You are on page 1of 11

PANGHALIP

GRADE 4
PANGHALIP NA PANANONG
Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito
ay maaaring kumakatawan sa tao, hayop, bagay, pook at
gawang itinatanong. May isahan at maraming panghalip na
pananong.
PANGHALIP NA PANANONG
Kinakatawan Isahan Maramihan
tao sino sino-sino
bagay ano ano-ano
bagay na pipiliin alin alin-alin
taong may-ari kanino kani-kanino
taong gumagawa nino nino-nino
bilang ilan ilan-ilan
sukat/dami gaano gaa-gaano
halaga magkano magka-
magkano
Halimbawa
Sinundo ng tatay si Marlo. (ano, sino, alin, nino)
Kumain ako ng mainit na lugaw. (gaano, ilan, ano, ilan)

May alagang sampung aso si Clarisse. (kanino, nino, ilan,


ano)
Alin-alin ang mga napili mong damit?
Ipinadala kanino ang sulat para sa mayor?
Punan ng wastong panghalip na pananong ang patlang.

Ilan
1. ____________ ang mga kaibigan mo?
Magkano ang isang kilo ng asukal?
2. __________
Sino- sino ang paborito mong aktres?
3. ___________
nino ang nobelang binabasa mo?
4. Isinulat ________
Ano-ano ang mga pagkaing nais mong ihanda sa iyong
5. ___________
bertday?
Panghalip na
pamatlig
Ang mga panghalip na ginagamit sa
panghalip

pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawain ay


tinatawag na pamatlig.
Ang mga panghalip na pamatlig na ito, dito,
ganito at heto ay ginagamit ng taong
nagsasalita. Hawak niya o malapit sa kanya
ang itinuturo.
Ang iyon, doon, ganoon, at hayan ang ginagamit kung ang
itinuturo ay malayo sa nagsasalita at sa kausap.
Halimbawa:
1. Ito ang aklat na babasahin ko mamaya.
2. Aba, ganyan din ang dati kong bag.

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay


nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na w at y.
Halimbawa:
1. Ipapasok namin dito ang kabinet.
2. Ligtas doon ang mga anak niya.

Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang
naunang salita ay nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w
at y.
Halimbawa:
1. Ang mga puno rito ay alagang-alaga.
2. Siya ang bantay roon ngayon.
Gayon man, gagamitin ang dito, diyan at doon kung ang naunang
salita ay nagtatapos sa –ri, -ra, -raw, at –ray.
Halimbawa:
1. Hindi maari dito ang dala mong aso.
2. Bihira doon ang maliit na bahay.
3. Araw diyan ng Sabado ngayon, ano?
Pillin ang tamang panghalip na pamatlig sa loob ng
panaklong.
1. (Iyan, Diyan, Hayan) ang gupit sa buhok na bagay sa iyo.
2. (Ito, Dito, Ganito) titira ang mga pinsan mong balikbayan.
3. (Dito, Ganito, Heto) ang twalya. Pumasok ka na sa banyo at
maligo.
Piliin ang panghalip na pamatlig na ginamit sa pangungusap.

1. Dito ang mga taguan ng mga sapatos.


2. Ang mga babaeng sundalo ay hayun.

3. O, heto na ang baon ninyo.


4. Dalhin mo iyan sa iyong lolo.

5. Hayan ang hinahanap nyong aso.

You might also like