You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI –Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO CITY

Banghay Aralin sa Filipino 4


I. Layunin:
A. Pamantayan Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t- ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang
pagkakasunod -sunod at nakagawa ng poster tungkol sa binasang teksto.
C. Pamantayan sa Pagkatutuo
Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa kasalungat.
(F4PT-lg-1.4 )
II. Paksang Aralin:
Mga Salitang Magasalungat ang Kahulugan

Sanggunian: Curriculum Guide pp. 156, youtube https://youtu.be/NTCzUeWHLho

Kagamitan: powerpoint presentation, mga larawan, metacard, tulang likha ng guro

Pagpapahalaga: Pagkamatulungin, maalalahanin

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral:
Ano-ano ang salitang magkasingkahulugan?
Magbigay ng halimbawa ng salitang magkasingkahulugan.

B. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga sumusunod na mga larawan. Pahulaan sa mga bata ang
katangian ng mga larawan.

Tanong: Ano ang masasabi Ninyo sa mga sumusunod na larawan?


D. Paglalahad:

A. Panuto: panoorin ang video. Ibigay ang mga salitang magkasalungat ang
kahulugan batay sa napanood.
https://youtu.be/NTCzUeWHLho

E. Pagtatalakay:

Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkasalungat?


Bakit mo nasabi na magkasalungat ang kahulugan ng mga ito?

F. Paglalahat:
Ano ang salitang magkasalungat? Kailan masasabi na magsalungat ang
kahulugan ng mga salita?

G. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
Hatiin ang buong klase sa tatlong pangkat. Pumili ng lider na mag-uulat.
Unang Pangkat:
Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakasulat sa
metacard. Isulat ang sagot sa metacard at idikit sa manila paper ang
magkaparehang magkasalungat na mga salita.

mahaba matamis

masipag mabango

mataas

Ikalawang Pangkat:
Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan. Ibigay ang magkasalungat na
kahulugan nito. Isulat ang sagot sa ibaba.

___________ ___________ ___________ ___________


___________ ___________ ___________ ___________

Ikatlong Pangkat
Panuto: Basahin ang tugma. Ibigay ang mga salitang magkasalungat ang
kahulugan. Isulat ang sagot sa ibaba.

Ang Magkaibigan

Magkaibigan sina Ana at Lita kahit sila ay makaiba


Mabait si Ana, masungit naman si Lita
Mabagsik tumitig si Lita habang maamo ang mukha ni Ana
Gayunpaman ay magkaibigan pa rin sila

Masipag si Lita, tamad naman sa mga gawain si Ana


Malusog si Lita samantalang sakitin si Ana
Maingay si Lita subalit tahimik lamang si Ana
Magkabaliktad ang akatangian nila subalit magkaibigan pa rin sila.

H. Pagpapahalaga:
Tanong: Kaninong pangkat ang unang nakatapos ng gawain? Bakit nauna
kayong nakatapos? Mahalaga ba ang pagkakaisa at pagtutulungan sa paggawa
ng gawain? Bakit?

IV. Pagtataya:
Ibigay ang kasalungat ng sumusunod na mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
1. taas
2. luma kulang tuyo
3. manipis
4. basa likod hati
5. harap
baba magaan
6. buo
7. mabigat makapal malayo
8. tama
9. malapit bago mali
10. sobra

V. Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng limang salitang magkasalungat ang kahulugan. Isulat ito sa


kuwaderno.

Inihanda ni:

EDRALY S. SALVO
Master Teacher 1

Iniwasto ni:

ARMELA P. NOBLE
Master Teacher II

Pinatutuhanan ni:

HENRY G. CABE
Principal II

Zamora St., Iloilo City


Email address: toinkchicharon@yahoo.com
School I.D.: 117626 Tel. 3375291/5002650

You might also like