You are on page 1of 3

FILIPINO Grade 3

PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE


Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: _________________
Baitang 3 - __________________________________________________ Marka: _______/45

I. Basahin at unawaing mabuti ang akda.

ANG KARITON NI ANTON

Bata pa si Anton nang maulila sa mga magulang. Wala ring kamag-anak na


kumupkop sa kanya kaya’t sa murang gulang, natuto siyang mamuhay na mag-isa.
Ginamit niya ang kariton na tanging kayamanang naiwan sa kanya ng kanyang mga
magulang. Sa buong maghapon, masipag siyang nanghihingi ng mga bote , karton, at
lumang dyaryo. Bago magdilim, ipinagbibili niya ang mga ito at ang kanyang kinita ay
ipinambibili naman niya ng pagkain.

Kahit na isa nang ulila, nangangarap din si Anton na umunlad ang kanyang buhay.
Kaya’t sa tulong ng kanyang kariton at mga naipong pera mula sa mga naipagbiling bote,
karton , at lumang draryo ay bumili siya ng sari-saring paninda. Ilan sa kanyang mga itininda
ay mga damit na gamit na pero hindi naman luma. Nagtitinda rin siya ng mga gamit na
pandekorasyon. Sa bawat kinikita niya ay nagtatabi siya ng pera. Maliban pa rito ay
tumutulong din siya sap ag-iigib ng tubig para sa mga kapitbahay na nagbabayad sa
kanya ng pera.

Hindi nagtagal ay nagkatapos ng pag-aaral si Anton bilang iskolar. Nakatapos siya


ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo. Namasukan siya sa isang mall. Dahil sa
kasipangan, mabilis na umangat ang kanyang posisyon hanggang sa makamit niya ang
pinakamataas na tungkulin.

Nang magkaroon siya ng sapat nap era, nagdesisyon siya na magtayo ng sariling
negosyo hanggang sa magkaroon ng sariling mall. Masayang-masaya si Anton, dahil sa
kanyang kariton at sa kanyang pagsisikap, nakamit niya ang kanyang pangarap.

Para sa bilang 1-5, Sagutin ng Oo o Hindi batay sa mga pangyayari sa binasang kwento.
(5 puntos)
_________1. Si Anton ang pangunahing tauhan sa kwento.

_________2. Siya ay naulila sa mga magulang noong bata pa.

_________3. Isang tiyahin ang kumupkop sa kanya.

_________4. Pinag-aral siya sa isang mahusay na paaralan.

_________5. Isang kariton ang tanging kayamanang naiwan sa kanya ng mga magulang

niya.

FILIPINO GRADE 3– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBREs- Pahina 1 ng 3


FILIPINO Grade 3
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE
II. Lagyan ng ang pandiwang nasa aspektong nagaganap. (10 puntos)

1. (Natuwa, Natutuwa) ang mga guro sa mga mag-aaral na mahusay umawit at


sumayaw.

2. (Nag-eehersisyo, Nag-ehersisyo) si Mark tuwing umaga bago pumasok sa trabaho.

3. Ang magkakaibigan ay (nanood, nanonood) ng konsyerto ng tanyag na mang-


aawit.
4. Linggo-linggo, (dumalaw, dumadalaw) kami sa aming lolo at lola.

5. (Pumupunta, Pumunta) sina Nancy, Macky at Sam sa tabing dagat tuwing


Sabado.

6. Si Mariz ay (naglakad, naglalakad) sa pagpasok araw-araw.

7. Tuwing walang pasok, ang mag-anak ay (namamasyal, namasyal) sa lunsod.


8. (Naglibot, Naglilibot ) sa iba’t ibang bansa ang babae para sa kanyang trabaho.

9. Si tatay ay (umarkila, umaarkila) ng jeep tuwing sira ang kanyang sasakyan.

10. Ang mga manlalaro ay (nagpapraktis, nagpraktis) araw-araw sa gym.

III. Isulat sa patlang ang anyo ng aspektong magaganap ng pawatas ng pandiwang


nasa panaklong.(10 puntos)
(umahon) 1. Ang mga bata ay___________________na maya-maya sa paliligo sa
tabing-dagat.
(humipo) 2. Huwag kang___________________ sa kaldero dahil mainit iyan.
(magdala) 3. ___________________ako ng payong; masama ang panahon.

(matuwa) 4. Tiyak na sa inyo ang mga magulang ninyo.

(manghuli) 5. Ang pulis ay sa Edsa naman___________________ ng mga lumalabag


sa batas-trapiko.

(bumaba) 6. Sabi ni Marie, ___________________ na raw sila sa loob ng kalahating


oras.
(madulas) 7. Tiyak na ___________________ ako rito kasi bagong bunot ang sahig.

(mag-impok) 8. ___________________ na ang mag-asawa para sa kanilang anak.

(umalsa) 9. Huwag kang mainip at ___________________ rin ang niluluto mong


keyk.

(makinig) 10. Opo, ___________________ akong mabuti sa sasabihin ninyo.

FILIPINO GRADE 3– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBREs- Pahina 2 ng 3


FILIPINO Grade 3
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE
IV. Kahunan ang pang-uri sa pangungusap. (5 puntos)

1. Ang kutis ng dalaga ay makinis.

2. Panis na ang ulam na nasa mesa.

3. Dilaw na rosas ang iniabot sa guro.

4. Ang bundok na inaakyat nila ay matarik.

5. Kami ay sadyang masayahin.

V. Salungguhitan ang pangalan o panghalip na inilalarawan. ( 5 puntos)

1. Matigas ang kahoy na narra.

2. Ang batang iyon ay maputing-maputi.

3. Tuwid ang kawayang dala ni Dondon.

4. Malungkot siya sap ag-alis ng kanyang kaibigan.

5. Bakit ka mahiyain ngayon?

FILIPINO GRADE 3– PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBREs- Pahina 3 ng 3

You might also like