You are on page 1of 10

Ang Yamang

Tao ng Asya
Grade 7
Yamang- Tao
Mga mamamayan na bumubuo sa lakas-paggawa na
nagpapatakbo sa ekonomiya at nagsulong sa pag-unlad ng
lipunan.

Demograpiya
Pag-aaral sa katangian at pagbabagong nagaganap sa isang
populasyon na maususuri sa tulong ng mga datos na may
kaugnayan sa bilang, distribusyon at katayuan sa buhay ng
isang populasyon.
Populasyon
Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga naninirahan sa isang
lugar na patuloy na nagbago.
Demograpiya
Pag-aaral sa katangian at pagbabagong nagaganap sa isang
populasyon na maususuri sa tulong ng mga datos na may
kaugnayan sa bilang, distribusyon at katayuan sa buhay ng
isang populasyon.
1. Asya- pinakamalaki at pinakamatao na kontinente sa
buong daigdig
2. - binubuo ng 30% na kabuuang lupain 60%
kabuuang populasyon
3. - may pinakamataas na growth rate.
4. - mahigit kumulang na 4,636,987,835 populasyon at
kasalukuyang tumataas ayon ng United Nations.

Growth Rate- pagtaas ng bilang ng tao sa isang lugar


sa itinakdang taon.
Implikasyon ng Edukasyon
Edukasyon- pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang bansa.
Asya- nagbigay ng malaking importansya sa edukasyon ng kanilang
mamamayan.
Literacy rate-bahgdan ng tao sa isang particular na bansa na may
kakayahang bumasa at sumulat.
Mataas na literacy rate- nagpapakita ito ng mas mataas na tiyansa na
umunlad ang bansa.
Mababa na literacy rate- mabagal ang pagsulong ng kaunlaran ng isang
bansa.
Pilipinas- nakapagtala ng 97.95% na literacy rate.
Kahalagahan ng Kalusugan
Kalusugan- ay mahalaga upang magkaroon ng maganda at positibong
pananaw sa buhay
- mahalagang batayan ng pag-usbong ng ekonomiya sa
isang bansa
Birth Rate- bilang ng buhay na sanggol na ipinanganak sa bawat
1,000 populasyon sa loob ng isang taon
Death Rate- bilang ng mga namatay sa bawat 1,000 populasyon sa loob ng
isang taon
Life Expectancy- inaasahang haba ng buhay ng bawat tao sa Asya
Mataas na birth rate- malaki ang potensyal ng paglaki ng populasyon
Mataas na death rate- maaaring mangahulugang kasalatan sa
aspetong medikal sa lipunan.
Hanapbuhay at Migrasyon
Migrasyon o pandarayuhan- ay ang paglipat ng tirahan ng isang tao mula
sa isang lugar patungo sa ibang lalawigan, lungsod, o ibang bansa
Dalawang uri ng pandarayuhan:
Pandarayuhang panloob- paglipat ng tao mula sa lalawigan o rural
patungo sa lungsod o urban
Pandarayuhang panlabas- paglipat ng tao mula sa kanyang bansa patungo
sa ibang bansa at ang kalimitang dahilan nito ay pagtatrabaho.
Suliranin sa pandarayuhan:
-lumalaki ang bilang ng tao sa lungsod o urban
-kakulangan sa pabahay
-pagkasira sa kapaligiran
-kasalatan sa serbisyong panlipunan

You might also like