You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYONG PANTANHANAN AT PANGKABUHAYAN 4

Pangalan: ________________________________________________________________
Panuto: Basahin ng mabuti at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang tamang sagot.
1. Saan maaring itanim ang halamang ornamental na lumalago?
a. likod ng bahay b. gitna ng halamanan
c. kahit saan basta tutubo d. tamang makakasama nito
2. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
a. pagkukunan ng pagkain b. pagkukunan ng pagkakakitaan
c. kaayusan ng paligid at tahanan d. bagay na makakauunlad sa mga proyekto
3. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may malambot at di makahoy na tangkay?
a. Bermuda b. Daisy
c. Morning glory d. Rosal
4. Ang halamang Bermuda grass o carpet grass ay mainam itanim sa ________________.
a. mabatong lugar b. paso sa loob ng bahay
c. paso sa labas ng tahanan d. malawak o bakanteng lugar
5. Saan maaring itanim sa ating bakuran ang mga punong ornamental na matataas?
a. kahit saan b. harap ng bahay
c. gilid, kanto o gitna d. fishpond sa halamanan
6. Ang mga halamang ornamental na mababa ay itatanim sa_______________?
a. gilid ng daanan b. kanto ng bahay
c. gitna ng halaman d. harapan ng bahay
7. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga halamang___________.
a. di namumulaklak b. mababang halaman
c. matataas na halaman d. halamang nasa tubig
8. Saang lugar dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin?
a. kahit sa saan b. likod ng bahay
c. lugar na maalagaan d. panabi o pagilid ng tahanan.
9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng halamang ornamental?
a. malalaki ang puno b. mayayabong ang dahon
c. napakaraming dahon at sanga d. namumulak o di-namumulaklak
10. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?
a. sa plastik na sisidlan b. paso na may tubig
c. fishpond sa halamanan d. gilid ng daanan o pathway

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Isulat ang MALI
kung hindi.
_______11. Kailangang magsaliksik tungkol sa paghahalaman kung nais mong madagdagan ang iyong
kaalaman sa pagtatanim.
_______12. Ang halamang ornamental ang isa sa mga nagbibigay ng kagandahan sa tahanan.
_______13. Walang silbi ang mungkahi ng mga eksperto kung ikaw ay magtatanim.
_______14. Magiging mabenta ang mga halaman kung kaaya-aya ang mga paso nito.
_______15. Tutubo kaagad ang mga halamang iyong itinanim kahit hindi na diligan.
_______16. Kailangang magsagawa ng survey kung hindi mo gaanong alam ang pagtatanim ng isang
halaman.
_______17. Ang pakikipagpanayam sa mga mga eksperto sa pagtatanim ay makakatulong sa maayos na
pagpapatubo ng halaman.
_______18. Ang pagsasagawa ng survey ay nakakatulong sa pagkalap ng mga mahahalagang impormasyon
sa pagtatanim.
_______19. Aksaya sa pera at oras ang paggamit ng internet sa pagsasaliksik.
_______20. May mga halamang ornamental na namumulaklak at di-namumulaklak.
______21. Napapalamig at napapaberde ng halamang ornamental ang kapaligiran.
______22. Ang mga halamang ornamental ay nakabibigay ng sariwang hangin.
______23. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
______24. Hindi maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental.
______25. Ang mga halamang ornamental ay nakakatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
______26. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng liwanag at kulay sa lansangan.
______27. Walang kasiyahang dulot sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
______28. Kailangang linisin ang paligid ng mga halaman.
______29. Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat na atensyon at pag-aalaga.
______30. Kusang tumutubo ang mga itinanim na halamang ornamental.

Magbigay ng mga kagamitan sa paghahalamanan


31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.

You might also like