You are on page 1of 8

NOBYEMBRE __, 2018 _________

ORAS PANGKAT / SILID PM


5:50 – 6:40 VI – Cassiopeia / Rm. 324
7:20 – 8:10 VI – Gemini / Rm. 322
9:00 – 9:50 VI – Andromeda / Rm. 321
9:50 – 10:40 VI – Lynx / Rm. 320
10:40 – 11:30 VI – Ara / Rm. 325

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


(GRAMATIKA)

I. LAYUNIN
A. Nasisipi ang isang ulat mula sa huwaran. F6PU-IIIa-1.2
B. Nakakalahok sa pagsisipi ng isang ulat mula sa huwaran.
C. Naipapakita ang pagsipi ng isang ulat mula sa huwaran.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Pagsipi ng Ulat Mula sa Huwaran
Landas sa Wika 6 pahina 213-214
B. Kagamitan
Laptop, Larawan at aklat
III. Pamaraan
A. Pagahahanda
1. Panimulang Gawain
Pagbuo ng salita mula sa nakarambol na letra. N A W H A R U
2. Balik – Aral
Aralin na natapos na
B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng talaba. Pagtatanong tungkol dito.
2. Pag – unawa sa Lunsaran
Pagbasa ng isang ulat na ginawa ni Cora
“ Ang Industriya ng Talaba “
Ang Talaba ay isang uri ng kabibe o shellfish na kung tawagin ay bivalve mollusc. Malambot at malaman ang katawan
nito na natatakpan ng dalawang magkataob na talukap.
Maraming mapaggagamitan ang talaba. Mula sa laman nito ay nakukuha ang maraming sustansyang kailangan ng
katawan para lumusog. Kabilang sa mga sustansiyang ito ay calcium, phosphorous iron, iodine, copper, vitamin A, thiamine,
riboflavin at ascorbic acid. Napakaraming protina at mineral ang nakukuha sa talaba. Isa ring piling pagkain ang talaba sa mga
handaan. Puwede itong kainin nang hilaw o luto at ito ay iniimbak o inilalagay bilang preserved na pagkain sa mga bote at
dinadala sa ibang bansa. Ang mga talukap ng talaba ay maaaring gawing patubuan pang muli ng mga talaba o kaya’y gilingin
upang ipakain sa mga manol o itik. Ginagawa rin itong pintura, panghalo sa semento bilang apog o lime at pampaputi ng
pader. Ginagawa rin itong pataba at gamot.
Iba’t iba ang paraan ng pag-aalaga ng talaba. Ang mga ito ay: syick o tulos method, tray method, hanging method at
broadcast method.
3. Pagsusuri sa Kakayahan at Kayariang Panggramatika
1. Sino ang gumawa ng ulat / sumulat ng ulat?
2. Tungkol sa anong paksa ang inulat ni Cora?
3. Mahalaga ba ang pagkakaroon o pagtatayo ng Industriya ng talaba? Bakit?
4. Sa paanong paraan nagiging mahalaga ang talaba?
5. Balikan ang ginawang ulat ni Cora , Ano- ano ang napansin ninyo sa ulat na kanyang ginawa?
6. Paano niya isinulat ang kanyang ulat?
7. Sisipiin natin ang ulat ni Cora , Ano - ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsipi ng isang
ulat?
4. Pagsasanay
a. Pasalita
1. Ano- ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi ng isang ulat?
2. Ano – ano ang mga bantas na ginamit?
3. Paano magsisimula ang pagsusulat?
4. Ano – ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsipi ng isang ullat?
5. Gaano kahalaga ang pagsipi ng isang ulat?
b. Pasulat
Sipiin ang sumusunod na ulat.
“Sabila , Gamot sa Kanser“
Hindi lang pala nakagagamot ang sabila ng arthritis, ulcer at sakit sa bato; nakapipigil din ang halamang ito ng
ikalawang yugto ng kanser. Ito ay batay sa pag-aaral na ginawa nina Eleanor Serrame at Clara Y. Lim-Syliano ng
Institute of Chemistry sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ayon sa pag-aaral, ang ganap na pagpigil sa pagbuo ng anumang klase ng tumor, maging ito’y sa balat o sa ibang
parte ng katawan, ay magagawa ng pinakuluang dahon ng sabila, bayabas, kalamansi , yerba Buena, pandan, kintsay,
damong maria, mayana at mga pula at dilaw na bulaklak ng santan.
Ang nasabing pag-aaral ay sumusuporta pa sa naisagawang pagsasaliksik ng ilang mga Hapones noong 1991 na
ipinalabas sa First International Congress of Phytotherapy sa Seoul, Korea. Ang
Pagsaliksik na iyon ay nagpatunay na ang sabila ay nakapipigil sa pagtubo ng mga nakakakanser na tumor.
C. Paglalagom
1. Paano sinisipi ang isang ulat mula sa huwaran?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi ng isang ulat mula sa huwaran.
D. Ebalwasyon (Pangjatang Gawain)
Sipiin ang mga sumusunod na mga ulat mula sa huwaran. Gamitin ang mga sangkap sa pagsipi ng ulat.
Pangkat I – Kamalayan ng Bansa
Kamalayan ng Bansa
Ang suliraning bumabalot sa ating mga Pilipino ay hindi ang kawalan ng sariling pagkakakilanlan sapagkat bilang isang bayan,
maipagmamalaki natin ang ating mayamang kultura at kalinangan na naukit sa mabilis na pagtakbo ng kasaysayan. Ang palasak sa
ating lipunan ay ang kawalan ng pambansang kamalayan ng bawat mamamayan. Ito’y maaari nating maiugnay sa tatlong daang
taong pananakop ng Espanya at halos limang dekada bg noekolonyalismo ng Amerika, at sa pagsilang ng isang bagong Pilipino.
Pilipinong walang pambansang kamalayan, walang pinanghahawakang malinaw na pananaw sa kinabukasan at walang malinaw na
patutunguhan.
Sa kasalukuyang, ano mang kamalayang umiiral sa ating lipunan ay di-nararamdaman ng buong bayan. Nararapat lamang kung
gayon na ating tuklasin, gamitin at paunlarin ang ating sariling kultura at kalinangan. Sa bahaging ito, ang wika ay gumaganap ng
napakahalagang papel. Sa pagsususlong ng ating sariling kultura, kailangan natin ang isang wikang magsasalamin sa ating kultura
at wikang maglalagos sa ating mga kaluluwa.
Isang wikang daan ng pambansang pagkakabuklod-buklod. Wikang abot ng lahat. Wikang sariling atin. Wikang Filipino!
Pangkat II – Ang Agham at Teknolohiya
Ang Aghan at Teknolohiya
Ang aghan at teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao. Ngunit paano ito
makatutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas? Sinasabi natin na ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang
magsanay sa sining ng pag-iisip. Ang pag-iisip tungkol sa isang paksa ay nakakabit sa paggamit ng mga salita. Ang iniisip ay
nagkakaroon ng katiyakan hanggang sa ang binibigkas na mga salita ay ginagamit sa pagpapahayag. Dahil sa pumapasok na
kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na pagpapakahulugan. Nagagamit natin ito sa pag-alam ng mga bagay-bagay tungkol sa
teknolohiya. Isinagawa natin ang pagbubuo ng ideya, pagsusuri, pag-eeksperimento at pagbibigay ng konklusyon. Nakatutulong
ang aghan lalo na sa larangan ng medisina at imbensiyon. Nakatutulong naman ang teknolohiya
Pangkat III – Basura, Sobra Na!
Basura, Sobra Na !
Malala na ang problema sab asura sa mga lungsod sa ating bansa. Sa paligid, makikita ang mga nilalangaw at
namamahong basura na walang pakundangang itinatapon ng ating mga kababayan sa mga daan. Hindi naman ito makayanang
hakutin ng mga basurero dahil sa kakulangan ng mga trak ng basura at ng mga lugar na mapagtatapunan.
Panahon na upang humanap tayo ng alternatibo sa paggamit ng basura. Kailangan ang pagre-recycle ng basura.
Makatutulong pa ito upang kumita mula sab asura. Kailangan ding turuan ang bawat pamilya na makiisa sa pagrerecyle ng basura.
Sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng bawat uri ng basura tulad ng mga papel,bote,lata at plastic, madaling mahahakot ang
mga ito at madadala sa mga recycling center. Bukod sa mababawasan ang mga bagay na nagmumula sa mga kahoy at halaman.
Panahon na upang magising tayo sa paglutas sa problema ng basura.
Pangkat IV – Taong Marunong ng 58 Wika
Taong Marunong ng 58 Wika
Si Ziad Fazah, isang Arabo sa Saudi Arabia, ay may natatanging kakayahan. Marunong siyang magsalita ng 58 wika ng
iba’t ibang bansa. Nagtrabaho si Farah bilang isang guro at tagasalin ng wika. May aklat din siyang isinulat tungkol sa mga paraang
ginamit niya sa pag-aaral ng mga wika. Natutuhan niya ang Ingles at Pranses sa paaralan. Ang iba pang wika ay pinag-aaralan
niyang mag-isa o self-study noong siya ay edad 14-17.
Isa sa mga paraang ginamit ni Fazah sap ag-aaral ng mga wika ay ang paggising nang maaga at pagsabit o pagbigkas nang
malakas ng mga salita sa wikang pinag-aaralan sa loob ng 2-3 minuto habang nakikinig nang matagal sa musika. Sa ganitong,
aniya, naitatanim sa kamalayan at isipan niya ang wikang pinag-aaralan.
Pangkat V – Tapat Mo, Linis Mo
Tapat Mo, Linis Mo
Isang proyekto na pinangungunahan ng punong barangay, Purok Masilunga, Zone 7, Barangay 386 sa Los Banos, Laguna
ang naglalayon na hikayatin ang bawat kasapi sa barangay na maglinis ng tapat ng kani-kanilang bahay. Inaasahan na lahat at
tutulong sa ikatatagumpay ng proyekto.

IV. TAKDANG-ARALIN
Sumipi ng isang talata mula sa aklat o diyaryo sa isang buong papel. Sundin ang pamantayan sa pagsusulat.

V. TALA
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY
A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisatuparan nang maayos?

Bakit ito naisakatuparan nang maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos:


1.
2.
3.
Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:
1.
2.
3.
B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga nangangailangan ng tulong.

C. Anu-anong mga Suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking punongguro at
makatulong/matulungan ako sa paglutas ng mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong/suporta:


Dalubguro:
Punongguro:
Superbisor:
Pangkat I – Kamalayan ng Bansa

Kamalayan ng Bansa

Ang suliraning bumabalot sa ating mga Pilipino ay


hindi ang kawalan ng sariling pagkakakilanlan
sapagkat bilang isang bayan, maipagmamalaki natin
ang ating mayamang kultura at kalinangan na naukit
sa mabilis na pagtakbo ng kasaysayan. Ang palasak
sa ating lipunan ay ang kawalan ng pambansang
kamalayan ng bawat mamamayan. Ito’y maaari
nating maiugnay sa tatlong daang taong pananakop
ng Espanya at halos limang dekada ng
neokolonyalismo ng Amerika, at sa pagsilang ng
isang bagong Pilipino. Pilipinong walang
pambansang kamalayan, walang
pinanghahawakang malinaw na pananaw sa
kinabukasan at walang malinaw na patutunguhan.
Sa kasalukuyang, ano mang kamalayang umiiral
sa ating lipunan ay di-nararamdaman ng buong
bayan. Nararapat lamang kung gayon na ating
tuklasin, gamitin at paunlarin ang ating sariling
kultura at kalinangan. Sa bahaging ito, ang wika ay
gumaganap ng napakahalagang papel. Sa
pagsusulong ng ating sariling kultura, kailangan
natin ang isang wikang magsasalamin sa ating
kultura at wikang maglalagos sa ating mga kaluluwa.
Isang wikang daan ng pambansang
pagkakabuklod-buklod. Wikang abot ng lahat.
Wikang sariling atin. Wikang Filipino!
Pangkat II – Ang Agham at Teknolohiya

Ang Agham at Teknolohiya

Ang agham at teknolohiya ay pag-aaral


tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan
ng tao. Ngunit paano ito makatutulong sa
pagpapaunlad ng Pilipinas? Sinasabi natin na ang
agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan
upang magsanay sa sining ng pag-iisip. Ang pag-
iisip tungkol sa isang paksa ay nakakabit sa
paggamit ng mga salita. Ang iniisip ay nagkakaroon
ng katiyakan hanggang sa ang binibigkas na mga
salita ay ginagamit sa pagpapahayag. Dahil sa
pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak
na pagpapakahulugan. Nagagamit natin ito sa pag-
alam ng mga bagay-bagay tungkol sa teknolohiya.
Isinagawa natin ang pagbubuo ng ideya, pagsusuri,
pag-eeksperimento at pagbibigay ng konklusyon.
Nakatutulong ang agham lalo na sa larangan ng
medisina at imbensiyon. Nakatutulong naman ang
teknolohiya.
Pangkat III – Basura, Sobra Na!

Basura, Sobra Na !
Malala na ang problema sa basura sa mga
lungsod sa ating bansa. Sa paligid, makikita ang
mga nilalangaw at namamahong basura na walang
pakundangang itinatapon ng ating mga kababayan
sa mga daan. Hindi naman ito makayanang hakutin
ng mga basurero dahil sa kakulangan ng mga trak
ng basura at ng mga lugar na mapagtatapunan.
Panahon na upang humanap tayo ng
alternatibo sa paggamit ng basura. Kailangan ang
pagre-recycle ng basura. Makatutulong pa ito upang
kumita mula sa basura. Kailangan ding turuan ang
bawat pamilya na makiisa sa pagrerecyle ng basura.
Sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng bawat uri
ng basura tulad ng mga papel, bote, lata at plastic,
madaling mahahakot ang mga ito at madadala sa
mga recycling center. Bukod sa mababawasan ang
mga bagay na nagmumula sa mga kahoy at
halaman.
Panahon na upang magising tayo sa paglutas
sa problema ng basura.
Pangkat IV – Taong Marunong ng 58 Wika

Taong Marunong ng 58 Wika

Si Ziad Fazah, isang Arabo sa Saudi Arabia,


ay may natatanging kakayahan. Marunong siyang
magsalita ng 58 wika ng iba’t ibang bansa.
Nagtrabaho si Fazah bilang isang guro at tagasalin
ng wika. May aklat din siyang isinulat tungkol sa
mga paraang ginamit niya sa pag-aaral ng mga
wika. Natutuhan niya ang Ingles at Pranses sa
paaralan. Ang iba pang wika ay pinag-aaralan
niyang mag-isa o self-study noong siya ay edad 14-
17.
Isa sa mga paraang ginamit ni Fazah sa pag-
aaral ng mga wika ay ang paggising nang maaga at
pagsabit o pagbigkas nang malakas ng mga salita
sa wikang pinag-aaralan sa loob ng 2-3 minuto
habang nakikinig nang matagal sa musika. Sa
ganitong, aniya, naitatanim sa kamalayan at isipan
niya ang wikang pinag-aaralan.
Pangkat V – Tapat Mo, Linis Mo

Tapat Mo, Linis Mo

Isang proyekto na pinangungunahan ng


punong barangay, Purok Masilunga, Zone 7,
Barangay 386 sa Los Banos, Laguna ang
naglalayon na hikayatin ang bawat kasapi sa
barangay na maglinis ng tapat ng kani-kanilang
bahay. Inaasahan na lahat at tutulong sa
ikatatagumpay ng proyekto.

You might also like