You are on page 1of 2

NOBYEMBRE 15, 2019 BIYERNES

ORAS PANGKAT / SILID PM


5:50 – 6:40 VI – Cassiopeia / Rm. 324
7:20 – 8:10 VI – Gemini / Rm. 322
9:00 – 9:50 VI – Andromeda / Rm. 321
9:50 – 10:40 VI – Lynx / Rm. 320
10:40 – 11:30 VI – Ara / Rm. 325

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


(GRAMATIKA)

I. LAYUNIN
A. Nasusuri ang mga pariralang pang-abay na ginamit sa pangungusap.
B. Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng kilos, at
damdamin. F6WG-IIIa-c-6
C. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang wastong pariralang pang-abay

II. PAKSANG-ARALIN
A. Pariralang Pang-abay sa Paglalarawan ng Pamaraan, Pamanahon, Lugar ng Kilos at Damdamin
B. Pinagyamang Pluma at Pagbasa para sa Elementarya K to 12 dd.262-265
C. Kagamitan - tsart, larawan.makukulay na papel

III. PAMARAAN
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
Magbigay ng mg autos o gawain sa bata na kanilang susundin. Magtanong pagkatapos.
Ipalarawan ang mga kilos na ginawa.
B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pangganyak
Pagpapakita ng larawan:
a. Saan naninirahan ang mga unggoy? c. Kailan nagpunta sa kagubatan ang nagtotroso?
b. Paano tumakbo ang mga kabayo? d. Ano ang dapat maging panuntunan ng batang tulad mo?
2. Pag-unawa sa Lunsaran
Dayalogo: Basahin at unawain ang usapan nina Raquel at ang kanyang Kuya.
Raquel: Kuya,saan-saan tayo mamamasyal?
Kuya: Aakyat tayo sa Vayang Rolling Hills.
Raquel: Ano-ano po ang dapat naming gawin?
Kuya: Maingat kayong lumakad upang hindi kayo madapa?
Raquel: Anong oras tayo aalis?
Kuya: Aalis tayo mamayang hapon para hindi gaanong mainit?
Raquel: Maghahanda na ba kami?
Kuya: Oo, maghanda na kayo at maghihintay ako sa labas ng bahay.

Mga tanong:
1. Ano ang sinasagot ng mga nakahilig na salita sa usapan?
2. Aling pangungusap ang nagsasabi ng panahon, lugar at ingklitik?
3. Pagsusuri sa kakayahan at Kayariang Panggramatika
Ipaliwanag ang gamit ng pariralang pang-abay sa pamamagitan ng “Concept map”.

PARIRALANG PANG-ABAY

PAMARAAN PANLUNAN PAMANAHON INGKLITIK -


-sumasagot -sumasagot - sumasagot sa tawag sa mga
sa tanong sa tanong tanong na katagang
na paano na saan kailan karaniwang
kasunod ng
Ano-ano ang pariralang pang-abay? unang salita
Ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa? tulad ng ng
man,kasi atb.

4. Pagsasanay
A. Pasalita
Pagbuo ng pangungusap gamit ang wastong pang-abay. Ano ang tamang pariralang pang-abay na bubuo sa
pangungusap.Isagot sa kahon at isulat na mali ang buong pangungusap.
1. Inaalagaan nang mabuti ng mga Ivatan ang nakagisnang kaugalian.
a. nang mabuti b. tuwina

2. Lumakad sa damuhan ang mga turista


a. muna b. nang masaya c. sa damuhan d. mula ika-6 hanggang ika-7 ng umaga
3. Ang mga pagod na turista ay nagpahinga __________.
a. ng dalawang oras b. sa tabi ng dagat c. nang tahimik d. naman
B. Pasulat
Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay pamaraan, pamanahon, ,panlunan,o
ingklitik.
_____ 1. Masigasig na ipinagpatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang kaugalian.
_____ 2. Matapat na nakikitungo ang mga naninirahan sa Batanes sa kanilang kapwa.
_____ 3. Payapang namumuhay ang mga mamamayan dito.
_____ 4. Magsisimba ang mga karamihan sa kanila tuwing Linggo.
_____ 5. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal.
_____ 6. Malikhaing gumagawa ng mga basket, sandalyas, at Vakul ang mga Ivatan.
_____ 7. Nanlalambat ng isda sa dagat ang masisipag na mangingisda nito.
_____ 8. Nagtatanim sa mga burol ang ilang magsasaka sa Batanes.
_____ 9. Nakakamangha rin ang mabubuti nilang ugali.
_____ 10. Pinangangalagaang mabuti ng mga Ivatan ang kanilang kapaligiran.
C. Paglalagom
Ano-ano ang uri ng pariralang pang-abay? Ibigay ang kaukulang gamit ng bawat isa.
D. Ebalwasyon
Dugtungan ang bawat pariralang pang-abay upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Pagkatapos ay
isulat sa patlang kung ito ay may uring pamaraan,pamanahon,panlunan,o ingklitik.10 puntos
Uri ng pang-abay
Pamaraan 1. Ang mga Igorot __________. (marunong makipag-usap)
Pamanahon 2. Ang mga magsasaka __________. (maghapong nagtatrabaho)
Panlunan 3. Ang mga pagong __________. (nabubuhay sa lupa at tubig)
Ingklitik 4. __________ pa rin. (uunlad pa)
Pamaraan 5. Ang mga produkto ng mga magsasaka __________. (ibinebenta sa bayan)

IV. TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng tig-2 pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng pariralang pang-abay. Salungguhitan ito pagkatapos.

V. TALA
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________.

VI. PAGNINILAY
A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan nang maayos? Bakit ito naisakatuparan nang maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos:


1.
2.
3.
Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:
1.
2.
3.

B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga nanganagilangan ng tulong.

C. Ano-anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking punungguro at superbisor ay
matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?

You might also like