You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima

W7 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagsulat ng Sulating Pormal at Di Pormal sa Anyong Email


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakasusulat ng isang sulating pormal, di pormal (email) at liham na nagbibigay
ng mungkahi. F5PU-IIh-2.9 F5PU-IIj-2.3
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
● Nakasusulat ng sulating pormal (Liham na nagbibigay ng mungkahi) at
di pormal sa anyong e-mail.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 40 minuto Naranasan mo na bang magpadala ng liham o e-mail sa iyong kaibigan o
kamag-anak? Sa araling ito ay iyong matututuhan ang pagsulat ng sulating
Panimula pormal at di pormal sa anyong e-mail.
Ang liham ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na patutunguhan
nito.
May dalawang uri ng liham:
1. Pormal na liham- Ito ay ang uri ng liham na karaniwan ay pili at pormal ang
salitang ginagamit. Taglay nito ang malinaw na pagkakalahad ng intensyon
ng sumulat sa pinadadalhan ng liham. Ginagamit ang liham na ito sa
pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan, aplikasyon sa trabaho,
pangangalakal at iba pa.

Isa sa halimbawa ng pormal na liham ay ang liham na nagmumungkahi. Ang


liham na nagmumungkahi ay isang uri ng pangangalakal. Ginagamit ang
liham pangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan, sa mga bahay-
kalakal, at iba pa.
Sanggunian: Alab Filipino pahina 118

Tingnan ang halimbawa sa ibaba ng isang liham na nagmumungkahi:

Sanggunian: Alab Filipino pahina 119

2. Di Pormal na Liham- Ito ang uri ng liham na karaniwang ginagamit sa


pagsulat sa isang kaibigan o kamag-anak. Hindi pormal ang salitang ginagamit
dito.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba ng isang di pormal na liham:


Sanggunian: https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/7914

Sa panahon ngayon, napapadali na ang pagsasaliksik at pakikipag-usap sa


ibang tao sa tulong ng internet. Ang e-mail o electronic mail ay isang mabilis
na paraan upang makipag-ugnayan sa isang tao kahit nasa malayong lugar.

Sa pagpapadala ng e-mail, isaalang-alang ang sumusunod:


● Sa kahon ng “To” ilagay ang email address ng susulatan.
Ito ang halimbawa ng e-mail address:
anasantos@gmail.com
● Sa kahon ng “Subject”, ilagay ang paksa ng iyong e-mail.
● Isulat ang iyong mensahe.
● Huwag kalimutang maglagay ng bating panimula, bating pangwakas,
at lagda. Dahil ito ay ipadadala bilang e-mail, hindi na kailangang
ilagay ang petsa at pamuhatan.
● I-click ang send upang ipadala ang iyong e-mail.

Sa pagsulat ng email, tandan ang sumusunod na mga paalala:


Mga Paalala sa Wastong Paggamit ng E-mail
1. Baybayin nang buo ang bawat salita. Gumamit ng bantas at malalaking
letra kapag kailangan.
2. Maging magalang sa iyong pagsusulat. Gumamit ng bating panimula at
bating pangwakas.
3. Hindi pribado ang e-mail kaya mag-ingat sa iyong mga sasabihin.
4. Iwasang magbukas ng e-mail mula sa taong hindi mo kilala, Ipakita ito sa
guro o magulang.
5. Iwasan ang pag-click o pagbubukas ng mga link mula sa taong hindi mo
kilala. Ipakita ito sa guro o magulang.
6. Kapag may natanggap na e-mail, tumugon sa lalong madaling panahon.
Sanggunian: Alab Filipino 5, pahina 106-107

Para mas madagdagan pa ang iyong kaalaman hinggil sa aralin, maaari


mong basahin ang Alab Filipino pahina 106-107 at pahina 118-119. Maaari mo
ring bisitahin ang h ttps://lrmds.deped.gov.ph/detail/13641 (Pang-uri at Pagsulat
ng E-mail).
B. Development 60 minuto Ngayon ay ating subukin ang iyong natutuhan sa tinalakay na aralin. Sagutan
Pagpapaunlad ang gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa tamang pagkakaayos ang sumusunod
na e-mail. Kopyahin sa iyong papel o kuwaderno ang template ng e-mail na
makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa template na iyong kinopya

1.
2.

Sanggunian:
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6882

Template ng e-mail:

Mula sa iyong sinagutang gawain, alin sa dalawang e-mail sa itaas ang pormal
na sulatin? Ang di pormal na sulatin? Ano ang iyong naging batayan sa
pagtukoy kung alin ang pormal at di pormal na sulatin?

Saang bahagi ng e-mail ilalagay ang e-mail address? Ang paksa ng liham? Ang
nilalaman ng liham?
C. Engagement 60 minuto Ngayon ay atin pang palalimin ang iyong natutuhan sa aralin. Sagutan ang
Pakikipagpalihan gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang bawat panuto sa
ibaba. Tingnan ang rubriks na magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng gawain.

1. Ipagpalagay mong ikaw ay magpapadala ng e-mail na nagbibigay


mungkahi sa pagpapaganda ng kapaligiran sa punong barangay. Gamitin
ang impormasyon sa ibaba. Ipadala ang iyong e-mail sa sumusunod na e-mail
address: (e-mail address ng guro). Ilagay ang sumusunod na paksa sa “Subject”
ng e-mail: Pormal na Sulatin-Iyong Buong Pangalan

2. Ipagpalagay mong ikaw ay taga-Tagaytay at nais mong anyayahan ang


iyong kaibigan na mamasyal dito. Gamit ang impormasyon sa ibaba ay
magpadala ka ng e-mail sa kaniya. Ipadala ang iyong e-mail sa sumusunod na
e-mail address: (e-mail address ng guro). Ilagay ang sumusunod na paksa sa
“Subject” ng e-mail: Di Pormal na Sulatin-Iyong Buong Pangalan
Halaw sa: https://calabarzon.dilg.gov.ph/131-old-lgus/old-cavite-lgus/568-tagaytay-city
Salin sa Filipino ni: Ancel Ann A. Panganiban
Rubriks sa Pagsulat sa Anyong E-mail

Binabati kita dahil nasagutan mo ang gawain! Ngayon naman ay pumunta


tayo sa susunod na bahagi ng aralin.
D. Assimilation 20 minuto Batay sa sinagutan mong mga gawain ay malinaw mong naunawaan ang
pagsulat ng pormal at di pormal na sulatin sa anyong e-mail. Ngayon ay iyong
Paglalapat
kumpletuhin ang talata sa ibaba upang mapatunayan na naunawaan ang
paksa.
Sa pagsusulat sa e-mail, sa kahon ng ilagay ang email address ng
susulatan, habang sa kahon ng isusulat ang paksa ng iyong e-mail. Samantala
hindi na kailangang ilagay ang at sa e-mail.
V. ASSESSMENT 50 minuto Pumili ng isa (1) mula sa dalawang sitwasyon na makikita sa ibaba. Sumulat ng
(Learning Activity Sheets for
pormal o di pormal na sulatin sa anyong e-mail batay sa sitwasyong iyong pinili.
Matapos nito ay ipadala ang e-mail sa guro: (e-mail address ng guro) na may
Enrichment, Remediation or
subject na: Assessment-Iyong Buong Pangalan
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6)
Tingnan ang rubrik sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 na magsisilbing gabay sa
pagsasagawa ng gawain.

1. Nais mong magbigay ng mungkahi sa health worker sa inyong barangay


kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
3. 2. Sumulat ka sa iyong kaibigan upang ikuwento o ibahagi ang iyong
karanasan sa pag-aaral ngayong panahon ng pandemya. (Ilagay kung paano
ka nag-aaral at ang iyong nadarama dahil sa pagbabago ng pamamaraan
sa pag-aaral ngayong panahon ng pandemya)

Pagbati sa iyo! Ngayon ay alam mo na kung paano sumulat ng pormal at di


pormal na sulatin sa anyong e-mail. Sa susunod na aralin ay ating aalamin kung
paano magsaliksik tungkol sa isang paksa o isyu. Ano-ano kayang mga
kagamitan maaari mong gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa isang paksa o
isyu?
VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _________________________________.
Nabatid ko na _________________________________________.
Naisasagawa ko na ____________________________________.

Prepared by: Ancel Ann A. Panganiban Checked by: Maribeth C. Rieta- EPS Filipino
Ricardo Makabenta

You might also like