You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Iloilo
District of Leon I
Canananman Integrated School
IKALAWANG KWARTER NA PAGSUSULIT SA EPP 4 (AGRIKULTURA)

Pangalan: ________________________________________ Iskor: _________

I. Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

______ 1. aquatic plant a. gumamela


______ 2. herbal plant b. orkidya
______3. aerial plant c. mangga
______4. shrub d. oregano
______ 5. punong prutas e. petsay

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung
hindi.

______ 6. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinis


ng hangin.
______ 7. Ang halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at pamayanan.
______ 8. Maaring ipagbili ang itatanim na halamang ornamental.
______9. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng halamang
ornamental.
______ 10. Nakapagpapaganda ng kapaligiran ang mga itatanim na halamang ornamental.
______11. Ang shrub ay isang mababang punong kahoy na mayabong.
______12. Kailangang piliing mabuti ang lupang pagtatamnan.
_____13. Ang halamang shrub ay mga bulaklak na may matitigas na sanga at may taas na
mahigit
5 talampakan.
______14. Ang puno ng fire tree ay isang halimbawa ng halamang ornamental.
______15. Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat na atensyon at pag-aalaga.
______16. Maaaring magbenta ng halaman sa pamamagitan ng pag post sa social media.
______17. Hindi na kailangang alamin ang klimang nababagay sa halamang ornamental.
______18. Ang rosas at gumamela ay ilan sa mga halimbawa ng halamang ornamental.
______19. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nangangailangan ng atensyon at pag-
aalaga.
______20. Ang mga halamang ornamental na gumagapang ay tinatawag na herb.
III. Basahin ng mabuti at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang tamang sagot.

21. Saan maaring itanim ang halamang ornamental na lumalago?


a. likod ng bahay
b. gitna ng halamanan
c. kahit saan basta tutubo
d. tamang makakasama nito
22. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
a. pagkukunan ng pagkain
b. pagkukunan ng pagkakakitaan
c. kaayusan ng paligid at tahanan
d. bagay na makakauunlad sa mga proyekto

23. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may


malambot at di makahoy na tangkay?
a. Bermuda
b. Daisy
c. Morning glory
d. Rosal

24. Ang halamang Bermuda grass o carpet grass ay mainam itanim sa ________________. a.
mabatong lugar
b. paso sa loob ng bahay
c. paso sa labas ng tahanan
d. malawak o bakanteng lugar
25. Saan maaring itanim sa ating bakuran ang mga punong ornamental na matataas?
a. kahit saan
b. harap ng bahay
c. gilid, kanto o gitna
d. fishpond sa halamanan

26. Ang mga halamang ornamental na mababa ay itatanim sa_______________?


a. gilid ng daanan
b. kanto ng bahay
c. gitna ng halaman
d. harapan ng bahay

27. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga halamang___________.


a. di namumulaklak
b. mababang halaman
c. matataas na halaman
d. halamang nasa tubig
28. Saang lugar dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin?
a. kahit sa saan
b. likod ng bahay
c. lugar na maalagaan
d. panabi o pagilid ng tahanan.

29. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng halamang ornamental?


a. malalaki ang puno
b. mayayabong ang dahon
c. napakaraming dahon at sanga
d. namumulak o di-namumulaklak

30. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?


a. sa plastik na sisidlan
b. paso na may tubig
c. fishpond sa halamanan
d. gilid ng daanan o pathway

You might also like