You are on page 1of 4

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

EPP 4
Unang Markahan, Ika-3 Linggo

Pangalan:_______________________________________________ Petsa:______________

Baitang at Pangkat:__________________________________________

Tayahin

Basahin ang mga sumusunod at isulat ang titik tamang sagot:


1. Ang mga sumusunod ay mga magagandang katangian na maaari natin makuha sa
pagtatanim ng halamang ornmental maliban sa isa.

a. Ang mga halamang ornamental ay nakakaganda ng kapaligiran.


b. Ang mga halamang ornamental ay maaari ding pagkakitaan.
c. Ang mga halamang ornamental ay maaaring gawing pananggalang sa sikat ng araw.
d. Ang mga halamang ornamental ay perwisyo sa mga miyembro ng pamilya.
2. Ano ang mga magagandang naidudulot ng pagtatanim ng halamang ornamental?

a. Nagsisilbi itong palamuti sa bakuran


b. Nagdudulot ito ng kaligayahan sa ibang tao
c. Nagbibigay ng lilim sa ating tahanan
d. Lahat ng nabanggit

3. Alin sa mga sumusunod ang uri ng halamang ornamental?


a. namumulaklak o di namumulaklak
b. maaaring ito ay mababa o mataas
c. maaaring ito ay mdaling tumubo
d. lahat ng nabanggit

4. Kung gusto mong magtanim ng halamang ornamental na


magsisilbing lilim na rin sa iyong tahanan ano ang maaari mong itanim?
a. santan c. ilang-ilang
b. lotus d. cactus

5. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ang bawat mag-anak ay magtatanim ng


iba’t-ibang halamang ornamental sa kanilang bakuran.

a. magkakaroon ng magandang pamayanan


b. magkaka-inggitan ang bawat pamilya
c. magkakaroon ng kompetisyon at awayan
d. wala sa nabanggit

6. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakapagbigay ng malinis at


sariwang hangin sa ating pamayanan.

a. Tama c. Maaari
b. Mali d. hindi sang-ayon

7. Si Jose ay may maliit na fishpond sa kanilang tahanan. Anong halamang


ornamental ang maaari niyang ilagay sa kanyang fishpond.
a. rosas c. gumamela
b. waterlilies d. orchids

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang ornamental?


a. santan c. pine tree
b. cosmos d. lahat ng nabanggit

9. Kapag nais mong pagandahin ang iyong bakuran ano ang maaari mong piliing
itanim dito?
a. halamang baging c. halamang gamot
b. halamang ornamental d. halamang gulay

10. Sino sa mga sumusunod na pamilya ang may mithiing mapaganda ang kanilang
bakuran?
a. Ang Pamilya delos Santos ay pinutol lahat ang kanilang mga punong ilang- ilang.
b. Ang Pamilya San Agustin ay hinayaan lamang na matuyo ang mga orchids sa
kanilang bakuran.
c. Ang Pamilya Dela Cruz ay tulong tulong sa pagtatanim ng mga namumulaklak na
halaman gaya ng rosal at santan sa kanilang bakuran.
d. Ang Pamilya De Jesus ay walang pakialam kung kainin ng alagang kambing ang mga
halamang nakatanim sa kanilang bakuran.

You might also like