You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Divisions of Bulacan
District of Norzagaray West
BARAKA ELEMENTARY SCHOOL
Barangay Baraka, Norzagaray, Bulacan

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4


UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT – UNANG MARKAHAN

Pangalan: _______________________________________Petsa: ___________________Iskor:


Baitang/Seksyon: Grade 4 – Masunurin Guro: Ms. Sarah Mae G. Perez 20
I. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.
______1. Napapalamig at napapaberde ng halamang ornamental ang kapaligiran.
______2. Ang mga halamang ornamental ay nakabibigay ng sariwang hangin.
______3. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
______4. Hindi maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental.
______5. Ang mga halamang ornamental ay nakakatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
______6. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng liwanag at kulay sa lansangan.
______7. Walang kasiyahang dulot sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
______8. Kailangang linisin ang paligid ng mga halaman.
______9. Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat na atensyon at pag-aalaga.
______10. Kusang tumutubo ang mga itinanim na halamang ornamental.
II. Panuto: Basahin ng mabuti at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin at isulat sa patlang
ang tamang sagot.
_____11. Saan maaring itanim ang halamang ornamental na lumalago?
a. likod ng bahay c. kahit saan basta tutubo
b. gitna ng halamanan d. tamang makakasama nito
_____12. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
a. pagkukunan ng pagkain
b. pagkukunan ng pagkakakitaan
c. kaayusan ng paligid at tahanan
d. bagay na makakauunlad sa mga proyekto
_____13. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may malambot at di makahoy na
tangkay?
a. Bermuda b. Daisy c. Morning glory d. Rosal
_____14. Ang halamang Bermuda grass o carpet grass ay mainam itanim sa ______.
a. mabatong lugar c. paso sa labas ng tahanan
b. paso sa loob ng bahay d. malawak o bakanteng lugar
_____15. Saan maaring itanim sa ating bakuran ang mga punong ornamental na matataas?
a. kahit saan c. gilid, kanto o gitna
b. harap ng bahay d. fishpond sa halamanan
_____16. Ang mga halamang ornamental na mababa ay itatanim sa_______________?
a. gilid ng daanan c. gitna ng halaman
b. kanto ng bahay d. harapan ng bahay
_____17. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga halamang______.
a. di namumulaklak c. matataas na halaman
b. mababang halaman d. halamang nasa tubig
_____18. Saang lugar dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin?
a. kahit sa saan c. lugar na maalagaan
b. likod ng bahay d. panabi o pagilid ng tahanan.
_____19. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng halamang ornamental?
a. malalaki ang puno c. napakaraming dahon at sanga
b. mayayabong ang dahon d. namumulak o di-namumulaklak
_____20. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?
a. sa plastik na sisidlan c. fishpond sa halamanan
b. paso na may tubig d. gilid ng daanan o pathway

_____________________________ _____________________________
Teacher’s Signature Parent’s Signature

You might also like