ay ginagamit sa paglilipat ng lupa.
a. Piko b. Pala c. asarol d. regadera
3. Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa at paglilipat ng punla.
a. Piko b. Pala c. asarol d. Regadera
4. Ito ay ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
a. Piko b, pala c. asarol d. regadera
5. Ito ay ginagamit upang linisin ang mga kalat sa bakuran tulad ng mga tuyong dahon at iba pang basura.
a. Kalaykay b. Pala c. asarol d. regadera
6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
c. Nagpapaunlad ng pamayanan
d. Lahat ng sagot sa itaas.
7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban sa isa?
a. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
c. Nagiging libangan ito na makabuluhan
d. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke
8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming hangin sa
kapaligiran.
b. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran
c. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha
d. Lahat ay tamang sagot.
9. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito
ang mabuting naidudulot ng halamang ornamental?
a. Napipigilan nito ang pagguho ng lupa
b. Nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
c. Nakasisira ito ng lupa
d. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.
10. Ito ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan at paaralan?
a. ornamental b. gulay c. narseri d. Herbal
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pangkat?
a. espada b. cosmos c. adelfa d. Mangga
12. Halamang ornamental na nabubuhay sa hangin.
a. orchids b. herb c. vine d. Puno
13. Lugar kung saan dapat itanim ang halamang ornamental
a. lupa b. paso c. maaraw d. Lahat ng nabanggit
14. Paraan ng pagtatanim at pag aalaga upang matagumpay na mabuhay ang isang halaman.
a. sanga b. buto c. suwi d. Lahat sa nabanggit
15. Anu-ano ang dapat ihanda para sa pagtatanim ng iyong napiling halaman sa isang paso?
a. lupa/buto/apoy c. lupa/buto/paso
b. puno/buto/sanga d. Wala sa tinutukoy
II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
11. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.
12. Ang mga halamang ornamental ay walang maidudulot na mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.
13. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
14. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.
15. Nakasisira ng kapaligiran ang halamang ornamental.
16. Ang halamang ornamental ay itinatanim sa mga mabato at hindi kaaya-ayang lugar.
17. Ang mga halamang ornamental ay kinakailangang itago upang hindi ito mahanginan at maarawan.
18. Gumamit ng lumang gulong upang pagtaniman ng halamang ornamental
19. Maaari tayong kumita sa pagtatanim ng halamang ornamental.
20. Dapat diligan ang mga halamang ornamental at ilagay ito sa lugar na nasisikatan ng araw.

You might also like