You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
City of Malolos

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5


Project BAYANI: Heneral Gregorio H. del Pilar

Kasanayan sa Pagkatuto:

Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga bayaning Filipino.

I. Layunin:
A. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ni
Heneral Gregorio H. del Pilar
B. Naiisa-isa ang mga naging papel at ambag ni Heneral Gregorio H.
del Pilar noong panahon ng Rebolusyong Filipino at digmaang
Filipino-Amerikano.
C. Naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mga magagandang
katangian ni Heneral Gregorio H. del Pilar.

II. Nilalaman:

A. Paksa: Project BAYANI: Buhay ni Heneral Gregorio H. del Pilar


B. Mga Kagamitan:
Brochure ni Heneral Gregorio H. del Pilar
Manila Paper, Metacard
Powerpoint presentation, video presentation

C. Sanggunian

https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/07/talambuhay-ni-
gregorio-del-pilar.html

http://pilipinaskongminamahal.blogspot.com/2011/05/gregorio-del-
pilar-kauna-unahang-bayaning.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Gregorio_del_Pilar

D. Values Integration:
Pagka-makabayan at makabansa

III. Pamamaraan ng Pagkatuto

A. Pagganyak:
LARO: “Laban o Bawi”.
Magkakaroon ng isang laro ang klase. Magpapakita ang guro ng iba’t
ibang larawan ng mga bayani at kikilalanin ng mga mag-aaral ang mga ito.

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin:


Laro: Ikaw ang Star ng Buhay Ko!

Pagpapakita ng mga larawan na may angkop na katangian


taglay ng mga bayani.

Itanong ang mga sumusunod na tanong.


a. Sino ang mga nagtataglay ng mga naturang katangian?
b. Ano- ano ang mga katangiang binanggit sa ating laro?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:

a. Ipanood sa mga mag-aaral ang bahagi ng dokumentaryo


tungkol sa buhay ni Heneral Gregorio del Pilar at ang paraan ng kanyang
pakikipaglaban sa mga Amerikano.

https://www.youtube.com/watch History with Lourd

b. Matapos mapanood ang video, itanong sa mga mag-


aaral kung ano ang naging kontribusyon ni Heneral
Gregorio del Pilar sa ating bansa?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan :

a. Talakayin ang iba pang kaganapan sa buhay ni Heneral Gregorio del Pilar
gamit ang powerpoint presentation at brochure na ipamamahagi sa mga
mag-aaral.

b. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit siya itinuturing na pinakabatang heneral ng Pilipinas?


2. Ano-ano ang magagandang katangian na taglay ng
ating bayaning si Heneral Gregorio del Pilar?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan:

Gawain1.
Indibidwal na Gawain:

Sa tulong ng Graphic Organizer, magtala ng mahahalagang


impormasyon tungkol kay Heneral Gregorio del Pilar. Gamiting
gabay ang mga impormasyon mula sa powerpoint presentation
at brochure ni Heneral Gregorio del Pilar

Maaaring ilagay ang mga sumusunod na impormasyon


upang mabuo ang graphic organizer.
 Personal na impormasyon
 Magagandang katangiang taglay
 Dahilan ng pagiging isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong
panahon ng Rebolusyunaryong Filipino.
 Ang malagim na labanang naganap sa makasaysayang pook ng Pasong
Tirad.
F. Paglinang sa Kabihasaan:

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat at ipagawa ang mga sumusunod na
gawain:
Pangkat 1 – Paint Me a Scene (Mga katangian ni Goyo bilang
pinuno)
Pangkat 2 – Word Hunt (Mga Katangian ni Goyo na dapat tularan
ng mga Filipino)
Pangkat 3- Picture Puzzle (Mahahalagang impormasyon tungkol
kay Goyo)

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

1. Paano ninyo matutularan si Heneral Gregorio H. del Pilar


bilang mamamayang Filipino?
2. Sa inyong palagay, dapat bang kilalanin si Hen. Gregorio H.
del Pilar bilang isa sa mga magigiting na bayaning Filipino?
Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin

Sino si Heneral Gregorio H. del Pilar?

 Isa sa pinakabatang heneral ng hukbong mapanghimagsik si


Gregorio del Pilar o Goyo.
 Siya ay naging sugo sa pakikipanayam sa mga pinunong
Amerikano.
 Siya ay isang pinuno na may matibay na paninindigan.
 Siya ay nagpakita nang kanyang katapangan at kagitingan
sa pakikipaglaban sa Kakarong De Sili, Mambog,Malolos, sa
Paombong,Bulacan, Quingwa(ngayo’y Plaridel)at sa Pasong
Tirad.

I. Pagtataya ng Aralin:

Itambal ang mga inilalarawan sa Hanay A sa wastong sagot sa


Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
A B
_____1. Itinatag ni Julian H. del Pilar sa a. Hen. Eusebio Roque
utos ng kapatid niyang si Hen.
Gregorio H. del Pilar.
_____2. Tawag o palayaw kay Heneral b. Goyo
Gregorio H. del Pilar ng
kanyang mga kababayan.
_____3. Siya ang nagtaas ng ranggo kay c. Hen. Emilio Aguinaldo
Gregorio del Pilar mula sa
pinakamababang kawal .
_____4. Kursong tinapos ni Goyo noong d. Batsilyer ng Sining
Marso,1896.
_____5. Sumama kay Gregorio del e. John Stotsenberg
Pilar nang sumiklab ang
himagsikan laban sa Kastila.
_____6. Naging unang Supremo f. Pasong Tirad
ng Katipunan
_____7. Makasaysayang pook kung saan g. Batalyong del Pilar
siya binawian ng buhay.
_____8. Amerikanong Colonel h. Deodato Arellano
ang napatay sa Quingwa?
_____9. Tiyuhin ni Hen. del Pilar na isang i. Marcelo H. del Pilar
magaling na propagandista.
_____10. Unang naging guro ni Goyo. j. Maestrong Monico

IV. Takdang Aralin

Sumulat ng repleksyon sa inyong journal notebook tungkol sa buhay ng bayani na


tinalakay.

Inihanda ni:
CHARLON DG. SANTIAGO
Master Teacher I, San Juan Elementary School
Balagtas District

______________________________________ ___________________________________

Pinagtibay ni:

VIRGILIO L. LAGGUI, Ph.D.


EPS – Araling Panlipunan

You might also like