You are on page 1of 3

Libagon Academy Foundation Inc.

Brgy. Talisay, Libagon Southern Leyte


Araling Panlipunan 7
S.Y. 2021-2022
Quarter 1
Week 8-10
Competencies: Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at
lipunan sa kasalukuyang panahon.

ANG YAMANG-TAO NG ASYA

Isa ang yamang-tao ang susi sa pag-unlad ng isang bansa. Yamang-tao ang mga mamamayan na bumubuo sa lakas-
paggawa na nagpapatakbo sa ekonomiya at nagsusulong sa pag-unlad ng lipunan. Ang pagkakaroon ng malusog, edukado, at may
kakayahang mamamayan ang hangarin ng lahat ng mga bansa.

Demograpiya – pag-aaral sa katangian at pagbabagong nagaganap sa isang populasyon na masusuri sa tulong ng mga datos na may
kaugnayan sa bilang, distribusyon, at katayuan sa buhay ng isang populasyon.

Population Dynamics – nasusuri ang laki at edad ng populasyon bilang isang nagbabagong Sistema na naiimpluwensiyahan ng
prosesong biyolohikal at pangkapaligiran.

Senso – ang pagbilang sa dami ng tao sa isang bayan, lungsod, o bansa.

Populasyon – tumutukoy sa bilang ng mga naninirahan sa isang lugar na patuloy na nagbabago. Ang pagbabago sa populasyon ay
maaring dahil sa pagdami ng tao bunga ng mataas na tasa na panganganak at migrasyon, o dahil sa pagliit ng bilang nag tao sanhi ng
kamatayan at emigrasyon.

Tingnan ang talahanayan 2.1 sa pahina 43 at 44 ng inyong aklat. Tinatayang populasyon ng mga bansang Asyano sa taong 2016 at
tasa ng paglaki ng populasyon.

Populasyon batay sa Edad


May dalawang paraan ang magagamit sa pagsusuri ng populasyon batay sa edad;
1. Dependency ratio – Ginagamit upang masukat at maikompara ang populasyong nagtatrabaho sa populasyong umaasa.
Maaring hatiin ang populasyon ng isang bansa batay sa edad at kakayahan ng mga mamamayan na makapagtrabaho.
a. Populasyong nagtatrabaho (Productive population) – tumutukoy sa bilang ng mga tao sae dad na 15 hanggang 64 na
taon na may isinasagawang kabuhayan. Sila ang sumusuporta sa pangangailangan ng populasyong umaasa.
b. Populasyong Umaasa (Dependent population) – tumutukoy sa mga hindi nakakapagtrabaho tulad ng mga bata mula 15
taon pababa at nakakatanda mula 65 taon pataas.

2. Population Ageing – tumutukoy sa pagbabago ng distribusyon ng edad ng populasyon tungo sa katandaan. Ang
pagbabagong ito ay bunga ng pagtaas ng life expectancy at pagbaba ng fertility rate, na parehong tinuturing na mga
demographic trend sa ika-21 siglo.

Pormula:

Ang Batang Populasyon


Inilalarawan nito ang isang populasyon na mas higit ang bilang ng mga bata, kabataan, at mga nasa tamang gulang. Kadalasan
ang bansang may mga batabf populasyon ay “di-gaanong maunlad ang ekonomiya”. Gayunman, ang bentaha ng isang batang
populasyon ay ang pagkakaroon nito ng malaking mapagkukunan ng lakas-paggawa para sa mga gawaing pangkabuhayan. Ang
disbentaha ng pagkakaroon ng malaking bilang ng batang populasyon ay ang hamon sa pagtugon sa pangangailangan nila sa
pagkain, kalusugan, at edukasyon.

Ang Matandang Populasyon


Mas marami ang bilang ng mga tao na edad 65 taon pataas kompara sa mga bata na may mauunlad na ekonomiya. Ito ay
nakapabibigay nang higit na karanasan sa mga maggagawa. Sila rin ang nagpapasimula ng mga negosyo na makatutugon sa kanilang
mga pangangailangan tulad ng mga produkto at serbisyong pangkalusugan at paglilibang. Gayunman, malaking hamon din sa
ekonomiya ng bansa ang isang matandang populasyon dahil kailangang tustusan ng mga produktibong mamamayan ang mga
pangangailangan ng mga retirado tulad ng pensiyon, helath care at pabahay.

Makikita sa talahanayan 2.2 ang Ekstruktura ng Populasyon Batay sa Edad sa pahina 46-47.

Populasyon Batay sa Kasarian


 Sex Ratio – bilang ng mga lalaki at babae sa isang populasyon. Mahalagang pag-aralan ang sex ratio dahil sa implikasyon
nito sa pagpapakasal.
Makikita naman sa talahanayan 2.3 Ang pagkakahati ng Populasyon Batay sa Kasarian sa pahina 48.

Populasyon Batay sa Life Expectancy


 Life expectancy – bilang ng mga taon na ang isang tao ay inaasahang mabubuhay batay sa statistical average sa isang
bansa. Makukuha ang average sa pamamagitan ng pagkuha ng pangkalahatang populasyon, kabilang ang mga sanggol na
namatay habang ipinapanganak, mga kabataan at mga nasa hustong gulang na, mga namatay sa mga digmaan, at gayundin
ang mga nabuhay hanggang sa pagtanda.

Makikita sa talahanayan 2.4 ang life expectancy ng mga bansa sa Asya.

Populasyon Batay sa Antas ng Literasiya


 Literasiya – tumutukoy sa kakayahan ng tao na bumasa at magsulat.
Mga salik na nakaaapekto sa pagtaas ng antas ng litesiya ng mga bansa
1. Patakaran ng isang pamahalaan sa pagbuo at pagpapatupad ng libre at de-kalidad na edukasyon sa mamamayan.
2. Ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa. Kapag maunlad ang ekonomiya ng isang bansa, may higit na pantustos ang
pampubliko at pribadong sector sa mga programang pang-edukasyon.
3. Ang panlipunang salik na ang kalagayan ng literasiya ay nakabatay sa itinakda ng tradisyon o kaya sa nakagawian na ng mga
tao.

Makikita sa talahanayan 2.5 Ang antas ng Literasiya ng mga Bansang Asyano sa pahina 50-51.

Ang kakayahan ng isang bansa na makalikha ng produkto at serbisyo ay tanda ng pagiging produktibo ng kaniyang yamang-tao. Iba’t
ibang paraan ang ginagamit sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa tulad ng;
1. Gross Domestic Product – ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nilikha ng mga mamamayan at dayuhan sa
loob ng bansa sa isang taon. Ginagamit ito upang mataya ang lakas ng local na ekonomiya. Isang paraan para masukat ang
kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa ay sa pamamagitan ng dami ng naging bunga ng mga gawaing pangkabuhayan
 Tatlong sector ng ekonomiya na nag-aambag sa GDP
1. Agrikultura – Pagsasaka, pangingisda, at forestry.
2. Industriya – pagmimina, manupaktura, at produksiyon ng enerhiya
3. Serbisyo na sumasaklaw sa gawain ng pamahalaan, transportansyon, komunikasyon, at pananalapi.
Makikita sa talahanayan 2.6 ang Taya ng GDP ng mga bansa sa Asya taong 2015 sa pahina 52-53.

2. Unemployment Rate
Makikita sa talahanayan 2.7 Ang lakas-paggawa at Unemployment rate ng mga bansa sa Asya sa pahina 54-55.

3. Per Capita Income – ginagamit na sukatan ng pag-unlad ng isang bansa at pamantayan sa pagtukoy sa kondisyon at kalidad
ng buhay ng mga naninirahan dito. Makukuha ang per capita income kapag hinati ang kabuang kita ng bansa sa kabuuang
populasyon kabilang ang mga kabataan at nakatatanda.

Migrasyon
Tumutukoy sa paggalaw o paglipat ng mga tao mula sa kanilang tirahan patungo sa ibang lugar. Maaring ang layon ng
migrasyon ay paninirahan nang permanente o pansamatala sa isang lugar na kadalasan ay sa ibang bansa.
 Intercontinental – paglipat sa ibang kontinente
 Intracontinental – paglipat mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa na nasa iisang kontinente.
 Interregional – paglipat mula sa isang rehiyon patungo sa ibang rehiyon sa loob ng isang bansa.
 Panloob na migrasyon – paglipat sa ibang lugar na nasa loob ng isang bansa.
 Panlabas na migrasyon – paglipat sa ibang bansa.
 Emigrasyon – pagtungo sa ibang bansa upang maging permanenteng residente o naturalisadong mamamayan ng bansang
iyon.
 Population transfer – pagkilos ng pamahalaan upang ilipat ang malaking bilang ng mga tao mula sa kanilang lupang
sinilangan patungo sa ibang lugar bunsod ng patakarang panrelihiyon at diskriminasyon sa lahi.
 Impelled migration – kusang pag-alis ng ilang tao mula sa kanilang bansa dala ng magulong sitwasyon tulad ng digmaan.
 Step migration – pagpapalipat-lipat ng tao mula sa kaniyang kinalakihang lugar patungo sa ibang baryo, bayan, o lungsod.
 Chain migration – ang serye ng migrasyon na sinimulan ng isang kasapi ng pamilya na lumipat sa ibang bansa. Kalaunan ay
kukunin niya unti-unti ang mga kapamilya upang makasama niyang mamuhay sa bagong lugar.
 Seasonal migration – paglipat na udyok ng pagbabago sa klima o pangangailangan sa trabaho.
 Return migration – kusang-loob na pagbabalik ng mga migrante sa kanilang orihinal na pinaninirahan.

Mga Pangkat-Etniko sa Asya


 Etnisidad – tumutukoy sa mga gawaing kultural na nagbibigay pagkakakilanlan sa isang pangkat ng tao.
 Mga batayan na ginagamit sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mamamayan;
o Wika o Relihiyon
o Kasaysayan o Kasuotan
o Pinagmulan o Palamuti
 Etnolinggwistika – ginagamit bilang pamantayan sa pagpapangkat sa mga tao upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan na
dulot ng pagkakategorya ng tao ayon lamang sa lahi.
 Stereotyping – pagbuo ng kaisipan na ang isang ugali o asal ay taglay ng lahat ng kasapi ng isang pangkat etnolinggwistiko.
 Scapegoating – kadalasang paninisi sa isang pangkat ng anumang kamalian o kapahamakan na wala silang kinalaman.
 Plural Societies – mga lipunan ng mga pangkat-etniko na sama-sama sa isang kaayusang political at pangkabuhayan.
o Mayoryang Grupo – ang mga tao na mas marami at mas makapangyarihan.
o Minoryang Grupo – ang pangkat ng mga tao na may maliit na bilang na kadalasan ay nakararanas ng diskriminasyon
tulad ng hindi pagsali sa kanila sa mga political na usapin at kawalan ng pangkabuhayang oportunidad.
Makikita sa talahanayan 2.10 Ang mga pangkat Etnolinggwistiko sa mga Bansa sa Asya sa pahina 60-62.

Mga Gawain: Isulat ang lahat ng sagot sa isang buong papel.

Gawain blg. 1
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Ito ay tawag sa paglipat na udyok ng pagbabago o klima o pangangailan ng tao.
2. Magbigay ng isang rason na nagtutulak sa mga tao na umalis sa lupang paninirahan nila.
3. Ito ay paglipat mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa na nasa iisang kontinente.
4. Tumutukoy sa paggalaw o paglipat ng mga tao mula sa kanilang tirahan patungo sa ibang lugar.
5. Ginagamit sa sukatan ng pag-unald ng isang bansa at pamantayan sa pagtukoy sa kondisyon at kalidad ng buhay ng mga
naninirahan dito.
6. Kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nilikha ng mga mamamayan at dayuhan sa loob ng bansa sa isang taon.
7. Tumutukoy sa kakayahan ng tao na bumasa at magsulat.
8. Tumutukoy sa bilang ng tao na ang isang tao ay inaasahang mabubuhay batay sa statistical average sa isang bansa.
9. Ito ay tungkol sa bilang ng mga lalaki at babae sa isang populasyon.
10. Sila ang nagpapasimula ng mga negosyo na makatutugon sa kanilang mga pangangailangan.
11. Ginagamit ito upang masukat at maikompara ang populasyong nagtatrabaho sa populasyong umaasa.
12. Populasyong di-gaanong maunlad ang ekonomiya.
13. Nasusuri ang laki at edad ng populasyon bilang isang nagbabagong Sistema na naiimpluwensiyahan ng prosesong
biyolohikal at pangkapaligiran.
14. Pag-aaral sa katangian at pagbabagong nagaganap sa isang populasyon.
15. Susi sa pag-unlad ng isang bansa.

Gawain blg. 2 (Isulat ang sagot baba at sa likod)


Panuto: Bilang isang mag-aaral sa Araling Panilpunan 7, nais kong kapanayamin mo ng hindi bababa sa dalawang tao na lumipat o
nakapunta na sa ibang bansa.

Mga gabay na katanungan:


1. Bakit mo naisipang mangibang bansa?
2. Gaano kahirap ang mapunta sa ibang bansa gayong iba ang kanilang kultura?
3. Ano ang meron sa ating bansa na iyong ipanagmalaki sa bansang napuntahan?

Proyekto 2: TAONG PAPEL


Panuto:
Gumupit ng hugis ng tao gamit ang cardboard. Ito ang kakatawan sa iyong sarili bilang yamang tao. Isulat sa mga bahagi ng
pigura ang mga katangiang dapat taglayin ng isang yamang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang sarili at ang bansa.

Sa ulo, isulat ang mga nararapat isipin;


Sa kamay at paa, ang mga nararapat gawin at maisakatuparan; at
Sa puso, ang mga nararapat na maging damdamin ng isang huwaran at produktibong yamang tao.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG TAONG PAPEL


PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Detalye Mahusay na inilahad ang mga nararapat na katangian bilang yamang tao 8
Disenyo Masining na nagawa ang pigura. Angkop ang kulay at mga nakapaloob na 6
guhit.
Pagpapaliwanag Malinaw ang pagpapaliwanag sa gawang pigura. 6
KABUUAN 20

Ms. Edelyn B. Custinar


09164276707
Araling Panlipunan Teacher
FB Account: Ydeelen BC

You might also like