You are on page 1of 30

Yamang Tao ng Asya

Populasyon –
tumutukoy sa dami ng
tao sa isang
lugar/bansa
Population Growth Rate
– bahagdan ng bilis ng
pagdami ng tao sa isang
bansa bawat taon
Ang mabilis na pagdami ng
populasyon/tao ay
nangangahulugang
karagdagang presyur sa
likas na yaman ng mundo.
Ang mabilis na pagdami ng
populasyon ay nagpapalala sa
matinding suliranin ng kahirapan
at gutom na nararanasan ng mga
bansa sa Asya at maging ang
pagkasira ng kapaligiran.
Mga suliraning kaakibat ng paglaki ng
populasyon:
pagkawala/pagkaubos/pagkasira ng
likas na yaman, basura,
kontaminasyon sa hangin, tubig at
lupa, at dumarami ang pamayanan na
naghihirap o depressed areas.
Mahalaga ring tingnan ang
komposisyon ng
populasyon. Kung ito ba ay
may bata o matandang
populasyon.
Bata ang populasyon
– 15 pababa
Matanda – 60 pataas
Ang dalawang
klasipikasyong ito aymay
implikasyon at suliranin
sa lipunan:
Bata ang populasyon – marami
ang nangangailangan ng
edukasyon at kalusugan at
malaki ang bahagdan ng
populasyon ang umaasa sa
nakakatanda sa kanilang lipunan
Matanda ang populasyon –
malaki rin ang
pangangailangan sa
aspektong medical at
libangan ng mga ito
Birth Rate – bilang ng buhay
na sanggol na
ipinapanganak sa bawat
1000 populasyon sa loob ng
isang taon
Implikasyon:
Mataas na birth rate –mas
malaki ang potensyal sa
paglaki ng populasyon ng
isang bansa
Mababang birth rate –
maliit ang potensyal ng
paglaki ng populasyon
Death Rate – bahagdan ng
kabuuang bilang ng namatay
sa kabuuang populasyon sa
isang partikular na lugar sa
loob ng isang taon
Implikasyon:
Mataas na death rate – may
kasalatan sa aspetong medical sa
lipunan
Mababang death rate – maganda
ang aspetong medical
Life Expectancy –
inaasahang haba ng
buhay ng tao
Implikasyon:
Marahil dahil sa kaginhawaan sa
buhay at progreso sa larangang
medical at teknolohikal nagiging
mas mahaba ang buhay ng tao sa
mga mauunlad na bansa.
Gross Domestic Product
(GDP) – kabuuang halaga ng
produkto at serbisyong
nilikha ng isang bansa sa
loob ng isang taon
Per Capita GDP – ang GDP
ng isang bansa ay hahatiin
alinsunod sa dami ng
naninirahang mamamayan
dito
Unemployment Rate –
bahagdan ng populasyon na
walang hanapbuhay o
pagkakakitaan kumpara sa
kabuuang bilang ng mga tao sa
lakas paggawa
Literacy Rate – bahagdan ng
populasyon na 10 gulang at
pataas na marunong bumasa
at sumulat
Implikasyon:
Kapag mataas ang literacy
rate, mabilis ang
paggulong ng kaunlaran ng
estado
Kapag mababa ang
literacy rate, mabagal
ang pagsulong ng
kaunlaran ng estado
Migrasyon –
pandarayuhan sa loob ng
isang bansa o sa ibang
panig ng bansa
Maraming tao ang nandarayuhan
dahil:
Trabaho
Kakulangan ng trabaho sa
bansang pinanggalingan
Hindi sapat na kita
Mahalagang salik ang
migrasyon sa kaunlaran dahil:
Sapaghahanap ng trabaho
nakapagpasok sila ng dolyar
sa bansa
Pagbalik nila nangangahulugang
pag-angkat din ng mga
kaisipang nagmula sa ibang
bansa na maaaring gamitin sa
pansariling kapakinabangan
Epekto ng Pandarayuhan sa
Lungsod:
Lumalaki ang bilang ng
populasyon
Pagsisikip ng lungsod
Kakulangan sa pabahay
Pagkasira ng kapaligiran
Pagkalat ng mga sakit
Kasalatan sa serbisyong
panlipunan

You might also like