You are on page 1of 10

GRADE 2-FILIPINO Second Term LT2

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Sa pangungusap na Ang Luneta ay makasaysayang lugar. Ang pantangi sa pangungusap ay--a. Luneta b. Ang c. makasaysayang d. lugar

2. Sa Pangungusap na Ang anak ng guro ay naglilinis ng paaralan. Siya ay masipag. Ang/ ang mga salitang di-tiyak ay--- a. anak c. siya, anak at paaralan b. paaralan d. Anak at guro

3. Ang salitang paaralan ay isang--a. tao b. Bagay c. pook d. Hayop

4-5 . Ang magkapitbahay ay nagkita sa Mall of Asia. > Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapakita ng--a. Kasarian ng pangngalan b. Uri ng pangngalan c. Kailanan ng pangngalan > Ang salitang magpipinsan ay --a. Isahan b. Dalawahan c. maramihan

1. Ang mga pangngalang Intramuros, Kawit, Cebu ay halimbawa ng a. Pambalana b. Di-tiyak c. Pantangi

2. Sa mga salitang inahin, drayber, dukesa, modista ang naiibang kasarian ay--a. Dukesa b. Tiya c. drayber d. modista

3. Ilan ang pangngalan sa pangungusap na nakasulat sa loob ng kahon? Ang mga kaklase ni Gina ay nag-aaaral sa silid-aralan. a. 2 b. 3 c. 4 d. 5

4. Ang panlalaki ng INAHIN ay--a. Inahino b. Inahon c. tandang d. Tandong

5. Ang mga salitang nars, madre, prinsesa ay mga pambabae. a. Tama b. Mali

6. Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. a. Tama b. Mali c. minsan

II. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ang nakasalungguhit na salita ay tao, B kung bagay, H kung hayop at L kung lugar.

_____1. Mahilig kumain ng pansit at siopao si Juanita. _____2. Ang probinsya namin ay nasa timog ng Luzon. _____3. Mamamasyal sina Jun at Eva sa Luneta sa Linggo. _____4. May nakita kaming tigre at ahas sa Avilon Zoo. _____5. Si Binibining Maria Gomez ang guro namin sa Sibika at Kultura. _____6. Ang SM Mall of Asia ay ang pinakamalaking mall sa bansa. _____7. Humiram ka ba ng aklat mula sa silid-aklatan?

_____8. Si Ginang Corazon Aquino ang dating pangulo ng Pilipinas. _____9. Ang dyaryo na binabasa ni Tatay araw-araw ay ang Philippine Star. _____10. Dumalo sa pagtatanghal ang mga magulang, guro, at kaibigan ng mga mag-aaral.

Isulat ang wastong pantukoy: ang, ang mga, si, sina, ni o nina sa patlang. 1. ______ Ashley ay magaling gumuhit. 2. Parehong doktor ang ama _______ Alex at Andy. 3. Malakas na tumatahol_____aso mo, Caloy. 4. Ang mga proyekto ______ Edward , Dan, Val at Mel ang napili ng guro. 5. Inilagay ____ Sheila ang kanyang libro sa bag. 6. Malambing ______bunso kong kapatid.
7. ___________prutas na saging, papaya, at ubas ay masustansiya.

PANUTO: Tukuyin ang kailanan ng pangngalang nakasalungguhit sa bawat

pangungusap. Isulat 1 kung isahan, 2 kung dalawahan at 3 kung maramihan.


. .

____1. Si Mang Ikong ay an gaming ka-barangay na masipag na mangisngisda. ____2. Ang palay at mais ay pangunahing produkto ng mga sakahan sa Gitnang Luzon. ____3. Makapal na sweater ang suot ng magpipinsan dahil malamig ang panahon sa Lungsod ng Baguio. ____4. Ang aking kamag-aral ay nakatira sa isang condominium. ____5. Maagang gumising ang mag-ama para manghuli sa dagat. ____6. Parehong iginuhit ni Vince ang dalawang bahay ng mga Tausug.

. . .

____7. Ibat ibang namumungang puno ang nakita ng magkapatid noong sila ay pumunta sa probinsya. ____8. Madami kaming nakita mga kambing sa bukiran. ____9. Nagpunta ang magtiyo sa simbahan kahapon.

. .

____10. Ang mga mag-aaral ng Grade 3 Tupas ay mabubuting bata.


Isulat ang panghalip panao na angkop sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa kahon. Tayo Siya Sila Kayo Kami

16. Ako at si Jiana sa sasali sa paligsahan. Mag-eensayo ___________ palagi. 17. Sabi ko kay Juliana at Jiana, Maaari ba ____________ pumunta sa aking kaarawan? 18. Gusto ko imbitahin ang aking mga kaklase sa aking party. Sana makapunta ________________.

19. Si kuya, ate, at ako ay magsisimba. Pupunta ____________ sa St. James the Great Parish. 20. Kung gusto nating manatiling masigla, ____________ ay dapat mag-ehersisyo. 21. Si Juliana ay magsasayaw sa palabas mamaya. Panoorin natin __________. 22. Sila Maria, Juan, at Jose ay magbabakasyon. ______________ ay pupunta sa Boracay. 23. _______________ ay mag-aaral dahil gusto natin makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. Bilugan and panghalip na angkop sa pangungusap.

24. And aking laruan ay bigay ng aking nanay. Paborito ko (siya, ito, tayo). 25. Jiana, (kayo, iyon, ikaw) ay gusto kong makausap. 26. Tingnan mo ang ibon. (Iyan, Iyon, Ito) ay mataas ang lipad. 27. Ang suot mong kuwintas ay maganda. Ingatan mo (iyan, iyon, sila). 28. Ako at si Kim ay gutom na. Hindi pa (sila, tayo, kami) kumakain. 29. Si Ginang Cruz ay ang aking guro. (Ito, Sila, Siya) ay mabait sa akin. 30. (Ang, Si, Ang mga) Mang Bert an gaming janitor sa paaralan. 31. (Ang. Ang mga, Sina) alaga kong pusa at aso ko ay mabalahibo. 32. (Sina, Si, Ang) Jun, Sam, at Paul ay tumatakbo sa playground. 33. (Sina, Ang, Ang mga) prutas na saging, papaya, at ubas ay masustansiya.

I. Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap. 1.Sila ay nag-aaral para sa maikling pagsusulit. 2. Magdidilig siya ng mga halaman mamayang hapon. 3. Ang kanyang kuya ang nagmaneho papunta sa ospital.

4. Madaming mga empleyado ang tumakbo kaninang umaga. 5. Ang mga bata ay nagbabasa ng aklat. 6. Si Bea ay nag-aayos ng dekorasyon para sa Pasko. 7. Ang aming banda ay tutugtog sa Kaarawan nya. 8. Siya ay mag aalaga ng aso sa kanilang bahay. 9. Ang mag ama ay umakyat ng bundok kahapon. 10. Ang kanilang pamilya ay nagbibigay regalo sa mga bata.

II. Piliin ang angkop na pandiwang bubuo sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Kami ay araw araw _____________ a. kakain b. kumakain ng gulay. c. kumain

2. Masaya siya dahil sila ay ____________ a. magbabakasyon

sa Amerika sa susunod na linggo.

b. nagbakasyon c. nagbabakasyon

3. Ang mga mag-aaral sa grade 2 ang ________________ ngayon. a. sumayaw b. sasayaw c.sumasayaw

4. Bukas ay ________________ ang kanilang kamag anak galling Japan. a.dumating b. dadating c. dumadating

5.Si Edward ay laging __________________ ng kaniyang takdang aralin. a.gagawa b. gumawa c. gumagawa

6.Sila ay _________________ sa radyo kahapon. a. nakinig b. nakikinig c. makikinig

7.__________________ nila sa susunod na buwan ang gym. a. ginagamit b. gagamitin c. ginamit

8. Ang guro ay laging _______________________ sa kanilang paaralan. a. pumasok b. papasok c. pumapasok

Suriin ang pangkat ng mga pandiwa. Kahunan ang pandiwang may naiibang aspekto at isulat kung ang iyong kinahunang pandiwa ay nasa aspektong naganap, nagaganap o magaganap. 1. naglilinis, nagluluto, naglalaba, maglalaro:

_________________________ 2. lumalangoy, naglalakad, tatakbo, tumatalon:

_________________________ 3. magtatanong, sumagot, mag-uusap, mamasyal:

_________________________

4. bumibili,

nagbenta,

nagwalis,

kumuha:

_________________________ 5. matutulog, manunuod, kakanta, sumali;

_________________________

Basahin ang istorya. Isulat ang pang-uring angkop para sa pangungusap. Pumili mula sa mga salita sa kahon.
tuwang tuwa

masasarap

asul

magagandang simple

isang

mabait

Ngayon ay Kaarawan ni Janna at siya ay tatlong taong gulang na. Ang kanyang magulang ay naghanda ng _______________party para sa kanya dahil siya ay ________________ na bata.Bumili ang kanyang tatay ng _________________ na mga lobo at _________ keyk. Nagluto ang kanyang nanay ng mga ___________________ na pagkain. Dumating ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak . Nakatanggap siya ng _________________ regalo. Siya ay ________________.

Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol. _______________________ 1. Ang Tagaytay ay mas malamig kaysa sa Ilocos. _______________________ 2. Pupunta sila sa magandang parke. _______________________ 3. Pinakamatangkad siya sa grupo. _______________________ 4. Ang magkasingbilis silang magbasa. _______________________ 5. Mabango ang mga bulaklak na binigay niya. _______________________ 6. Pinakamatalino ang kanyang anak sa klase.

_______________________ 7.Siya ay mas masipag kaysa sa kanyang kapatid.

A. Palitan ang mga pangngalang may salungguhit. Gamitin ang ibat ibang panghalip panao, 1. 2. Si Josh at ako ay magkaklase. ____________________ ay matalik na magkaibigan. Sina nanay, tatay at kuya ay nakilala rin si Josh. Natututwa ___________ dahil sa kanyang kabaitan, 3. Josh, aalis ka na ba? ________ ba ay may kasama pag-uwi? 4. Si Kuya Lito po ang susundo sa akin. _____________ po ang panganay kong kapatid. 5. Dalhin mo itong pansit sa iyong Lolo at Lola. Sabihin mo sa ________________ na gusto rin naming silang makilala. 6. Isulat ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa patlang. __________________1. Makupad kumilos ang pagong. __________________2. Malakas ang batang kumakain ng gulay. __________________3. Ang mga pagkain sa mesa ay malinamnam. __________________4. Ang bata ay magaling sumayaw. __________________5.
7.

Maginaw ang klima sa Baguio.

Lagyan ng tsek ang patlang kung ang mga salitang nakasalungguhit ay Magkasalungat.

________1. Bago nga ang bahay ni Ana , ngunit luma naman ang kanilang oto. ________2. Tahimik na nagdadasal si Nato. Si Lisa naman ay maingay na nanood ng TV. ________3. Mabait ang mga guro ko, mabuti silang lahat sa kin. ________4. Ang maayos na bata ay madaling natuto kaysa sa magulo. ________5. Mabangis ang hayop sa gubat. Maamo ang hayop sa sakahan.

You might also like