You are on page 1of 3

SCIENCE 3

th
4 SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER

Name: _______________________________________ Score: _______

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na kasagutan.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Mahilig magtanim si Aling Josie ng mga halaman kapag siya ay may libreng oras sa maghapon.
Ngunit napansin niya na hindi maganda ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang
ilagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang kaniyang pananim?
a. mga basura b. dumi ng hayop c. maraming tubig
_____2. Nais ni Mang Berto na mapalago pa ang punlang kanyang itinanim sa likod ng kanyang bakuran.
Ano ang maaari pa niyang gawin?
a. Bisitahin ito araw at gabi.
b. Sugpuin ang mga peste at kulisap.
c. Hayaang tumubo ang mga damo sa paligid nito.
_____3. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng wastong
pangangalaga ng halaman, maliban sa isa:
a. Paglagay ng bakod. b. Paglagay ng sobrang tubig.
c. Paggamit ng pataba
_____4. Kailan at anong oras dapat magdilig ng pananim?
a. Araw-araw tuwing katanghalian.
b. Bago sumapit ang ika-12 ng tanghali.
c. Araw-araw sa may bandang umaga at hapon.
_____5. Sinira ng alaga mong aso ang iyong taniman sa likuran ng inyong tahanan. Ano ang maaari mong
gawin para mahadlangan ang pagpasok ng iyong alaga at nang hindi na maulit ang nasabing pangyayari?
a. Bawalan ang alagang aso.
b. Ilipat ang mga pananim.
c. Lagyan ng bakod ang mga pananim.
_____6. Alin sa mga ito ang nagmula sa halaman?
a. kawali b. itlog c. walis ting-ting
_____7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan
ng mga halaman sa tao?
a. May mga halaman na pinanggagalingan ng sakit.
b. May mga halaman na nagsisilbing lunas sa ilang mga
karamdaman.
c. May mga halaman na pinaninirahan ng peste na nakapipinsala sa mga tao.
_____8. Sa inyong paaralan ay may malaking puno ng mangga, sa paanong paraan maaaring nakatutulong
sa inyong magkakaklase ang punong ito?
a. Ito ay nagbibigay lilim.
b. Ito ay nagsisilbing palaruan.
c. Ito ay sanhi ng kalat sa paligid.
_____9. Si Aling Maria ay may maliit na taniman ng mga gulay sa loob ng kanyang bakuran. Mayroon
siyang tanim na kamatis, kalamansi, talong, at okra. Sa paanong paraan maaaring nakatutulong ang
kanyang mga tanim na halamang gulay?
a. Maaaring ginagamit niya ang mga ito bilang palamuti sa loob ng kanyang tahanan.
b. Maaaring ginagamit niya ang mga ito bilang sangkap sa mga pagkain na kanyang inihahanda sa
kanyang mag-anak.
c. Maaaring nakakukuha siya ng mga materyales upang makabuo ng mga kasangkapan sa kanyang
tahanan tulad ng silya at mesa.
_____10. Nais ng inyong kapitbahay na putulin ang mga puno na nakapaligid sa kanilang tirahan sapagkat
ito ay nagiging sanhi ng kalat sa loob ng kanyang bakuran. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Tulungan siyang putulin ang mga puno.
b. Iwasan na lamang ang makialam sa kanyang suliranin.
c. Ipaliwanag sa kanya ang mabuting dulot ng mga puno.

II. Suriin ang pares ng mga bagay na nakasulat sa bawat bilang. Bilugan ang bagay kung ito ay may
buhay at ikahon ang bagay kung ito ay walang buhay.

11. bola – aso

12. bag – ate

13. isda – basket

14. sisiw – palay

15. mesa – mag-aaral

File created by DepEd Click.

KEY:

1. B
2. B
3. A
4. C
5. C
6. c
7. b
8. a
9. b
10. c

You might also like