You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin:

Pagkatapos ng aralin ,ang mga mag-aaral ay nabibigyang kahulugan ang mga


tambalang salita.

II. Paksa

Paksa : Pagbibigay kahulugan sa mga tambalang salita

Sanggunihan :Filipino 6 ( K-12) Pagbasa

Kagamitan :Power Point

III. Pamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa sa mga mabubunot na salitang ugat o pawatas
sa inihandang tsart.

2 .Pagganyak:

Ipabigay sa mga bata ang ngalan o tawag sa bawat larawang ipapakita.

B. Panlinang na Gawain:

1 .Basahin ang talatang Ang Huwarang Barangay

2 .Sagutin ang mga tanong mula sa talatang binasa.

3. Ipasabing muli ang mga tambalang salita na nabasa sa talata.

4. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.

C .Pagsasanay na mga gabay:

Basahin ang bawat pangungusap at sabihin ang kahulugan ng tambalang salitang


ginamit dito.

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na tambalang salita.

D. Paglalapat:

Pagkakaroon ng pangkatang gawain.Pagbibigay kahulugan sa mga tambalang salita.

E .Palalahat:

Ang tambalang salita ay mga salitang kapag pinagsama ay nagkakaroon ng bagong


kahulugan na iba sa dating kahulugan o dalawang payak na pinagsamang salita upang makabuo ng
bagong salita na nagtataglay ng panibagong kahulugan.
IV. Pagtataya:

` Pagtambalin ang kahulugan ng bawat tambalang salita.

Hanyay A. Hanay B

1. Maputi at makinis Kapit-bisig


2. Nagbibingi-bingihan Anakpawis
3. Taong dukha o mahirap Kutis-labanos
4. Matalas ang paningin Taingang-kawali
5. Nagkakaisa at nagtutulungan Matanglawin

V.Takdang Aralin:

Magbigay ng limang iba pang tambalang salita at isulat ang kahulugan nito.

You might also like