You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level Baitang 5

W7-8 Quarter Ikatlong Kwarter Date

I.LESSON TITLE Paggawa ng Proyekto Gamit ang Multimedia at Technology Tools Sa


Pagpapatupad ng Batas
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakakagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at
COMPETENCIES (MELCS) technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan,
kalusugan at kapayapaan EsP5PPP – IIIg-h– 31
Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at
daigdig EsP5PPP – IIIh – 32
III.CONTENT/ CORE CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng
mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa
kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng
kapaligiran
IV. Learning Suggested Learning Activities
Phases Timeframe
A. Introduction/ Unang Malaki ang naging kontribusyon ng multimedia sa kasalukuyan. Sa
Panimula Araw ng lahat ng ating gawain, teknolohiya ang ating ginamit upang mapabilis
Ikapitong ang ating gawain. Nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa iba’t ibang
Linggo panig ng mundo gamit ang teknolohiya. Dahil dito, nagiging isa ang
sistema ng mundo, bawat galaw, bawat pagbabago, ang lahat ay
apektado. Hindi lamang napapansin.
Sa araling ito, malilinang ang iyong kaalaman upang makagawa ng
isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at
kapayapaan. Gayundin, iyong malalaman ang mga paraan kung
paano makikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa
bansa at daigdig.
Suriing mabuti ang mga larawan. Sa palagay mo, ano ang tawag sa
mga larawang ito? Makatutulong ba ang mga ito sa pagpapatupad ng
mga batas?

https://tinyurl.com/9tb7p972 https://tinyurl.com/2kbarpcw
https://tinyurl.com/njmudc32

IV. Learning Suggested Learning Activities


Phases Timeframe
B. Development/ Ikalawa at Sa tulong ng multimedia at iba’t ibang technology tools, gaya ng
Pagpapaunlad Ikatlong kompyuter, internet, compact disc, camera at marami pang iba, maaari
Araw ng tayong makapag-ambag ng isang makabuluhang proyekto at makiisa
Ikapitong nang buong tapat sa mga gawaing makatutulong sa bansa at daigdig
Linggo gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad
ng mga batas.
Mabilis ang pagkalat ng mga mahahalagang impormasyon sa
ating bansa hanggang sa mga karatig bansa dulot ng makabagong
teknolohiya kaya’t ang pag-unlad ay di kataka-taka saan mang dako
ng bansa. Madaling naipapabatid sa mga mamamayan ang mga
proyekto at programa gamit ang iba’t ibang technology tools.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang bawat


pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng
paggamit ng iba’t ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
_____1. Paggawa ng maikling video na nagpapakita ng mga paraan sa
wastong pagrerecycle ng basura.
_____2. Pag upload ng mga larawan ng mga nag-aaway sa barangay.
_____3. Paggawa ng FB page na sumusuporta sa mga programang
pangkalusugan ng pamahalaan.
_____4. Pagwawalang bahala sa mga ipinapatupad na alituntunin sa
paaralan.
_____5. Paggawa ng poster ng wastong paghuhugas ng kamay gamit
ang aplikasyon sa kompyuter.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang balita.


Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Ang Prinsipyo ng Pagkakaisa


salin ni Dolores S. Quiambao

Ang pagkakaisa (solidarity) na nakatutulong upang makita natin ang


ibang tao at mga bansa bilang kapithaya…”ito’y nagsisilbing hamon sa
atin upang balikan natin ang konsepto ng “kapitbahay” na inaalaala
ang bawat tao, kahit na sila ay naiiba sa atin, sila rin ay anak ng Diyos,
kaya nga’t sila ay ating mga kapatid.
Tayo ay tinawag upang paglabanan ang hadlang ng kulay, relihiyon,
kasarain, at antas ng ekonomiya, upang kumilos tayo sa para sa
pandaigdig na kapayapaan at katarungan. Tayo ay isang pamilya at
dapat malampasan natin ang anumang hindi pagkakaunawaan.

Tanong:
1. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Dolores S. Quiambao?
2. Sa iyong palagay, may iba pa bang paraan upang magkaroon
ng pandaigdig na pagkakaisa?
3. Ano ang maaring makatulong sa madaliang pagpapabatid ng
mga programa na makatutulong upang magkaisa ang bansa?
Ipaliwanag ang sagot.

IV. Learning Suggested Learning Activities


Phases Timeframe
C. Engagement/ Ikaapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel, lagyan ng (✓)
Pakikipagpalihan na Araw sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita pakikiisa nang
ng buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig at ()
Ikapitong naman kung hindi.
Linggo _____1. Ang pakikiisa nang buong tapat sa mga programa at
hanggang gawain ng pamahalaan ay nakakatulong sa pag- unlad
Ikatlong ng bayan.
Araw ng _____2. Hindi dapat nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaan
Ikawalong ang mga mag-aaral sapagkat hindi nila ito
Linggo responsibilidad.
_____3. Tungkulin natin ang tumulong at makiisa sa mga gawain
sapagkat ito ay may malaking maitutulong sa bansa
natin.
_____4. Hindi magiging maganda ang resulta ng ating pagtulong
sa mga gawain ng ating pamayanan.
_____5. Maging responsible tayo sa mga gawain na may
malaking epekto sa ating kinabibilangang pamayanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga sumusunod na


sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, iguhit ang masayang mukha (☺)
kung wasto ang isinasaad ng bawat kalagayan at malungkot na mukha
() kung di-wasto.
1. ________ Madaling maipapaalam ang mga programang
makatutulong sa kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng paggamit ng
technology tools.
2. ________ Iwasan ang pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan
upang makaiwas sa stress.
3. ________ Makiisa sa “Clean and Green Program” ng barangay sa
pamamagitan ng pagpo post ng larawan na may kaugnayan dito.
4. ________Magmungkahi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
suhestiyon para sa ikauunlad ng proyekto ng ibang tao para sa
kaunlaran ng bansa gamit ang Facebook.
5. ________Magpahayag ng mapanirang komento tungkol sa
programang pangkalusugan ng pamahalaan gamit ang video.

Gawain sa Pagkatutuo 5: Sa iyong sagutang papel, punan ang tsart. Sa


tulong ng iyong mga magulang o kasamahan sa bahay, isulat sa
unang kolum ang mga proyektong nabuo para sa kaunlaran ng bayan
at sa ikalawang kolum ay ang technology tool na gagamitin upang
maipabatid sa mga mamamayan.

Proyektong Nabuo Para Sa Technology Tool Na Gagamitin


Kaunlaran Ng Bayan Upang Maipabatid Sa
Mamamayan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gamit ang powerpoint presentation


(kung walang kagamitan ay gawin ito sa isang malinis na papel) at sa
tulong ng nakakatandang kasamahan sa bahay, lumikha ng isang tula
na may tatlong saknong na tumatalakay sa mga gawaing na
nakatutulong sa pagpapatupad ng mga batas sa bansa at daigdig.
Maaaring i-video o i-record (kung may kagamitan) ang paglalahad ng
iyong aktwal na output at ipadala sa guro sa pamamagitan ng
facebook messenger o group chat. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

MENSAHE ORGANISASYON AYOS ANYO


5 Malinaw na Maayos na May Nakakaganyak
nailahad ng naisalansan ang tamang ang
mensahe diwa gamit presentasyon
ang
baybay

3 May bahagi May ilang May May ilang


na hindi bahagi na hindi ilang bahagi na
malinaw nasunod ang mali ang hindi
ang diwa gamit at nakaganyak sa
mensahe baybay nakakita/
ng salita nakabasa/
nakapanoon

1 Hindi Magulo ang Mali ang Hindi kaiga-


malinaw bawat diwa ginamit enganyo
ang at
mensahe baybay
ng salita
IV. Learning Suggested Learning Activities
Phases Timeframe
D. Assimilation/ Ikaapat Sa iyong sagutang papel, punan ng tamang salita mula sa kahon
Paglalapat na Araw ang bawat patlang upang mabuo ang isang mahalagang kaisipan.
ng
Ikawalong Impormasyon technology tools proyekto
Linggo
Digital partisipasyon

Sa panahong tinatawag na ___________, nagiging mahalaga ang


kakayahan at talento ng bawat indibidwal. Ang teknolohiya ay tunay
na nakapag-aambag mabilisang pagpapabatid ng mga
____________________. Sa tulong ng multimedia at iba’t ibang
________________, gaya ng kompyuter, internet, compact disc, camera
at marami pang iba, maaari tayong makapag-ambag ng isang
makabuluhang _____________ at mapalaganap ang pagpapatupad
nito sa ating kapwa. Dahil din sa mga ito, mapapataas natin ang
_________________ at interaksyon. ng mga tao sa mga bagay na dapat
ginagawa natin para sa ating bansa kasabay ng makabagong
teknolohiya.

V. REFLECTION - Ikalimang Araw ng Ikawalong Linggo

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 Bilang 4
Bilang 5 Bilang 6

Prepared by: Nerlito M. Del Mundo Checked by: Patrick O. Opeña


Halang Banaybanay Elementary Josephine P. Monzaga
SDO Cavite Province EPS-EsP- Cavite Province

Edited and Beverly D. Sastrillo, EdD LeaPEsPG5-Wk7-8- For Release


reviewed by: Teacher III/ LRE SDO Batangas 20210422-V06
Province

MA. LETICIA JOSE C. BASILAN


EPS-EsP/SDO Batangas Province
PHILIPS T. MONTEROLA
EPS-EsP/Regional Coordinator
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 158-165

You might also like