You are on page 1of 18

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Impluwensya ng Klima at Lokasyon
sa Pagbuo at Paghubog ng
Pamumuhay sa Isang Lugar

1
2
Impluwensya ng Klima
Aralin
at Lokasyon sa Pagbuo at
1 Paghubog ng Pamumuhay
sa isang Lugar
Ang lokasyon at klima ay may malaking bahaging ginagampanan
sa pamumuhay ng mga tao. Ito ay nakaiimpluwensya sa mga
produktong ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim, sa pagluluto ng
pagkain, pananamit, uri ng bahay, at sa pagpili ng mga tao ng kanilang
trabaho.

Sa mga taong nakatira sa pook urban o mga lungsod na may


makapal na populasyon, maaring ang kanilang trabaho ay sa pabrika
o opisina. Sa kabilang banda, maaring ang karamihan ng trabaho sa
pook rural naman o mga lugar na malayo sa kabayanan, ay may
kinalaman sa pagsasaka at pangingisda.
Tuklasin

Halika at ating tuklasin kung ano nga ba ang sikreto sa dulo ng


bahaghari.
Basahin at unawain ang kwento sa ibaba.

Si Pedro at ang Bahaghari


ni Joemar J. Bancifra

Sa isang malayong nayon naninirahan ang mag-asawang sina


Pablo at Maria. Bagamat sila ay hindi pa nabibiyayaan ng anak, likas
na sa mag-asawa ang pagiging mabuti at masipag. Si Pedro ay isang
magsasaka at ang kanyang sinasaka ay inuupahan niya lamang.

Isang hapon habang papauwi na si Pablo mula sa pagsasaka ay


may nakasalubong siyang matanda na hindi niya kilala.
Pablo: Manong, saan po ang punta ninyo?
Matanda: Pupunta sana ako sa kakilala ko dala ang isang daang piso at
baon ko sa paglalakbay subalit ito ay nanakaw.
Pablo: Naku! Manong, marami talagang magnanakaw ngayon. Halika
manong, samahan mo na ako pauwi at ng makakain ka na sapagkat
malapit na ring sumapit ang gabi.
Dinala nga ni Pablo ang matanda pauwi ng kanilang
tahanan at binati naman sila ng butihing asawa at saka
naghanda ng pagkain para sa kanilang hapunan.
Kinabukasan, paggising nila ay wala na ang matanda. Ang
naiwan na lamang ay isang sulat. “Bukas ng umaga may makikita
kayong bahaghari at sa dulo nito ay makikita ninyo ang kayamanan.”

Nagtaka ang mag-asawa pero sa isip nila ay nais din nilang


subukan puntahan ang bahaghari at kahit anuman ang nasa dulo nito
ay tatanggapin nila. Sa araw na iyon pumunta na rin si Pablo sa
sakahan.
Si Maria ay pinuntahan sa kanilang tahanan ni Guada, ang
kanilang kapitbahay upang manghingi ng malunggay kay Maria.
Guada: Maria, hihingi sana ako ng malunggay.
Maria: Oo naman, kumuha ka na lang diyan.
Guada: Pero makikiinom muna sana ako. Uhaw na uhaw ako sa
init.
Maria: Sige pasok ka.
Lingid sa kaalaman ni Maria ay nabasa ni Guada ang sulat na
labis nitong ikinagulat.
Dali daling umuwi si Guada para sabihin sa kanyang asawa ang
nakita nito, at dahil sa likas na pagkagahaman ang mag-asawa ay
nagplano silang unahan sina Pablo at Maria sa kayamanan.
Kinaumagahan ay may
bahaghari nga na lumitaw
kaya nagsimula ng maglakad
sina Maria at Pablo. Lingid sa
kanilang kaalaman ay nauna
na pala ang gahamang mag-
asawa. Agad na naghukay
ang gahamang mag-asawa
hanggang sa nakita

nila ang baul. Tuwang tuwa ito kaya agad binuksan at nakita nila ang
laman na mayroong mga ginto at supot. Tinapon nila ang supot dahil
mga buto lamang ang laman nito at agad silang umalis. Dumating
naman sina Pablo at Maria at laking gulat nila na may hukay na ito at
nakita na lamang nila ang naiwang supot na naglalaman ng buto. Inisip
na lamang nila na baka mayroon pang mas nangangailangan sa
kayamanan. Kaya umuwi na lamang sina Pedro at Maria.

Kinabukasan ay nabigla sina Pablo at Maria dahil sa biglaang


pag-alis ng gahamang mag-asawa at kasama sa pag-alis nila ang mga
ginto. Binenta na rin nila ang lupang sakahan kina Pablo na agad
naman nitong binili dahil sa mura ito at may naipon pa naman sila.
Tuwang tuwa sina Pablo dahil may lupa na umano sila kaya dali-dali
nila itong ginamit sa pagsasaka at
tinamnan ng mga buto na
kanilang nahanap sad ulo ng
bahaghari, kahit di pa nila ito
alam.
Makalipas ang mga araw at
buwan at namangha ang mag-
asawang Pablo at Maria sa nakita
nila. Ang mga buto na kanilang
tinanim ay malulusog na mga
gulay at prutas pala.
Simula noon ginawa nila itong negosyo at umunlad ang kanilang
pamumuhay.
Sa kabilang dako, sina Guada at ang kanyang asawa ay
naghirap naman dahil sa walang humpay na paggastos sa di
makabuluhang bagay.
Binabati kita at natapos mong basahin ang kwento tungkol kay
Pedro at ang bahaghari. Ngayon naman ay gumuhit ka ng isang kahon
sa iyong kuwaderno at isulat sa loob ng kahon kung bakit mahalaga
ang pagsasaka?

Magaling! Maari ka ng magpatuloy sa susunod na bahagi ng


Modyul na ito.
Suriin

Mga Salik Heograpikal na Nakaiimpluwensiya sa


Pagbuo at Paghubog ng Uri ng Pamumuhay sa
Rehiyon
Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ang
karaniwang nakaiimpluwensya sa kung anong paraan ng pamumuhay
ang nalilinang ng mamamayan at anong uri ng kabuhayan ang
nabubuo na siyang pinagkukunan ng mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao. Dalawa sa mga salik heograpikal ang
bibigyang pansin sa modyul na ito, ang klima at ang lokasyon ng isang
lugar. Tunghayan, suriin at matuto sa mga ito.

A. Klima Bilang Salik Pang Heograpikal


Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng
atmospera o hangin na nakapaligid sa daigdig na nararanasan sa isang
partikular na lugar o rehiyon.
Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa paghubog ng uri
ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Ito ang isa sa nagiging
basehan sa kung anong uri ng pananim ang maaaring payabungin, uri
ng tahanan na maaaring ipagawa, kasuotan at maging sa kung anong
uri ng trabaho ang papasukan.

Ano ang klima sa iyong lalawigan ngayon? Tag-ulan ba o tag-


araw? Giniginaw ka ba o naiinitan? Halina at ating tuklasin ang tungkol
sa klima bilang isang salik na nakaiimpluwensiya sa pagbuo at
paghubog ng uri ng pamumuhay sa mamamayan ng ating rehiyon.
Klima sa Gitnang Luzon
May pagkakaiba sa uri ng klima ang mga lalawigan sa
Gitnang Luzon ayon sa pagpatak ng ulan sa rehiyon.

Ang lalawigan ng Aurora ay halos maulan sa buong taon. Ito ay


dahil sa nakaharap ang lalawigan sa Dagat Pilipinas at Karagatang
Pasipiko kung kaya’t madalas itong daanan ng bagyo. Samantala, sa
mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija, maikli ang tag-
init at walang tiyak na panahon ng tag-ulan. Magsinghaba naman ang
tag-araw at tag-ulan sa mga lalawigan ng Bataan, Tarlac at Zambales.

Dahil ang Gitnang Luzon ay malapit sa Kanlurang Dagat ng


Pilipinas, Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko, nakararanas ito ng
mainit na temperatura.
Malaki ang kinalaman ng klima sa pamumuhay ng mga tao.
Nakaiimpluwensiya ang mga ito sa uri ng pananim na naaani, uri ng
pananamit at pagpili ng trabaho o hanapbuhay.
Ilan sa mga halimbawa ng mga produktong naaani sa mga
lalawigan na nakabatay sa klima ay ang mga sumusunod:
Palay at mais ang kalimitang
mga pananim at pinagkakakitaan
ng mamamayan sa mga lugar na
halos buong taon ang tag-araw.
Pagtatanim ang

pinakapangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan ng


mamamayan sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga at
Zambales.
Niyog at tubo naman ang
pinakaangkop na pananim para sa
mga lugar na higit ang panahon ng
tag-ulan kaysa tag-araw. Ang mga
lalawigan naman ng Aurora, Bataan,
Bulacan at
Tarlac ang may mataas na ani ng mga produktong niyog at tubo at ito
na rin ang kanilang pangunahing hanapbuhay.

B. Lokasyon Bilang Salik Pang heograpikal


Mayroong kaugnayan ang pisikal na
kapaligiran ng isang lugar sa uri ng
pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
Sa paglalarawan mo sa pisikal na katangian
ng iyong lalawigan maaring mailalarawan
mo rin ang mga kaugalian
at kabuhayan na binuo ng mamamayan.
Ang Gitnang Luzon ay napaliligiran ng Pangasinan sa hilagang
kanluran; Kanlurang Dagat Pilipinas sa kanluran, Bundok Sierra
Madre sa silangan at ang Pambansang Punong Rehiyon,
CALABARZON at mga katubigan ng Look ng Maynila sa timog.
Taglay ng rehiyon ang may pinakamalaking kapatagan sa bansa.
Tinaguriang “Bangan ng Bigas ng Pilipinas” (Rice Granary of the
Philippines) ang Gitnang Luzon dahil ito ang pangunahing
pinagkukunan ng bigas sa buong kapuluan.

11
Mga Hanapbuhay sa Gitnang Luzon
Malaki ang kinalaman ng lokasyon sa
pamumuhay ng mga tao. Pagsasaka ang
karaniwang hanapbuhay sa Gitnang Luzon
partikular sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil
dito matatagpuan ang pinakamalawak na
kapatagan sa buong bansa. Maliban sa
pagsasaka, pangingisda rin ang
ikinabubuhay ng mamamayan sa ilang mga lalawigan dito tulad ng
Aurora, Bataan, Pampanga at Zambales dahil sa kalapitan ng mga ito sa
mga anyong tubig tulad ng Karagatang Pasiko at Kanlurang Dagat ng
Pilipinas, mga lawa at mga ilog na dumadaloy dito.

Pagmimina naman ang


pinagkukunan ng kabuhayan ng mga
lalawigan na malapit sa mga
bulubunduking lugar tulad ng Zambales.
Mayroon ding industriyang pantahanan at
pagproproseso ng mga produkto ang
hanapbuhay ng
mamamayan sa rehiyon tulad ng paggawa ng asin at bagoong sa
lalawigan ng Bataan. Pagpoproseso
at paggawa ng asukal sa lalawigan ng
Tarlac. Paggawa ng mga kutsilyo,
kagamitan sa pagluluto, alahas at paso sa
lalawigan ng Bulacan.

Ang mga Lalawigan ng Rehiyon III at ang mga Produkto


at Kabuhayan na Mayroon ang mga Ito Dulot ng
Lokasyon ng mga Lalawigan.
LALAWIGAN KABUHAYAN

Aurora Pinagkukunan ng mga produktong kahoy tulad


ng tabla at poste.
Tanyag sa malalaking deposito ng copper.
Bataan May mga palaisdaan.
Gumagawa rin ng asin at bagoong.
May mga palaisdaan.
May industriya ng baboy.
Bulacan
Gumagawa rin ng mga alahas.
Paggawa ng kutsilyo, itak, bakya at paso.
Nangunguna sa produksyon ng palay sa buong
Nueva Ecija
Pilipinas.
May mga palaisdaan.
Pampanga Gumagawa ng mga inukit na kagamitan at
muwebles.
Pagsasaka
Tarlac
Produksiyon ng asukal.
Mayaman naman ang lalawigan sa Chromite.
Sagana sa troso at mataba ang lupa na
Zambales
taniman ng mga gulay at prutas.
May mga palaisdaan.

Tunay nga na malaki ang impluwensya ng lokasyon at klima sa


pagbuo at paghubog ng pamumuhay sa ating rehiyon.
Pagyamanin

A. Panuto: Piliin ang kaugnay na pisikal na katangian ng isang lugar na


inilalarawan ng bawat aspekto ng kultura. Maaaring maraming
beses gamitin ang pagpipilian. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon
sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Itaas ng bundok c. Tabing dagat


b. Lungsod d. Kapatagan

_____ 1. Maagang nagigising ang mga tao sa pagpunta sa


bukid.
_____ 2. Mabilis ang kilos ng mga tao papunta sa opisina.
_____ 3. Malaking bahagi ng produkto ay nanggagaling sa
pangingisda.
_____ 4. Karamihan sa mga awit at kuwento ay ukol sa
pangangalaga sa kagubatan.
_____ 5. May mga awit na patungkol sa pagsasaka.

B. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang nilalaman ng pahayag


ay wasto at isulat naman ang Mali kung hindi wasto ang pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa
pagpili ng pananim ng mga magsasaka sa mga
lalawigan ng Rehiyon III.
_______ 2. Pagtatanim ang pinakapangunahing pinagkukunan ng
pagkakakitaan ng mamamayan sa mga lalawigan ng
Nueva Ecija, Pampanga at Zambales.
_______ 3. Ang klimang nararanasan sa Rehiyon III ay
magkakapareho sa dami ng ulan na nararanasan ng
bawat lalawigan.
_______ 4. Naiimpluwensyahan ng lokasyon ng isang lugar ang
uri ng kabuhayan ng mamamayan nito.
_______ 5. Karaniwang pagsasaka ang kabuhayan ng mga
lalawigan ng Zambales, Bataan at Aurora dahil
malapit ang mga lokasyon ng mga ito sa dagat.

C. Panuto: Lagyan ng impormasyon ang loob ng kahon ayon sa


hinihingi. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.
Magtala ng isang produkto mula sa mga piling lalawigan ng
Rehiyon III batay sa lokasyon at klima nito.

1.

4.
2.

3. 5.

D. Panuto: Gumawa ng likhang-sining o poster na naglalarawan ng


pagpapahalaga sa mga hanapbuhay sa Gitnang Luzon at gawaan
ito ng maikli ngunit makabuluhang interprestasyon. Gawin ito sa
isang malinis na papel.
Rubrik para sa paggawa ng Likhang-Sining.
Mahusay na
Mahusay Paghusayan pa
Batayan mahusay
(3 puntos) (1 puntos)
(5 puntos)
Pagka- Nagawa ang Nagawa ang Hindi naipakita
malikhain likhang- sining sa likhang- sining sa ang pagka-
pinaka- malikhaing malikhain sa
malikhaing paraan paggawa ng
paraan. likhang-sining
Kalinisan Malinis at Malinis ngunit Hindi malinis at
at maayos ang hindi gaanong walang
kaayusan ginawang maayos ang kaayusan ang
likhang-sining pagkagawa ng ginawang
likhang- sining likhang- sining
Interpre- Naipaliwanag sa Naipaliwanag sa Hindi naipaliwa-
tasyon pinakamalinaw malinaw na nag nang
na paraan ang paraan ang malinaw ang
ginawang ginawang ginawang
likhang- sining likhang- sining likhang-sining

E. Panuto: Hanapin ang limang (5) mga salita na tumutukoy sa mga


salik heograpikal na nakaiimpluwensya sa pagbuo at paghubog ng
uri ng pamumuhay ng mamamayan sa ating rehiyon. Gawing clue
ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Pinagkukunan ng kabuhayan ng mga malapit sa
bulubundukin.
2. Lalawigan na ang isa sa kabuhayan ay ang pagpoproseso at
paggawa ng asukal.
3. Mineral na mayaman sa lalawigan ng Zambales
4. Tanyag ang Bataan sa malaking deposito ng mineral na ito.
5. Pangmatagalang kalagayan ng atmospera.
A S D F G C H J K L
O A I Y P H P F Z P
D H U I K R I D X O
R T E U L O U S D I
P A G M I M I N A U
S R F D M I Y A R Y
B L V B A T T Q G T
Y A R H E E R W H R
E C O P P E R K J E
Z X C V B N M L Q W

Magaling! Kahanga-hanga! Dahil nasagot mo ng tama ang mga


tanong, maaari mo nang ituloy ang mga susunod na gawain.

Tayahin

Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang bago ang


bilang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____ 1. Ang hanapbuhay pati na tirahan at gawain ay


nakaiimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao.
_____ 2. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng
lugar.
_____ 3. Ang heograpiya ng isang lugar ang karaniwang
nakaiimpluwensya sa kung anong paraan ng
pamumuhay ang nalilinang ng mamamayan.
_____ 4. Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa
paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga tao.
_____ 5. Nakararanas ng malamig na temperatura ang
Gitnang Luzon.
Susi sa Pagwawasto

Magkakaiba ng gawa
D

Magkakaiba ng sagot
C

.3 Mali
.5 Mali .2 Tama
.4 Tama .1 Tama
B

Magkakaiba ng sagot .3 C
Karagdagang Gawain .5 D .2 B
.4 A .1 D
A
.5 Pagyamanin
.4
Magkakaiba ng sagot
.3
Tuklasin
.2
.3 Di-materyal
.1 .5 Materyal .2 Materyal
Tayahin .4 Di-materyal .1 Di-materyal
Klima .5 Balikan
Magkakaiba ng gawa .4 Cooper
Isagawa .3 Chromite .3 Mais
.2 Tarlac .5 Pagmimina .2 Aurora
Magkakaiba ng sagot Pagmimina .1 .4 NIyog .1 Klima
Isaisip E Subukin

You might also like